Share

Kabanata 121

Lumapit si Selena kay Mr. Meyer at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

"Tama siya, Mr. Meyer! Nanggugulo ang mga taong yan. Dapat may gawin kayo!"

Lumapit ang ilang procurement staff upang patunayan ang mga sinabi ni Selena.

"Mr. Meyer, nandito lang ako para uminom kasama ng mga customer. Noong naghahanap kayo ng mga trabahador, sabi niyo na part-time job lang yun na may bayad na three hundred kada araw! Hindi ko ibebenta ang sarili ko!"

Humagulgol ng parang isang namamatay na banshee ang babae. Napaiyak siya sa tindi ng sakit na kanyang naranasan. "P-pero pinilit nila akong—"

Hindi nila inasahan ang ginawa ni Mr. Meyer; umalingawngaw ang isang malakas na sampal bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya. "Hindi ka talaga nag-iisip!"

"Anong ibig mong sabihin, Mr. Meyer?" Ang pagalit na tanong ni Selena.

Tumawa si Mr. Meyer. "Anong problema niyo? Problema 'to ng kumpanya namin!" Ang sagot ni Mr. Meyer. "Tsaka, di ba dapat alam mo na ang mangyayari kapag magtrabaho ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status