Share

Kabanata 120

Author: Moneto
Nakahinga ng maluwag ang mga empleyado ng procurement department nang makita nilang madaling napabagsak ni Fane ang tatlong miyembro ng gang. Hindi maitatanggi na may kakayahan si Fane upang maging bodyguard ng Drake Family.

Sumugod ang pulutong ng mga kalalakihan mula sa VIP room pagkatapos silang tawagin ng isa sa kanila.

"Diyos ko! Ang dami nila!"

Nagulat si Sonia at ang iba pa sa nangyari. Napaatras sila, sa takot na madamay sila sa oras na magsimula ang gulo.

"Salamat, Sir! Maraming maraming salamat!" Agad na nagtago sa likod ni Fane ang babae pagkatapos siyang bitawan ng mga lalaki. "Pero marami sila," nag-alala siya sa mga mangyayari. "Sir, a-anong gagawin mo?"

Nginitian lamang siya ni Fane. "Diyan ka lang sa likod ko. Huwag mo kong alalahanin; ako si Fane Woods. Kahit na nandito pa ang hari ng lahat ng mga diyos, hindi niya susubukang kalabanin!"

Sinipa ni Fane ang lalaking may tato sa sikmura. Tumalsik ang lalaki at sumalpok sa ibang lalaki na pasugod kay Fane.

"
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edwin Anayatin
hahaha action ang tittle pero comedy pala ito, akalako naman kung kung gyera na kasi mandirigma hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 121

    Lumapit si Selena kay Mr. Meyer at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon. "Tama siya, Mr. Meyer! Nanggugulo ang mga taong yan. Dapat may gawin kayo!" Lumapit ang ilang procurement staff upang patunayan ang mga sinabi ni Selena. "Mr. Meyer, nandito lang ako para uminom kasama ng mga customer. Noong naghahanap kayo ng mga trabahador, sabi niyo na part-time job lang yun na may bayad na three hundred kada araw! Hindi ko ibebenta ang sarili ko!" Humagulgol ng parang isang namamatay na banshee ang babae. Napaiyak siya sa tindi ng sakit na kanyang naranasan. "P-pero pinilit nila akong—" Hindi nila inasahan ang ginawa ni Mr. Meyer; umalingawngaw ang isang malakas na sampal bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya. "Hindi ka talaga nag-iisip!" "Anong ibig mong sabihin, Mr. Meyer?" Ang pagalit na tanong ni Selena. Tumawa si Mr. Meyer. "Anong problema niyo? Problema 'to ng kumpanya namin!" Ang sagot ni Mr. Meyer. "Tsaka, di ba dapat alam mo na ang mangyayari kapag magtrabaho ka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 122

    "G-gusto ko sana… pero hindi ba makapangyarihan yung taong nasa likod nila? Anong gagawin natin kapag…" Kinagat ni Selena ang mapupula niyang labi at bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hehe. Honey, permiso mo lang ang hinihintay ko. Kapag sinubukan nila akong saktan, parang kinalaban na din nila ang mga Drake, di ba?" Natawa si Fane at bumulong sa tenga ni Selena. Agad na kumislap ang mga mata ni Selena sa mga sinabi ni Fane. Tama siya! Isa na siyang elite bodyguard ng Drake family. Bukod pa dun, mataas ang tingin ni Ms. Tanya kay Fane. Kapag may nangyaring masama sa kanila, magiging ayos lang ang lahat kung tutulungan sila ng Drake family. Wala silang dapat ikatakot!"Nakakatuwa naman kayong tingnan." Kinutya sila ni Mr. Meyer nang makita niyang nagbubulungan ang dalawa. "Naghahamon ka ng gulo, huh? May koneksyon kami sa Clark family. Alam niyo na; ang Clark family, yung pangalawang pinaka maimpluwensyang pamilya sa lungsod. Pinagsisisihan mo na ba ang katangahan m

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 123

    Pagtingin ni Dan sa direksyong itinuro ni Mr. Meyer, kumibot ng husto ang mukha niya na para bang naiistroke siya. Sa mga oras na ito, napagtanto ni Dan na inagrabyado ng brother-in-law niya ang isang taong hindi niya dapat banggain!Nitong nakaraang mga araw, nakahinga siya ng maluwag noong malaman niya na sinama ni Young Master Clark ang kakilala niyang marshal upang tapusin si Fane, ngunit umuwi pa ring luhaan si Young Master Clark. Sinabi niya na walang nagawa si Marshal Dennis Howard, sa kabila ng mga sinabi ni Marshal Dennis na papatayin niya si Fane. Pumasok sila sa loob ng bahay nila Fane at nagdiskusyon. Bandang huli, kinumbinsi ni Marshal Dennis si Young Master Clark na huwag niyang papakialaman si Fane; mapapahamak ang buong Clark family kapag ginalit nila si Fane. Muling natulala si Dan sa nalaman niya. Alam niyang malakas si Fane, ngunit hindi niya inasahan na kahit si Marshal Dennis ay hindi mangangahas na hawakan kahit na ang isang hibla ng buhok ni Fane. Malaki a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 124

    “A—Ah!”Umalingawngaw ang isang malakas na sigaw; ito ay isang sigaw na lubos na nakpangingilabot. Napapikit na lamang ang karamihan sa mga tao sa paligid dahil sa sobrang takot. "Honey, tara na!" Kinuha ni Fane ang malaking bag at ipinatong ito sa balikat niya. Tumingin siya sa babae at sinabing, "Gusto mo pa bang magtagal dito? Umuwi ka na!" Natulala ang babae sa kanyang nasaksihan, at nahimasmasan lamang siya noong tinawag siya ni Fane. Agad siyang sumunod sa kanila Fane paalis ng KTV. "Huwag ka nang magtatrabaho ulit sa ganitong klaseng lugar!" Pinagsabihan siya ni Selena. "Bakit mo ba naisipang magtrabaho sa ganitong klaseng lugar? Ano bang ginagawa mo?" kumunot ang noo ni Selena habang tinatanong niya ang babae. Tumingin ang babae kay Fane at Selena, at lumuhod siya sa harap nila. "Maraming salamat sa pagliligtas niyo sakin! A-ako si Jessica Fair, at nagtatrabaho ako sa Labor and Social Security Bureau. Kaso napilitan akong maghanap ng iba pang trabaho para maipagamot

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 125

    Hindi alam ni Selena kung anong sasabihin niya. Parang walang halaga ang pera para kay Fane; para bang rolyo lang ng toilet paper ang pera para sa kanya. Masyado siyang mabait sa babaeng yun. "Kung ganun, magkano ba dapat binigay ko sa kanya? Gusto mo ba bawiin ko yung pera?" Pagkatapos niyang mag-isip-isip, nagbago ang isipan ni Fane. "Kalimutan mo na yun. Wala namang rason para bawiin ko pa yung binigay ko!" Nanahimik lamang si Selena at ngumiti lamang kay Fane. "Hayaan mo na. Kumikita ka naman ng 20 million kada buwan e! Magiging mayaman na tayo sa loob lang ng dalawang buwan na pagtatrabaho mo para sa Drake family, at magiging mga zillionaire tayo pagkalipas ng isa o dalawang taon." "Honey, hindi naman na tayo kapos sa pera ngayon…" "Sige magyabang ka pa, lalo na ngayon na paubos na ang pera mo." ipinitik ni Selena ang kanyang dila. "Kailangan mong matutunan kung paano mo gagamitin ng tama ang pera mo, naintindihan mo? Kung hindi ko lang kailangang turuan ng leksyon si So

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 126

    Sa tapat ng KTV, naglakad ang lalaking may dragon na tato, na si Ned, kasama ang mga tauhan niya. "P*ta. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti!" Nanggigil nang husto si Ned, punong puno siya ng galit. Patuloy na nagbaga ang galit na kanyang nararamdaman. "B-Boss, baka dapat kalimutan na lang natin yun," ang sabi ng isa sa mga tauhan ni Ned pagkatapos nitong mag-isip-isip. "Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Dan? Kahit si Young Master Clark ay takot na kalabanin yung lalaking yun!" “Si Dan ang pinaka malakas na fighter ng Clark Family, alam mo ba yun?" ang pagpapatuloy ng tauhan niya. "Pero tingnan mo ang nangyari. Yumuko siya at nanginig sa takot noong makaharap niya si Fane Woods. Pinutol pa nga niya ang isang kamay ng brother-in-law niya dahil lang inutusan siya ng lalaking yun!" Nag-alinlangan si Ned noong marinig niya ang sinabi ng tauhan niya. Subalit, agad siyang ngumiti at nagsalita. "Hmph. Ano namang dapat nating ikatako

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 127

    Sa sandaling ito, tila may naalala si Selena. Tinapik niya ang balikat ni Fane. "Sandali. Huminto ka!" Agad na pinarada ni Fane ang electric scooter sa gilid ng kalsada. "Anong problema?" "Mahusay makipaglaban si Dan Jameson, pero ni hindi niya inangat ang kamao niya sayo. Humingi siya agad ng tawad sayo." "Tapos sinabi niya pa kay Mr. Meyer na takot si Young Master Clark sayo. Bakit? Sino ka ba talaga?" Nag-uusisang nagtanong si Selena. Napangiti lamang si Fane noong marinig niya ang mga sinabi ni Selena. "Dahil dati akong sundalo. Nilabanan ako ni Dan dati, pero hindi naman yun talaga matuturing na laban. Nagbunong-braso kami. Natalo siya at pinutol niya ang daliri niya dahil alam niyang hindi niya kayang pantayan ang lakas ko. Aaminin ko, isa siyang tunay na lalaki. Yun ang dahilan kung bakit takot sakin si Young Master Clark…"Huminto sandali sa pagsasalita si Fane bago siya nagpatuloy, "Isipin mo. Kahit na ang pinakamalakas na tauhan ng mga Clark ay walang laban sakin.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 128

    "Oo. Napakahusay ng lalaking yun. Wala kaming laban sa kanya kasi konti lang kami!" Agad na nagsumbong si Ned. "Master Howard, dinungisan ng lalaking yun ang pangalan mo. Sinabi namin sa kanya na tauhan mo kami, pero sinabi niya samin na basura ka daw!" "Yung p*tang yun! Ang lakas ng loob niyang maliitin ako, ang dakilang si Master Howard?" Malamang ito ang unang beses na binalewala si Master Howard. Halos sumuka siya ng dugo sa sobrang galit niya. Ginamit niya ang kanyang mga kamao upang maabot ang posisyon niya ngayon; ang Dragon God Clan ay itinuturing na isa sa pinaka kilalang clan sa siyudad. Hindi sila ang pinaka malakas, ngunit walang sino man ang nagtangkang galitin sila. Karaniwang hindi nakikialam ang mga organisasyong gaya nila sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga aristocrat. Ayaw nilang magsimula ng mga walang kabuluhang labanan. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya mapigilang magtanong pagkatapos niyang magsalita. "Oo nga pala, isa bang aristocrat ang bwis

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status