Share

Kabanata 127

Author: Moneto
Sa sandaling ito, tila may naalala si Selena. Tinapik niya ang balikat ni Fane. "Sandali. Huminto ka!"

Agad na pinarada ni Fane ang electric scooter sa gilid ng kalsada. "Anong problema?"

"Mahusay makipaglaban si Dan Jameson, pero ni hindi niya inangat ang kamao niya sayo. Humingi siya agad ng tawad sayo."

"Tapos sinabi niya pa kay Mr. Meyer na takot si Young Master Clark sayo. Bakit? Sino ka ba talaga?"

Nag-uusisang nagtanong si Selena.

Napangiti lamang si Fane noong marinig niya ang mga sinabi ni Selena. "Dahil dati akong sundalo. Nilabanan ako ni Dan dati, pero hindi naman yun talaga matuturing na laban. Nagbunong-braso kami. Natalo siya at pinutol niya ang daliri niya dahil alam niyang hindi niya kayang pantayan ang lakas ko. Aaminin ko, isa siyang tunay na lalaki. Yun ang dahilan kung bakit takot sakin si Young Master Clark…"

Huminto sandali sa pagsasalita si Fane bago siya nagpatuloy, "Isipin mo. Kahit na ang pinakamalakas na tauhan ng mga Clark ay walang laban sakin.
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 128

    "Oo. Napakahusay ng lalaking yun. Wala kaming laban sa kanya kasi konti lang kami!" Agad na nagsumbong si Ned. "Master Howard, dinungisan ng lalaking yun ang pangalan mo. Sinabi namin sa kanya na tauhan mo kami, pero sinabi niya samin na basura ka daw!" "Yung p*tang yun! Ang lakas ng loob niyang maliitin ako, ang dakilang si Master Howard?" Malamang ito ang unang beses na binalewala si Master Howard. Halos sumuka siya ng dugo sa sobrang galit niya. Ginamit niya ang kanyang mga kamao upang maabot ang posisyon niya ngayon; ang Dragon God Clan ay itinuturing na isa sa pinaka kilalang clan sa siyudad. Hindi sila ang pinaka malakas, ngunit walang sino man ang nagtangkang galitin sila. Karaniwang hindi nakikialam ang mga organisasyong gaya nila sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga aristocrat. Ayaw nilang magsimula ng mga walang kabuluhang labanan. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya mapigilang magtanong pagkatapos niyang magsalita. "Oo nga pala, isa bang aristocrat ang bwis

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 129

    Nagsalubong ang mga kilay ni Ben. "Gabing-gabi na, pero wala pa rin sila Fane. Posible kayang nakidnap siya tapos hindi siya makauwi? Hindi sapat ang 300,000 para bayaran ang Drake Family. Hindi na mahalaga kung yung mga bodyguard lang ang binugbog niya dahil mula pa rin sila sa Drake Family!""Hindi… Imposible yun." Lalong nag-alala si Joan noong marinig niya ito. Bilasa siya at nagpalakad-lakad siya sa paligid, ngunit wala siyang magawa. Gabi na ngunit hindi pa rin nakakauwi sila Fane at Selena. May nangyari nga kaya sa kanila?"Mga bodyguard yun ng Drake Family, hindi sila mga ordinaryong bodyguard lang. Sapat na siguro yung 300,000 kung mga ordinaryong bodyguard lang sila, pero walang kasiguraduhan kung galing sila sa Drake Family…""Nakakapag-alala kasi wala pa rin pati si Selena. Nakidnap din kaya siya? Anong gagawin natin kapag humingi sila ng ransom?" Nanigarilyo sa isang tabi si Andrew. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa pag-aalala niya sa kanyang anak. "Ran

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 130

    Nataranta ng husto si Joan at hindi siya makapagsalita. Ginawa ni Fane ang lahat para sa kanya. Pumayag lang naman siya sa pekeng kasal na ito at sa paghalili kay Ivan sa militar dahil gusto niyang maipagamot ang nanay niya. Wala siyang alam tungkol dito noong nasa ospital siya. Nalaman lamang niya ang tungkol dito noong inabot sa kanya ng doctor ang sulat ni Fane pagkalabas niya sa ospital. Takot na takot siya nitong nakalipas na limang taon. Natakot siya na baka mamatay sa digmaan si Fane. Karamihan din ng tao ay sinabihan siya na patay na ang anak niya. Hindi siya mananahimik ng matagal kung hindi pa siya patay. Ipinagdarasal na lamang niya ang anak niya habang hinihintay niya ang kanyang pagbabalik. Sa sandaling iyon, narinig nila ang tunog ng isang papalapit na electric scooter. Nakasakay sa scooter sila Fane at Selena, sa wakas ay nakauwi na sila. Pinarada nila sa loob ng hardin ang scooter. "Fane, ayos ka lang ba? Ang sabi nila binugbog mo daw yung mga bodyguard ng m

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 131

    "Pinatira siya sa isang villa nang siya lang ang mag-isa? Hindi ba siya titira kasama ng mga bodyguard? Hindi ba may dorm para sa mga bodyguard?" Nagulat si Ben. Hindi niya inaasahan ang ganitong resulta. Tumawa si Fane. "Nakalaban ko nga ang mga bodyguard ng mga Drake, pero basura lang sila sa'kin!" "At dahil doon, kahit ni isa sa kanila ay hindi nararapat na maging kalaban ko. Mukhang nagustuhan ako ng leader ng Drake Family. Ang sabi niya ay sapat ang 20 million sa kakayahan ko!" "Higit pa roon, sabi ng patriarch, ang mga bodyguard na 'yon ay naroon para subukan ako. Gusto nilang makita kung isa akong taong ma'y kakayahang lumaban sa kanila, isang taong matapang." "Malinaw na napasa ko ang test." Tahimik na umubo si Fane, nagsalita siya nang may siguradong tono. Bahagyang bumuka ang bibig ni Selena, hinigit ng kaba ang kanyang kalamnan. Kahit kailan ay hindi pa nagsalita ng ganito ang kanyang asawa, at hindi rin siya kumurap habang nagsisinungaling. "Talaga? Test lan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 132

    "Wala nang dote? Mangarap ka na lang!" Inirapan ni Fiona si Fane nang marinig niya ang kanyang mga sinabi. Nagsalita siya habang nakangisi, "Ganito kasi; hindi ka rin naman makakapaglabas ng thirty million kaagad-agad, pero binugbog mo si Ivan kaya kailangan mo siyang bigyan ng ten million. Maliban roon, sinabi mo na magbibigay ka ng regalo na nagkakahalagang ten million para sa kaarawan ng old man, kaya kailangan mong tumupad sa usapan!" Saglit na huminto si Fiona bago nagpatuloy, "Kaya kailangan mong ibigay ang 20 million na iyon kahit na anong mangyari; doon ka lang kikilalanin ng Taylor family sa ganoong paraan. Higit pa roon, kapag nalaman nila na magiging bodyguard ka para sa Drake Family, tiyak na iisipin nila na malakas at may kakayahan ka, at hindi ka nila papatalsikin sa Taylor family!" "Eh paano naman ang sampung milyong dote?" Tanong ni Fane nang may naiilang na ngiti. "Pinag-isipan ko na rin ang tungkol diyan. Dahil gagastusin mo ang sahod mo ng isang buwan sa laha

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 133

    Biglang naalala ni Fiona ang narinig niya kanina bago umalis sina Ben at Xena. May sinabi si Selena sa telepono tungkol sa pagkain sa labas at paggastos ng tatlong daang libo. Mukha ngang lumabas sila para kumain ng hapunan. "'Wag mo nang pansinin 'yon, ma. Ang gulo ng pangyayari. At iyon rin ang unang beses ko na makakain sa isang six-star hotel! Lahat ng iyon ay dahil sa Procurement Department Head---si Sonia Neal!" Bumuntong hininga muna si Selena bago sinabi kay Fiona ang dahilan kung bakit niya kailangang manlibre sa ganoong klaseng lugar. "Napakaoportunista naman ng department head na 'yon. Gumagawa lang siya ng dahilan para mawala ka kasi ayaw ka niyang maging bagong manager!' sabi ni Fiona. "Tutulungan kita sa hapunan na iyon. Dapat ipakita mo sa lahat kung anong kaya mong gawin! Kapag talagang nilibre mo sila ng hapunan, tiyak na nakikinig sa'yo ang iba mong mga katrabaho mula ngayon!" Nagalit si Fiona para sa kanyang anak nang marinig niya ito. Kaagad na kumunot ang kan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 134

    Nagalit si Fiona nang maisip niyang nawalan na naman siya ng 1.4 million pero wala na siyang magagawa kasi wala na ang pera. Sa huli, wala siyang magawa kundi tumigil at umuwi. Nakahinga nang maluwag si Joan nang makita niyang nakauwi na ang kanyang anak at bumalik sa kanyang bahay. "Tara na, dear. Amoy alak tayo. Bakit di tayo maligo nang sabay?" Nagsilab ang pagnanasa sa kalooban ni Fane habang tinitigan niyang maigi ang katawan ni Selena na nadidiliman sa gitna ng mga poste ng ilaw. Kahit na isa siyang taong may prinsipyo, bata-bata pa rin siya at nasa dalawampung taon pa lamang. Maliban roon, asawa niya rin si Selena. Natural na mapagpapantasyahan niya ang babae pagkatapos niya itong hindi mahawakan ng limang taon. "Ikaw kamo---naging mabuti lang ako sa'yo nang konti tapos bigla kang sumosobra!" Inirapan ni Selena si Fane. "Maliban roon, hindi naman tayo ganoon kalapit sa isa't isa noon pero gusto mo na akong hawakan ngayon. Managinip ka na lang!" sabi niya. "Matatawag mo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 135

    "Limang taon na naging sundalo ang mokong na 'yon, Scar. Tinuturing siya na isang beterano. Sobrang husay. 'Wag mo siyang maliitin!" Pagpapaalala ni Ned nang maisip niya kung paanong maski si Dan ay natatakot na humarap kay Fane. Sinasabi ni Dan na kaya niyang tumalo ng isang daang tao nang mag-isa, kahit na iniisip ni Ned na Isa lang itong pagmamayabang. Kahit na ganoon, para maging ganoon kataas ang tingin sa kanya ni Dan, nahihinuha niya na mayroong lebel ng kakayahan si Fane. "Huwag kang mag-alala. Marami tayong taong kasama. May nakasalubong nga akong pakialamerong mokong nitong nakaraang araw at ngayon patay na siya dahil sa'kin! At saka, ang dami-dami natin dito!" Tumawa si Scar, sabay malamig na tumingin kay Ned. "Sa tingin mo ba talaga magkasing lebel lang tayo pagkatapos mong maging isa sa mga high rank assistant ni Master Howard? Hah! Napatunayan ko na ang aking lakas gamit ng mga kamao ko!" Nagpatuloy silang dalawa na mag-usap. Mga ilang sandali muna ang nakalipas b

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status