Share

Kabanata 19

PANIBAGONG araw ang lumipas. Nitong mga nakaraang araw ay ipinasyal pa siya ni

Jayden sa mga nagagandahang lugar sa Melbourne. At lahat ng iyon ay tinatak

niya ng maigi sa isipan. It's a journey to remember.

Ngunit sa araw na ito ay napagdesisyunan nilang dalawa na maglagi lamang sa

bahay. Tutal halos araw-araw rin silang lumalabas. Prenteng nakaupo ito sa

mahabang corner sofa habang nanunuod ng T.V. Hindi niya maiwasan hindi

mapalunok nang mapasadahan ito ng tingin. Nakasuot ito ng white polo sleeves.

Bahagya pang nakabukas ang dalawang botones sa unahan kaya nakalitaw ang

mabalahibong dibdib nito. Napalunok siya. Kailanman ay hindi siya naattract sa

lalaking mabalahibo ang dibdib. Ngunit kakaiba kapag ang asawa. Tila mas bagay

pa sa lalaki na mabalahibo ang bahaging iyon.

Bumakat ang mga nagsisiksikang muscles nito sa braso kaya nahapit ang polo

nito. Bigla itong natawa sa pinapanood nito at nasuklay ang buhok gamit ang

sariling daliri. Napakagat labi siya. Damn, Jayden is damn
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status