Share

Kabanata 820

Napalunok si Elliot at medyo natataranta siyang sumagot, “Umiiyak kasi siya kanina kaya binigyan ko siya ng gatas pero sinuka niya naman. May nagawa ba akong mali?”

Naintindihan ni Avery at naglakad siya papunta kay Elliot. Tinignan niya si Robert at may bakas pa ng gatas sa bibig nito.

“Lungad. Kapag lumaki na siya, magiging okay din siya.”

“Pero hindi naman siya sumuka noong ikaw yung nagpainom ng gatas sakanya kanina.” Kinakabahan si Elliot na baka may nagawa siyang mali.

Natataranta siya kasi noong mauubos na ni Robert ang gatas nito, bigla naman nitong sinuka ang lahat ng pinainom niya, kaya nga basang basa ang t-shirt niya kanina.

Noong nakita ni Avery na sobrang seryoso at nag aalala si Elliot, hindi siya nagalit. “Kapag nagtitimpla ka ng gatas, siguraduhin mo na wala masyadong hangin na papasok sa bote. Pagkatapos mag dede ni Robert, itayo mo muna siya ng mga ilang minuto. Pero minsan kahit anong gawin mo, susuka at susuka pa rin talaga siya kasi nasa edad niya talaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status