Share

Kabanata 827

Sa tingin ni Elliot, doon nagtatrabaho si Avery.

Malinis ang mga gamit nito at bukod sa laptop, may mga nakasalansan din na folder sa isang gilid.

Gusto sanang malaman ni Elliot kung ano ang mga pinagkakaabalahan ni Avery, kaya kumuha siya ng isang folder.

May bakasulat na ‘Case Files’ sa harapan ng folder na nakuha niya.

Dahan-dahan niya itong binuksan at tumambad sakanya ang ilang mga dokumento.

“Elliot…” Biglang nagsalita si Avery. “Anong ginagawa mo?”

Naalimpungatan si Avery at noong dumilat siya, nakita niya si Elliot na nakatayo sa harap ng lamesa niya. Akala niya noong una ay nanaginip lang siya kaya tinitigan niya ito ng maigi.

Nang masigurado niyang hindi siya nanaginip, umupo siya. Dali-dali namang sinarado ni Elliot ang hawak niyang folder at binalik ito sa pinagkunan niya.

“Wala ka bang study room?” Nahimasmasan kaagad si Elliot at naglakad siya papunta kay Avery. “Bakit may lamesa ka dito?”

Kinusot ni Avery ang mata niya. “May study room ako, pero mas gus
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status