Share

Kabanata 828

Nagulat si Avery.

Bakit hindi sumagot si Elliot sa tanong niya?

Noong yayakapin na siya nito, bigla siyang umiwas at tinulak ito, “Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko? Kaya mo bang gawin o hindi? Kung hindi, wag mo na akong yakapin.”

Hindi naman sobra yung hinihingi ni Avery, diba?

Ang gusto niya lang naman ay bigyan ni Elliot ng oras ang mga anak nila. Mahirap ba yun? Hindi ba nito kaya?

Kung hindi, bakit pa ito nag anak?!

“Mga anak ko sila kaya siyempre, gagawin ko ang lahat para sakanila.” Niyakap ni Elliot ng sobrang higpit ang bewang ni Avery. “Nakonsensya naman ako sa tanong mo.”

Nakahinga ng maluwag si Avery sa naging sagot ni Elliot.

“Elliot, sa susunod na magtatanong ako sayo, kahit ano pa yun, kailangan mo akong sagutin.” Tinignan ni Avery si Elliot ng diretso sa mga mata. “Kasi kapag hindi ka sumasagot, para akong nababaliw. Siguro kung sa ibang tao, mahaba ang pasensya ko, pero pag dating sayo, ang bilis-bilis kong magalit!”

“Mhm.” Hindi kayang tumingin ni Ell
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status