Share

Kabanata 833

”Ben! Naguumpisa na ang dementia ng nanay ko! Wag mo nalang sabihin sa iba yung mga sinabi niya sayo!” Hindi na alam ni Chad kung anong gagawin niya. “Kapag nalaman ‘to ni Mr. Foster, sigurado ako sisisantihin niya ako.”

Halos maiyak na si Ben sa kakatawa. “Chad, masyado kang nag iisip ng kung anu-ano. Okay na okay pa ang pag iisip ni Aunt Tanya. Malinaw naman ang sinabi niya na ayaw niya kay Mike kasi mahirap siya. Sabihan mo kasi yung boyfriend mo na magpayaman para matanggap siya ng nanay mo.”

Umiling si Chad. “Ang sabi ng nanay ko, wala daw siyang problema kung hanggang magkaibigan lang kami Mike, pero hindi niya raw matatanggap na boyfriend ko siya kasi mukha daw siyang walang kwenta.”

“Hahaha! Tapos tinawag mo siyang demented? Tama naman ang sinabi niya ah! Wag ka ng masyadong mag isip. Alagaan mo nalang muna siya sa ngayon.”

“Ben, may gagawin ka ba mamaya? Pwede mo bang puntahan si Mike? Dalawang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin kaya sigurado ako na sasabog na yun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status