Share

Kabanata 819

”Okay, pero kapag ayaw niya, wag mo na siyang pilitin.”

"Okay."

Kagaya ng sinabi ni Avery, ayaw pumunta ni Tammy, pero hindi dahil kay Elliot kundi kay Eric!

Die hard fan ni Eric si Tammy at gustuhin niya mang pumunta, nahihiya kasi namumugto pa rin ang mga mata niya sa kakaiyak noong nalasing siya ng sobra kagabi.

Pagkatapos nilang mag dinner, hinatid ni Avery si Eric. Pagkabalik niya sa sala, nakita niya si Elliot na buhat-buhat si Robert. Yun ang unang pagkakataon na nakita niya si Elliot na may hawak na bata kaya siguro kinakabahan ito. Kitang-kita na medyo nanginginig pa ang mga kamay nito.

Malaking tao si Elliot kaya siguro natatakot ito na malalaglag nito si Robert.

“Alam niyang binubuhat ko siya, pero hindi siya umiiyak.” Sabi ni Elliot na halatang masaya ang tono ng boses.

Ngumiti si Mrs.Cooper at sumagot, “Maliit pa kasi si Robert kaya hindi pa siya nakakakilala!”

Medyo naiilang na ngumiti si Elliot.

“Mr. Foster, kailanan mong matutukan ang mga bata para magin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status