Share

Kabanata 823

“Sinabi niya sayo? Bakit hindi niya sinabi sa akin?” Naguguluhang tanong ni Avery.

Kinuha ni Elliot ang tasa niya ng gatas at humigop. “Kasi tinanong niya sa akin kung ano ang address ng mga magulang ni Chad.”

“Ha? Ano namang kailangan niya sa mga magulang ni Chad?” Masama ang kutob ni Avery. “Bibisita lang ba siya o…”

“Kung ano yung iniisip mo. Plano niya atang sabihin sa mga magulang ni Chad kung anong mayroon sakanila.”

Halos hindi maipinta ang mukha ni Avery sa sobrang pagka gulat.

“Kung tinanong niya sayo kung saan ang address ng mga magulang ni Chad, ibig sabihin hindi siya pinapunta doon ni Chad at kung magkataon na tama nga yung iniisip natin, mukhang malaking away to.” Gusto sanang tawagan ni Avery si Mike para pigilan ito.

“Hindi ko ‘to sinabi sayo para pigilan mo si Mike.” Tumingin si Elliot kay Avery at nagpatuloy, “Ang gusto ko lang sabihin sayo ay hindi palaging masaya ang isang relasyon at normal lang na magkaroon ng mga problema.”

“Alam ko.” Umiwas ng tingin s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status