Enya's POV
"Flera is my girlfriend, Enya."
Parang may tumarak na patalim sa dibdib niya sa sagot na ito ng nobyo. Napayakap siya nang mahigpit dito dahil hindi niya papakawalan ang lalaking ito. Alam niyang mahal siya ni Braylon at fling lang ang babaeng kasama nito.
"Si Flera ang bago kong girlfriend, Enya. Please be good to her. Tapusin na natin ito. Sinubukan ko naman pero ayaw mong makipaghiwalay. I'm trying not to hurt you kaya pumayag ako pero—Enya, I'm not worthy of your time. Lagi kang naghahabol. Ayoko na nga eh. I'm really sorry kung nasaktan kita. Please, forgive me. Right now, ayoko pa ng seryosong relasyon. Si Flera, we're both matured na kaya siya ang pipiliin ko."
Napahagulhol siya dahil tinutulak na naman siya nito palayo. Ilang beses na ba? Hindi na niya mabilang ang ilang beses na pakikipaghiwalay ni Braylon sa kanya. Isinisiksik na niya ang sarili at ginawa ang lahat ma-satisfy lang ito pero hindi pa pala sapat.
"I like her because she's older than you. You're still like a baby to me. Sorry kung natukso ako at napatulan kita. My fault."
Isa siyang scholar sa isang exclusive school kung saan ang isang kaibigan din ni Braylon ang nagmamay-ari nito. Do'n niya nakilala si Braylon nang um-attend ito sa school program nila bilang isang guest speaker. Sa maikling panahon ng pakikipagkaibigan nila, nahulog agad ang loob niya dahil sa angking kakisigan nito. Boyfriend ni Avalon ang kaibigan nito kaya nagkalapit sila lalo.
Masaya lang nang una dahil katagalan, nakitaan niya ito ng pagkahilig sa babae. Ilang beses niya itong nahuhuli na iba-iba ang nakakasama nito sa condo pero kaya niyang lunukin ang lahat, basta manatili lang itong kanya. Kahit masakit na, handa siyang magpatawad basta magbago lang ito.
"Tama na, Enya, okay?" iritadong saad ng binata nang tanggalin nito sa leeg ang nakapulupot niyang braso. "Ihahatid na kita sa labas, umuwi ka na. Magbibihis lang ako."
Iyak siya nang iyak habang nakasunod ang mata niya sa bawat galaw nito. Plain t-shirt at panibagong short na ang suot nito nang ilahad nito ang kamay sa kanya. Napahawak siya bigla rito.
"B-Bray, p-please." Pagsusumamo niya rito bago yumakap dito.
"Enough, Enya." Napapailing ang binata nang tanggalin nito ang pagkakayakap niya. "Umuwi ka na, pasasakayin lang kita ng taxi. Bibigyan kita ng pera para makatulong na rin sa'yo."
Panay lang ang iling niya. Hindi niya kakayaning mawala ang lalaking 'to. "S-sabihin mo, Bray, please... kung ano ang gagawin ko para... para hindi ka n-na makipaghiwalay. Kahit bata pa'ko, matured na rin naman ako."
Inis na inis na ang lalaki nang balingan siya. "Shit, Enya! Ayoko na nga."
Lalo siyang napaiyak nang malakas sa sagot nito. "B-bakit? Dahil ba magaling ang babaeng 'yan? Kaya ko rin namang gawin ang ginagawa niya."
"Tama na! Fuck! Bata ka pa, Enya, that's my main reason. Masasaktan ka lang dahil ayokong magseryoso sa pakikipagrelasyon. Flera," malakas nitong tawag sa babae. Nang makapasok ang tinawag nito, mabilis itong bumaling sa'kin. "Get dress, aalis tayo, Flera. And you, Enya, sa ayaw at sa gusto mo, pauuwiin talaga kita." Hawak na nito ang braso niya at siya nama'y panay lang ang punas ng luha. "Flera, make it fast!" gigil na sigaw nito sa babae.
Para siyang nanghihina. May pagsusumamo niyang tiningnan ang lalaki pero hindi nito sinalubong ang tingin niya. Nagalit ba ito dahil sa pagsuntok niya kanina rito? Dala lang iyon ng galit pero nawawala naman ang lahat pagkalipas ng ilang araw kapag nakakapag-isip na siya. Napayakap siya sa binata nang tumabi ito ng upo sa kanya sa sala. Napatingin siya sa pinipirmahan nito. May pagtataka niyang tiningnan ang hawak nitong papel nang iabot ito ng lalaki sa kanya.
"One hundred thousand pesos, Enya. Sana makatulong 'yan sa pagsisimula mo. Huling pagkikita na natin 'to at please, 'wag ka nang magpakita pa. I'm leaving for the United States soon with Flera, isa siya sa mga investor ko at mag-o-open kami ng branch doon. Do'n ako maglalagi para maasikaso ang bagong branch ko. Kalimutan mo na'ko."
Nanlaki ang mata niya nang tingnan ang lalaki. Sinuksok nito sa kamay niya ang cheque. Nanlalabo na sobra ang mata niya dahil sa tahimik na pag-iyak niya. Para siyang nawalan ng lakas dahil tuluyan na palang lalayo ang mahal niya.
"B-Bray..." Bigla siyang napahawak sa braso nito. "H-huwag mo'kong iiwan. Isama mo'ko, magiging mabuting asawa ako sa'yo. Please..."
"Fuck!" Napatayo na sa sobrang inis ang lalaki. "Ba't ba ang kulit mo, ha? I said, ayoko na... hindi na kita mahal, Enya. Dala lang ng kalibugan ko ang lahat kaya naging tayo, okay?"
Nanginig ang buong katawan niya sa sinabi nito. Ang sakit sobra! Lumakas na naman ang iyak niya nang pilit siyang lumapit dito.
"I'm becoming so tired of this kid. Bray, let's get going." Nakasuot na si Flera ng isang miniskirt nang lumabas ito sa kwarto. "Let's just go somewhere else and enjoy our time together." Nakataas ang kilay nito nang panlisikan siya nito ng mata.
Hinawakan siya ni Braylon sa braso nang kaladkarin siya nito palabas ng condo nito. Hinang-hina siya ngayon pero ayaw niyang sumuko. Ipaglalaban niya ang pagmamahalan nila ni Braylon. Sa pagbaling niya kay Flera, agad niyang nahawakan ang buhok nito. Ang babaeng ito ang dahilan kung ba't nawawalan na ng amor si Braylon sa relasyon nila. Masyado itong malandi at nakukuha ang lalaki gamit ang katawan nito. Daig pa nito ang isang p****k.
"Dahil sa kanya kaya ayaw mo na sa'kin, Bray?" Binuhos niya ang hinanakit sa pagsabunot sa babae pero pilit itong nanlaban. Bigla siyang natumba pasalampak sa hallway nang sampalin siya ng babae.
"I don't want to see this kid anymore, Braylon!" hiyaw ni Flera.
"That's enough. Shit!" Inis na hinarang ni Braylon ang katawan matapos nitong mai-lock ang unit. "Flera, please, ikaw ang matanda rito. Let me settle this, naiinis na'ko sa inyo, ha? Puwede bang tumigil na kayo?" Palipat-lipat ang tingin ng binata sa'ming dalawa. "Enough!" Halos lumabas na ang litid ng lalaki sa inis na pagsigaw nito.
"It's her, not me!" inis ding sigaw ni Flera.
Dumilim ang anyo ng lalaki nang balingan siya. Nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan nang akma siyang tatayo. Naitukod niya ang kamay bago naramdaman ang pag-angat niya. Naitayo na siya ni Braylon bago pa man niya nagawa. Hila-hila na siya nito papasok ng elevator. Panay lang ang pahid niya ng luha nang magsara na ito. Nasa gitna nila ni Flera ang lalaki at mahigpit ang hawak ng nobyo sa braso niya. Napasunod siya nang bumukas ang elevator hanggang humantong sila sa labas ng building. Agad pinara ni Braylon ang isang taxi nang timing itong dumaan sa harap nila.
"You can encash that cheque in the bank, Enya. Please, don't come back. Lilipad na'ko pabalik ng U.S. This is a goodbye kaya pumasok ka na sa taxi." Mariing utos ng binata. "Enya, please." Pakiusap nito nang hindi siya kumilos.
Inis niyang tiningnan si Flera na nakamasid lamang sa kanila. Matalim din siya nitong tinitigan bago ito umiwas ng tingin sa kanya. Hawak-hawak pa rin niya sa kamay ang nobyo pero kusa na itong bumibitaw sa kanya. May pinara pa itong isang taxi.
"Sumakay ka na sa taxi, Enya," muling utos ni Braylon nang balingan siya. "Uuwi ako ng bahay ngayon, anytime soon, lilipad na rin ako papuntang U.S."
Tumalikod na ito sa kanya kaya napasunod siya pero mabilis itong nakapasok sa taxi kung nasaan si Flera. "S-sandali, Bray." Pilit pa niyang pinukpok ang salamin ng bintana ng taxing sinakyan nito pero umandar na ito. "Bray, 'wag mo'kong iiwan." Lumakas ang iyak niya nang bumilis ang paglayo ng taxi kaya napatakbo siya para sundan ito. "B-Braylon!" malakas niyang sigaw kasabay ng pagpalahaw niya ng iyak.
Nilamukos na niya ang chequeng hawak sa sobrang selos na nararamdaman na kalaunay pinunit na rin niya. Natatakot siyang mawala sa paningin niya ang taxing sinasakyan ng nobyo kaya binilisan din niya ang pagtakbo para mahabol ito. Ngayon lamang niya napansin ang paligid. Gabi na pala! Siguradong hinahanap na siya ng nanay niya pero hindi siya uuwi hangga't hindi niya natutunton ang bahay ng nobyo. Never pa siyang dinala ni Braylon sa bahay ng parents nito kaya hindi niya alam kung sa'n ito susundan. Nakikita pa rin niya sa malayo ang taxi kung sa'n ito lulan. Pigil niya ang hininga nang takbuhin nang mabilis ang kinaroroonan nito. Nasa kabilang lane na ito kaya kailangan niyang makalipat para makahanap ng isa pang taxi. Papasundan niya ito. Nataranta siya nang umilaw ng green ang traffic light sa gawi nito.
"Braylon, s-sandali." Sana marinig siya nito. Sana huminto ang taxi at bumaba ang mahal niya pero nataranta siya nang lumiit na ito sa paningin niya. Natakot siya sobra! "B-Braylon." Maraming sasakyan ang dumadaan at hindi siya makahanap ng tiyempo na makatawid sa kabila.
Tinaas niya ang kamay para pahintuin ang ilan sa mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Nakahinga siya nang maluwag nang makatawid na sa kabila pero naramdaman niya ang panginginig ng tuhod dahil sa sobrang pagod niya.
Umiiyak siyang napasigaw. "Braylon!"
Taranta niyang tiningnan ang paligid kung nasaan ang taxi kanina pero wala na ito. Hinagilap niya ang bag. Tatawagan niya si Avalon. Siguradong alam ni Asher, ang asawa ng kanyang bestfriend kung sa'n ang bahay ni Braylon. Magpapahatid siya roon. Laking dismaya niya nang hindi makita sa bag ang cellphone. Naiwan ito sa loob ng condo unit ni Braylon. Nailapag niya ito sa kitchen top kanina habang naglilinis. Naiyak na naman siya nang takbuhin ang daan para muling sundan ang taxi. Panay ang para niya pero walang humihinto na taxi sa harap niya. Rush hour ngayon at punuan na ang dumadaang mga sasakyan. Malayo na rin siya sa building na pinanggalingan niya kanina dahil sa walang hintong pagtakbo niya.
"Braylon, bumalik ka!" muling sigaw niya.
Napatingin siya sa kalangitan nang biglang kumulog; nagbabadya nang umulan pero ilang sandali pa, basa na siya. Tuluyan nang nagsungit ang panahon, wari'y umiiyak ang kalangitan at nakikisimpatya sa nararamdaman niya ngayon. Wala pa ring hinto ang ginagawa niyang pagtakbo. Lakad. Takbo. Hanggang napahawak siya sa isang poste kung saan siya huminto nang tuluyan. Hingal na hingal siya at nananakit na rin ang buong katawan niya dahil sa pagod. Napasandal siya rito bago muling binuhos ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak at pagsigaw sa pangalan ng lalaking mahal niya.
"B-Braylon, mahal na mahal kitaaaa!"
Tumatakbo na naman siya sa kasagsagan ng malakas na ulan nang makaipon ng lakas. Kahit ano'ng para niya sa ilang sasakyang dumadaan, hindi humihinto ang mga ito. Sa biglang pagtawid niya para makalipat na naman sa kabila, isang nakakasilaw na liwanag ang halos bumulag sa paningin niya kasabay ang pagsagitsit ng nakakangilong tunog. Sumabay ang malakas na pagdagundong ng kulog sa sigaw niya nang tumilapon siya bigla.
~Dr. Hubert Montefalcon~"Forceps."Mabilis na inabot ng isang nurse ang hinihingi ng doktor. Abala rin ang ilan sa pag-assist sa ginagawang surgery ng lalaki sa pasyente nito. Halos inabot ng 24 hours ang ginawa nito simula nang isalang ang dalaga. Last na ito kung tutuusin dahil tapos na siya sa ibang surgeries na ginawa niya noong nakaraang mga buwan pa sa dalagang ito. Mga minor na lang itong pahabol niya bilang correction sa nauna."Doc Hubert, your other patients are waiting." Mabilis na pinahiran ng nurse ang tumatagaktak na pawis niya sa noo."Please, nurse, cancel it. Doctor Kent will complete the remaining procedures on our timetable. I need to concentrate because this is my daughter's preserved face. I want the best possible results. My Vie will come alive. I cannot wait to see her again." Kumislap ang mata niya nang tanggalin ang gloves sa kamay. "Check the vital signs, Merriam," utos niya sa isa pang assistant nurse. "Make sure hindi babagsak ang oxygen level niya and the
~Renvie's POV~She's unaware of the man's body in front of her kaya bigla na lang siyang nabunggo ng malaking katawan nito. The stranger hugged her before she could even slide off her feet, but she glared at him, annoyed. Nagkatitigan sila bigla pero blangko lamang ang expression ng lalaki. Para pa itong nairita nang bigla s'yang bitawan nito. She held herself with poise in a sophisticated and fashionable manner."Look where you're going," iritadong saad ng lalaki nang makitang okay naman siya.The man's words caused her lips to tremble, but his voice...His eyes...Why does he look so familiar to her?Akma sana siyang magsasalita pero tumalikod na lang ito bigla. Her head started to hurt all of a sudden. It's been happening whenever she wants to recall something familiar. Napahawak siya sa ulo para hilutin ito nang dahan-dahan. She gave the man another quick glance pero likod na lamang nito ang kanyang nakita. He's dressed in a grayish blue long sleeved shirt and has a tall and firm
Renvie's POVShe looks stunning in her red outfit which highlights her body. Her favorite red high-heeled shoes lend a touch of elegance to her attire. Upon seeing her reflection, she reflects on her journey and feels grateful and proud of her significant achievements.Nasa kanya na ang lahat-lahat; fame, money, luxury and a loving family.Muli niyang sinalinan ng alak ang basong hawak habang nakatitig nang malagkit kay Braylon. This man hasn't changed. He's still the same Braylon that she knew.His weakness—women.Tunog ng takong niya ang pumupuno sa silid na iyon na sinasabayan niya ng mabagal na pagsasayaw papunta sa gawi ng lalaki. Nakataas ang kopitang hawak niya habang umikot-ikot pa siya sa harap nito na parang nababaliw kasabay ng mahinang pagtawa niya. Sumayaw siya kahit walang music para lalong tuksuhin ang lalaki. Kinindatan siya nito na ngising-ngisi sa ginagawa niya.She is happy today and just having fun. Inisang lagok niya ang wine na hawak bago ito nilapag sa side tabl
Enya's POV "Nakakainis ka na, Enya! Panay ang absent mo, ha! Ang dalang na nating lumabas at mamasyal, lagi na lang si Braylon ang inaatupag mo." Nakabusangot na si Avalon sabay irap sa'kin. "Tapos ngayon, may gana ka pang magpakita. Minsan hindi mo na rin nasasagot ang tawag ko." Napayakap siya sa kaibigan sabay alo rito. Ganito pala ang ma-in love—nakakabaliw! Isang araw lang niyang hindi makita ang nobyo, parang hindi na siya mapakali. Alam niyang busy ito sa negosyo dahil businessman ito pero nakakapagtaka naman na ngayong araw, hindi ito tumawag. 18 lang siya at 27 naman ang lalaki. Alam niyang bata pa siya pero para sa kanya, walang kinikilala ang pag-ibig pagdating sa edad. Bestfriend ng asawa ni Avalon ang nobyo niya ngayon. Hinampas siya ni Avalon sa balikat kaya naparaaray na lang siya. "Day-dreaming pa, girl." Inis nitong saad. "Babaero 'yang boyfriend mo kaya 'wag kang iiyak sa'kin kapag nahuli mo ulit siya. Trust me, friend, hinding-hinding ko makalimutan 'yong sinabi n