~Renvie's POV~Napatili ang dalaga nang ihagis siya sa kama ng lalaki pagkatapos siya nitong buhatin pagkapasok pa lang sa hotel room. Napalunok siya at parang may naghahabulan nang mga daga sa dibdib niya. Halos himatayin siya sa pinaggagawa niyang ito pero may misyon siyang mapalapit lalo sa lalaking ito—sa ex-boyfriend na gusto niyang paghigantihan. Bahala na ang bukas basta makaganti lang siya. Siya naman ang magpapaiyak!"Wait... Braylon!" Nataranta siya nang kusang tanggalin ng lalaki ang high-heeled shoes niya sa paa. Hinagis na lang ito sa kung saan ng lalaki bago hinila nang malakas ang dalawang paa niya para mapalapit ito sa kanya habang nakahiga na siya sa kama. "Fuck, Bray! Pwede bang maghunos-dili ka muna?" Mabilis niyang nilagay ang paa sa dibdib nito para pigilin ito pansamantala. Nanlalamig ang kamay niya sobra dahil sa namumuong tensyon niya sa katawan.Ngayon lamang niya ito nagawa pero buo na ang loob niyang isakatuparan ang planong ito. Impit na hiyaw ang nagawa niy
Renvie's POVNakatitig lamang siya sa kisame hanggang marinig niya ang paghilik ng lalaki. Thats' it? Nakaramdam siya ng pagod at pananakit ng katawan matapos ang makasalanang tagpo na ito."That's it, Renvie?" hiyaw ng utak niya sa mga pinaggagawa niya. "Are you happy? You have no remorse on your bullshit?"Napatingin siya sa katabi, napaakaamo ng mukha nito. Napakurap-kurap siya bago inangat nang may panginginig ang kamay pero napahinto siya sa tangkang paghaplos sa mukha nito. Wala siyang pinagkaiba sa isang babaeng bayaran dahil sa ginawa niya ngayon. Libre nga lang ang offer niya. Napakababaw ng rason niya para ialay ang sarili rito pero napakalaki—napakalaki ng galit niya rito dahil sa ginawa nito sa kanya noon."Hell! B-Braylon, you're such a shameless man, you take pride in it." Halos pabulong niyang saad nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang ginawang love bites sa kanya ni Braylon sa salamin. Dahil maputi, nagmarka na ito. Kahit namum
~Renvie's POV~Kung makapagsalita ito, parang hindi nito na-enjoy ang nangyari sa kanila. "How's your wife?" Biglang pag-iiba niya ng topic. Nakita niya ang pagbabago ng expression nito kaya alam niyang mabigat pa rin ang dinadala nito. "I didn't realize it was a sensitive topic for you. Let's talk about something else if you'd prefer."Wala siyang maidugtong sa sinabi niyang ito basta ang alam lang niya, malubha ang sakit ng asawa nito. She was pretty drunk that night and still needs to gather more information pero hindi niya ito itatanong nang direkta sa lalaki. Magha-hire siya ng tao para gawin ito. Ganito siya kadesperado sa nakaraan niya. May sayad na yata siya pero gusto niyang makipaglaro sa lalaki kung pa'no nito pinaglaruan nang paulit-ulit ang damdamin niya noon."I'll include her in my prayers, Bray." Asawa nito ang kahinaan kaya ito ang gagamitin niya para mapalapit ito sa kanya. May God grant her forgiveness for her misdeeds. "She will be healed in the name of the Lord."
~Renvie's POV~Nanginginig ang kamay niya nang humithit ng sigarilyo. Nate-tense siya. Ang masangsang na amoy sa lugar na ito at ang nagkakagulong mga tao sa harap nila, parang nag-papatintero lang sa pabilisan ng paggalaw at pag-uunahang makabili. Nakatunganga lang silang tatlo na magkakaibigan habang pinagmamasdan ang mga ito."Ugh, what are we doing here, Renvie? Damn, sweety! Let's go home!" Papasok na sana sa loob ng sasakyan si Brittany nang hilahin niya ito palabas. "What, Vie? Can't you see how unsafe and smelly this place is?" Inis na inis ang babae nang tanggalin nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "I never thought na dadalhin mo kami rito."Alam niya ang pinagpuputok ng butse ng kaibigan. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng palengkeng ito at ang mga tao, nagkukumahog ang mga ito sa mga panindang binibili dahil padilim na. Masyado siyang nainis kay Brittany dahil late na ito dumating kaya inabot na sila ng takipsilim. Inis niyang tinapon ang sigarilyo at inapakan i
~Renvie's POV~ "Naku, ang tagal nang hindi nagagawi ng matandang iyon dito." Dagdag pa ng lalaki. "May edad na kasi at naglalabasan na ang mga sakit. Hindi na siya makalakad masyado." Natigilan siya sa narinig. Ilang mga barong-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping yero na ubod pa ng luma ang nadadaanan nila. Habang papalapit na sila sa destinasyon, napasuka na si Pixie sa isang gilid. Hindi pa sila tuluyang nakakatawid sa kabila pero hindi na makayanan ng mga ito ang nararanasan. Si Brittany, hindi na rin maipinta ang mukha nito. "Okay!" She made the decision not to take the brats to her mother's house. "Bondat, ihahatid ko lang sa sasakyan 'tong dalawa then tayo na lang ang pupunta kay... kay Aling Berta." Nang masigurong okay na ang dalawang babae sa loob ng sasakyan, inis niyang pinandilatan ang mga ito. "We'll chat after this, okay? Don't ever open the car door. Please lock it. This is not a safe place for us." Bilin niya sa dalawang kaibigan. Sa unahan lang mismo ng paleng
~Renvie's POV~Sobrang sakit ng dibdib niya matapos ang pagtatagpo ng pamilya niya kanina. Napaiyak siyang muli bago sinubsob ang mukha sa unan. Nasa condo unit na siya ng mga sandaling ito."Hypocrite, Renvie! You're so damn weak for not telling the truth." Pinagbabayo niya ng kamay ang malambot na unan sa sobrang galit niya sa sarili. Nang mahimasmasan, umupo siyang muli. "I shouldn't have abandoned my family, they need me." Ngayon pang nakita niya ang kalagayan ng mga ito? "I-Im so s-sorry, Nanay." Ang payat na pangangatawan nito, hindi niya ito masikmurang masdan kanina.Sa pagkain pa lang ng mga itong parang gutom na gutom na, grabe na ang dinulot nito na sakit sa kanya habang pinagmamasdan ang mga ito na nag-aagawan. As quickly as possible, she must figure out how to get them out of there, isang lugar na may healthy na kapalagiran. Malinis na hangin at maayos na tirahan. Ngayon niya lamang naisip na marami pala siyang dapat isaayos agad. Her Daddy, she needs to call her Daddy Hu
~Renvie's POV~Malakas ang tawa niya nang tingnan muli ang lalaki. "Keep driving," she said, winking at him afterward. "Bray, kung ayaw mong mamatay tayo sa aksidente, don't mind me." Ang kamay niya, hindi ito humihinto sa pagdama sa bagay na iyon kaya ramdam na ramdam niya ang kahandaan nito."You're a fucking naughty babe!" naiinis pero nakatawang pakli ng lalaki. "Can you just sit and relax?"Panay lang ang iling nito pero kahit ito, kagat-labi na rin dahil sa ginagawa niya. Wala na siyang narinig na anuman mula rito kaya tinuloy niya ang ginagawa."Fuck, Vie!" mariing sambit ni Braylon ilang sandali pa. Napapikit ito nang mariin bago bumuntong-hininga nang malalim. "Oh, shit! There, babe, kill me!"Nagsisimula na ang paglalaro nila ng apoy; ang pag-ibig na bawal na kanilang ginusto pero pilit tinatago. Alam niyang apektado na rin ang lalaki dahil hindi na ito mapakali sa kinauupuan nito. Isang mahabang busina ang nagawa nito nang halikan niya ang expose nitong katawan."Shit!" Aga
~Renvie's POV~Tumatak sa utak niya ang sinabi ng lalaki pero mas pinili niyang manahimik na lang. Hindi rin naman siya seryoso sa pakikipagrelasyong ito kaya wala siyang pakialam kung sino ang masagasaan niya."We're here, Vie."Napalingon siya kay Braylon. Nasa deck lamang siya at nagpapahangin pero maraming pumapasok sa utak niya. Naiwan ang puso niya sa pamilyang nasa slum area. Binilin niya kay Bondat na laging tingnan ang nanay at kapatid niya habang nagpapahanap pa si Evhan ng new house na lilipatan ng mga ito. Naitawag niya muli ito sa kapatid para makaalis na sa pesteng slum area na 'yon ang pamilya niya. Hindi niya masikmurang balikan pa ang buhay na mayro'n siya noon."Welcome to Seacliff Island, Vie." Muling saad ng lalaki.Nakalahad na ang kamay ng lalaki sa kanya. Ubod tamis ang ngiti niya nang tanggapin ito. Napakamaaliwalas ng paligid dahil kitang-kita niya ito. Napuno ng ilaw ang buong lugar nang bistahan niya. Kulay pink ang buhangin rito kaya para itong paraiso sa p
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n