Enya's POV
"Nakakainis ka na, Enya! Panay ang absent mo, ha! Ang dalang na nating lumabas at mamasyal, lagi na lang si Braylon ang inaatupag mo." Nakabusangot na si Avalon sabay irap sa'kin. "Tapos ngayon, may gana ka pang magpakita. Minsan hindi mo na rin nasasagot ang tawag ko." Napayakap siya sa kaibigan sabay alo rito. Ganito pala ang ma-in love—nakakabaliw! Isang araw lang niyang hindi makita ang nobyo, parang hindi na siya mapakali. Alam niyang busy ito sa negosyo dahil businessman ito pero nakakapagtaka naman na ngayong araw, hindi ito tumawag. 18 lang siya at 27 naman ang lalaki. Alam niyang bata pa siya pero para sa kanya, walang kinikilala ang pag-ibig pagdating sa edad. Bestfriend ng asawa ni Avalon ang nobyo niya ngayon. Hinampas siya ni Avalon sa balikat kaya naparaaray na lang siya. "Day-dreaming pa, girl." Inis nitong saad. "Babaero 'yang boyfriend mo kaya 'wag kang iiyak sa'kin kapag nahuli mo ulit siya. Trust me, friend, hinding-hinding ko makalimutan 'yong sinabi ng katiwala nila sa Seacliff Island. Marami raw dinadala na babae si Braylon do'n sa private resort nila." Natigilan siya pagkarinig nito at may kirot sa dibdib niya dahil sa araw-araw na paalala ng kaibigan niyang 'to. Inilihim niya ang ilang beses na pagkahuli sa nobyo kasama ang ilang babae. Biglang namasa ang mata niya pero agad siyang tumalikod sa kaibigan para hindi nito makita ang naiiyak niyang mukha. Pinakalma niya muna ang sarili bago tumili nang pagkalakas-lakas. "Ikaw ba, Ava, ang bata mo pa pero kasal ka na kay Asher. Luh! Huwag mo'kong pangaralan, alam ko ang ginagawa ko. Lahat ng tao nagbabago. A-ouch!" Hawak na ng kaibigan ang tenga niya para patigilin siya "Talaga lang, ha? Ba't ka umiiyak nang isang araw at bigla ka na lang nawala, huh?" Nanunuri ang mata nito at hindi niya makayanang salubungin ang nagtatanong na mata nito. "I-iyong ano... ang utang kasi ni Nanay ang laki na." Pagpapalusot niya. "Pinahiya na naman siya ng inutangan niya nang maningil. Hindi na nga nagkasya ang allowance ko kasi binigay ko na lang sa kanya para may pambayad siya." Sa parteng ito, totoong hinahatian niya ang ina sa perang nakukuha niya sa scholarship niya bilang allowance pero hindi ito sapat sa kanila. Hindi niya nakaugaliang humingi kay Braylon dahil nahihiya siya sa sitwasyon ng buhay nila. Hindi alam ng lalaki na lubog sa utang ang nanay niya. Baka maging isa ito sa mga dahilan para lalo lang siyang bitawan nito lalo pa't on and off din ang relasyon nila. "Kasi n-naman, muntikan na'kong bumagsak," pagdadahilan niyang muli. "Kaya promise, pag-iigihan ko na. Pakopya, ha?" Nakagat niya na lang ang labi dahil madalas na ang pagsisinungaling niya sa kaibigan. Lahat ng ginagawa niya, sinasabi niya rito pero marami na siyang inililihim lalo na ang ilang beses na pagtataksil ni Braylon sa kanya. At ngayon nga, may balak na naman siyang um-absent para kitain ang nobyong hindi pa nagpaparamdam sa kanya buong maghapon. Dalawang subject na lang naman at matatapos na sila. A-absenant na lang niya ang dalawang klaseng iyon dahil labis na ang pangungulila niya sa mahal niya. Napapitlag siya nang tapikin siya ng kaibigan sa braso sabay hila sa kanya sa susunod na subject nila. Kahit may asawa na si Avalon, hindi ito huminto ng pag-aaral. "Wait lang, Avalon. 'Di ba, wala naman tayong gagawin sa subject na 'yon? Puro discussion lang naman 'yan." Hindi niya alam kung papa'no magpapalusot sa kaibigan para makatakas. Umilaw bigla ang utak niya kaya napangiti siya. "Best, magto-toilet lang ako, ha? Mauna ka na, susunod ako sa'yo." Pinagdikit pa niya ang hita para ipakita rito na ihing-ihing na siya kasabay ng bahagyang panginginig niya. Pinandilatan siya nito ng mata. "Bilisan mo, ha? Naku, Enya, 'wag ka nang um-absent... please lang!" "Naman! Sa toilet lang ako pupunta, noh!" May halo na ngang inis ang boses niya bago siya tumalikod. "See you, best." Ngiting-ngiti siya nang maglakad na ito papunta sa room nila kaya nang masigurong hindi na siya makikita nito, bigla siyang tumakbo papuntang gate ng eskwelahan. Hingal na hingal siya nang makalabas ng school at agad siyang pumasok sa isang tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada. "Manong sa highway lang po." Magta-taxi na lang siya papunta sa Makati kung nasaan ang condo ng nobyo. Excited siyang bumaba sa mismong tapat ng condominium ng nobyo. Susurpresahin niya si Braylon kaya hindi niya pinaalam ang pagpunta niya ngayon. Napahinto pa siya sa bukana ng entrance ng building. Nilabas niya ang maliit na salamin bago tiningnan ang mukha. Actually, hindi niya gusto ang nakikita dahil patpatin pa rin siya. Kahit ano yatang kain niya, payat pa rin talaga siya. Kuminis na rin siya dahil sa mga sabong nabibili niya sa online pero kulang pa ito sa kanya. Kinapkap niya sa bulsa ng palda ang regalong ibibigay sa lalaki. Isa itong couple bracelet na binili pa niya sa Quiapo noong isang araw. Isa rin sa mga pinagdasal niya na sana ang lalaki na ang makatuluyan niya. Labis-labis ang pagmamahal niya rito. Sa ilang beses na pambababae nito, napili pa rin niyang patawarin ito nang paulit-ulit. Sinekreto niya ito sa bestfriend niyang si Avalon dahil siguradong magwawala ito oras na malaman nitong niloko na siya ni Braylon nang ilang ulit. Siya pa mismo ang sumusuyo sa lalaki para magkabalikan sila kahit bumibitaw na ito sa kanya dahil bata pa raw siya. Naisuko na niya nang ilang beses ang sarili pero maingat ang binata na hindi siya mabuntis. Gumagamit man ito ng proteksyon o hindi, alam nitong hindi sila makakabuo dahil bata pa nga ang tingin nito sa kanya kahit ipagpipilitan niyang nasa tamang edad na siya. 18 years old pa lamang siya at neneng-nene pa ang hitsura pero inspirasyon niya ang kaibigang si Avalon na kinasal sa lalaking mahal nito. Napangiti siya dahil magiging ganito rin sila ni Braylon. Si Asher, ang asawa ng bestfriend niya, dati rin itong bababero kagaya ni Braylon pero nagbago ito kaya pinanghahawakan niya ang bagay na iyon. Magbabago rin ang mahal niya. Agad siyang nagpulbo nang mapatapat sa unit ng nobyo. Kilala na rin siya ng guard sa baba at may duplicate key din siya ng condo. Muli niyang chineck ang labi, pulang-pula ito ng lipstick. Ngiting-ngiti siya nang mabuksan ang pinto pero nawala ang ngiting iyon nang tuluyan siyang makapasok. Tahimik ang sala. Madalas tumambay ang binata rito pero wala ito ngayon. Maingat pa ang pagkakasara niya sa pinto para hindi makalikha ng ingay. Mga ganitong oras ang uwi nito minsan or pwede ring mamaya pa kapag loaded ito sa trabaho. Sa kusina siya dumeretso para lutuan ang lalaki. Puno naman lagi ang ref nito kaya hindi na niya kailangan pang mag-grocery. Natigilan siya nang makarating dito dahil parang dinaanan ng bagyo ang kusina nito. May ilang basyo ng alak at pagkain na hindi na natakpan. Na-excite siya nang maisip ang binata, baka tulog ito sa kwarto. Mabilisan niyang nilinis ang kalat at pinunasan din niya ang kitchen top. Nilagay na rin niya ang mga tirang pagkain sa ref. Halos takbuhin niya ang kwarto ng nobyo para makita agad ito pero napahinto siya nang makarinig ng mahinang hagikhikan sa likod ng nakapinid na pinto. Binundol ng sobrang kaba ang dibdib niya pero sana naman—nakagat niya ang labi. Ilang beses na ba? Hindi niya na mabilang ang pagkahuli sa kataksilan ng nobyo mismo sa kwartong ito. Huminga siya nang malalim bago pinihit nang dahan-dahan ang seradura nito at—pinanlamigan siya ng katawan. "I can't get enough of you, B-Bray." Sinabayan ito ng hagikgik ng babae habang may ginagawa ito sa ibabaw ng lalaki. Ang mukha ng nobyo, kagat-labi ito at nakataas pa ang dalawang kamay sa ulunan nito. Hindi niya mapigil ang pagmalisbis ng luha nang makita ang mukha nitong nag-e-enjoy sa kandungan ng iba. Animo nagsasayaw ang haliparot na babae sa ibabaw nito habang hinihimas nito ang dibdib ng nobyo niya. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. "Is this all you can do?" Napahalakhak nang malakas si Braylon nang tampalin ito ng babae sa noo. "You're so fucking boring, babe." "Shame on you." Sinundan ito ng malakas na tawa ng babae bago tumingkayad para halikan ang lalaki. Nakuyom niya nang mariin ang mga kamay at animo may bumara sa lalamunan niya nang lumunok siya. Malaki ang kwarto ng lalaki at bukas ang TV nito pero mahina lang ang sound. Kaya siguro hindi siya napansin ng mga ito dahil busy sa paglalampungan. Kaya mo 'yan, Enya—gigil niyang usal bago bumuwelo at pabalibag na sinara ang pinto. Lumikha ito ng malakas na kalabog na ikinatingin ng dalawa sa pinto. "B-Braylon!" malakas niyang hiyaw. "Mga taksil!" Nakita niya ang pagkagulat ng mga ito. Nabahiran ng ngisi ang mukha ng babae ilang sandali pa at pagkairita naman sa mukha ni Braylon. "Enya? Fuck!" Gulat na react ng binata. "What are you doing here? May pasok ka, 'di ba?" Halos talunin niya ang kinaroroonan ng mga ito. Buhok agad ng babae ang nahawakan niya bago ito hinila nang malakas. Nahulog sa lapag ang babae bago ubod lakas niyang sinabunutan ito. Kakalbuhin niya ang isang ito para matigil na ito sa pakikipaglandian sa boyfriend niya. "Ahh... h-help me, Bray," sigaw ng babae sa biglang paghablot niya ng buhok nito. Isang sampal ang pinakawalan nito sa kanya nang makatayo ito bago nakipagsabunutan din. "It's you again, bitch! You're always interrupting us!" "Fuck! Can you stop!" Napabangon na lang sa kama si Braylon nang makitang nagsasabunutan na silang dalawa. Una nitong nahawakan si Flera para ihiwalay sa kanya. Agad nitong sinalag ang kamay niya nang pilit pa niyang inaabot ang babae nito. "Enya, please stop and you Flera, magbihis ka na't umalis. Kakausapin ko lang siya." Nang makakita ng pagkakataon, si Braylon naman ang napagbuntunan niya ng galit. "Walanghiya ka, Braylon, binigay ko ang l-lahat pero kasama mo na naman ang babaeng 'to?" Walang hinto ang paghampas niya sa dibdib ng lalaki na hinahayaan lamang nito. "Enya..." Wari'y nahahapo na ang binata nang bigla nitong pigilan ang kamay niya. "Tama na, okay? I'm sorry, mag-usap muna tayo." Patamad na dinampot nito ang short at sinuot ito sa harap niya. "Flera, can you leave us?" Binalingan nito ang babae para paalisin na ito. "I'm not going anywhere, Bray. Tell that kid kung ano ang napasok niya at please, explain it clearly para 'di na siya umasa." Nakasuot na si Flera ng roba bago sila tinalikuran nito. Akmang susundan niya ang babae pero nahawakan agad ni Braylon ang isang braso niya. Kahit nasasaktan siya, hindi niya kayang mawala ang lalaki sa buhay niya. Sa lalaki lang na ito umiikot ang mundo niya. "B-Bray." Maraming bakit sa isip niya kung ba't ito paulit-ulit na ginagawa ng lalaking mahal niya. "Bakit?" may paghihirap na tanong niya bago nagsimula na namang sumuntok ang kamay niya sa dibdib nito. "Akala ko okay na tayo pero b-bakit?" Nang mapagod siya sa kakasuntok dito, naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito habang umiiyak nang malakas. "I'm sorry, Enya... let's end this. Bata ka pa. You're only 18 and I'm 27. Mauulit at mauulit lang ito, trust me." Binuhat na siya ng lalaki para maiupo sa kama. "Listen." Kahit galit siya rito, handa siyang magpatawad basta mangako lang ito. Bigla siyang nagpakandong sa lalaki. Inilingkis niya ang mga braso sa leeg ng nobyo sabay subsob ng mukha sa balikat nito. "Please, mahal, nangako ka na, eh. B-bakit inulit mo pa?" Hilam na hilam sa luha ang mga mata niya nang titigan ang nangangasul nitong mata. "B-binigay ko naman ang lahat, bakit kulang pa rin ako?" Naramdaman niya ang paghaplos ng lalaki sa buhok niya kaya lalo lang siyang nag-iiyak.Enya's POV"Flera is my girlfriend, Enya."Parang may tumarak na patalim sa dibdib niya sa sagot na ito ng nobyo. Napayakap siya nang mahigpit dito dahil hindi niya papakawalan ang lalaking ito. Alam niyang mahal siya ni Braylon at fling lang ang babaeng kasama nito."Si Flera ang bago kong girlfriend, Enya. Please be good to her. Tapusin na natin ito. Sinubukan ko naman pero ayaw mong makipaghiwalay. I'm trying not to hurt you kaya pumayag ako pero—Enya, I'm not worthy of your time. Lagi kang naghahabol. Ayoko na nga eh. I'm really sorry kung nasaktan kita. Please, forgive me. Right now, ayoko pa ng seryosong relasyon. Si Flera, we're both matured na kaya siya ang pipiliin ko."Napahagulhol siya dahil tinutulak na naman siya nito palayo. Ilang beses na ba? Hindi na niya mabilang ang ilang beses na pakikipaghiwalay ni Braylon sa kanya. Isinisiksik na niya ang sarili at ginawa ang lahat ma-satisfy lang ito pero hindi pa pala sapat."I like her because she's older than you. You're still
~Dr. Hubert Montefalcon~"Forceps."Mabilis na inabot ng isang nurse ang hinihingi ng doktor. Abala rin ang ilan sa pag-assist sa ginagawang surgery ng lalaki sa pasyente nito. Halos inabot ng 24 hours ang ginawa nito simula nang isalang ang dalaga. Last na ito kung tutuusin dahil tapos na siya sa ibang surgeries na ginawa niya noong nakaraang mga buwan pa sa dalagang ito. Mga minor na lang itong pahabol niya bilang correction sa nauna."Doc Hubert, your other patients are waiting." Mabilis na pinahiran ng nurse ang tumatagaktak na pawis niya sa noo."Please, nurse, cancel it. Doctor Kent will complete the remaining procedures on our timetable. I need to concentrate because this is my daughter's preserved face. I want the best possible results. My Vie will come alive. I cannot wait to see her again." Kumislap ang mata niya nang tanggalin ang gloves sa kamay. "Check the vital signs, Merriam," utos niya sa isa pang assistant nurse. "Make sure hindi babagsak ang oxygen level niya and the
~Renvie's POV~ She's unaware of the man's body in front of her kaya bigla na lang siyang nabunggo ng malaking katawan nito. The stranger hugged her before she could even slide off her feet, but she glared at him, annoyed. Nagkatitigan sila bigla pero blangko lamang ang expression ng lalaki. Para pa itong nairita nang bigla s'yang bitawan nito. She held herself with poise in a sophisticated and fashionable manner. "Look where you're going," iritadong saad ng lalaki nang makitang okay naman siya. The man's words caused her lips to tremble, but his voice... His eyes... Why does he look so familiar to her? Akma sana siyang magsasalita pero tumalikod na lang ito bigla. Her head started to hurt all of a sudden. It's been happening whenever she wants to recall something familiar. Napahawak siya sa ulo para hilutin ito nang dahan-dahan. She gave the man another quick glance pero likod na lamang nito ang kanyang nakita. He's dressed in a grayish blue long sleeved shirt and has a tal
~Renvie's POV~ "I also stopped giving you medicine so you wouldn't remember everything but—" Napailing ang matandang lalaki. "My Renvie, you're slowly recovering your lost memories. I'm afraid to lose you again." Malungkot ang mukha ng matanda nang tingnan niya pero tumalikod siya pagkatapos marinig iyon. The sound of raindrops hitting the windowpane adds to the room's sad ambiance. It's as if nature is in grief with her. Ang sakit malaman ng katotohanan kahit pa may unti-unti na siyang natatandaan sa dating katauhan niya. Marami na ngang alaala ang bumalik at masakit pala isiping hindi siya tunay na Montefalcon. Her pain… She recognizes herself. But the pain of the truth is still there, lingering in her heart and despite the memories returning, the weight of reality is heavy to bear. Hearing the truth from her brother Evhan and her father Hubert broke her heart. What an impostor bitch she is! Hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama. Ang mga bagay na naaalala niya m
~Braylon's POV~ Nakatitig lamang siya sa babaeng nakahiga habang nakapamulsa ang kamay; palakad-lakad siya sa harap nito. Nadala niya ito sa condo nang wala sa oras nang panawan ito ng ulirat dahil sa pagkakasuntok ng isang lalaki rito. It's been five hours already at masyado nang late ang oras. Ungol ng babae ang nagpalingon sa kanya. Mahina niya itong tinapik sa pisngi para gisingin ito. Umupo siya sa gilid ng kama nang gumalaw ito pero nanatiling nakapikit lang ito. Nakaramdam na siya ng sobrang antok dahil sa pagbantay dito. Madaling araw na nang dalhin niya ito sa condo since ito naman ang pinakamalapit na area sa pinangyarihan ng insidenteng iyon nang mapag-tripan ang babae. Ang tatlong lalaki na binugbog niya, sa presinto bumagsak ang mga ito nang itawag niya ito kay Brander, ang NBI agent niyang kapatid. Mabilis nang rumesponde ang mga kapulisan bago niya dinala sa unit ang babae para sa condo na rin ito i-check ng family doctor nila. "Wake up!" He tapped her cheeks again—pe
~Braylon's POV~ Present Time... That was close! Shit! Muntikan na siya ro'n kanina nang makita niyang magkasama sina Renvie at Maya. Pinagpawisan talaga siya dahil mukhang nagpapahiwatig si Renvie kay Maya. Mahigpit ang bilin niya sa kerida na 'wag itong lumapit kapag kasama niya ang asawa pero hindi iyon sinunod ni Renvie. Mabilis siyang lumabas ng restaurant para i-check ang phone. Kanina pa ito nagva-vibrate and he knew who it was, it's Renvie. I'll see you tomorrow night? From Renvie Napalunok siya bago siya nagpalinga-linga. Abala ang mga kaibigan niya sa loob kasama ang asawa niya. Mabilis ang pagtipa niya at sinend agad ito kay Renvie. Nakangiti siyang pumasok muli sa restaurant matapos i-off ang phone. It's been four years pero matitikas pa rin ang mga kaibigan niya at alaga pa rin ang mga ito sa gym. Habulin pa rin sila ng mga babae kahit pa nadagdagan na ang mga edad nila. Lumawak ang ngiti niya nang maalala kung gaano sila kapilyo nang kabataan nila. Pare-pareho ang lika
~Braylon's POV~This is how Renvie and him reconnected after he rescued her from those thugs. Muli niyang sinariwa ang nakaraan kung bakit sila nagkaro'n ng relasyon magpasahanggang ngayon...That night, when the woman first approached him, he was drunk and found it hard to believe that the woman would end up being his mistress. Nagpakalunod siya sa alak ng gabing iyon dahil masakit tanggapin ang kalagayan ni Maya and he's scared to lose her. Gusto niyang makalimot pansamantala kaya solo flight siyang pumunta sa bar na iyon, the bar in Makati where he used to meet his friends."Can I join you?"Napatingin siya sa babaeng umupo sa tabi niya, she's not really tall but she's wearing a fucking tall shoes nang madako ang mata niya sa hita nito pababa sa paa nito. Tumaas ang kilay niya nang madako ang mata niya sa katawan nito, not his type. Small boobies! Muli niyang tinuon sa alak ang atensyon bago ito tinungga nang sunod-sunod."I'm Renvie... your name?""I have no name!" Tumawa siya nan
~Braylon's POV~ Dala siguro ng kalasingan kaya hindi niya magawang itulak ang babae nang paghahalikan siya nito sa leeg. Panay ang mura niya nang lalo lang itong maging mapusok sa pinaggagawa nito. Lumalim ang halik nito sa kanya pero nagising siya kaya agad niyang iniwas ang mukha. "Wait!" sigaw niya kasabay ng pagtulak sa babae nang mahimasmasan na. "Get off my lap, fuck!" Naiyakap niya ang kamay sa baywang ng dalaga para buhatin ito paalis sa pagkakaupo nito pero lalo lang humigpit ang pagkakalingkis ng mga braso nito sa leeg niya. Naramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya. She had a familiar look in her eyes as if they shared a secret connection that he couldn't quite place. It was unsettling yet intriguing at the same time. Isa ba ito sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya kahit may asawa na siya? Possibly, but maybe not. He closed his eyes and visualized his wife's face, feeling the comforting touch of a stranger's caress inside his long sleeves. Napailing siya na
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n