~Renvie's POV~
"I also stopped giving you medicine so you wouldn't remember everything but—" Napailing ang matandang lalaki. "My Renvie, you're slowly recovering your lost memories. I'm afraid to lose you again." Malungkot ang mukha ng matanda nang tingnan niya pero tumalikod siya pagkatapos marinig iyon. The sound of raindrops hitting the windowpane adds to the room's sad ambiance. It's as if nature is in grief with her. Ang sakit malaman ng katotohanan kahit pa may unti-unti na siyang natatandaan sa dating katauhan niya. Marami na ngang alaala ang bumalik at masakit pala isiping hindi siya tunay na Montefalcon. Her pain… She recognizes herself. But the pain of the truth is still there, lingering in her heart and despite the memories returning, the weight of reality is heavy to bear. Hearing the truth from her brother Evhan and her father Hubert broke her heart. What an impostor bitch she is! Hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama. Ang mga bagay na naaalala niya minsan ay parang bangungot na bumabalik— sinasagot ang mga katanungan kung ano siya noon. The people she met seemed familiar but they were strangers. Braylon? That man... She clenched her fist tightly, remembering his face. Kinagat niya nang mariin ang labi para hindi na bumunghalit ng iyak pa, but she failed. Kumawala sa lalamunan niya ang iyak niya. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay ng kanyang daddy sa likod niya kasunod ang pagyakap nito sa kanya. "You will always be my precious Renvie," hirap na saad ng matanda. "I'm sorry, my little patootie." She hates it when her Daddy Hubert refers to her as his little patootie—but how come this time she has a strong desire to address her as such? Ano ang mangyayari sa kanya oras na makabalik siya sa tunay niyang pamilya? Money, luxury, and fame as Renvie will be gone forever. She's an impostor! "Don't hate yourself, Renvie. It's—" Napatingin si Evan sa ama. "It's daddy's fault. Siya ang may kagustuhan na buhayin si Renvie sa katauhan mo dahil sa damage ng mukha mo nang maaksidente ka, na siya rin ang may gawa. You don't remember anything and—" "I'm sorry, son," putol ni Doctor Hubert sa sinasabi ng panganay na anak. "I'll take all the blame..." That Braylon guy—that was their first encounter before her memory got back totally. No wonder those guys in the club are really familiar to her dahil magkakilala pala sila. Now that she's amnesia free, sumisigid ang sakit sa kaibuturan ng puso niya nang maalala ang huling sandali nila ng lalaki. Agad silang sinundo ng daddy ni Pixie nang magkaro'n ng raid sa bar na iyon. It takes months for her to remember everything. No, it's not months! It's been years... Almost four years na ang lumipas simula nang mawala ang memory niya. Sa nakalipas na mga taon, may mga bagay-bagay siyang naaalala pero malabo ang dating nito sa kanya. She ignored the warning signs before but eventually regained her memory later; she is Enya. The truth slapped her hard and she realizes the gravity of her situation now. Parang mababaliw na siya dahil naapektuhan na ang mental health niya. She's losing herself in the chaos of her own mind. Everything is clear now! Unti-unting nabuo ang puzzle ng mga imahe sa kanyang utak kung bakit parang pamilyar ang ilang bagay sa kanya. Doctor Hubert, ang kinilala niyang ama ay isang tanyag na plastic surgeon. She is one of his patients and is unable to accept this revelation. Ampon pala siya. Ang masakit pa na hindi niya matanggap-tanggap, mukha ng namatay na si Renvie ang ginamit sa mukha niya dahil sa aksidenteng iyon. It's the preserved face of Renvie, the true daughter of her so-called "Montefalcon" family. After a few hours, she found herself alone driving in the middle of the night to clear her thoughts but she had no idea where to go. In denial siya sa katotohanan at hindi niya matanggap ito. Sinagasa niya ang ulan para makalayo muna sa katotohanan. She is now standing in front of this lousy bar. This place is small but she didn't mind. Mas pinili niyang pumwesto sa pinakamadilim na bahagi nang makapasok, 'yong hindi siya mapapansin ng ilang customers. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak. Kakalimutan niya muna ang lahat kahit ngayong gabi lang. Ilang sandali pa... Isa. Dalawa. Hanggang maging apat na ang nasa harap niya at nakaramdam na siya ng pagkaliyo pero hindi siya hihinto kahit pa hindi naman siya alcoholic. Napasandig siya sa upuan makalipas ang ilang oras. Nasusuka na siya pero nang makita ang waiter, sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Ilang basyo na ang naitumba niya pero wala siyang pakialam. Light drinks lamang ang na-order niya kanina. This time, hard naman para malakas agad ang tama. "T-two m-more..." Sumenyas pa siya sa waiter na lagyan na ang mesa niya ng panibagong order pero napatingala siya rito nang hindi ito kumilos sa harap niya. "Ba't g-ganyan ka kung makatingin, Mr. Waiter?" Hard drink ang gusto niya para makatulog agad siya pagkauwi ng bahay. Sigurado, limot agad niya ang problema sa epekto nito. "Ma'am, magsasara na po kami, eh." Alanganin ang ngiti ng lalaki nang isa-isa nitong damputin ang basyo ng in-order niya. "It's already 1 am, nasa closing time na po kami." "What?" Naitulak niya ito nang bahagya nang hindi nito sinunod ang utos niya. "I can afford to s-stay here all night; join me if you want. Libre ko k-kayong lahat! This is a bar, w-why are you closing so early?" But after that, the bar simply threw her out and put a "CLOSED" sign on the front door. Magalang naman ang mga ito nang alalayan siya palabas pero nainis pa rin siya. "You should close your b-business, what the hell?" Halos maglabasan na ang litid niya sa sobrang pagsigaw. She was very disappointed and keeps ranting. Gusto pa niyang uminum pero sarado na ito. "Iyan ang bagay sa i-inyo." She kicked the front door quite hard but no one came out. She did it multiple times hanggang sa napagod siya sa pagsipa nito. Napaupo siya sa tapat and after more minutes, napatayo siya. Naglakad siya nang naglakad. Hindi niya alam kung saan pupunta. She feels empty and lost. Wala nang masyadong tao sa kalsada and she couldn't understand why this place was so quiet. Ginala niya ang tingin, mga small shop lamang ang nandito. Pipitsugin lang ang bar na pinasukan niya kaya no wonder, the service is poor. Some trashy bar. "I'll s-sue you for not treating me well," gigil niyang sigaw sabay kumpas ng kamay, pointing her hand in the bars direction. Nakaramdam siya ng hilo kaya napili niyang umupo muna sa gilid ng kalsada. Where's her car? She is frustrated because she remembers the bar and her car is in front of it. Natingnan niya ang pinanggalingan. She was already tired so she is not going back. Bumalong na lang ang luha niya nang maalala ang sitwasyon. Dapat magsaya siya pero ano itong nararamdaman niya? She felt betrayed by her Montefalcon family in the same way that Braylon had duped her many years ago. Tinago ng mga ito sa kanya ang tunay niyang pagkatao. Napangiti siya nang mapait kung sino siya noon. Siya si Enya, ang babaeng... "Sige, itayo niyo 'yan!" Tumaas ang kilay niya sa sigaw na iyon. Dalawang lalaki ang nakatayo sa likod niya at sa gulat niya, napasigaw na lang siya bigla nang haklitin siya patayo ng mga ito. "Swerte natin dito kay Ms. Maganda," nakangising saad ng isa, isang pandak at mabigoteng lalaki ito. Isang matunog na halik sa pisngi niya ang binigay nito. Nandiri siya sa ginawa nito kaya gigil niyang tinulak ang mukha nito. Nawala ang ngisi nito sa ginawa niya pero ang isang kasama nito, isang halakhak ang kumawala rito. Isa namang payatot na lalaki ang may hawak sa kabilang braso niya. Gigil din niyang binaklas ang kamay ng isa pero mahigpit ang hawak nito sa kanya kaya inapakan niya ang isang paa nito. Napamura ito nang malakas nang bitawan siya nito. Hawak-hawak na nito ang paang nasaktan. "Ingrown ko pa talaga ang inapakan mo!" hiyaw ng lalaki. "Leave me a-alone!" Ganting sigaw niya nang makawala sa pagkakahawak ng mga ito. "Y-you... and you!" Dinuro niya isa-isa ang mga ito nang may panggigigil. "A-ang papangit niyo!" These people have no idea who she is! She's a Montefalcon. A fake one—maybe. Naglaho na lang ang tapang niya sa isang iglap after realizing what was happening. Nakatakip na ang isang kamay ng lalaki sa bibig niya. Hawak naman ng dalawang lalaki ang magkabilaang braso niya. She is in serious trouble. In danger! Tatlong lalaki ang magkatulong na kinaladkad siya sa kung saan. Nanlalaki ang mata niya. Mahigpit ang hawak ng mga ito sa kanya. Tanging mahinang ungol lamang ang kumawala sa lalamunan niya dahil sa mariing pagtakip ng pangatlong lalaki sa bibig niya. Hindi siya makasigaw ng tulong. Tears flowed down her cheek. Maybe it's better this way para makalimutan na niya ang lahat. She is devastated after discovering she is not a Montefalcon. It would be better for her to die than to give up everything she used to. Sa nanlalabong paningin, isang bulto ang papalapit nang papalapit sa kinaroroonan nila. Wala pa ring tigil ang paglandas ng luha sa pisngi niya dahil sa takot na nararamdaman. "Bitawan niyo siya." Isang kalmadong boses ang narinig niya na pumigil sa tangkang pagkaladkad ng mga lalaki sa kanya. "Sabi ko, bitawan mo, 'di ba?" Isang malakas na batok ang pinakawalan nito sa pandak na lalaki. Isang malakas na suntok din ang pinakawalan ng pandak na lalaki sa pakialamerong iyon pero nakailag ito. Matangkad ang lalaking balak siyang iligtas at matipuno rin ang pangangatawan nito kaya parang papel lang ang paghagis nito sa kalaban. Pabalibag nitong hinagis sa bangketa ang 'di na nakahumang pandak. "Ikaw..." Boses ulit iyon ng tagapagligtas niya. Hinatak nito ang isang kamay ng patpating lalaki na nakahawak sa kabilang braso niya. "Bitawan mo sabi, bingi ka ba?" Inundayan nito ng suntok ang lalaki na bumulagta agad nang tamaan. Halos masubsob pa siya sa aspaltong kalsada nang bigla na lang siyang itulak ng pangit na lalaki, ito ang tumakip ng mabahong kamay nito sa bibig niya kanina. Isang suntok ang pinakawalan nito pero nakailag ang tagapagligtas niya. Mabilis niyang hinubad ang 3 inches na sandal. Gagamitin niya itong panghampas sa ulo ng bastos na lalaki. Napalapit siya bigla sa mga ito pero—isang suntok ang saktong tumama sa mukha niya mula sa pangit na kalaban. "I hate youu!" Napahiyaw siya nang malakas nang hawakan ang mukha. Hilo na nga siya dahil sa alak pero ngayon, mas lalong grabe ang naramdaman niyang pagkahilo. Madilim ang lugar na ito kaya 'di niya masyadong makita ang pagmumukha ng mga ito. Nakaamba na sa ere ang pagpalo niya sana sa may mabahong kamay na iyon pero nabitawan niya bigla ang sandal nang bigla siyang panawan ng ulirat. "Fuck!" Fuck? Ito ang katagang huling narinig niya sa knight in shining armor niya.~Braylon's POV~ Nakatitig lamang siya sa babaeng nakahiga habang nakapamulsa ang kamay; palakad-lakad siya sa harap nito. Nadala niya ito sa condo nang wala sa oras nang panawan ito ng ulirat dahil sa pagkakasuntok ng isang lalaki rito. It's been five hours already at masyado nang late ang oras. Ungol ng babae ang nagpalingon sa kanya. Mahina niya itong tinapik sa pisngi para gisingin ito. Umupo siya sa gilid ng kama nang gumalaw ito pero nanatiling nakapikit lang ito. Nakaramdam na siya ng sobrang antok dahil sa pagbantay dito. Madaling araw na nang dalhin niya ito sa condo since ito naman ang pinakamalapit na area sa pinangyarihan ng insidenteng iyon nang mapag-tripan ang babae. Ang tatlong lalaki na binugbog niya, sa presinto bumagsak ang mga ito nang itawag niya ito kay Brander, ang NBI agent niyang kapatid. Mabilis nang rumesponde ang mga kapulisan bago niya dinala sa unit ang babae para sa condo na rin ito i-check ng family doctor nila. "Wake up!" He tapped her cheeks again—pe
~Braylon's POV~ Present Time... That was close! Shit! Muntikan na siya ro'n kanina nang makita niyang magkasama sina Renvie at Maya. Pinagpawisan talaga siya dahil mukhang nagpapahiwatig si Renvie kay Maya. Mahigpit ang bilin niya sa kerida na 'wag itong lumapit kapag kasama niya ang asawa pero hindi iyon sinunod ni Renvie. Mabilis siyang lumabas ng restaurant para i-check ang phone. Kanina pa ito nagva-vibrate and he knew who it was, it's Renvie. I'll see you tomorrow night? From Renvie Napalunok siya bago siya nagpalinga-linga. Abala ang mga kaibigan niya sa loob kasama ang asawa niya. Mabilis ang pagtipa niya at sinend agad ito kay Renvie. Nakangiti siyang pumasok muli sa restaurant matapos i-off ang phone. It's been four years pero matitikas pa rin ang mga kaibigan niya at alaga pa rin ang mga ito sa gym. Habulin pa rin sila ng mga babae kahit pa nadagdagan na ang mga edad nila. Lumawak ang ngiti niya nang maalala kung gaano sila kapilyo nang kabataan nila. Pare-pareho ang lika
~Braylon's POV~This is how Renvie and him reconnected after he rescued her from those thugs. Muli niyang sinariwa ang nakaraan kung bakit sila nagkaro'n ng relasyon magpasahanggang ngayon...That night, when the woman first approached him, he was drunk and found it hard to believe that the woman would end up being his mistress. Nagpakalunod siya sa alak ng gabing iyon dahil masakit tanggapin ang kalagayan ni Maya and he's scared to lose her. Gusto niyang makalimot pansamantala kaya solo flight siyang pumunta sa bar na iyon, the bar in Makati where he used to meet his friends."Can I join you?"Napatingin siya sa babaeng umupo sa tabi niya, she's not really tall but she's wearing a fucking tall shoes nang madako ang mata niya sa hita nito pababa sa paa nito. Tumaas ang kilay niya nang madako ang mata niya sa katawan nito, not his type. Small boobies! Muli niyang tinuon sa alak ang atensyon bago ito tinungga nang sunod-sunod."I'm Renvie... your name?""I have no name!" Tumawa siya nan
~Braylon's POV~ Dala siguro ng kalasingan kaya hindi niya magawang itulak ang babae nang paghahalikan siya nito sa leeg. Panay ang mura niya nang lalo lang itong maging mapusok sa pinaggagawa nito. Lumalim ang halik nito sa kanya pero nagising siya kaya agad niyang iniwas ang mukha. "Wait!" sigaw niya kasabay ng pagtulak sa babae nang mahimasmasan na. "Get off my lap, fuck!" Naiyakap niya ang kamay sa baywang ng dalaga para buhatin ito paalis sa pagkakaupo nito pero lalo lang humigpit ang pagkakalingkis ng mga braso nito sa leeg niya. Naramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya. She had a familiar look in her eyes as if they shared a secret connection that he couldn't quite place. It was unsettling yet intriguing at the same time. Isa ba ito sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya kahit may asawa na siya? Possibly, but maybe not. He closed his eyes and visualized his wife's face, feeling the comforting touch of a stranger's caress inside his long sleeves. Napailing siya na
~Renvie's POV~Napatili ang dalaga nang ihagis siya sa kama ng lalaki pagkatapos siya nitong buhatin pagkapasok pa lang sa hotel room. Napalunok siya at parang may naghahabulan nang mga daga sa dibdib niya. Halos himatayin siya sa pinaggagawa niyang ito pero may misyon siyang mapalapit lalo sa lalaking ito—sa ex-boyfriend na gusto niyang paghigantihan. Bahala na ang bukas basta makaganti lang siya. Siya naman ang magpapaiyak!"Wait... Braylon!" Nataranta siya nang kusang tanggalin ng lalaki ang high-heeled shoes niya sa paa. Hinagis na lang ito sa kung saan ng lalaki bago hinila nang malakas ang dalawang paa niya para mapalapit ito sa kanya habang nakahiga na siya sa kama. "Fuck, Bray! Pwede bang maghunos-dili ka muna?" Mabilis niyang nilagay ang paa sa dibdib nito para pigilin ito pansamantala. Nanlalamig ang kamay niya sobra dahil sa namumuong tensyon niya sa katawan.Ngayon lamang niya ito nagawa pero buo na ang loob niyang isakatuparan ang planong ito. Impit na hiyaw ang nagawa niy
Renvie's POVNakatitig lamang siya sa kisame hanggang marinig niya ang paghilik ng lalaki. Thats' it? Nakaramdam siya ng pagod at pananakit ng katawan matapos ang makasalanang tagpo na ito."That's it, Renvie?" hiyaw ng utak niya sa mga pinaggagawa niya. "Are you happy? You have no remorse on your bullshit?"Napatingin siya sa katabi, napaakaamo ng mukha nito. Napakurap-kurap siya bago inangat nang may panginginig ang kamay pero napahinto siya sa tangkang paghaplos sa mukha nito. Wala siyang pinagkaiba sa isang babaeng bayaran dahil sa ginawa niya ngayon. Libre nga lang ang offer niya. Napakababaw ng rason niya para ialay ang sarili rito pero napakalaki—napakalaki ng galit niya rito dahil sa ginawa nito sa kanya noon."Hell! B-Braylon, you're such a shameless man, you take pride in it." Halos pabulong niyang saad nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang ginawang love bites sa kanya ni Braylon sa salamin. Dahil maputi, nagmarka na ito. Kahit namum
~Renvie's POV~Kung makapagsalita ito, parang hindi nito na-enjoy ang nangyari sa kanila. "How's your wife?" Biglang pag-iiba niya ng topic. Nakita niya ang pagbabago ng expression nito kaya alam niyang mabigat pa rin ang dinadala nito. "I didn't realize it was a sensitive topic for you. Let's talk about something else if you'd prefer."Wala siyang maidugtong sa sinabi niyang ito basta ang alam lang niya, malubha ang sakit ng asawa nito. She was pretty drunk that night and still needs to gather more information pero hindi niya ito itatanong nang direkta sa lalaki. Magha-hire siya ng tao para gawin ito. Ganito siya kadesperado sa nakaraan niya. May sayad na yata siya pero gusto niyang makipaglaro sa lalaki kung pa'no nito pinaglaruan nang paulit-ulit ang damdamin niya noon."I'll include her in my prayers, Bray." Asawa nito ang kahinaan kaya ito ang gagamitin niya para mapalapit ito sa kanya. May God grant her forgiveness for her misdeeds. "She will be healed in the name of the Lord."
~Renvie's POV~Nanginginig ang kamay niya nang humithit ng sigarilyo. Nate-tense siya. Ang masangsang na amoy sa lugar na ito at ang nagkakagulong mga tao sa harap nila, parang nag-papatintero lang sa pabilisan ng paggalaw at pag-uunahang makabili. Nakatunganga lang silang tatlo na magkakaibigan habang pinagmamasdan ang mga ito."Ugh, what are we doing here, Renvie? Damn, sweety! Let's go home!" Papasok na sana sa loob ng sasakyan si Brittany nang hilahin niya ito palabas. "What, Vie? Can't you see how unsafe and smelly this place is?" Inis na inis ang babae nang tanggalin nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "I never thought na dadalhin mo kami rito."Alam niya ang pinagpuputok ng butse ng kaibigan. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng palengkeng ito at ang mga tao, nagkukumahog ang mga ito sa mga panindang binibili dahil padilim na. Masyado siyang nainis kay Brittany dahil late na ito dumating kaya inabot na sila ng takipsilim. Inis niyang tinapon ang sigarilyo at inapakan i
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n