Share

Nahulog sa Bata, Kasama Ang Daddy
Nahulog sa Bata, Kasama Ang Daddy
Author: LiLhyz

Prologue

"Nakakadiri ka, Scarlett. Hindi ko akalain na magiging ganito ka kadesperado." Sa malamig na tono, ito ang sabi ni Luca habang kinakaladkad si Scarlett sa braso palabas ng office building ng James and Powel Law Firm.

Pinakamalalang pagtataksil. Noon, si Luca James ang araw para kay Scarlett, ang siyang nagbibigay liwanag sa mundo niya sa pamamagitan ng ngiti nito at ang espesyal na tingin nito para sa kanya sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata.

'Ito ba ang dating Luca na mahal ko?' Kahit si Scarlett ay hindi na siya makilala, lalong hindi ngayon na paraang tila diring diri ang lalaki sa kanyang presensya.

"Akala mo ba pipiliin kita kesa kay Courtney? Hindi, hinding hindi ngayong nalaman ko na kung anong klase ka talagang babae," pagbibigay niya ng hint.

Tumagos sa puso niya ang mga salitang sinabi niya sa mga paraang inaakala niyang imposible. 'Ano? Ano ang sinasabi niya? At bakit si Courtney ang pipiliin niya kaysa sa akin? Mas matagal ko na siyang kilala. Nandiyan ako noong kailangan niya ng balikat na maiiyakan kapag siya ay nasa pinakalugmok niyang mga araw!'

"Talaga bang nakikipaghiwalay ka sa akin?" Mahinang tanong niya bago huminga ng malalim, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa kanyang pisngi.

"Paano mo nagawang ipahiya si Courtney? Paano mo nagawang pagbantaan siya?" wika ni Luca, "Kung anong respeto ang naiwan ko para sa iyo, itinapon mo iyon sa sandaling ipinahiya mo ang babaeng mahal ko!"

Dumapo ang mga mata ni Luca sa diamond ring na kumikinang sa daliri ni Scarlett at hiniling niya, "Ibalik mo sa akin ang singsing na iyan. Hindi mo yan deserve."

Naikuyom ni Scarlett ang kanyang mga kamay, iniisip kung paanong panaginip lang ito. 'Hindi ito magagawa ni Luca sa akin. Minahal niya ako at hindi ang babaeng yun. Paano nangyaring biglang nagbago ang pagmamahal ng isang lalaki? Kasalanan lahat ito ni Courtney! Na-brainwash niya si Luca tulad ng ginawa niya sa mga magulang ko!'

Habang pinag-iisipan ang masasakit na salita nito, napunta ang mga mata ni Scarlett sa adopted sister niya. Si Courtney Barnes, ang parehong babae na nagnakaw ng pagmamahal ng kanyang magulang, ay nakatayo sa likod ni Luca na may self-satisfaction na makikita sa kanyang mukha. Sinadya pa nitong ipakita kay Scarlett ang mas malaking bato sa daliri niya.

'Ano?' Tinamaan siya ng realization. Tinanong niya si Luca, "Nag-propose ka na ba sa kanya? We - we just got engaged three months ago."

Ang katahimikan ni Luca ang sagot, at iyon lang ang kailangan niya para mawala ang lahat ng dahilan niya. Namuo ang galit sa kanyang puso at tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Kumalas siya sa pagkakahawak ni Luca at tinanggal ang singsing sa daliri niya. Gustong gusto niyang kalmutin ang mukha ni Courtney, pero sa halip, inihagis ni Scarlett ang singsing sa direksyon ni Courtney.

Laking gulat niya nang sumigaw ang kanyang adopted sister, na para bang nasaktan sa isang singsing na diyamante!

"Ouch! Scarlett. Alam kong nasaktan kita, pero hindi mo na kailangang umabot sa ganito!" Sabi ni Courtney habang umiiyak. Gumapang ang kamay niya pababa sa kanyang panga, kitang-kita ang gasgas sa mukha niya.

'Ano? Sinugatan niya ba ang mukha niya gamit ang sarili niyang singsing?' Bago pa masuri ni Scarlett ang sitwasyon, isang mahigpit na kamay ang humila sa kanya, at isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha! Ang sampal ay dumating nang hindi inaasahan, kaya ang kanyang katawan ay umindayog sa kabilang panig, ang kanyang katawan ay lumapag sa bangketa.

Para sa isang panandaliang sandali, huminto siya sa paghinga, nabigla sa kung paano ang pag-ibig ng kanyang buhay ay nagpadala sa kanya na nakahiga sa lupa, ang kanyang puso ay nawasak sa isang milyong piraso.

"At ngayon sinasaktan mo si Courtney gamit ang iyong mga kamay? Ipapakulong kita for assault!" Pagbabanta ni Luca, tumatagos ang mga mata sa balingkinitang katawan ni Scarlett.

"Ako? Assault? Ikaw ang sumampal sa akin sa harap ng-"

Out of nowhere, ang kanyang matagal nang kaibigan sa opisina, si Mina, ay lumitaw sa tabi ni Courtney at inihayag, "Mayroon akong patunay sa ginawa mo, Scarlett. Ngayon ay malalaman na ng lahat kung gaano ka talagang mapaghiganting tao!"

Itinaas ni Mina ang kanyang cellphone at nagplay ng video. Ang anggulo kung saan kinuha ni Mina ang recording ay parang hinampas niya ng kamay si Courtney.

Ito ay isa pang paggising para kay Scarlett. Pinagtaksilan din siya ni Mina. Napakalungkot naman ng buhay niya.

Mas maraming tao ang pumapalibot sa kanila at sinisisi siya ni Luca. "Sinaktan ng babaeng ito ang magiging asawa ko! Tama lang na sumagot ako! Hindi lang iyan, ginulo niya ang workplace namin dahil lang sa personal na sama ng loob, isang pag-uugali na hindi nararapat sa isang magiging abogado."

May katotohanan yun. Hinabol ni Scarlett si Courtney. Bakit hindi? Maraming taon silang magkasama ni Luca. Ang kanilang relasyon ay umunlad mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa magkasintahan, at pinahahalagahan niya ang kanilang pagsasama. Paano niya malayang ipapaubaya lang si Luca? Worse, sa mortal pa niyang kaaway?

Noong nasa loob pa ng opisina, tinawag ni Scarlett si Courtney na isang mistress, isang walang utang na loob na pekeng anak ng mga Barnes na inagaw ang pamumuhay na para dapat kay Scarlett.

"Luca, nakalimutan mo na ba kung paano kinuha ni Courtney ang pamilya ko? Ako ang lehitimong anak ng mga Barnes, pero si Courtney -"

"Shut up! Hindi niya rin kasalanan iyon. Ito na ang huling pagkakataon na iistorbohin mo kami. Opisyal ka nang tinatanggal sa law firm at bilang parusa sa pananakit kay Courtney, sisiguraduhin kong hindi ka din ihahire ng bawat kompanya, at bawat iba pang corporate office sa bayan na 'to!" Galit na sabi ni Luca, lumakas ang kanyang boses, tila kumukulog sa buong kalawakan, ang mga mata ay dumapo sa kanyang kahabag-habag.

Samantala, si Courtney ay may mayabang na hitsura sa kanyang mukha, pero nang lumingon si Luca, ang kanyang ekspresyon ay napalitan ng pangsisisi. Sabi ni Courtney, "Luca, hindi worth it magalit sa kanya. Patawarin na natin siya. Kapatid ko din naman siya, kung tutuusin."

Pinanood ni Scarlett habang inakbayan ni Luca si Courtney at narinig niyang sinabi nito sa kanya, “Mabait ka talaga, my love... Hindi tulad ng isang tao diyan na akala ko kilala ko.”

'Napa-fake ng babaeng yun! Siya siguro ang demonyong naipanganak lang uli!' Gusto ni Scarlett na sabihin ito nang malakas, pero itinatago niya ang kanyang mga iniisip sa kanyang sarili. Sobra na ang pinagdaanan niya ngayon.

Enough was enough.

Para bang laban din sa kanya ang langit noong araw na iyon, bumuhos ito nang malakas sa labas ng gusali ng law office at sa huli basang-basa ang kanyang damit.

"Umalis ka na at huwag ka nang magpakita sa amin kahit kailan!" Iyon ang mga huling salitang sinabi sa kanya ni Luca bago niya inutusan ang mga security personnel na itaboy si Scarlett.

Hindi alam ni Scarlett kung gaano siya katagal nanatili sa ilalim ng ulan, pero nang makatayo na siya, nanumpa siya sa langit sa itaas, "Pinapangako ko sa inyo, Luca at Courtney, maghihiganti ako. Magsisisi kayo sa ginawa niyo sa akin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status