Lumakas ang tibok ng puso ni Scarlett. Mabibigat ang kanyang paghinga sa katawan ni Kaleb, at ang flutters sa kanyang tiyan ay nagiging wild. Pwedeng nakatakas siya kay Luca nang gabing iyon, pero pwedeng atakihin siya sa puso dahil sa kakaibang pananabik na kanyang nararanasan.Habang ang dulo ng kanyang ilong ay dumampi sa mapang-akit na leeg ni Kaleb, naamoy niya ang kanyang maanghang na cologne, at iyon ay lalong nagdagdag sa static na dumadaloy sa kanyang katawan.'Jusko naman, napakainit ng pakiramdam ko,' tahimik niyang naisip. 'Gaano na ba ako katagal sa hawak niya? Gaano katagal bago sila umalis sa hallway na ito? Seryoso ba!'Napabuntong hininga siya at ginamit ang lahat sa kanyang paghahangad para palayain ang sarili mula sa naramdamang parang isang spell, na nagbubuklod sa kanya patungo kay Kaleb. Nanghihina, nakuha niya ang mga salitang sasabihin, "Malamang wala na sila ngayon. Gaano na katagal? Limang minuto?"Parang narinig niyang umungol ang lalaki, pero mabilis na
"So, Mister Wright? Papayagan mo ba si Liam na maging kaibigan si Scarlett, sa kabila ng nalaman mo tungkol sa kanya?" Tanong ni Boris na nakataas ang kilay dahil sa curiosity."Sa oras ng pagkakakilala ko sa kanya sa restaurant, Boris, naramdaman kong mayroon siyang marangal na karakter. Baka nagkamali siya noon. Siguro ang pagkakamali niya ay sinubukan niyang ipaglaban ang nakaraan niyang relasyon. Hindi natin alam kung ano ang sigurado. Hanggang sa makuha ko ang side niya sa kwento, hindi ko siya huhusgahan," bumuntong-hininga si Kaleb at nagmungkahi."Gayunpaman, ang isa o ilang mga pagkakamali ay hindi tayo dinedefine. Para sa mga natututo sa mga pagkakamali, hinuhubog sila nito na maging isang mas mabuting tao.” Naningkit ang mga mata ni Kaleb, iniisip ang mga sinabi ni Scarlett sa loob ng sasakyan.Binanggit niya kung paano naging bahagi ng kanyang nakaraan sina Luca at Courtney na sana ay hindi na niya naranasan. Napagpasyahan niya kung paano niya pinagsisihan ang anumang na
Mas maaga sa gabing iyon.“Anong pangalan mo, dear? You are beautiful,” sabi ng lalaking ipinakilala kay Scarlett bilang Mister Sanders. Siya ang presidente ng isang maliit na negosyo, isang grupo ng mga tindahan ng hardware.Hindi kailanman nagsilbi si Scarlett sa mga VIP room sa Herbal Twists Restaurant. Binigyan lang ng management ng pagkakataon ang mga tenured attendant. Narinig niya na ang mga bisitang VIP ay nagbigay ng maraming tip. Sa isang pagkakataon, ang kanyang katrabaho ay ginantimpalaan ng dalawang libong dolyar. Hindi niya naiintindihan kung paano makakapagbigay ang isang tao ng napakagandang tip. Gayunpaman, narinig din ni Scarlett ang mga kuwento tungkol sa kung paano masyadong hinihingi ang mga customer. Kaya naman, hindi niya inasahan na makuha ang mga karagdagang tip na iyon.Sa pagkakataong ito, gayunpaman, napilitan siya sa sitwasyon. Ilang araw na ang nakalipas, iniuwi niya si Liam sa tatay nito nang walang pahintulot ng amo niya na lalabas siya ng establishme
“Scarlett, hindi yata makakabuti na pumunta ka sa bahay mo. Narinig kong nagpadala si Mister Sanders ng ilang tao sa address mo. Nasa akin ang iyong wallet at ang iyong telepono. Pwede tayong magkita bukas at maibibigay ko 'to sa iyo." Sabi ng kaibigan ni Scarlett sa trabaho sa telepono.Dahil nagmamadali siyang tumakas sa restaurant kanina, iniwan niya ang mga gamit niya sa locker niya. Sa kabutihang palad, ang kanyang katrabaho ay mabait na kumuha nito para sa kanya.“Salamat, Dale. may utang ako sayo. Tatawagan na lang kita pag kukunin ko na yung gamit ko,” sabi ni Scarlett bago nagpaalam.Ibinigay niya ang telepono kay Kaleb, at sinabing, “Salamat sa pagpayag na gamitin ko ang phone mo.”“You are welcome, Scarlett,” sagot ni Kaleb. Itinuro ang pinto patungo sa banyo, iminungkahi niya, “Maligo ka ng mainit para hindi ka magkasakit. Hiniling ko sa manager ng hotel na bumili ng damit at sapatos na isusuot mo."“Sige, salamat, Kaleb. Ang laki ng utang na loob ko sayo,” sabi niya b
"Dito?" Sabi ni Scarlett, ang mga payat na daliri nito ay minamasahe ang magandang likod ni Kaleb."Oo, diyan," tamad na sagot ni Kaleb, ang kanyang likod ay naka-arko sa kanyang direksyon, ang kanyang magandang baywang ay nasa harap niya.Sumusumpa si Scarlett, parang makasalanan ang boses ni Kaleb. Kahit paulit-ulit na umuungol sa kanyang pagmamasahe, iniisip ni Scarlett na ito ay mga sexy moans.Nakaupo siya sa likod niya sa sofa sa sala, inaalis ang sakit na dala niya nung binuhat niya si Scarlett paakyat sa kanyang penthouse.“Medyo masakit din yata ang ulo ko. Okay lang ba i-massage mo din angnoo ko?" tanong ni Kaleb.Sino siya para tumanggi? Siyempre, sumang-ayon siya, ng may pag-iingat."Oo naman-"Mabilis na humiga si Kaleb kaya napaatras si Scarlett sa gilid ng sofa, ang ulo ay nakapatong sa kanyang kandungan.Naningkit ang mga mata ni Scarlett, nakita ang magandang kurba ng kanyang dibdib. Si Kaleb ay hindi masyadong ma-muscle, pero siya ay may maayos na balikat, may m
'Totoo ba ito?' Napaisip si Scarlett. 'O nananaginip ba ako? Si Kaleb Wright ‘to. Maaaring siya ang most-eligible bachelor sa lungsod at iminungkahi niyang maging tamang tao para sa akin?'Oo naman, inamin niya na napansin niyang nagpaparamdam si Kaleb sakanya, at siyempre, hindi siya makapaniwala na nangyayari ito.Hindi alam ni Scarlett kung gaano siya katagal nag-isip, pero hindi nagtagal ay bumalik sa kanya ang kanyang wisyo nang magtanong si Kaleb, “Hindi pa ba halata?”Inalis niya ang kanyang pag-iisip at nagsalita, "Marunong ka pala mag biro."“Hindi ako nagpapatawa,” sagot ni Kaleb. Inayos niya ang kanyang postura para tuluyang nakaharap ang katawan nito sa kanya. Buong puso niyang pinag-aralan ang mukha nito at pagkatapos ay sinabi niyang, "Sa katunayan, gusto kong pakasalan mo ako."“Pa-pakasalan ka? Bakit?" Seryosong tanong niya, hindi maiwasang tumaas ang boses niya. Ito ang literal na pangalawang proposal sa linggong iyon, at nakita niyang napakalaki nito para hilingi
'Maaari mong makuha ang aking katawan.''Maaari mong makuha ang aking katawan.''Bakit kailangan niyang sabihin iyon?' Ungol ni Scarlett, lumingon sa kabilang side ng kama. Ang imahe ng six-pack abs, slender waist, firm biceps, at malawak na dibdib ni Kaleb ay patuloy na inaalala niya at natagpuan niya ang sarili na hindi mapakali habang nakahiga sa tabi ni Liam.Makalipas ang isang oras ng hatinggabi, nagising ang kawawang bata, nag-aalala para sa kanya."Okay ka lang ba, Beauty? Ayaw mo bang matulog sa tabi ko?" Mukhang nasaktan siya. Nag-pout ang labi niya at suminghot na parang naiiyak.“Naku, pasensya na, Liam. Hindi ko sinasadyang gisingin ka." Tumalikod siya para harapin ang binata at tinapik ito sa braso. 'Pinapahirapan ako ng tatay mo!'"May- may iniisip lang ako, isang bagay na talagang nakakabaliw," katwiran niya bago ngumiti. Nagpahinga ito palapit sa kanya at hinila ang kumot pataas. "Matulog na ulit tayo, okay?""Sasama ka ba sa akin sa school bukas ng umaga?" Tano
“Scarlett, pasensya na. Alam mo, si Greg lang ang security ng apartment namin at matanda na siya. Hindi niya nagawang pigilan ang mga lalaking iyon na pumasok sa apartment mo. Sinubukan naming bantaan sila sa pamamagitan ng pagtawag sa pulis, pero hindi sila natakot. Sabi nila, sinaktan mo daw ang isang prominenteng lalaki,” sabi ng landlady niyang si Miss Gray.“Hindi ligtas na tumira ka rito, Scarlett. Kalimutan mo na ang tungkol sa upa mo, pero - pero hindi ko alam kung kaya mong bayaran ang mga sirang pinto at cabinet. Buti na lang umalis sila nung nalaman nilang wala ka sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung natagpuan ka nila rito.”Panay ang tingin ni Scarlett sa kaloob-looban ng kanyang magulong apartment. Nasira lahat ang mga pinto, pati na ang mga pinto sa cabinet. Ngayon, pinagsisihan niya ang pagsipa kay Mister Sander!Nilingon niya si Archer, ang security personnel na inutusan ni Kaleb na samahan siya sa bahay. Kausap niya si Kaleb. Masasabi niya, si Kaleb