”Sige! Maniniwala ako sa iyong kakayahan!”“Evans, sinabi mo na si Evans ay ang hari ng Hong Kong. papatunayan ko ito sa sarili ko!”Si Sharon ay sobrang masaya sa pagpupuri ni Murphy at binigyan ng mapagmataas na tango na puno ng yabang.“Ah, tama. Kailangan natin ang bagay na iyon na gusto ng royal family sa auction ngayong gabi!”“Hanggat sa ang bagay ay inalok sa Queen, kaya kong kaagad mabawi ang aking royalty. Magagawa ko pa na magawang umusad sa linya papunta sa trono!”Si Murphy ay mukhang natutuwa. “Sharon, huwag kang magalala. Talagang makukuha ko ito!”Inisip niya na kung si Sharon ay magagawang makuha ang royalty at humakbang paharap sa linya sa trono, kung gayon siya din ay isang hakbang papunta sa trono matapos niya siyang pakasalan.Kaya, siya ay maagap.Bang, bang! Tinapik niya ang kanyang mga dibdib at malakas na sinabi, “Malapit ako sa organizer ng auction! Sila ay talagang bibigyan ako ng pabor!”“Siguradong makukuha natin ang bagay na iyon sa pinakamababa
”Meron pang ibang rason bakit si Murphy ay biglang bumalik. Ito ay dahil sa auction na ito na inayos ng Five Virtues Temple.”“Itong auction na ito ay ginaganap paminsan minsan. Ang mga bagay na inaauction ay lahat rare na mga kayamanan!”“Kaya, ang auction ay kumuha ng mga maharlika mula sa buong mundo.”“Sinasabi na ilang royal family mula sa west at east, pati na din ang tagapagmana ng ilang major chaebol sa America ay sumali sa auction sa ilalim ng anonymous na pagkatao.”“Nakakawili.”Ngumiti si Harvey.“Noon una ayaw ko na umalis, pero tutal ang Five Virtues Temple ay inayos ito, maaari mo akong isama kung titignan mo ito.”***Si Harvey at Leslie ay nagbago sa tux at evening dress ng alas syete ng gabi. Tapos sila ay pumunta sa top floor ng Three Seasons Hotel.Si Harvey ay talagang sobrang interesado sa Five Virtues Temple.Kung sabagay, ang Five Virtues Temple ay ang sagradong martial art training ground. Kamakailan, si Scarlett Leithold ng Five Virtues Temple ay pu
Subalit, sumimangot si Harvey matapos marinig ang kanyang mga sinabi. “Sila ay nagauction ng national quintessence at martial arts ng great Country H.”“Hindi ba sumusobra na ang Five Virtues Temple?”Nagbuntong hininga si Leslie. “Iyan ang matalinong parte. Ang libro ng martial arts na nilabas nila ay tanging nageexist lang sa mga alamat dati at walang kahit sinong tagapagmana.”“Kaya, walang nakapagpatunay kung kanino ito nagmamay ari. Pinaparating lang nila na ito ay pagmamay ari ng Five Virtues Temple!”“Tutal sila ay nagaauction ng kanilang mga gamit, pwede nila itong ibenta sa kahit na sino. Sino ang makakakontrol sa kanila?”Tumango si Harvey, pero ang kanyang mata ay nanlamig.Nagpromote ng kultura ng great Country H sa ibang bansa ay magandang bagay.Subalit, ang pagbenta ng quintessence ng great Country H ay lumampas na sa linya ni Harvey.Hindi napansin ni Leslie ang kaunting panlalamig sa mata ni Harvey. Kaswal siyang nagpatuloy, “Ito ang mga rason bakit ang auction
Ang invitation card para sa pamilya Don ay mukhang pinabayaan, dahil sila ay binigyan ng pinaka pangit na upuan.Malinaw, masyadong maraming mga maharlika mula sa upper circle ng Hong Kong at Las Vegas.Kahit na ang pamilya Don ay first-class na pamilya at sila ang mga Governor, sila pa din ay kinikilala bilang pasaway sa dalawang city kung saan capital ang pinagbabatayan.Ang mga Hamilton at mga Mendoza ay dapat pinadala din ang kanilang mga representative. Subalit, masyadong maraming tao at hindi sila mahanap ni Harvey, kaya hindi siya lumapit para batiin sila.Gayunpaman, si Murphy at Sharon ay masayang naguusap at malakas kahit sila ay nakaupo sa pinaka gitna ng lugar. Hindi sigurado kung ito ay sinasadya o hindi.Sila ay nakaupo malapit sa gitna, kaya madali silang nakikita ng lahat.Tumingin si Harvey sa nangangaliwang couple na ito na may galit.Nagisip siya kung anong klaseng bagay ang makakakuha ng atensyon ng the Empire of the Sun that Never Sets.Tumingin si Harvey s
Sa kasalukuyan, wala pang nakakaalam kung kanino nagmula ang long sword. Mukha itong sira at para bang wala itong masyadong halaga bilang pangkoleksyon. Pagkatapos itong tignan nang maigi, naramdaman ng marami sa mga mayayamang customer na hindi magandang bilhin ang long sword. Lalo na't ang starting price ay 1.5 million dollars. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Harvey na nanginginig si Sharon sa upuan niya. Nakatingin siya sa long sword nang may mainit na titig na para bang nakatingin siya sa sarili niyang ama. Kaagad itong naintindihan ni Harvey: alam na alam niya kung kanino ang long sword. Sa huli, inaasahan ito. Kung alam ng kahit na sino na ginamit ng buhay na alamat ng Country H ang espadang ito noon, napakaraming tao ang hindi titigil para makuha ito. Mas mabuti kung hindi mauuwi sa ibang tao ang long sword. Nang hindi nagdadalawang-isip, tinapik ni Harvey ang balikat ni Leslie. "Bibilhin natin to." Tumingin si Leslie kay Harvey nang puno ng pagtataka. Hindi
Nang hindi kumulang ilang minuto, nangyari ang isang matinding auction. Ngayon, alam mismo ng lahat kung ano ang halaga ng espada. Pagkatapos ng ilang rounds ng bidding, tumayo si Sharon nang may nagngingitngit na ngipin. "Three hundred million dollars! Bibilhin ko to sa halagang three hundred million dollars!" "Ang kung sinumang lalaban sa'kin ay lumalaban sa The Empire of the Sun that Never Sets!" Nang narinig ng lahat ang pangalang iyon, nanahimik ang lahat. Kabilang ang mga tycoon mula sa middle east at ang mga prinsipe ng Northern Europe sa mga taong napakunot ang noo. Kung kinakatawan lang ni Sharon ang sarili niya sa auction, ayos lang na mag-bid laban sa kanya. Pero kung nagpunta siya rito sa ngalan ng royal family ng The Empire of the Sun that Never Sets, mapapahamak sila pag ginawa nila ito. Alam ng lahat kung gaano kahirap pakiusapan ng eldest princess ng royal family. Ang pagkakaroon ng hidwaan sa Empire of the Sun that Never Sets para sa isang sirang espa
Napahigop ng hangin ang lahat. Kahit na ang may-ari ng sirang espada ay mabibigyan ng karapatan na humingi ng kahit na ano mula sa Head Coach, malaking halaga pa rin ang tatlong daang milyong dolyar. Sa suporta ng The Empire of the Sun that Never Sets kay Sharon, sinong magtatangkang lumaban sa kanya?Kahit na marami silang pera, natatakot sila na baka maghiganti ang bansa sa kanila at saktan sila. Sa kabila nito, may nagtapang na pataasin ang bid nang biglaan. At sa halagang four hundred and fifty million dollars pa nga! Nabigla ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari. 'Hindi ba masyadong matapang ang batang to?!' "Harvey, hayop ka!" Tinitigan nang masama ni Murphy si Harvey. "Nakikipaglokohan ka ba sa'min?! Meron ka ba talagang ganito kalaking pera?!" "Kung hindi, sinisira mo ang interes ng organizer sa pagtaas ng bid nang walang dahilan!" "Kayo! Itapon niyo palabas ang lalaking to!" Tinitigan rin nang masama ni Sharon si Harvey, nalukot ang mukha niya sa g
“Sold!”Nang itataas pa lang ni Harvey ang bid niya, narinig ulit ang malayong boses na may dalang kayabangan. “Six hundred million dollars, sold to Ms. Pearl!”Narinig kaagad pagkatapos nito ang tunog ng gavel. Hindi man lang nagkaroon si Harvey ng pagkakataong makakibo. Sa puntong ito, hindi na sinusuportahan ng Five Virtues Temple si Sharon ang palihim. Halatang kinakampihan nila siya!Kaagad na naging malamig ang titig ni Harvey. "Hindi tama to!" galit niyang sigaw. "Hindi ko pa nasasabi ang bid ko!""Bibilhin ko to sa halagang seven hundred and fifty million!""Nakapagpasya na ang Maiden na si Ms. Pearl ang panalo." Tumingin ang matandang priestess kay Harvey nang hindi man lang nagtangkang magpaliwanag. Nginitian niya si Sharon at nagsabing, "Pumunta kayo sa backstage at magbayad muna bago niyo kunin ang sirang espada ng Head Coach, Ms. Pearl." "Bilang kinatawan ng Five Virtues Temple, binabati kita."Napahinto sina Sharon at Murphy sa gulat. Akala nila ay m
Ngumiti si Kairi Patel."Basta alam mo kung ano ang hinaharap mo."Nababahala ako na baka mahulog ka sa malambing na yakap ng iba."Kung ganun nga, baka sumama na lang kami sa pagbagsak mo."Tumawa nang malakas si Harvey York."Huwag kang mag-alala. Gusto akong patayin ng babaeng iyon. Hindi niya gagawin ‘yun.”“Mahirap sabihin ‘yan.”Sumimangot si Kairi."Ang mga babaeng katulad niya ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kanilang mga layunin!""Hindi ba may mga kilalang eksperto tulad ng Kawashima family noong Second World War?"Tumawa si Harvey."Huwag ka nang mag-alala. May karanasan ako. Walang dahilan para pag-usapan natin ‘to…“Bumalik na lang tayo sa Heaven’s Gate.“May kaugnayan ba si Layton Surrey sa Patel family?”Binuklat ni Harvey ang mga pahina ng mga dokumento. Naging mausisa siya matapos makita ang ilang kasaysayan sa pagitan nina Layton at ng Patel family.“Oo, pero ilang dekada na ang nakalipas mula noon."Ang mga sama ng loob ng na
Habang nag-uusap nang matagal sina Layton at Zaid Surrey…Itinapon na ni Harvey York ang name card sa basurahan.Nag-scroll siya sa kanyang laptop, tinitingnan ang ilang impormasyon tungkol kay Layton.Hindi nagtagal ay umingay ang kanyang telepono. Kairi Patel, na hindi nakipag-ugnayan sa loob ng ilang araw, tumawag.Kinuha ni Harvey ang video call bago makita ang isang napakaakit-akit na babae sa isang damit na nakaupo sa isang upuan habang pinapaikot-ikot ang kanyang baso ng alak.Ang nakakaakit na tanawin ay magpapahingal sa sinumang lalaki.Si Kairi ay isang tunay na anghel. Ang isang walumpung taong gulang na lalaki ay malamang na makaramdam ng panibagong sigla pagkatapos makita siya.Dahan-dahang umiwas si Harvey bago mabilis na ibinaling ang kanyang atensyon sa mga dokumento sa harap niya.“Ano'ng nangyayari? Medyo gabi na."Hindi ka pa tapos sa sitwasyon sa Golden Sands, hindi ba?"Ngumiti si Kairi."Hindi naman sa ayaw ko. Si Blaine John ay medyo masyadong maingat
Kumunot ang noo ni Zaid Surrey."Sinabi niya na hindi siya makikipagtulungan sayo kung may kinalaman ka sa pagkamatay ni Quill Gibson!“Ibibigay din niya ang technique sa sandaling mapatunayan natin na inosente ka!"Kung hindi... magiging walang silbi ito kahit na makuha mo ang technique."Sinabi ni Zaid kay Layton Surrey ang lahat ng sinabi ni Harvey York, upang matiyak na hindi siya magkamali ng intindi.“Anong ibig sabihin nun?”Hindi rin ito naintindihan ni Layton.Nautal si Zaid.“Sinabi niya… SInabi niya na…”“Ano? Sabihin mo na.”Napalunok si Zaid sa kaba."Sabi niya... na ang isang patay na tao ay wala namang silbi sa teknik na iyon."Nagtaka si Layton at tumawa."Gaya ng inaasahan mula sa isang binatang tulad niya. Kinekwestyon niya din ako sa puntong ito…”Nagalit si Layton.Matagal na siyang nasa mataas na posisyon. Namumuhay siya nang walang ginagawa ngunit hindi niya papayagang tanungin ng iba ang kanyang awtoridad!"Kung aaminin ko man na ako'y kasangkot,
Nagsalita si Zaid Surrey habang bahagyang nakangiti.Ngayong ipinakita na niya ang kanyang tunay na kulay, naging sobrang pranka siya.Ngumiti si Harvey York pabalik kay Zaid."Pinagbabantaan mo ba ako?"Ininom ni Zaid ang kanyang tsaa.“Mali ka ng iniisip! Bakit ko gagawin ‘yun?“Pinapaalalahanan lang kita!“Lalo na, umaasa ako na makipagtulungan sayo.“Matagal ko na rin namang kinasusuklaman ang Lowe family at ang Bowie family.”Hinagis ni Harvey ang kanyang tasa sa lupa, at nabasag ito.Kumibot ang mga mata ni Zaid at tumingin siyang maigi kay Harvey. Wala siyang ideya kung paano pipili si Harvey."Kung pinagbabantaan mo ako, ibig sabihin hindi mo kayang patunayan na inosente kayo.“At kung ganun nga, ibig sabihin ay may kinalaman rin dito si Layton.“At dahil mukhang iyon nga ang totoo, ipaabot mo na lang sa kanya ang mensahe ko dahil sa kabaitan mo.”“Hindi niya makukuha ang technique. Kung sabagay, wala itong magiging silbi kahit na makuha niya ito.”Napahinto si Z
Humalakhak ng malakas si Zaid Surrey.“Napakapranka mong tao!“Tutal nandito na tayo sa puntong ‘to, mabuti pang maging pranka ako!“Matagal nang nasa Heaven’s Gate si Mr. Layton. Sa dinami-rami ng mga tao, alam niya na wala talagang mental cultivation technique!"Ang technique ay isang kwento lamang na kumalat isang daang taon na ang nakalipas upang protektahan ang sacred martial arts training ground!"Pero sa kabila nito, nagawa ni Quill Gibson na iperpekto ang kanyang sirkulasyon ng enerhiya!“Nagtataka si Mr. Layton. Gusto niyang malaman kung anong technique ang natutunan ni Quill para mapabuti ang kanyang martial arts nang ganito.“Gusto niyang malaman…”“Isang bihasang tao si Mr. Layton. Kahanga-hanga na inamin niya na wala talagang mental cultivation technique.”Ngumiti si Zaid.“At paano naman ang deal ko?”“Tatanggapin ko ito, pero sa isang kondisyon.”“Sabihin mo ang anumang gusto mo. Ibibigay ko ito gamit ang lahat ng kapangyarihan ko.”“Hindi mo kailangang gawi
Kalmadong ngumiti si Harvey York."Wala kang karapatan na magsalita tungkol doon. Nandito ka ba para bumisita? O nandito ka para humingi ng paliwanag?“Kung tungkol ito sa una, tatanggapin ka namin ng buong puso."Pero kung hindi, mas mabuti pang pag-isipan mo nang mabuti ang mga kilos mo."Hindi kita bibigyan ng espesyal na pagtrato dahil lang kapatid ka ng pinuno."Ang Great Protector at ang iba pa ay labis na humanga.Sa lahat ng tao sa headquarters ng Heaven’s Gate, siya lamang ang naglakas-loob na kausapin si Zaid Surrey ng ganun.Tumawa si Zaid matapos marinig ang mga salita ni Harvey."Hindi na kailangan ‘yan."“Huwag mong kalimutan! Nasayo ang badge ng pinuno!"Ang iyong badge ay may parehong awtoridad gaya ni Mr. Layton Surrey!“Sa madaling salita, magkakampi tayo!"Hindi lang ako nandito para bumisita..."Nandito rin ako upang ipahayag ang aking paninindigan."Gusto kong makipagtulungan sa inyo at sa Gibson family bilang kapalit ni Mr. Layton."Napahinto ang la
”Hindi niyo kailangang mataranta. Nandito lang ako para bisitahin si Mr. Quill.“Hindi ako nagpunta para gumawa ng gulo.“Iginagalang ko ang aking mga elder, alam niyo ba ‘yun?”Ang lalaki ay nagbigay ng bahagyang ngiti at pumasok."Dumating na ang kapatid ng pinuno, si Zaid Surrey!" sigaw ng isa sa kanyang mga tauhan.Mga regalo at korona ng bulaklak ang agad na pumalibot sa kabaong ni Quill Gibson."Ano?! Ang kapatid ng pinuno?!”"Si Zaid Surrey?! Ang senior ng Heaven’s Gate?!”Hindi napigilan ng mga tao ang mapahagulgol nang marinig nila ang mga salitang iyon.Ang reputasyon ni Zaid ay talagang napakalaki!Hindi siya kabilang sa alinman sa mga pamilya ng Heaven’s Gate. Sinasabi na siya ay isang inabandunang bata na inampon ng pinuno habang naglalakbay sa buong mundo.Mas matagal na siyang kasama ng lider kaysa sinuman. Ang kanyang pagdating ay kumakatawan sa kalooban ng lider!Ang lider, na hindi nakikialam sa mga gawain ng Heaven’s Gate, ay malamang na gagawa na ng hakb
Bahagyang umiling si Prince Gibson.“Ms. Rachel! Hindi mo kilala ang mga pamilyang ‘to!“Matagal na panahon na silang nasa headquarters! Walang nakakaalam kung sino ang nasa panig nila ngayon!“Ang ilan sa mga tao nila ay sadyang hindi nagpapakita!“Hanggang hindi sila nagpapakita, wala tayong malalaman…"Si Sir York ay tama sa pagpapalubog sa kanila sa kawalang pag-asa." Sa ganitong paraan, maaari nating matanggal ang mga ugat nang sabay-sabay.Nang hindi nagsasalita, tumitig si Rachel Hardy kay Harvey York na may alam na ekspresyon."Sa iyong pagkaunawa sa dalawang pamilya, ano ang susunod nilang gagawin?"Tiningnan ni Harvey si Prince nang may pagdududa. Ito ay isang pagsubok upang makita kung karapat-dapat siyang pumalit kay Quill Gibson.Humugot ng malalim na hininga si Prince at nag-isip sandali.Kung ako ang nasa kanilang kalagayan, hindi ko lang hindi gagamitin ang lakas ng pamilya, patuloy ko pang paiigtingin ang mga bagay-bagay at gagawin kong mas mukhang inosente
"Hindi ito maaari!"“Mga lapastangan!“Paano niyo nagawa ito?!”Parehong nagalit ang dalawang pamilya nang makita nilang umalis sina Prince Gibson at ang iba pa sa lugar.“Elder Adler! Elder Osman! Dapat tayong kumilos!”“Tama! Papupuntahin natin ang lahat ng puwersa namin dito! Babasagin lang natin ang tahanan ng pamilya Gibson gamit ang lahat ng meron tayo!"Hindi na ito magiging mahirap para sa atin na harapin sila habang epektibo pa ang kanilang droga!""Kahit gaano pa kahanga-hanga si Harvey York, wala siyang laban sa buong lakas ng Heaven’s Gate! Bigyan mo lang ng utos ang lahat, at makakakilos na tayo!”“Maging si Quill Gibson ay namatay sa mga kamay natin! Walang kwenta si Prince at si Harvey kumpara sa kanya!”Siyempre, ang mga walang silbing nakatataas ay lahat nagpapakita ng makatarungang galit.Sobrang kailangan nila ng mga tao para makaalpas sa problema."Huwag maging pabaya, lahat..."Huminga ng malalim si Adler Lowe at pinisil ang kanyang dibdib.“Sabi ko na