Share

Kabanata 2583

Penulis: A Potato-Loving Wolf
Napahigop ng hangin ang lahat.

Kahit na ang may-ari ng sirang espada ay mabibigyan ng karapatan na humingi ng kahit na ano mula sa Head Coach, malaking halaga pa rin ang tatlong daang milyong dolyar.

Sa suporta ng The Empire of the Sun that Never Sets kay Sharon, sinong magtatangkang lumaban sa kanya?

Kahit na marami silang pera, natatakot sila na baka maghiganti ang bansa sa kanila at saktan sila.

Sa kabila nito, may nagtapang na pataasin ang bid nang biglaan.

At sa halagang four hundred and fifty million dollars pa nga!

Nabigla ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari.

'Hindi ba masyadong matapang ang batang to?!'

"Harvey, hayop ka!"

Tinitigan nang masama ni Murphy si Harvey.

"Nakikipaglokohan ka ba sa'min?! Meron ka ba talagang ganito kalaking pera?!"

"Kung hindi, sinisira mo ang interes ng organizer sa pagtaas ng bid nang walang dahilan!"

"Kayo! Itapon niyo palabas ang lalaking to!"

Tinitigan rin nang masama ni Sharon si Harvey, nalukot ang mukha niya sa g
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2584

    “Sold!”Nang itataas pa lang ni Harvey ang bid niya, narinig ulit ang malayong boses na may dalang kayabangan. “Six hundred million dollars, sold to Ms. Pearl!”Narinig kaagad pagkatapos nito ang tunog ng gavel. Hindi man lang nagkaroon si Harvey ng pagkakataong makakibo. Sa puntong ito, hindi na sinusuportahan ng Five Virtues Temple si Sharon ang palihim. Halatang kinakampihan nila siya!Kaagad na naging malamig ang titig ni Harvey. "Hindi tama to!" galit niyang sigaw. "Hindi ko pa nasasabi ang bid ko!""Bibilhin ko to sa halagang seven hundred and fifty million!""Nakapagpasya na ang Maiden na si Ms. Pearl ang panalo." Tumingin ang matandang priestess kay Harvey nang hindi man lang nagtangkang magpaliwanag. Nginitian niya si Sharon at nagsabing, "Pumunta kayo sa backstage at magbayad muna bago niyo kunin ang sirang espada ng Head Coach, Ms. Pearl." "Bilang kinatawan ng Five Virtues Temple, binabati kita."Napahinto sina Sharon at Murphy sa gulat. Akala nila ay m

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2585

    "Sa akin na ang item na yan! Bibilhin ko ito sa halagang pitong daan at limampung milyon ngayon mismo!" "Ayon sa patakaran ng auction hall, ang mataas na bidder ang laging nananalo.""Kahit na kumpirnahin mo pa ang bid, kailangan mong tumawag ng tatlong beses bago mo ihampas ang malyete!" "Pero tinanggap mo ang pinakamababang bid ng hindi man lang binibigyan ng pagkakataon ang iba?" "Anong ibig sabihin nito?!" "Nakikipagsabwatan ka ba sa Empire of the Sun that Never Sets para ibenta sa kanila ang isang bagay na pagmamay-ari ng mga mamamayan ng Country H?!" "Dapat alam niyo kung ano ang sinisimbolo ng bagay na ito!" "Pagmamay-ari ito ng Head Coach!" "Binabastos mo ba nga siya sa pagsusubasta ng isang bagay na gaya nito…""Tapos ngayon, ikaw na din ang magdedesisyon kung sino ang makakabili nito?! Iniinsulto mo ba ang Head Coach?!" “Ang lakas ng loob mong bata ka!” Galit na galit na sumigaw ang priestess.“Alam mo ba ang kapalit ng paninira sa Five Virtues Temple?!”N

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2586

    “Syempre naman hindi,” malamig na sagot pabalik ni Harvey, puno ng poot ang kanyang mukha.“Hindi mo naman kailangan na sumali kung hindi ka interesado,” mahinahon na tugon ni Teal, walang pakialam sa kanyang galit.“Kung nandito ka, kailangan mong sundin ang patakaran ko.” “Lalo na, nasa akin ang huling salita sa aking teritoryo!”“Sige na, tama na ang pag-uusap. Isama mo na si Sir York at umalis na kayo, Ms. Clarke.”“Hindi ako makikipagtalo sayo. Para sa kapakanan ng pamilya mo, hindi ko kayo ilalagay sa blacklist.”“Pero wala nang susunod.”Bumalik na sa pagiging malamig ang tono ng pananalita ni Teal… Para namang siya ang batas.“Ito ang paliwanag mo?”“Ito ang patakaran ng Five Virtues Temple?”Mahinahon na tumawa si Harvey.“Nakakatakot naman! Ang laki siguro ng tiwala niyo sa mga sarili niyo!”Mukhang hindi narinig ni Teal ang sinabi ni Harvey, o kaya naman ay hindi na ito nag-abala na sagutin ito. Gayunpaman, wala itong sinagot. Sigaw ng hindi ganun katandang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2587

    ”Ang sirang espada na ito ay pagmamay-ari ng Head Coach, at yun lang yun.”“Wala na itong iba pang kahulugan.”“Isa lang itong basura na tinapon ng Head Coach pagkatapos na masira nung kalagitnaan ng Euro-American battle.”“Sino ang nakakaalam na may walang hiya na pupulutin ang bagay na to?”“Pwede kang humiling ng kahit na ano sa Head Coach gamit ang basurang to? Kalokohan.”“Pwede bang mag-isip muna kayo kahit na ilang sandali?”“Sa tingin niyo ba ay pwede niyong hilingin ang kahit na ano mula sa knaya gamit ng isang sirang espada?”“Tigilan niyo na ang pananaginip niyo ng gising!”“Ang magagawa niyo lang dyan ay iuwi ang espadang yan bilang koleksyon. Lalo na, isa itong sandata na kumitil ng maraming buhay.”“Base sa payat mong mga binti, hindi mo daopat sisihin ang Haed Coach kapag namatay ka dahil lang sa killer aura na nasa bagay na ito.”Walang pakialam si Harvey. Marami siyang pagmamay-ari, kaya bakit naman niya pahahalagahan ang isang sirang espada?Ang gusto lang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2588

    Tiningnan ni Harvey si Sharon, na mahinahon pa din. Kung paano niya pinuri ang isa pa nitong katauhan, hindi niya halos magawa tuloy itong pagtawanan. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong e idensya," mahinahon niyang tinugon. "Lalo na, ako ang Head Coach.""Hindi iyan isang token dahil sinabi ko!""Naiintindihan niyo ba?"Ang sinabi niya ang gumulantang sa lahat ng maraming tao.Ang lahat ay nakatingin kay Harvey dahil hindi sila makapaniwala. 'Si Branch Leader York at si Prince York ay ang mga pagkatao ng maalamat na Head Coach?!'Kung talagang ganun ang kaso, ibig sabihin ang mga sinabi niya ay tama at ang sirang espada ay wala talagang halaga!Kahit si Teal, na ligtas sa may backstage, ay nahanap ang kanyang sarili na nanginginig dahil sa gulat na dala ng sinabi ni Harvey. Kahit para sa isang babae na kasing banal niya, ang tanging magagawa lang niya ay hangaan ang Head Coach mula sa malayo. Ngunit ang binahay ba lalaking ito na gumagamit ng babae para umakyat sa ka

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2589

    Bumalik sila Harvey at Leslie sa presidential suite makalipas ang kalahating oras Kakaiba ang ekspresyon ni Leslie pagpasok niya ng kwarto. Nagdadalawang-isip siyang magsalita. Kumatok sa pinto si Toby bago makipagtitigan kay Harvey, na kakaiba rin ang ekspresyon tulad ni Leslie. Tahimik na sumulyap si Harvey kay Leslie. Sa kabilang banda, tumawa nang malakas si Toby bago pumasok. "Pakiusap huwag mong sisihin si Leslie, Brother York. Kahit na hindi niya sabihin sa akin, sa kakayahan ko, malalaman ko rin naman bukas ng umaga." "Kahit anong mangyari, di ka talaga niya binubuko." Natawa si Harvey. "Masyado kang mabait. Sinabi lang niya sa'yo ang lahat para sa kapakanan ko. Naiintindihan ko, kaya hindi ko siya sisisihin dito." "Mabuti naman." Nagsalin ng isang tasa ng tsaa si Toby, tapos nag-isip sandali. "Brother York… dahil pamilya na tayo, maging tapat na tayo sa isa't isa. Ikaw ba talaga ang maalamat na Head Coach?" mahina niyang tanong. "Ayos lang ba kung sabih

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2590

    "Oh? Hindi ba kasama ni Scarlett si Vince? Bakit habol rin niya si Teal?" Ngumiti si Harvey. "Harem ba niya ang Five Virtues Temple?" "Shhhh! 'Wag mong sabihin 'yan!" Nababahalang tumayo si Toby sa gulat. Pagkatapos masigurong walang nakikinig, nakahinga siya nang maluwag. "Habang ang mga York ng Hong Kong ang tunay na hari ng Hong Kong at Las Vegas, may malaking impluwensya ang Five Virtues Temple sa South Light at sa karatig na lugar." "Ang titulo ng sacred martial art training ground ay hindi lang basta-basta, alam mo." "Hindi mo lamang binangga si Teal, sinira mo pa ang reputasyon niya!" "Sapat na ito para magtanim sila ng galit sa'yo!" Kumunot ang noo ni Toby. "Dapat magtago ka muna sa mga susunod na araw. Hindi ka dapat umalis, kapag may nalaman ang Five Virtues Temple pwede nila itong gamitin laban sa'yo." "Mula noong mabigo si Scarlett sa misyon niyang sakupin ang Hamilton family, nagtanim na sila ng galit sa akin." "Walang nabago ang insidenteng ito. Hi

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2591

    Mukhang nanlulumo si Leslie. "Sir York, minsan mas mabuting umatras na lang." "Kapag inilabas mo ang galit mo ngayon, masasaktan mo lang ang sarili mo." "May alok ako. Humingi ka ng tawad sa Five Virtues Temple sa nangyari kaninang gabi." "Pero siguradong pagbabayarin natin sila sa ginawa nila." Ngumiti si Harvey nang hindi sumasagot, at sa halip ay ininom ang mapait na Black Tea. Ding!Umalog ang phone ni Toby sa sandaling ito. Humingi siya ng paumanhin bago sagutin ang tawag. Pagkatapos, mukha siyang nagtataka. "Sinasabi mo bang ang sirang spada ng Head Coach na napanalunan ni Murphy at Sharon ay ninakaw?" Nagulat si Harvey nang marinig niya ito. Hindi niya inakalang ganito kabilis ang balita. Pagkatapos magbayad, kaagad na umalis si Sharon kasama ni Murphy. Bago makalayo ang dalawa sa Three Seasons Hotel, ilang malalaking lalaki ang lumitaw. Tinumba ng mga taong ito ang mga guwardiya nila Sharon at Murphy at sinampal si Sharon sa mukha bago umalis. Hindi

Bab terbaru

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5297

    Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5296

    ”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5295

    "Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5294

    Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5293

    Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5292

    Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5291

    Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5290

    Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5289

    Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status