"Oh? Hindi ba kasama ni Scarlett si Vince? Bakit habol rin niya si Teal?" Ngumiti si Harvey. "Harem ba niya ang Five Virtues Temple?" "Shhhh! 'Wag mong sabihin 'yan!" Nababahalang tumayo si Toby sa gulat. Pagkatapos masigurong walang nakikinig, nakahinga siya nang maluwag. "Habang ang mga York ng Hong Kong ang tunay na hari ng Hong Kong at Las Vegas, may malaking impluwensya ang Five Virtues Temple sa South Light at sa karatig na lugar." "Ang titulo ng sacred martial art training ground ay hindi lang basta-basta, alam mo." "Hindi mo lamang binangga si Teal, sinira mo pa ang reputasyon niya!" "Sapat na ito para magtanim sila ng galit sa'yo!" Kumunot ang noo ni Toby. "Dapat magtago ka muna sa mga susunod na araw. Hindi ka dapat umalis, kapag may nalaman ang Five Virtues Temple pwede nila itong gamitin laban sa'yo." "Mula noong mabigo si Scarlett sa misyon niyang sakupin ang Hamilton family, nagtanim na sila ng galit sa akin." "Walang nabago ang insidenteng ito. Hi
Mukhang nanlulumo si Leslie. "Sir York, minsan mas mabuting umatras na lang." "Kapag inilabas mo ang galit mo ngayon, masasaktan mo lang ang sarili mo." "May alok ako. Humingi ka ng tawad sa Five Virtues Temple sa nangyari kaninang gabi." "Pero siguradong pagbabayarin natin sila sa ginawa nila." Ngumiti si Harvey nang hindi sumasagot, at sa halip ay ininom ang mapait na Black Tea. Ding!Umalog ang phone ni Toby sa sandaling ito. Humingi siya ng paumanhin bago sagutin ang tawag. Pagkatapos, mukha siyang nagtataka. "Sinasabi mo bang ang sirang spada ng Head Coach na napanalunan ni Murphy at Sharon ay ninakaw?" Nagulat si Harvey nang marinig niya ito. Hindi niya inakalang ganito kabilis ang balita. Pagkatapos magbayad, kaagad na umalis si Sharon kasama ni Murphy. Bago makalayo ang dalawa sa Three Seasons Hotel, ilang malalaking lalaki ang lumitaw. Tinumba ng mga taong ito ang mga guwardiya nila Sharon at Murphy at sinampal si Sharon sa mukha bago umalis. Hindi
Bukod kay Sharon at Murphy, nasa tapat rin si Leslie at Edwin. Kung hindi dahil kay Leslie at Edwin, sumugod na papasok ng garden villa ng Clarke family ang mga galit na tao. Sa kabila ng pagsisikap ng dalawa, nabugbog pa rin ang mga guwardiya. Ang ilan ay nakahandusay sa sahig pagkatapos mabugbog. Ang saklap nitong tingnan. "Anong nangyayari?" "Sinong nanakit sa mga guwardiya?" Lumabas si Harvey, habang mukhang kalmado. "Ako. Ano naman?" Si Murphy ay nakasuot ng damit na mula sa Kanluran. Tinitigan niya nang masama si Harvey. "Sa wakas nagpakita ka rin, halimaw ka!""Hindi ka nanalo sa auction kagabi, kaya ninakawan mo kami habang pauwi?!" "Napakasama mo! Nasaan ang hiya mo?!" "Ang kapal naman ng mukha mong tawagin ang sarili mong Head Coach?!" "Manigas ka!""Tuwing nakakakita ako ng mga taong tulad mo, kumukulo ang dugo ko sa Country H!" "Hindi ako makapaniwalang pareho tayo ng bansang pinagmuman! Pinapahiya mo ang buong bansa!" "Mas gusto ko pang humigop
"Hindi namin kailangan ng isang Mendoza na magsasabi sa aming mga Evans kung paano kumilos!" "Wala kang karapatan!" Galit na galit na tinuro ni Murphy si Edwin. Sisigaw na sana si Edwin para pumalag, ngunit pinigilan siya ni Leslie. "Uulitin ko sa'yo, Murphy. Walang ninakaw si Sir York!" "Atsaka, walang halaga sa kanya ang sirang spadang 'yun!" "Walang halaga?!" Tumawa si Sharon nang mapanghamak. "Sinasabi mo 'yan pagkatapos niyang maglabas ng 750,000,000 dollars para lang labanan ako sa bid?!" "Mukhang determinado siyang makuha ang spada sa akin!" "Atsaka, si Harvey lang ang kalaban ko dito! Wala nang iba!" "Mga tanga kayong lahat! Tigilan niyo na ang kakadada!" "Kapag nagsalita pa kayo, tatawag ako sa Interpol para arestuhin din kayo!" Sa puntong ito, sinusubukan ni Leslie ang makakaya niya upang pigilan ang kanyang galit. Natatakot siyang baka lumala pa ang mga bagay. Kapag nangyari ito, mapipilitan si Harvey na makipagbanggaan ulit sa Five Virtues Temple
Nahimasmasan si Sharon at sumabay sa tawa, habang mapagmataas ang kanyang tono. "Kasama ako sa royal family ng Empire of the Sun that Never Sets! Kapag sinabi kong ninakaw mo ang gamit ko, ibig-sabihin ginawa mo!" "Wala kang karapatang itanggi ito!" Suminghal si Harvey. "Sinasabi mo bang hindi ka tatanggap ng katwiran?" seryoso niyang tanong. "Tatangtap ng katwiran?" Tinitigan siya ni Murphy nang nanghahamak. "Wala kang karapatan!" "Sasabihin ko sa'yo! Kapag sinabi ni Ms. Pearl na ginawa mo ito, ibig-sabihin ginawa mo!" "Kapag hindi mo naibalik ang spada ngayong araw, papatayin kita!" Kumumpas wi Murphy habang nagsasalita, at ilang mga guwardiya ang lumapit habang pinapatunog ang kanilang leeg. "Sige. Dahil hindi kayo madadaan sa usap. Ganito na lang rin ang gagawin ko. Diba?" kalmadong tanong ni Harvey. "Kikilos ka nang mag-isa?" Tinitigan nang masama ni Murphy si Harvey. "Ano? Sasaktan mo ba ang mga tao ko? Babalaan kita! Kapag ginalaw mo sila, papatayin k
Lumapit si Harvey kay Murphy at tinapik ang mukha nito bago ibuhos ang buong tasa ng Black Tea sa ulo nito. “Aaaaaaaagh!”Napasigaw si Murphy sa sobrang sakit. Sa sandaling ito, nanginig nang husto ang buong katawan niya. Gumamit sila ng dahas habang nakikipag-usap ang iba. Gumamit sila ng katwiran habang gumagamit ng dahas ang iba. Kahit anong mangyari, hindi sila titigil sa pang-aapi at pananamantala ng kapwa. Ganito ang pamamaraan ng mga mayayaman. Ngunit hindi inakala ni Murphy ma makakabangga niya ang isang taong mas malakas sa kanya. Mas magaling mangatwiran ang lalaking ito… At mas magaling rin ito sa pakikipaglaban. Kumalat ang takot sa puso ni Murphy. Ngunit bilang isang utusan ng The Empire of the Sun that Never Sets, may dangal pa si Murphy. Mas gusto niyang yurakan siya ng mga taga-Kanluran kaysa ng isang taong mula sa Country H! Masaya na siyang maging alipin nila, pero hindi siya aamin na isa siyang tao ng Country H! "Karahasan ito, Harvey! Isa
”Ang buong upper social circle dito ay mga aso, ang sabi mo?”“Nakakatakot naman!”Tinuro ni Harvey ang sarili niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki.“Tawagin mo ang isa sa kanila dito, tapos! Tignan natin kung matatakot nila ako!”“Kung ang isa ay hindi sapat, tumawag ng ilan pa! Kunin ang lahat ng sa tingin mo ay tatakot sa akin dito!”Naglakad paharap si Harvey at sinampal si Sharon ng marahas, pinatumba siya sa sahig.“Aasikasuhin ko ang kahit sampu tulad nla bawat isang buwan!”“Tawagin mo sila dito ngayon! Aasikasuhin ko sila ngayon mismo. Huwag mo sayangin ang oras ko.”“Aaaaagh!”Nanginig si Sharon sa sahig, tinatakpan ang kanyang namamagang mukha. Sumumpa siya na papatayin niya si Harvey ng araw na iyon, ano pa man ang mangyari.Kung hindi, maaawa siya sa kanyang sarili.Ng nagtapon si Harvey ng phone para kay Sharon, tunog ng mga kotse na nagrerev ang narnig.Maraming Toyota Prado ang lumitaw mula sa malayo at pumarada ng maayos sa harapan ng garden vi
’Kanyang sinabi?!’Ang mga sinabi ni Morgan ay parang tinatanong niya si Harvey. Sa katotohanan, binibigyan niya si Harvey ng palakaibigang pagbabati.Subalit, ang mga simpleng salitang iyon ay sapat na para patahimikin ang buong garden villa.Si Murphy, Sharon at iba pa ay biglang nanigas.Nakatunganga, sila ay nakatitig kay Harvey. Sila ay hindi makapaniwala.Kahit na si Morgan ay tahimik na tao, ang kanyang kayabangan ay sobrang kilala pa din.Paano nangyari na siya ay magalang sa isang hamak na under na lalaki?Wala siyang pakialam na magbigay galang sa first-in-command ng Hong Kong!Ang Briewood Gang ay hindi niya din pinagkakainteresan.Kung si Murphy at Sharon ay hindi mula sa kilalang mga pamilya, sila ay walang karapatan na makilala siya…Pero andito siya, kumikilos ng sobrang magalang kay Harvey…Si Edwin at Leslie ay hindi alma kung ano ang nangyayari. Sila din ay gulat.Nanliit ang mata ni Harvey kay Morgan bago bigyan ng kalmadong ngiti ang lalaki.“Branch Lea
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”