Subalit, sumimangot si Harvey matapos marinig ang kanyang mga sinabi. “Sila ay nagauction ng national quintessence at martial arts ng great Country H.”“Hindi ba sumusobra na ang Five Virtues Temple?”Nagbuntong hininga si Leslie. “Iyan ang matalinong parte. Ang libro ng martial arts na nilabas nila ay tanging nageexist lang sa mga alamat dati at walang kahit sinong tagapagmana.”“Kaya, walang nakapagpatunay kung kanino ito nagmamay ari. Pinaparating lang nila na ito ay pagmamay ari ng Five Virtues Temple!”“Tutal sila ay nagaauction ng kanilang mga gamit, pwede nila itong ibenta sa kahit na sino. Sino ang makakakontrol sa kanila?”Tumango si Harvey, pero ang kanyang mata ay nanlamig.Nagpromote ng kultura ng great Country H sa ibang bansa ay magandang bagay.Subalit, ang pagbenta ng quintessence ng great Country H ay lumampas na sa linya ni Harvey.Hindi napansin ni Leslie ang kaunting panlalamig sa mata ni Harvey. Kaswal siyang nagpatuloy, “Ito ang mga rason bakit ang auction
Ang invitation card para sa pamilya Don ay mukhang pinabayaan, dahil sila ay binigyan ng pinaka pangit na upuan.Malinaw, masyadong maraming mga maharlika mula sa upper circle ng Hong Kong at Las Vegas.Kahit na ang pamilya Don ay first-class na pamilya at sila ang mga Governor, sila pa din ay kinikilala bilang pasaway sa dalawang city kung saan capital ang pinagbabatayan.Ang mga Hamilton at mga Mendoza ay dapat pinadala din ang kanilang mga representative. Subalit, masyadong maraming tao at hindi sila mahanap ni Harvey, kaya hindi siya lumapit para batiin sila.Gayunpaman, si Murphy at Sharon ay masayang naguusap at malakas kahit sila ay nakaupo sa pinaka gitna ng lugar. Hindi sigurado kung ito ay sinasadya o hindi.Sila ay nakaupo malapit sa gitna, kaya madali silang nakikita ng lahat.Tumingin si Harvey sa nangangaliwang couple na ito na may galit.Nagisip siya kung anong klaseng bagay ang makakakuha ng atensyon ng the Empire of the Sun that Never Sets.Tumingin si Harvey s
Sa kasalukuyan, wala pang nakakaalam kung kanino nagmula ang long sword. Mukha itong sira at para bang wala itong masyadong halaga bilang pangkoleksyon. Pagkatapos itong tignan nang maigi, naramdaman ng marami sa mga mayayamang customer na hindi magandang bilhin ang long sword. Lalo na't ang starting price ay 1.5 million dollars. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Harvey na nanginginig si Sharon sa upuan niya. Nakatingin siya sa long sword nang may mainit na titig na para bang nakatingin siya sa sarili niyang ama. Kaagad itong naintindihan ni Harvey: alam na alam niya kung kanino ang long sword. Sa huli, inaasahan ito. Kung alam ng kahit na sino na ginamit ng buhay na alamat ng Country H ang espadang ito noon, napakaraming tao ang hindi titigil para makuha ito. Mas mabuti kung hindi mauuwi sa ibang tao ang long sword. Nang hindi nagdadalawang-isip, tinapik ni Harvey ang balikat ni Leslie. "Bibilhin natin to." Tumingin si Leslie kay Harvey nang puno ng pagtataka. Hindi
Nang hindi kumulang ilang minuto, nangyari ang isang matinding auction. Ngayon, alam mismo ng lahat kung ano ang halaga ng espada. Pagkatapos ng ilang rounds ng bidding, tumayo si Sharon nang may nagngingitngit na ngipin. "Three hundred million dollars! Bibilhin ko to sa halagang three hundred million dollars!" "Ang kung sinumang lalaban sa'kin ay lumalaban sa The Empire of the Sun that Never Sets!" Nang narinig ng lahat ang pangalang iyon, nanahimik ang lahat. Kabilang ang mga tycoon mula sa middle east at ang mga prinsipe ng Northern Europe sa mga taong napakunot ang noo. Kung kinakatawan lang ni Sharon ang sarili niya sa auction, ayos lang na mag-bid laban sa kanya. Pero kung nagpunta siya rito sa ngalan ng royal family ng The Empire of the Sun that Never Sets, mapapahamak sila pag ginawa nila ito. Alam ng lahat kung gaano kahirap pakiusapan ng eldest princess ng royal family. Ang pagkakaroon ng hidwaan sa Empire of the Sun that Never Sets para sa isang sirang espa
Napahigop ng hangin ang lahat. Kahit na ang may-ari ng sirang espada ay mabibigyan ng karapatan na humingi ng kahit na ano mula sa Head Coach, malaking halaga pa rin ang tatlong daang milyong dolyar. Sa suporta ng The Empire of the Sun that Never Sets kay Sharon, sinong magtatangkang lumaban sa kanya?Kahit na marami silang pera, natatakot sila na baka maghiganti ang bansa sa kanila at saktan sila. Sa kabila nito, may nagtapang na pataasin ang bid nang biglaan. At sa halagang four hundred and fifty million dollars pa nga! Nabigla ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari. 'Hindi ba masyadong matapang ang batang to?!' "Harvey, hayop ka!" Tinitigan nang masama ni Murphy si Harvey. "Nakikipaglokohan ka ba sa'min?! Meron ka ba talagang ganito kalaking pera?!" "Kung hindi, sinisira mo ang interes ng organizer sa pagtaas ng bid nang walang dahilan!" "Kayo! Itapon niyo palabas ang lalaking to!" Tinitigan rin nang masama ni Sharon si Harvey, nalukot ang mukha niya sa g
“Sold!”Nang itataas pa lang ni Harvey ang bid niya, narinig ulit ang malayong boses na may dalang kayabangan. “Six hundred million dollars, sold to Ms. Pearl!”Narinig kaagad pagkatapos nito ang tunog ng gavel. Hindi man lang nagkaroon si Harvey ng pagkakataong makakibo. Sa puntong ito, hindi na sinusuportahan ng Five Virtues Temple si Sharon ang palihim. Halatang kinakampihan nila siya!Kaagad na naging malamig ang titig ni Harvey. "Hindi tama to!" galit niyang sigaw. "Hindi ko pa nasasabi ang bid ko!""Bibilhin ko to sa halagang seven hundred and fifty million!""Nakapagpasya na ang Maiden na si Ms. Pearl ang panalo." Tumingin ang matandang priestess kay Harvey nang hindi man lang nagtangkang magpaliwanag. Nginitian niya si Sharon at nagsabing, "Pumunta kayo sa backstage at magbayad muna bago niyo kunin ang sirang espada ng Head Coach, Ms. Pearl." "Bilang kinatawan ng Five Virtues Temple, binabati kita."Napahinto sina Sharon at Murphy sa gulat. Akala nila ay m
"Sa akin na ang item na yan! Bibilhin ko ito sa halagang pitong daan at limampung milyon ngayon mismo!" "Ayon sa patakaran ng auction hall, ang mataas na bidder ang laging nananalo.""Kahit na kumpirnahin mo pa ang bid, kailangan mong tumawag ng tatlong beses bago mo ihampas ang malyete!" "Pero tinanggap mo ang pinakamababang bid ng hindi man lang binibigyan ng pagkakataon ang iba?" "Anong ibig sabihin nito?!" "Nakikipagsabwatan ka ba sa Empire of the Sun that Never Sets para ibenta sa kanila ang isang bagay na pagmamay-ari ng mga mamamayan ng Country H?!" "Dapat alam niyo kung ano ang sinisimbolo ng bagay na ito!" "Pagmamay-ari ito ng Head Coach!" "Binabastos mo ba nga siya sa pagsusubasta ng isang bagay na gaya nito…""Tapos ngayon, ikaw na din ang magdedesisyon kung sino ang makakabili nito?! Iniinsulto mo ba ang Head Coach?!" “Ang lakas ng loob mong bata ka!” Galit na galit na sumigaw ang priestess.“Alam mo ba ang kapalit ng paninira sa Five Virtues Temple?!”N
“Syempre naman hindi,” malamig na sagot pabalik ni Harvey, puno ng poot ang kanyang mukha.“Hindi mo naman kailangan na sumali kung hindi ka interesado,” mahinahon na tugon ni Teal, walang pakialam sa kanyang galit.“Kung nandito ka, kailangan mong sundin ang patakaran ko.” “Lalo na, nasa akin ang huling salita sa aking teritoryo!”“Sige na, tama na ang pag-uusap. Isama mo na si Sir York at umalis na kayo, Ms. Clarke.”“Hindi ako makikipagtalo sayo. Para sa kapakanan ng pamilya mo, hindi ko kayo ilalagay sa blacklist.”“Pero wala nang susunod.”Bumalik na sa pagiging malamig ang tono ng pananalita ni Teal… Para namang siya ang batas.“Ito ang paliwanag mo?”“Ito ang patakaran ng Five Virtues Temple?”Mahinahon na tumawa si Harvey.“Nakakatakot naman! Ang laki siguro ng tiwala niyo sa mga sarili niyo!”Mukhang hindi narinig ni Teal ang sinabi ni Harvey, o kaya naman ay hindi na ito nag-abala na sagutin ito. Gayunpaman, wala itong sinagot. Sigaw ng hindi ganun katandang
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”