“NASAAN na ang apo ko?” kaagad na bungad ni Alyssa Consunji-Lopez nang makarating ito sa bahay ni Taj.Pasado alas-tres na ng hapon at abala ang lahat para sa gaganaping party para sa kaarawan ni Taj. Half day rin ang pasok sa opisina ng Sebastian Plantation kaya maagang umuwi ang mga empleyado samantalang ang iba naman ay nagpresentang tumulong sa pag-aayos ng malawak na solar sa harapan ng tatlong palapag na bahay ni Taj.Tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang pumanaw ang kanyang Lolo Damian kaya silang dalawa na lamang ng kapatid niyang si Giorgia ang nakatira roon kasama ang dalawang kasambahay.“Mom,” salubong ni Claudia sa bagong dating na ina. Hindi nito kasama ang asawang si Victor Lopez dahil kasalukuyang nasa Macau ang nnegosyante para sa isang malaking transaction na tiyak na makikinabang na naman ang Metropol casino, na pag-aari ng lalaki.“Nasaan na ang Kuya mo?” tanong ni Alyssa sa anak habang umiikot ang mga mata sa paligid at nang hindi makita ang hinahanap ay
MAGKASUNOD NA TUMIGIL sa harapan ng ancestral house ng mga Herrera ang kotseng sinasakyan ng ina ni Taj na si Alyssa kasama si Kara at ang pick-up truck na minamaneho ni Landon kung saan nakalulan sina Claudia at Oxygen. Halos magkasunod din silang bumaba mula roon.“Mom, itigil mo ito, ano ba!?” pigil ni Claudia sa ina na tila wala namang narinig. Mabilis ang mga hakbang na naglakad ito papasok sa bakuran ng mga Herrera.Bukas ang maliit na gate kaya malayang nakapasok ang babae kasunod si Kara na kalmadong-kalmado ang anyo ngunit sa loob ay lihim siyang nagbubunyi. Kapag kasi nakuha ng ina ni Taj ang anak ni Tori ay wala nang dahilan para muling magkalapit ang dalawa.Eksaktong nakapasok na sila sa loob ng bakuran nang sabay silang mapatingin sa kalsada. Dinig kasi nila ang tunog ng paparating na sasakyan at sa bilis ng takbo niyon ay walang kalaban-labang nagliparan sa hangin ang mga alikabok. “Oh, thank goodness!” bulalas ni Claudia nang makilala niya ang kulay pulang Land Rover n
NANG MARINIG ni Tori ang mga ingay na nagmumula sa labas ng bahay nila ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Hajie saka niya ito binuhat. Bago siya tuluyang umakyat sa hagdan ay tiningnan niya si Wanji at tinanguan. Mabilis namang nakaunawa ang lalaki dahil tumango lang ito bilang tugon bago tumalikod at naglakad patungo sa main door.“Let’s go to our room first, love,” mahina ang boses na sabi ni Tori sa anak. Tumango naman ang apat na taong si Hajie bago nito ipinulupot ang maliliit na mga braso sa leeg ng ina.“Okay, Mama.” ani ng bata saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat habang hawak sa isang kamay ang laruang robot.Walang pagmamadaling umakyat sa hagdan si Tori habang karga ang anak. Mukha wala siyang na siyang choice kundi ipakilala na si Taj kay Hajie sa mismong araw na iyon. Ayaw niyang maipit ang anak niya sa iringan nilang dalawa ng dating asawa. At tila balak pang dumagdag sa sakit ng ulo niya ang ina ng lalaki kung pagbabasehan niya ang pagsugod nito sa bahay nila.
ILANG MINUTO rin ang lumipas bago nakarinig si Taj ng magagaang yabag ng paa na pababa ng hagdan. Tumingala siya at nang makita niya si Tori ay nakahinga siya nang maluwag ngunit kaagad ding natigilan nang dumako ang mga mata niya sa mga kamay nito. Napalunok si Taj nang makita niya ang maliit na transparent plastic box na may lamang first aid kit sa kaliwa nitonng kamay habang sa kanan naman ay isang pares ng damit. Tumagal ang mga mata niya sa damit na hawak nito dahil pamilyar ang mga iyon sa kanya.“Linisin muna natin ang sugat mo then you can take a bath there,” ani ni Tori kay Taj sabay nguso sa gawi ng kusina kung saan mayroong common bathroom.Hindi kaagad nakapagsalita si Taj lalo na nang iabot sa kanya ng dati ng dating asawa ang hawak nitong mga damit. Napalunok siya nang makilala ang mga iyon. Kaya pala pamilyar dahil damit niya pa iyon dati na sinadya niyang iwanan doon nang minsang magpalipas siya ng gabi sa silid nito. Hindi niya inaasahan na nakatabi pa rin iyon sa pag
“WHAT IS HE DOING HERE, MAMA?” bakas ang pagkalito sa anyo na untag ni Hajie sa ina.Gumuhit ang isang malapad na ngiti mula sa magkabilang sulok ng ga labi ni Tori. Lumuhod siya sa harapan ng anak para magpantay sila. Katulad ng madalas niyang gawin ay inayos niya ang buhok nito na muling nagulo. Tinitigan niya si Hajie saka niya hinawakan ang magkabila nitong kamay.“Uhm, love, he is here because,” simula ni Tori na sandali pang tumigil para tumikhim. Nilingon din niya si Taj na nakatayo pa rin malapit sa pinto. Nginitian niya ito nang mapansin niya ang pangamba sa anyo nito saka siya muling tumingin kay Hajie. “sweet cake, he is your father.” deretsong turan niya sa anak. Hindi niya inalis ang mga mata rito dahil gusto niyang makita ang magiging reaction ni Hajie.Umiral sa loob ng apat ng sulok ng silid ang katahimikan. Hawak pa rin ni Tori ang maliliit na kamay ni Hajie habang si Taj naman ay nabitin yata ang paghinga. Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni
PAGKARATING ni Taj sa bahay niya ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang inang si Alyssa. Panay ang tingin nito sa likuran niya at nang hindi makontento ay sinipat pa nito nang mabuti ang loob ng kanyang sasakyan. Nang hindi makita ang inaasahan ay kunot ang noo na binalingan nito ang anak.Wala namang pakialam na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad si Taj patungo sa hagdan at nilagpasan ang ina. Ni hindi niya pinansin ang dalawa niyang kapatid na parehong nakaupo sa mahabang sofa. Bakas sa anyo nina Claudia at Maddie ang pag-aalala samantalang hindi naman maipinta ang anyo ni Kara. Hindi siya makapaniwala na pumayag siya mapagsolo si Taj at ang babaeng iyon.“Ano ang nangyari?At nasaan ang apo ko?” puno ng pinaghalong pagtataka at diskumpiyadong tanong ni Alyssa kay Taj.Bumuga ng hangin si Taj saka siya tumigil sa paglalakad. Nilingon niya ang ina at tiningnan ito nang seryoso.“He’s with his mom,” simpleng sagot niya na hindi man lang kumurap nang makita niyang naningkit ang mga mata
HULING ARAW na ni Tori sa Sebastian Plantation bilang sekretarya ni Taj at sa totoo langg ay nalulungkot din siya. Kahit paano kasi ay napalapit na rin sa kanya ang mga naging katrabaho niya roon, maging ang magkaibigang Sandra at Hannah na dati ay palagi pa siyang sinusungitan.“So, sure ka na talaga?” untag ni Hannah kay Tori.Kasalukuyan silang nasa canteen na katabi lang din ng administration building kung saan sila nag-o-opisina . Break time at kagaya ng madalas nilang gawin ay nagpapalipas na naman sila ng oras roon habang nagka-kape.Napatigil sa akmang pagsubo ng hawak na turon si Tori. Ibinaba niya ang hawak sa kaharap na platito bago tumango ng dalawang beses.“Uh-huh,” maikling tugon niya saka dinampot ang tasang may lamang umuusok na black coffee.Biyernes na at nagkataon pang araw ng sahod kaya buhay na buhay ang lahat. Katulad ng palagi nilang ginagawa ay napagkasunduan na naman ng ilan na pumunta sa Drifting Mist. Dati ay sumasama si Tori sa mga ito pero ngayong kasama
“SO, KAILAN mo balak magk’wento?”Napatingin si Tori sa kaharap niyang si Cynthia. Saglit siyang natigilan at napatitig sa babaeng sa maikling panahon ay itinuring na niyang kaibigan. Dahil sa pagiging istrikto ng Mommy niya ay hindi nagkaroon si Tori ng pagkakataon na magkaroon ng totoong kaibigan. Palagi kasing nakabantay ang kanyang ina sa lahat ng mga ginagawa niya, to the point na pati ang mga taong napapalapit sa kanya ay kailangan pa ng approval nito. Noong una ay ayos lang naman iyon kay Tori pero sa mga nakalipas na taon habang nasa ibang bansa siya at mag-isang hinaharap ang bagong buhay bilang isang ina ay napagtanto niya kung gaano ka-importante ang pagkakarooon ng kaibigan. And that’s when Wanji came into the picture. Dumating ang lalaki sa panahong kailangang-kailangan niya ng masasandalan. Isang filipino-chinese ang lalaki na nakabase sa Los Angles. Noong una ay nagduda pa siya sa pakikipaglapit nito sa kanya lalo pa nga at hindi pa rin tuluyang humuhupa ang mga isyu