Titig sa titig. Napupuno ng tensyon ang Costa Base sa presensya ng dalawag kinatatakutang grupo. Nakaupong mag-kaharap si Don Jaime at ang leader ng Hiroshiki Clan na si Hiroshiki Aoyama. Ang Hiroshiki Clan ay isang clan ng Yakuza mula sa Japan na bukod-tanging nakakalapit sa Blackheart Empire upang makipag-trade sa kanilang mga indestructable weapons. Wala namang problema ang dalawang grupo sa isa't isa ngunit kapansin-pansin ang salitan ng matatalim na titig sa pagitan ni KC at Hiroshiki Akiro, ang panganay sa tatlong anak ni Hiroshiki Aoyama, ang lalakeng nakatakdang ipakasal kay Jaymee pag-dating ng tamang panahon. Malalim ang titig ni Akiro sa kanya at hindi niya mabasa kung anong nilalaman ng isip ng lalake. Kanang-kamay din ito ng ama nitong si Aoyama na ngayon ay nakikipag-kasundo na sa kanyang Master ukol sa kasal ng kani-kanilang mga anak. "Two years. Two years pa, Mr. Hiroshiki. For now, she's adjusting, so we don't have to rush her," ani Don Jaime. He's ref
THIRD POV NABABAHALA na ang publiko sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kababaihan sa lugar nila. Nahihirapan silang kumuha ng ebidensya dahil malinis ang pagkaka-gawa ng krimen. Walang iniiwan na kahit anong bakas na pwedeng gawing ebidensya. Pero para kay KC, kagagawan ito ng Diamond Brotherhood. They're just provoking the Blackheart to get what they want. Paano niya nasabi? Dahil ang bawat biktima na natatagpuan ay may tatag na diamond sa braso. Para iyong paso na ginuhit sa balat. •~●~• [JAYMEE POV] "Aray, dahan-dahan naman," reklamo ni Mico sa ginagawa ko sa kanya. 'FLEX YOUR BODY' kasi ang ginagawa namin. Tinutuhuran ko ang likod niya para mag-bend pa lalo ang katawan niya para maabot niya ang dulo ng kanyang paa. "Kailangan mong maabot ang paa mo," ani kong tumatawa-tawa. Nakasimangot na kasi siya eh. Ang cute-cute niya kapag ganito ang itsura niya. Pwede ko na siyang idagdag sa crush list ko. Haha. Pero syempre, si KC pa rin ang top. Hays ang landi-lan
JAYMEE Nakasandal lang ako sa labas ng pinto ng classroom habang palingon-lingon sa loob. Hinihintay ko kasi si KC para sasabay na ako sa kanya pauwi. Yun naman palagi ang bilin niya eh. Buti nga, pinakilala ko siyang Uncle sa buong classmates ko para hindi sila magtataka kapag nakita nilang mag-kasama kami. Mindset ba. Haha. "Matagal pa ba yan?" inip kong tanong nang muli ko siyang lingunin. Kasalukuyan na niyang nilalagay sa atachi case niya ang mga planner at lesson plans na palaging dala. Typical na guro, ika nga. "Saglit na lang 'to, wait lang," sagot niya. kinagat ko na lang ang labi ko at hindi na nag-salita pa. Pinapadyak-padyak ko ang paa ko sa semento, at naiinip na ako kakahintay sa kanya. Hays, daig pa babae sa tagal mag-ayos. Natigil ako sa ginagawa nang may mapansin akong mga bulto na nakatayo sa harap ko. Unti-unti kong tinaas ang tingin ko. Napaatras ako sa gulat nang makitang may tatlo ng lalake sa harapan ko na wala naman kanina. "K-KC, Sir!" mahinang tawag
"Where are we going, Drae?" tanong ni KC kay Draeyan. Nasa passenger seat si KC habang si Draeyan naman ang nagmamaneho. Habang ako, etoh...napapagitnaan ng dalawang anghel, este ni Cael at Shan dito sa backseat. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Maging si KC ay wala rin namang ideya. Sakay kaming lahat ng violet nissan murano ni Draeyan. "Hmm sasaglit lang tayo sa La Verde. It's Jome's birthday. Nakalimutan mo ba? But before that, we need a change." Lumingon sakin si Draeyan at tinitigan ako. Shaks ! Nanunuot sa kalamnan ko ang mga titig niya. "Get your eyes off her, Draeyan," kunot-noong saway ni KC sa lalake. Kung titigan naman kasi ako, para akong hinuhubaran. Tiningnan ko ng masama ang dalawang katabi ko nang magtawanan. "Dumaan muna tayo sa La Costa. Bibihisan natin ang Young Miss." Dahil sa sinabi ni Draeyan, naitakip ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko. Lokong yun, nilingon na naman ako. Kahit si Cael na nasa kaliwa ko ay ngingisi-ngisi din. "
Wala akong magawa kundi ang mapakapit sa braso ni KC habang naglalakad kami sa nakalatag na red carpet. Sa pagkamangha ay nililibot ko ang aking paningin sa paligid. Napakaraming nagkikislapang camera. Shots dito, shots doon. Nilingon ko si KC, namangha ako sa kanya dahil parang wala lang sa kanya ang mga camera. Habang ako, ilang na ilang na. "KC ano bang nangyayari?" mahina kong tanong sa kanya. Daig pa kasi namin ang artista kung kuhanan ng mga photographers. "Relax. Gan'to talaga mag-birthday ang anak ng senador." "What?" nagkunot ang noo ko. Hindi ko siya agad na-gets. "Jome La Verde is the second son of Mr. Harry La Verde. Kilala mo naman siguro siya ngayong sinabi ko. Main vocalist and lead dancer ng Night's Owl boy group. Hindi mo ba siya kilala?" habang nagpapaliwanag si KC, unti-unting namimilog ang mga mata ko. "NIGHT'S OWL?! OWEMGEE! Hindi nga?" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala! Isa lang naman ako sa top fan ng Night's Owl boy group! At sa
Seryoso ang pagkaka-titig ni Eldric sa malaking screen ng TV sa labas, na tanaw mula sa loob ng selda. Ang eksena sa telebisyon ay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Jome La Verde. Live ito mula sa La Verde mansion kaya napapanuod niya ngayon. Tahimik lamang siyang nakatitig sa mukha ni Jome La Verde. Walang mababakas na anumang awra sa itsura niya. Natigil lamang ang atensyon niya sa pinanonood nang lumapit ang warden sa bakal na rehas at sumilip sa kanya mula roon. "Eldric Zanchez, may dalaw ka," tawag sa kanya ng warden. Bumangon siya sa mula sa pagkaka-higa at tinali ang may kahabaan na buhok. Nilapag niya sa higaan ang bakal na yoyo na nilalaro niya kanina. Sinilip niya ang warden. Napangiwi siya nang bumakas sa mukha nito ang pagka-ilang at pagka-takot sa kanya. Sino ba kasi ang hindi masisindak sa bordadong lalake? Puno ng tatoo ang kanyang katawan, mula leeg hanggang paa. Tanging ang gwapong mukha niya lamang ang malinis. "Sino daw?" ang baritonong
"Young Miss, enough!" panay na ang saway ni KC sa katabing si Jaymee. Marami ng nainom ang dalaga. Malalagot siya kay Don Jaime kapag nalasing ito. Pero mukhang ayaw yatang magpaawat ng dalaga. Napakamot na lang siya sa ulo ng magbudots si Jaymee sa dance floor. "What the?" "What is she doing?" "My God! For real?" "That's so cool. Come on, guys! Let's hit the dance floor!" Kanya-kanyang komento ang mga tao sa party dahil kay Jaymee. Napapa-iling na lang talaga si KC. Gosh, gusto niyang mahiya! Bumuntong-hininga muna si KC bago niya lapitan ang dalaga at awatin sa ginagawa. Pero sa halip na sumunod sa kanya, tiningnan lang siya nito ng masama. Pulang-pula na ang mukha ng dalaga, sign na marami na talaga itong nainom. "Young Miss. Umuwi na tayo," mahinahon niyang pagka-usap sa dalaga. Sumasayaw pa rin si Jaymee. 'Just the way you are' ni Bruno Mars ang tugtog, ngunit bigay na bigay sa pag-budots si Jaymee. Halatang wala na talaga sa hulog ang dalag
Hmph! Nakakainis! Hindi matanggal ang sigok ko. Lintek na wasabi yun! Hanggang ngayon masakit pa rin ang lalamunan ko. "Kamusta pakiramdam mo? Uminom ka pa ng tubig. Here," inabot sakin ni KC ang basong hawak niya na may lamang tubig na malamig. Ngiwi ko siyang nginitian. Nawala yata ang kalasingan ko, napalitan ng kahihiyan. "Salamat," ani ko sabay inom. Naubos kong lahat ang laman ng baso. "Tara sa labas, magpahangin tayo." Sinangayunan ko naman ang pagyaya ni KC. Humawak ako sa kamay niya nang iabot niya sakin yun. Wala na akong tama. Ramdam ko na ang init ng palad ni KC habang maingat na inaakay ako palabas ng mansyon. Nadaanan namin ang malaking sign na La Verde sa labas na punong-puno ng mga taong kumukuha ng litrato. Ilang minuto na rin kaming naglalakad ni KC at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naisipan ko nang magtanong. "Uh, sa'n ba tayo pupunta?" lumingon-lingon ako sa paligid. Magkahalong mahogany at acacia ang mga punong nadadaanan nam
Jaymee POV "Okay ka lang ba?" Napakamot ako sa ulo ko at sumulyap kay KC. Nakatingin siya sa akin at malamang sa malamang nakita niya ang kagagahan ko. "Ano ibig mo sabihin?" pagpapatay-malisya ko pa rin. "Hmm wala, wala. I just thought na kinain mo yung fake fruits d'yan, Young Miss," sabi pa niya habang nagpipigil ng tawa. "H-hoy hindi ah!" singhal ko. "Baka mali lang pagkakita mo." "Okay sabi mo eh." Sasagot pa sana 'ko kaso nakarinig ako ng tunog ng takong na papalapit sa amin. Pagkalingon ko, si Elina pala. Para siyang model na naglalakad papalapit sa pwesto ko. "Young Miss! No'ng malaman ko na nandito ka na sa isla, hindi ko na pinagpabukas pa ang punta ko," nakangiting yumuko si Elina para formal na bumati sa akin. "Elina." Sabay naming nilingon ni Elina si KC. Saktong umaahon siya sa tubig kapagkuwa'y inabot ang isang tuwalya at pinunas sa basang katawan. "Napaaga ka yata," kitang-kita ko ang tamis ng ngiti ni KC kay Elina. 'May gusto nga y
"Master." "Lauren, how's my daughter?" "Nasa isla na po siya, Master. Susunod na si Elina roon para maumpisahan ang pag-aaral niya." Bilang sagot, tumango-tango si Don Jaime. Sang-ayon naman siya sa mga tauhan niya, at may tiwala din siya sa mga ito. "Jin, may report ka ba?" baling naman ni Don Jaime kay Jin na kanina pa parang wala sa sarili. "May problema ba Jin?" "May nawawala kasing isang ban sa mga deliver, Master. Pero 'wag po kayong mag-aalala ginagawan ko na po ng paraan ngayon." Kitang-kita ng mga mata ni Jin kung paano nagdikit ang mga panga ni Don Jaime. Alam niyang nadismaya ito sa balitang hatid niya. "Siguraduhin mo lang Jin. I need a report until the last day of month. Kung hindi alam mo na ang mangyayari, Jin. Okay." "Yes, Master," nakayuko at hindi makatingin si Jin sa Don. Pagkatapos no'n nagmadali na rin siyang umalis. Ang mga naiwan naman sa bulwagan ay walang nagawa kundi magpalitan ng makahuhulugang tingin. ~ Jaymee Pov "WOW! Ang lak
(Jaymee Pov) Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko. Napakalakas naman kasi ng bungad ni Mitch. Feeling ko sasabog eardrum ko eh. "Hinaan mo naman ang boses mo," ani ko. "Nasaan ka ba kasi? Ang sabi dito may special class ka. Bakit ba?" "Ahm, oo may special class nga ako. Kailangan kasi," nagsisinungaling na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago kay Mitch ang totoo. "Basta mahabang kwento, Mitch." "Makakarating ka ba sa Senior Night?" 'Senior Night?' natigilan ako sa pagsalita. Oo nga pala meron nga pala no'n. Hays, nakalimutan ko na ang tungkol do'n ah. "Siguro naman makakapunta ko," sabi ko na lang kahit hindi sigurado. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa isiping baka ma-miss ko ang special na gabing 'yon para sa amin. "Sabi mo yan ha. Aasahan kita, gaga ka." "Oo." "Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" pangungulit pa rin niya kung nasaan ako. "Nandito ko sa probinsya," napapangiwi ako habang gumagawa ng kwentong pawang kasinungalingan. 'Sorry Lo
Jaymee PoV "I'm Lauren De Dios, Young Miss. I'm gonna be your trainor while your here at Costa," casual na pakilala ng magandang babae. "Trainor?" tumingin ako kay KC. Sinalubong niya ang nagtatanong kong tingin. "Uh, Kapatid siya ni Elina. Siya ang magtuturo sayo ng bawat martial arts sa loob ng Empire." Umawang ang mga labi ko sa sinabi ni KC. Akala ko ba ay bakasyon ang pinunta ko dito? Hays ano pa nga bang aasahan ko, 'di ba? "Magpahinga ka na. Ililibot kita mamaya sa labas," utos sa akin ni KC. "Si Elina?" rinig kong tanong ni KC kay Lauren. "May pinag-utos si Don Jaime. She's coming here by tomorrow," ngumiti ang babae ng nangaasar. "Namimiss mo na kaagad si Elina, paano na 'ko n'yan?" Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni KC. "The hell are you talking about, Lauren." Oo nga, ano bang sinasabi niya? Huwag mo sabihing may uganayan si KC my labs at si Elina? Pasimple akong sumimangot, parang may kirot sa aking puso. Char. "Ihahatid ko muna ang Young Miss
Jaymee POV "Are you okay? Nandito na tayo," Hindi ko masyadong marinig si KC. Nabibingi pa rin ang pakiramdam ko at medyo nahihilo. Ikaw ba naman lumipad sa ere eh. Char. Pero infairness! Nang igala ko ang paningin sa paligid, Diyos ko napakaganda! Para akong nasa heaven, day! Mula sa paliparan, tanaw na tanaw ko ang malaking bahay. "D'yan ka titira. 'Yan ang pinakamalaking resthouse ni Don Jaime dito," ani KC. "You mean, marami pang iba?" "Yup. Maraming ari-arian ang Daddy mo." Tumango-tango ako para sumang-ayon. "Ahh. Ako lang ba talaga titira r'yan? Baka may multo ha." Natawa si KC sa sinabi ko kaya naman lumabas ang cute niyang dimple at ang kanyang vampire teeth. Tss, may nakakatawa ba sa sinabi ko? "Ghost? Wala 'no." "Sure?" "Matakot ka sa buhay, Young Miss. Huwag sa patay. Akina nga yang maleta mo," inagaw niya sakin ang maletang bitbit ko at pinasunod ako sa kanya. May sumalubong sa amin na matanda na may kasamang binatilyo. Tantiya ko ay parang
"Ouchhh," sapo ko pa rin ang sentido ko habang tumatayo sa kama. Natanaw ko ang oras sa golden wall clock na nakasabit sa pader. Alas-tres na pala ng madaling araw. "Ay kabayo! M-madame Love, ano naman pong ginagawa mo rito ng ganitong oras?" nagulat ako kay Madame Love. Nakatayo siya malapit sa closet ko at may hawak na maleta. Napakunot ang noo ko sa hawak niyang maleta. "Para saan po yan?" "Mamayang alas-singko ang lipad niyo papuntang Costa Island. Ako na ang mag-iimpake ng mga gamit mo," sagot niya at inumpisahan naman ng mag-impake. Naguluhan pa rin ako. Anong Costa Island? Bakit? "Ano pong meron?" usisa ko at lumapit sa kanya. Kumuha rin ako ng ibang damit ko at tinupi para malagay sa maleta. "Gusto ni Don Jaime na magbakasyon ka muna sa isla ng pamilya niyo. Para makapag-unwind at makapasyal ka sa isla." "Teka lang po, kalagitnaan pa lang ng taon ah, paano ang school ko?" maang ko na namang tanong. Para kong bata na nag-uusisa. "Okay na ang lahat, Jaymee.
(Jaymee Pov) "Ano, kakapit ka ba o hahayaan kitang mahulog?" Wala na 'kong nagawa kundi ang higpitan ang kapit sa bewang ni KC. Kung makapagpatakbo naman kasi parang wala ng bukas. Mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit nang paharurutin niya ng mabilis ang bike. 'Diyos ko, kung sawa na siya sa buhay niya, siya na lang sana. 'Wag na akong idamay' "Magpapakamatay ka ba ha?!" malakas kong singhal para marinig niya. Sa lakas ng hangin na sumasalubong sa amin ay malabo niya akong maririnig. "Just sit tight," Narinig pala 'ko, sumagot eh. Agad kong sinuklay ng mga daliri ko ang nagkabuhol-buhol kong buhok nang makababa ako sa bike niya. Wala pang thirty minutes na tinakbo namin mula school hanggang dito sa mansyon. Natanaw ko naman si Don Jaime na naglalaro ng golf sa kalawakan ng golf field. Ang macho pa rin tingnan ng tatay ko kahit may edad na. Maganda ang hubog ng katawan nito sa suot na sports uniform na pang-golf. Nang matanaw niya 'ko, sinenyasan niya 'ko
(Jaymee Pov) Krrrnnnggg!! Nang tumunog ang bell ng saktong alas-singko, kanya-kanyang tayuan ang mga kaklase ko bitbit ang mga bag nila. Samantalang ako, heto at naiwan pa rito sa classroom. Kasali nga pala ako sa maglilinis ng classroom. Diba ang saya! Tsk. Gusto ko na talagang umuwi eh. Wala ako sa mood na mag-stay rito. Hindi naman kasi pwedeng hindi ako sasama, kasi kahit na senior na kami eh, bawas grades pa rin samin ang hindi maglinis ng classroom. "Haays" Nilingon ko ang mga kaklase kong nakatoka rin sa cleaners. Halos lahat sila ay piniling sa labas maglinis. Ako lang talaga ang iniwan nila dito sa loob ng room. Sa isip ko, 'Hindi naman yata linis ang ginagawa ng mga 'to eh. Nagpapapansin lang' Nagpapapansin lang sa mga gwapong guy na napapadaan sa hallway. Dahil sa pagtanaw ko sa mga classmate ko, hindi ko namalayan ang paglapit sakin ni KC. Nagulat pa 'ko nang tapikin niya ko sa balikat ko. "Sir," pormal ko na bati sa kanya. "Ba't mag-isa ka lang dit
Jaymee Pov "HAAAYS," paunat kong pinabagsak ang katawan ko sa kama at marahang pumikit. Nakakapagod. Madaling araw na pala kami nakauwi galing party ni Jome. Sayang lang at hindi ko nakausap masyado ang idol ko. Nakakalungkot pero okay na yun, baka may next time pa. Lalo na't kaibigan siya nila KC. "SHIT!" napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko si KC kasabay ng pangangapal ng pisngi ko. "Iiihhh!! Bakit ko kasi siya hinalikan?!" hindi ko talaga alam! Dahil sa hiya, dinampot ko yung unan at pinalo-palo sa mukha ko. "Nakakahiya ka, Jaymee! Ano na lang ang mukhang ipapakita mo sa kanya sa school?!" Hindi ko naman yun sinasadya eh! Lasing lang siguro ako at nadala ako ng sitwasyon! "Pero hinalikan mo pa rin siya, gaga ka!" Oo, hinalikan ko siya pero smacked lang yun! Hindi naman torrid eh. "Gaga ka pa rin!" Aarrgghh!! Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan, para hindi marinig sa labas ang malakas kong tili. Para na 'kong baliw. Oo, mababaliw na talaga '