Jaymee PoV "I'm Lauren De Dios, Young Miss. I'm gonna be your trainor while your here at Costa," casual na pakilala ng magandang babae. "Trainor?" tumingin ako kay KC. Sinalubong niya ang nagtatanong kong tingin. "Uh, Kapatid siya ni Elina. Siya ang magtuturo sayo ng bawat martial arts sa loob ng Empire." Umawang ang mga labi ko sa sinabi ni KC. Akala ko ba ay bakasyon ang pinunta ko dito? Hays ano pa nga bang aasahan ko, 'di ba? "Magpahinga ka na. Ililibot kita mamaya sa labas," utos sa akin ni KC. "Si Elina?" rinig kong tanong ni KC kay Lauren. "May pinag-utos si Don Jaime. She's coming here by tomorrow," ngumiti ang babae ng nangaasar. "Namimiss mo na kaagad si Elina, paano na 'ko n'yan?" Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni KC. "The hell are you talking about, Lauren." Oo nga, ano bang sinasabi niya? Huwag mo sabihing may uganayan si KC my labs at si Elina? Pasimple akong sumimangot, parang may kirot sa aking puso. Char. "Ihahatid ko muna ang Young Miss
(Jaymee Pov) Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko. Napakalakas naman kasi ng bungad ni Mitch. Feeling ko sasabog eardrum ko eh. "Hinaan mo naman ang boses mo," ani ko. "Nasaan ka ba kasi? Ang sabi dito may special class ka. Bakit ba?" "Ahm, oo may special class nga ako. Kailangan kasi," nagsisinungaling na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago kay Mitch ang totoo. "Basta mahabang kwento, Mitch." "Makakarating ka ba sa Senior Night?" 'Senior Night?' natigilan ako sa pagsalita. Oo nga pala meron nga pala no'n. Hays, nakalimutan ko na ang tungkol do'n ah. "Siguro naman makakapunta ko," sabi ko na lang kahit hindi sigurado. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa isiping baka ma-miss ko ang special na gabing 'yon para sa amin. "Sabi mo yan ha. Aasahan kita, gaga ka." "Oo." "Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" pangungulit pa rin niya kung nasaan ako. "Nandito ko sa probinsya," napapangiwi ako habang gumagawa ng kwentong pawang kasinungalingan. 'Sorry Lo
CHAPTER 0NE. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Walang Natasha Sandrino dito. Ako lang ang solong nakatira sa apartment na ‘to,” mahabang paliwanag ni Jaymee sa mga lakakeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang apartment. “Sumama ka sa amin, hinihintay ka na ni Don Jaime. Siya na ang bahalang mag-paliwanag sayo,” anito na para bang hindi narinig ang sinabi niya. “At bakit naman ako sasama sa inyo?” humalukipkip siya. Bakit naman siya sasama sa mga taong hindi niya naman kilala? Saka kanina pa siya nito sinasabihan na isa siyang tagapagmana ng isang malaking organisasyon. Hello? Renta nga nitong apartment hindi siya makapag-bayad buwan-buwan eh. Tanging part-time job lang din ang bumubuhay sa kanya at nagtutustos ng pag-aaral niya ng Senior High. Panty nga hindi siya makabili-bili eh. Paano siyang magiging tagapag-mana? Ang isang ulilang Jaymee Santillo ay mahirap pa sa daga. Kaya sa mga naisip, humagalpak ng tawa si Jaymee. “Walang Natasha Sandrino dit
CHAPTER TWO. Pabagal na nang pabagal ang takbo ni Jaymee. Sinisigurado niyang malayo na ang narating niya. Nat-trauma pa siya sa nasaksihan niyang sagupaan kanina. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganun. Sino ba kasi ang mga taong yun at anong kailangan ng mga ito sa kanya? Ang iniisip niya ay makalayo sa lugar niya at mag-sumbong sa pulis. Ngunit mula sa ere, nakita niya ang paglapag ng dalawang lalake sa harapan niya. Galing ba ang mga ito sa itaas? Tumingala pa siya. Nagtataasang bubong lang ang nakita niya. “Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan,” wika nung isa sa kanya. “Mas matatakot pa siya sa itsura mo, Jin.” “Huh? Unlike naman sayo, no.” “Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pera? Wala ako nun,” putol niya sa pag-uusap dalawa. “Mukha bang kailangan namin ng pera? Miss Natasha, sumama ka na sa amin.” “Hays, hindi nga ako si Natasha! Jaymee pangalan ko! J-A-Y-M double E! JAYMEE!” kanina pa siya tinatawag ng mga ito na Natasha.
CHAPTER THREE. *Smoke from pipe* Isang matandang lalake ang nakatalikod at nakaharap sa bintana habang hinihipak ang isang mahabang pipa. Base sa suot nitong flopped hat at all white american suit, hindi pa rin mapagkakamalan na nasa singkwenta y sinco anyos na ang matanda. Kumikinang din ang singsing nitong may black heart-shaped na bato na nakasuot sa hintuturo nito. Isang lalake ang lumapit sa matanda kapagkuwa’y yumuko at nilagay ang kanang kamay sa dibdib tanda ng mataas na pag-galang dito. “Master-” “Oh, KC. Gising na ba si Natasha?” kahit na matanda na, baritono pa rin ang boses nito. “Yes, Master.” “Nasaan na siya?” sa mga pagkakataong iyon ay humarap na kay KC ang matanda. Sa kabila ng edad nito ay wala man lang itong wrinkles sa mukha. “Nasa kwarto niya po, nagpapahinga. Wala pa siyang alam sa nangyayari.” “Ganun ba? Iharap mo kaagad siya sakin kapag okay na siya.” “Yes, Master,” pagkasabi nun, mabilis na ring tumalikod si KC para iwan ang
CHAPTER FOUR. “ATTENTION EVERYBODY! THE BOSS IS COMING!” Sabay-sabay na tumayo ang mga tao sa loob ng silid na yun. Pati na si Jaymee ay napatayo na din. Saka siya sumisilip sa kung anong nagaganap. Pagkatapos kasi siyang ayusan ng mga ‘servants’ ay dinala siya dito ni Madame Love. May kailangan daw siyang makilala. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya. Nasaksihan ni Jaymee ang tila ba mga nag-mamartsang tao na papalapit sa kinaroroonan nila. Sa unahan nito ay isang matandang lalake na may baston pa sa kanang kamay. Iniisa-isa nitong tingnan ang bawat taong naroroon. Natigilan si Jaymee nang huminto ito sa harapan niya. “MY DAUGHTER.” ‘My daughter’ ‘My daughter’ “Hija?” Nabigla siya ng yakapin siya nito ng buong higpit. Ilang minuto yatang natigilan si Jaymee. Nagpapaulit-ulit sa utak niya ang katagang sinabi ng matandang lalake habang yakap siya. Kumurap-kurap siya. Tinatawag siya nitong anak! “Hija, are you okay?” namalayan na lang ni Jaymee na
CHAPTER FIVE. Makikita sa isang sulok ng kalsada ang isang itim na kotse na nakaparada. Sakto lang ang pagtatago nito sa madilim na lugar para lamang hindi makita kung sino man ang lalabas mula sa mansion. Mula doon ay nakatanaw ang apat na di-kilalang lalake. “Nakauwi na pala ang tagapagmana?” sambit ng lalakeng nakaupo sa driver’s seat habang humihithit ng sigarilyo. “Oo-” “Tapos, pinakawalan niyo pa?” ani pa nito. “Biglang dumating yung mga assasin eh. Napurnada ang plano,” depensa ng katabi nito. Ang lalakeng nasa driver’s seat ay walang iba kundi si Fil Andrada. Siya ang leader ng grupong G4, isa sa mga sanga ng Diamond Brotherhood. “Ano ng gagawin natin?” tanong ng katabi niyang si Luke. “Ano na lang ang sasabihin natin sa Boss?” “You better explain to him. A good explanation, Luke, kung gusto mo pang tumagal sa mundong ibabaw,” sinigurado ni Fil na matatakot ito sa sinabi niya. “By the way? Nasaan na si Mr. Park? Hindi ba at kasama niyo siya kanin
Chapter SIX. Tulala lang sa magarbong kwarto si Jaymee. Panay rin ang buntong-hininga niya habang iniisip kung paano nangyayari ang lahat ng ‘to. Nasa ganoon siyang kalagayan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang tumayo at binuksan ‘yon. “Young Miss, naghihintay na po ang Don. Sabay na daw po kayo mag-hapunan,” si Lotty yon, isa sa mga servants niya. “Ah eh, sige susunod po ako,” nauna ng tumalikod si Lotty nang maisipan niyang tawagin ito ulit. “Ahm, pwede po bang Jaymee na lang? Naiilang kasi sa tawag niyo sa akin.” “Ahm hindi pwede Young Miss. Mataas ang pag-galang namin sayo. Saka malalagot kami kay Don Jaime,” sagot nito sa pakiusap niya. “Ganun? Eh, gan’to na lang. Kapag tayo-tayo lang, Jaymee na lang ang itawag niyo sa akin, okay ba yun?” Saglit pang nag-isip si Lotty bago siya sang-ayunan. “Ah eh, s-sige po.” Napapangiti naman na sumunod na si Jaymee sa servants. Isang mahabang crystal table ang nasa bulwagan. Punong-puno ng iba’t ibang