Share

Chapter 0036

(Jaymee Pov)

Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko. Napakalakas naman kasi ng bungad ni Mitch. Feeling ko sasabog eardrum ko eh.

"Hinaan mo naman ang boses mo," ani ko.

"Nasaan ka ba kasi? Ang sabi dito may special class ka. Bakit ba?"

"Ahm, oo may special class nga ako. Kailangan kasi," nagsisinungaling na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago kay Mitch ang totoo. "Basta mahabang kwento, Mitch."

"Makakarating ka ba sa Senior Night?"

'Senior Night?' natigilan ako sa pagsalita. Oo nga pala meron nga pala no'n. Hays, nakalimutan ko na ang tungkol do'n ah.

"Siguro naman makakapunta ko," sabi ko na lang kahit hindi sigurado. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa isiping baka ma-miss ko ang special na gabing 'yon para sa amin.

"Sabi mo yan ha. Aasahan kita, gaga ka."

"Oo."

"Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" pangungulit pa rin niya kung nasaan ako.

"Nandito ko sa probinsya," napapangiwi ako habang gumagawa ng kwentong pawang kasinungalingan.

'Sorry Lo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status