CHAPTER FOUR.
“ATTENTION EVERYBODY! THE BOSS IS COMING!” Sabay-sabay na tumayo ang mga tao sa loob ng silid na yun. Pati na si Jaymee ay napatayo na din. Saka siya sumisilip sa kung anong nagaganap. Pagkatapos kasi siyang ayusan ng mga ‘servants’ ay dinala siya dito ni Madame Love. May kailangan daw siyang makilala. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya. Nasaksihan ni Jaymee ang tila ba mga nag-mamartsang tao na papalapit sa kinaroroonan nila. Sa unahan nito ay isang matandang lalake na may baston pa sa kanang kamay. Iniisa-isa nitong tingnan ang bawat taong naroroon. Natigilan si Jaymee nang huminto ito sa harapan niya. “MY DAUGHTER.” ‘My daughter’ ‘My daughter’ “Hija?” Nabigla siya ng yakapin siya nito ng buong higpit. Ilang minuto yatang natigilan si Jaymee. Nagpapaulit-ulit sa utak niya ang katagang sinabi ng matandang lalake habang yakap siya. Kumurap-kurap siya. Tinatawag siya nitong anak! “Hija, are you okay?” namalayan na lang ni Jaymee na hawak na siya ng matanda sa magkabilang-balikat. Inaalog-alog pa siya nito. Pasensya na ‘no. Eh talagang hindi mag-sync in sa utak niya ang sinabi nito. “Natasha!” “P-po? Yes? A-ako po ba?” tinuro niya ang sarili. Ilang beses niya ng naririnig ang pangalang ‘yan. Hindi nga siya si Natasha. O baka naman napagkamalan lang siya ng mga ito. “Ikaw nga. You are my daughter Natasha. Namamangha ako na lumaki ka ng maayos. Patawarin mo ako kung itinago kita.” Haaa? Ano bang sinasabi nito? Hindi niya ito maintindihan! Sana naman may magpaintindi sa kanya ‘no! “Ahm, Sir. Jaymee po ang pangalan ko. Hindi po ako Natasha, baka kamukha ko lang yun at napagkamalan niyo po ako.” Natigilan siya ng biglang tumawa ang matanda. “Oh son of Hercules! Hindi ako nagkamali, hindi kita masisisi kung hindi ka maniniwala. But I’m telling the truth,” bumaling ang matanda kay Madame Love. “Her file please.” “Heto po, Don Jaime.” Naniningkit ang mga matang kinuha ni Don Jaime mula kay Madame Love ang isang tablet. Hindi siguro nito makita ng maayos ang mga nakasulat kaya nag-suot ito ng reading glass. “Here. Jaymee Santillo, that is your front name I gave to your mother to use for you while you are in hiding,” pag-uumpisa nitong mag-basa. Si Jaymee naman ay natitigilan. “...Jaymee, ikaw ang anak ko-” “Paanong nangyari po yun? Matagal ng patay ang tatay ko!” hindi na alam ni Jaymee ang mararamdaman at ang paniniwalaan. “Calm down!” si KC yun. Nakatayo na pala ito sa likuran nila. Hindi man lang niya namalayan ang pag-pasok ng lalake. “Ano bang ibig sabihin nito? Sino ba kayo? Pinagt-tripan niyo ‘ata ako eh!” singhal niya sa mga ito. Pero may banda na gusto niyang maniwala. ‘No Jaymee. ‘Wag kang maniniwala sa kanila. Baka mga monster yan!’ “Uuwi na po ako,” aniya sabay tayo. “You can’t,” pinigil ni KC ang pag-tayo niya. Kaya naman tiningnan niya ito ng masama. “Dito ka na titira kasama ang Daddy mo. Once you enter this mansion, there is no way back.” Natigilan si Jaymee sa sinabi ni KC. “Anong ibig mong sabihin?” “Alam mo ba kung bakit muntik ka ng mapahamak kanina? Dahil na sa hustong gulang ka na Jaymee. Marami ng mga kaaway na gustong patayin ka-” “Wait. Ano? Patayin? Bakit anong kasalanan ko?” “Because you’re a daughter of a Mafia Lord. You are the heiress of Black Heart Empire. Our duty is to protect you. That’s why you can never leave from our side.” Bagsak na napaupo muli si Jaymee sa kinauupuan niya. Nanlulumo siya sa mga narinig mula kay KC. Anong Mafia? Anong heiress? Yun ba yung nasa 365 da- este yung mga nababasa niya sa GN? “Natasha.” “Jaymee po,” pagtatama niya sa Don. “Okay, if that’s what you want me to call you,” anito sabay de-kwatro. “Pero ikaw si Natasha Sandrino Costa. Wala kang magagawa dahil yan ang dumadaloy sa dugo mo. The black heart shape on your right back can tell who you really are. From now on, you will live here in my mansion. No matter what, magkakasama tayo.” Nabigla si Jaymee nang tumayo ang matanda. Sinenyasan nito si KC at tinawag din si Madame Love. Pero mas nabigla siya sa huling sinabi nito. Wala na ba talagang labasan ang mansio’ng ito? Exit? Back door? Pero seryoso, paanong nalaman ng matandang ito ang parang heart-shaped na balat sa kanang likod niya? Hindi niya pa marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Kinakabahan tuloy siya. Baka mamaya nasa Squid Game na pala siya, huhu. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang Don at kasunod si KC. Nasundan niya na lamang ng tingin ang dalawa. Si Madame Love naman ay lumapit sa kanya. “Young Miss, sumunod ka na sa akin. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo.” Parang robot na sumunod si Jaymee. Habang naglalakad sa pasilyo, kinukurot-kurot niya talaga ang sarili. Baka kasi nananaginip lang talaga siya. Ay hindi na pala ito panaginip. Bangungot! Oo bangungot! Sino ba naman ang gugustuhin na maging instant Mafia heiress? ABER?!CHAPTER FIVE. Makikita sa isang sulok ng kalsada ang isang itim na kotse na nakaparada. Sakto lang ang pagtatago nito sa madilim na lugar para lamang hindi makita kung sino man ang lalabas mula sa mansion. Mula doon ay nakatanaw ang apat na di-kilalang lalake. “Nakauwi na pala ang tagapagmana?” sambit ng lalakeng nakaupo sa driver’s seat habang humihithit ng sigarilyo. “Oo-” “Tapos, pinakawalan niyo pa?” ani pa nito. “Biglang dumating yung mga assasin eh. Napurnada ang plano,” depensa ng katabi nito. Ang lalakeng nasa driver’s seat ay walang iba kundi si Fil Andrada. Siya ang leader ng grupong G4, isa sa mga sanga ng Diamond Brotherhood. “Ano ng gagawin natin?” tanong ng katabi niyang si Luke. “Ano na lang ang sasabihin natin sa Boss?” “You better explain to him. A good explanation, Luke, kung gusto mo pang tumagal sa mundong ibabaw,” sinigurado ni Fil na matatakot ito sa sinabi niya. “By the way? Nasaan na si Mr. Park? Hindi ba at kasama niyo siya kanin
Chapter SIX. Tulala lang sa magarbong kwarto si Jaymee. Panay rin ang buntong-hininga niya habang iniisip kung paano nangyayari ang lahat ng ‘to. Nasa ganoon siyang kalagayan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang tumayo at binuksan ‘yon. “Young Miss, naghihintay na po ang Don. Sabay na daw po kayo mag-hapunan,” si Lotty yon, isa sa mga servants niya. “Ah eh, sige susunod po ako,” nauna ng tumalikod si Lotty nang maisipan niyang tawagin ito ulit. “Ahm, pwede po bang Jaymee na lang? Naiilang kasi sa tawag niyo sa akin.” “Ahm hindi pwede Young Miss. Mataas ang pag-galang namin sayo. Saka malalagot kami kay Don Jaime,” sagot nito sa pakiusap niya. “Ganun? Eh, gan’to na lang. Kapag tayo-tayo lang, Jaymee na lang ang itawag niyo sa akin, okay ba yun?” Saglit pang nag-isip si Lotty bago siya sang-ayunan. “Ah eh, s-sige po.” Napapangiti naman na sumunod na si Jaymee sa servants. Isang mahabang crystal table ang nasa bulwagan. Punong-puno ng iba’t ibang
Chapter SEVEN. Kung nganga ang pag-uusapan, wagi na si Jaymee. Nakanganga kasi talaga siya habang pinapanood ang mga katulong sa pagpapasok ng naglalakihang mga paper bags sa kwarto niya. Agad niyang tinanong si Madame Love na namumuno sa ginagawa ng mga ito. “Madame Love, ano po ang mga yan?” “Your dresses and your cosmetics, Young Miss,” sagot nito na kinamangha niya. Cosmetics? Dresses? Ang ibig sabihin, dito na talaga siya titira sa mansyong ito?! “Madame Love, may mga gamit naman ako sa bahay, kukunin ko na lang po–” “Wala ka ng babalikan sa bahay mo, Jaymee. Ang lahat ng naroon ay na-disposed na,” napatingin siya sa pintuan. Naroon si KC at nakasandal habang nakahalukipkip na pinapanood din ang kaganapan. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. Pati na rin sila Madame Love ay napatingin sa lalake. “Wala ng bakas mo ang makikita sa apartment. Huwag kang mag-alala, kinuha namin ang mga bagay na magagamit pa,” anito. Lumuwag ang dib
Pagod na sa kakalakad si Jaymee sa labas ng mansyon. Pero wari niya ay hindi niya marating ang gate. Napapakamot sa ulong napatingin siya sa orasan niyang pam-bisig. 7:30 na ng umaga, kapag umabot pa siya ng alas-otso dito ay malamang male-late na siya. Inis niyang inayos ang pagkaka-sukbit ng backpack niya sa balikat. Bakit kasi ang layo-layo ng gate? Napaka-haba pa nitong espaltadong pathway na nilalakaran niya. First day of school at ayaw niyang ma-late. May mga golf cart na dumaraan, paminsan-minsan. Tinatanguan pa nga siya ng mga ito. Siguro bisita ng Don, pero hindi naman niya pinapansin. Kunot na kunot na ang noo niya dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha niya. Hindi pa naman ganoong ka-tanghali pero sa panahon ngayon ay masakit na talaga sa balat ang sinag ng araw, literal. Bubulong-bulong pa siya sa inis nang biglang may tumigil na big bike sa harapan niya, kaya naman bigla rin siyang napa-hinto sa pag-lakad. Ducati o BMW? Ah basta, big bike yun!
Inip na nakapangalumbaba si Jaymee sa upuan niya sa dulong row. Nakatanaw siya sa labas ng bintana. Ang pwestong katabi ng bintana na nakaharap sa likod ng school ang napili niyang upuan. Dun kasi siya komportable. Feeling niya tahimik dun at malayo sa ingay. Back benchers is always the best. Pero hindi niya lang maiwasang mainip. Maga-alas-nuebe na ngunit wala pa rin ang adviser nila. Nakakaramdam na rin siya na parang naiihi sa tagal niya ng nakaupo. Akmang tatayo na siya nang biglang bumaling sa kanya ang lalakeng nakaupo sa harapan ng kanyang silya. Itinukod nito ang baba sa sandalan ng upuan. “Hi. Bago ka lang dito?” “Ah hindi. Dito na ‘ko mula elem eh,” sagot niya. She didn’t want to be rude kaya pinansin niya ito. Mukhang ito ang bagong transfer at ngayon niya lang ito nakita. “Ganun ba? I’m Blue, bagong transfer,” feeling niya gusto nitong makipag-close sa kanya. “Saan school mo dati?” “Country side.” “Ahh.” Tahimik na ulit, hanggang sa lum
CHAPTER TEN. "Samahan mo siya sa classroom niyo. He's a top notcher on his former school, you better treat him well, got it." "Yes sir." Kaagad sinunod ng class president ang utos ng Dean na samahan ang bagong transfer na lalake. Tahimik lang itong nakasunod sa likuran ng class president. Halatang tahimik lang ang transferee. He's neat and clean on his white polo uniform. Tahimik lang habang nakikinig ng music na nagmumula sa headset. "Classmates, let's welcome our new transferee," ani class pres nang marating nila ang classroom. Iba-iba ang mga reaksyon ng mga naroon. May mga ngumanga, nag-singhapan, nag-bulungan o nag-sikuhan. Gwapo kasi ang transferee. Dumagdag sa charisma nito ang flat na maliit na nunal sa may ilong at baba ng kaliwang labi. Kaya naman siguro marami ang kinilig na kababaihan nang makita ito. "Introduce yourself, mister," utos ng class pres. Tumahimik ang buong classroom at nag-hintay ng introduction. "Uh, I'm Mico," matip
CHAPTER ELEVEN‘Babae, natagpuang patay sa ilalim ng tulay. Ang pumukaw sa atensyon ng mga nakakita ay nawawala ang hintuturo nito’ “Hala maryosep!” ‘Ang nasabing dalaga ay estudyante umano ng St. Martha High School, base sa suot nitong uniform’ “Grabe, sunod-sunod na ang namamatay, iba’t ibang school na yan.” Walang humpay na bulungan ang makikita sa paligid. Takot na takot ang mga estudyante, lalo na ang mga babae. Pang-apat lima na ang St. Martha High School na may pinatay na babaeng estudyante. “Malaking problema ito. Anong gagawin natin? Napakaraming media sa labas ng school!” Nagpupulong-pulong ang mga officer ng school. Hindi nila lahat alam ang gagawin. Kalat na sa buong bayan ang pangyayari. Na-mention na rin ang pangalan ng school nila sa lahat ng balita. Hindi na ito maitatago pa sa media. “Nakarating na ito sa Chairman, on the way na siya,” mahinahong paliwanag ni Mr. Fernan, ang secretary ng Chairman. Hindi maitago ang kaba ng mga guro at off
Mabilis na tinago ni KC ang phone. Sinuksok niya yun sa bulsa ng slack niya. Bakit may ganung video ro'n? Hindi niya muna masyadong pinagtuunan yun ng pansin. Si Jaymee muna ang iisipin niya. Dahil pagtapos makita ng dalaga ang video ay natulala na ito. "Jaymee, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga. Dinampot niya ang ballpen na nabitawan nito. "A-ano yun? B-bakit may..p-pinatay ba yun-?" Mabilis na tinakpan ni KC ang bibig ni Jaymee. Baka may makarinig sa kanila. May kutob pa naman siyang may maling nangyayari sa school na ito. "Jaymee, 'wag kang aalis ng school, hanggat hindi ako dumarating, okay. Ako ang maghahatid sayo," hawak sa balikat na sabi niya kay Jaymee. Bumalik naman yata sa huwisyo si Jaymee at nag-sungit na ang dalaga. "Bakit naman? Kaya ko naman mag-commute? Besides, alam ko naman na ang bahay eh." "Tsk. Don't be so stubborn, young lady!" singhal niya sa dalaga na lalong kinasimangot nito. "Sinisigawan mo ba 'ko?" Napahugo
Jaymee POV "Okay ka lang ba?" Napakamot ako sa ulo ko at sumulyap kay KC. Nakatingin siya sa akin at malamang sa malamang nakita niya ang kagagahan ko. "Ano ibig mo sabihin?" pagpapatay-malisya ko pa rin. "Hmm wala, wala. I just thought na kinain mo yung fake fruits d'yan, Young Miss," sabi pa niya habang nagpipigil ng tawa. "H-hoy hindi ah!" singhal ko. "Baka mali lang pagkakita mo." "Okay sabi mo eh." Sasagot pa sana 'ko kaso nakarinig ako ng tunog ng takong na papalapit sa amin. Pagkalingon ko, si Elina pala. Para siyang model na naglalakad papalapit sa pwesto ko. "Young Miss! No'ng malaman ko na nandito ka na sa isla, hindi ko na pinagpabukas pa ang punta ko," nakangiting yumuko si Elina para formal na bumati sa akin. "Elina." Sabay naming nilingon ni Elina si KC. Saktong umaahon siya sa tubig kapagkuwa'y inabot ang isang tuwalya at pinunas sa basang katawan. "Napaaga ka yata," kitang-kita ko ang tamis ng ngiti ni KC kay Elina. 'May gusto nga y
"Master." "Lauren, how's my daughter?" "Nasa isla na po siya, Master. Susunod na si Elina roon para maumpisahan ang pag-aaral niya." Bilang sagot, tumango-tango si Don Jaime. Sang-ayon naman siya sa mga tauhan niya, at may tiwala din siya sa mga ito. "Jin, may report ka ba?" baling naman ni Don Jaime kay Jin na kanina pa parang wala sa sarili. "May problema ba Jin?" "May nawawala kasing isang ban sa mga deliver, Master. Pero 'wag po kayong mag-aalala ginagawan ko na po ng paraan ngayon." Kitang-kita ng mga mata ni Jin kung paano nagdikit ang mga panga ni Don Jaime. Alam niyang nadismaya ito sa balitang hatid niya. "Siguraduhin mo lang Jin. I need a report until the last day of month. Kung hindi alam mo na ang mangyayari, Jin. Okay." "Yes, Master," nakayuko at hindi makatingin si Jin sa Don. Pagkatapos no'n nagmadali na rin siyang umalis. Ang mga naiwan naman sa bulwagan ay walang nagawa kundi magpalitan ng makahuhulugang tingin. ~ Jaymee Pov "WOW! Ang lak
(Jaymee Pov) Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko. Napakalakas naman kasi ng bungad ni Mitch. Feeling ko sasabog eardrum ko eh. "Hinaan mo naman ang boses mo," ani ko. "Nasaan ka ba kasi? Ang sabi dito may special class ka. Bakit ba?" "Ahm, oo may special class nga ako. Kailangan kasi," nagsisinungaling na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago kay Mitch ang totoo. "Basta mahabang kwento, Mitch." "Makakarating ka ba sa Senior Night?" 'Senior Night?' natigilan ako sa pagsalita. Oo nga pala meron nga pala no'n. Hays, nakalimutan ko na ang tungkol do'n ah. "Siguro naman makakapunta ko," sabi ko na lang kahit hindi sigurado. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa isiping baka ma-miss ko ang special na gabing 'yon para sa amin. "Sabi mo yan ha. Aasahan kita, gaga ka." "Oo." "Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" pangungulit pa rin niya kung nasaan ako. "Nandito ko sa probinsya," napapangiwi ako habang gumagawa ng kwentong pawang kasinungalingan. 'Sorry Lo
Jaymee PoV "I'm Lauren De Dios, Young Miss. I'm gonna be your trainor while your here at Costa," casual na pakilala ng magandang babae. "Trainor?" tumingin ako kay KC. Sinalubong niya ang nagtatanong kong tingin. "Uh, Kapatid siya ni Elina. Siya ang magtuturo sayo ng bawat martial arts sa loob ng Empire." Umawang ang mga labi ko sa sinabi ni KC. Akala ko ba ay bakasyon ang pinunta ko dito? Hays ano pa nga bang aasahan ko, 'di ba? "Magpahinga ka na. Ililibot kita mamaya sa labas," utos sa akin ni KC. "Si Elina?" rinig kong tanong ni KC kay Lauren. "May pinag-utos si Don Jaime. She's coming here by tomorrow," ngumiti ang babae ng nangaasar. "Namimiss mo na kaagad si Elina, paano na 'ko n'yan?" Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni KC. "The hell are you talking about, Lauren." Oo nga, ano bang sinasabi niya? Huwag mo sabihing may uganayan si KC my labs at si Elina? Pasimple akong sumimangot, parang may kirot sa aking puso. Char. "Ihahatid ko muna ang Young Miss
Jaymee POV "Are you okay? Nandito na tayo," Hindi ko masyadong marinig si KC. Nabibingi pa rin ang pakiramdam ko at medyo nahihilo. Ikaw ba naman lumipad sa ere eh. Char. Pero infairness! Nang igala ko ang paningin sa paligid, Diyos ko napakaganda! Para akong nasa heaven, day! Mula sa paliparan, tanaw na tanaw ko ang malaking bahay. "D'yan ka titira. 'Yan ang pinakamalaking resthouse ni Don Jaime dito," ani KC. "You mean, marami pang iba?" "Yup. Maraming ari-arian ang Daddy mo." Tumango-tango ako para sumang-ayon. "Ahh. Ako lang ba talaga titira r'yan? Baka may multo ha." Natawa si KC sa sinabi ko kaya naman lumabas ang cute niyang dimple at ang kanyang vampire teeth. Tss, may nakakatawa ba sa sinabi ko? "Ghost? Wala 'no." "Sure?" "Matakot ka sa buhay, Young Miss. Huwag sa patay. Akina nga yang maleta mo," inagaw niya sakin ang maletang bitbit ko at pinasunod ako sa kanya. May sumalubong sa amin na matanda na may kasamang binatilyo. Tantiya ko ay parang
"Ouchhh," sapo ko pa rin ang sentido ko habang tumatayo sa kama. Natanaw ko ang oras sa golden wall clock na nakasabit sa pader. Alas-tres na pala ng madaling araw. "Ay kabayo! M-madame Love, ano naman pong ginagawa mo rito ng ganitong oras?" nagulat ako kay Madame Love. Nakatayo siya malapit sa closet ko at may hawak na maleta. Napakunot ang noo ko sa hawak niyang maleta. "Para saan po yan?" "Mamayang alas-singko ang lipad niyo papuntang Costa Island. Ako na ang mag-iimpake ng mga gamit mo," sagot niya at inumpisahan naman ng mag-impake. Naguluhan pa rin ako. Anong Costa Island? Bakit? "Ano pong meron?" usisa ko at lumapit sa kanya. Kumuha rin ako ng ibang damit ko at tinupi para malagay sa maleta. "Gusto ni Don Jaime na magbakasyon ka muna sa isla ng pamilya niyo. Para makapag-unwind at makapasyal ka sa isla." "Teka lang po, kalagitnaan pa lang ng taon ah, paano ang school ko?" maang ko na namang tanong. Para kong bata na nag-uusisa. "Okay na ang lahat, Jaymee.
(Jaymee Pov) "Ano, kakapit ka ba o hahayaan kitang mahulog?" Wala na 'kong nagawa kundi ang higpitan ang kapit sa bewang ni KC. Kung makapagpatakbo naman kasi parang wala ng bukas. Mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit nang paharurutin niya ng mabilis ang bike. 'Diyos ko, kung sawa na siya sa buhay niya, siya na lang sana. 'Wag na akong idamay' "Magpapakamatay ka ba ha?!" malakas kong singhal para marinig niya. Sa lakas ng hangin na sumasalubong sa amin ay malabo niya akong maririnig. "Just sit tight," Narinig pala 'ko, sumagot eh. Agad kong sinuklay ng mga daliri ko ang nagkabuhol-buhol kong buhok nang makababa ako sa bike niya. Wala pang thirty minutes na tinakbo namin mula school hanggang dito sa mansyon. Natanaw ko naman si Don Jaime na naglalaro ng golf sa kalawakan ng golf field. Ang macho pa rin tingnan ng tatay ko kahit may edad na. Maganda ang hubog ng katawan nito sa suot na sports uniform na pang-golf. Nang matanaw niya 'ko, sinenyasan niya 'ko
(Jaymee Pov) Krrrnnnggg!! Nang tumunog ang bell ng saktong alas-singko, kanya-kanyang tayuan ang mga kaklase ko bitbit ang mga bag nila. Samantalang ako, heto at naiwan pa rito sa classroom. Kasali nga pala ako sa maglilinis ng classroom. Diba ang saya! Tsk. Gusto ko na talagang umuwi eh. Wala ako sa mood na mag-stay rito. Hindi naman kasi pwedeng hindi ako sasama, kasi kahit na senior na kami eh, bawas grades pa rin samin ang hindi maglinis ng classroom. "Haays" Nilingon ko ang mga kaklase kong nakatoka rin sa cleaners. Halos lahat sila ay piniling sa labas maglinis. Ako lang talaga ang iniwan nila dito sa loob ng room. Sa isip ko, 'Hindi naman yata linis ang ginagawa ng mga 'to eh. Nagpapapansin lang' Nagpapapansin lang sa mga gwapong guy na napapadaan sa hallway. Dahil sa pagtanaw ko sa mga classmate ko, hindi ko namalayan ang paglapit sakin ni KC. Nagulat pa 'ko nang tapikin niya ko sa balikat ko. "Sir," pormal ko na bati sa kanya. "Ba't mag-isa ka lang dit
Jaymee Pov "HAAAYS," paunat kong pinabagsak ang katawan ko sa kama at marahang pumikit. Nakakapagod. Madaling araw na pala kami nakauwi galing party ni Jome. Sayang lang at hindi ko nakausap masyado ang idol ko. Nakakalungkot pero okay na yun, baka may next time pa. Lalo na't kaibigan siya nila KC. "SHIT!" napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko si KC kasabay ng pangangapal ng pisngi ko. "Iiihhh!! Bakit ko kasi siya hinalikan?!" hindi ko talaga alam! Dahil sa hiya, dinampot ko yung unan at pinalo-palo sa mukha ko. "Nakakahiya ka, Jaymee! Ano na lang ang mukhang ipapakita mo sa kanya sa school?!" Hindi ko naman yun sinasadya eh! Lasing lang siguro ako at nadala ako ng sitwasyon! "Pero hinalikan mo pa rin siya, gaga ka!" Oo, hinalikan ko siya pero smacked lang yun! Hindi naman torrid eh. "Gaga ka pa rin!" Aarrgghh!! Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan, para hindi marinig sa labas ang malakas kong tili. Para na 'kong baliw. Oo, mababaliw na talaga '