Share

Chapter 0032: Sayang

(Jaymee Pov)

"Ano, kakapit ka ba o hahayaan kitang mahulog?"

Wala na 'kong nagawa kundi ang higpitan ang kapit sa bewang ni KC. Kung makapagpatakbo naman kasi parang wala ng bukas. Mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit nang paharurutin niya ng mabilis ang bike.

'Diyos ko, kung sawa na siya sa buhay niya, siya na lang sana. 'Wag na akong idamay'

"Magpapakamatay ka ba ha?!" malakas kong singhal para marinig niya. Sa lakas ng hangin na sumasalubong sa amin ay malabo niya akong maririnig.

"Just sit tight,"

Narinig pala 'ko, sumagot eh.

Agad kong sinuklay ng mga daliri ko ang nagkabuhol-buhol kong buhok nang makababa ako sa bike niya. Wala pang thirty minutes na tinakbo namin mula school hanggang dito sa mansyon.

Natanaw ko naman si Don Jaime na naglalaro ng golf sa kalawakan ng golf field. Ang macho pa rin tingnan ng tatay ko kahit may edad na. Maganda ang hubog ng katawan nito sa suot na sports uniform na pang-golf.

Nang matanaw niya 'ko, sinenyasan niya 'ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status