CHAPTER 3
“You may now kiss the bride.” Nataranta si Belinda nang marinig iyon, pero hindi niya pinahalata. Hindi niya lubos akalain na ibang tao ang unang mahahalikan niya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahalik kay Danilo.
Tinaas ni Van ang veil ni Belinda. Napapamura na lang si Belinda sa isip niya nang makita ang paglapit ng mukha nito. Ayaw niya sana dahil alam naman nito na walang pagmamahal sa pagitan niya, pero alam niya rin na magtataka ang lahat kapag hindi siya pumayag dahil maraming matang nakatingin sa kanila.
Napapikit siya at hinintay ang halik, pero napamulat siya ng tingin nang maramdaman ang halik sa noo niya imbes na sa labi. Nagulat siya, pero parang wala lang kay Van dahil agad itong humarap sa mga tao.
Matapos ang kasal, maraming bulungan sa paligid at karamihan ay kamag-anak ni Belinda na dumalo. Nakasimangot ang dalawang kapatid niya at masama ang tingin sa kanya.
“Ano ba ‘yan. Talagang hindi mahal ni Edward ang anak niyang ito kahit siya naman ang totoong kadugo niya. Kasal ng anak niya, pero wala siya?” Isa iyon sa narinig ni Belinda na bulungan sa paligid na sinubukan niyang huwag pansinin.
Bumalik sa ospital ang Lola niya dahil sa limitadong oras na binigay ng doktor para dumalo.
Napaiwas si Belinda nang kausapin siya ng mga kaibigan at pamilya ni Van. Hindi pa rin siya makapaniwala na ikinasal siya sa isang estranghero. Tama si Belinda nang isipin niyang lolo ito ni Van.
Mababait ang mga kaibigan at kamag-anak ni Van na lumapit kay Belinda. Hindi tuloy makapaniwala si Belinda.
“Anong kalokohan 'to? Hindi ako naniniwalang totoo ang kasal na 'to!” sabi ng isa sa mga kamag-anak ni Belinda, ang Tita Gia niya nang tuluyang lubayan si Belinda ng mga kaibigan at kamag anak ni Van.
“Palabas lang ba 'to para hindi ka mapahiya na hindi ka na papakasalan ng tagapagmana ng mga Reymondo?” dagdag pa ng pinsan ni Belinda na kaedad niya lang.
Sasabihin na sana ni Belinda ang kanyang saloobin pero may dumausdos na kamay sa bewang niya. Gulat na tiningnan niya si Van.
“We're married now, paanong palabas?” tanong ni Van, sinuri ang mga nakapaligid sa kanya.
Walang naglakas-loob na magsalita pero napasulyap ang lahat kay Dani nang lumapit ito mula sa pagkakaupo sa gilid.
“You did not kiss her on her lips! Hindi totoo ang kasal niyo. You just did this ceremony para hindi mapahiya si Belinda sa pag-atras mg totoong mapapangasawa niya.
“Dani—”
“Stop with your lies, everything is just a show! Ibang lalake ang mapapangasawa mo, pero hindi natuloy kaya humila ka ng iba!” Malakas na sambit ni Bianca, na pati ang ibang bisita ay napatingin na sa kanila.
Hindi maiwasang mahiya nang tignan siya ng mga bisita dahil alam niyang ang iba sa kanila ay alam ang bagay na iyon.
“Please, stop, Dani—” Sinubukang patigilin ni Belinda si Bianca, pero may nagsalita ulit mula sa kamag-anak niya.
“Why are you stopping her? It's true that this is just a show. A useless and fake marriage!”
“So this is all about the kiss? She is my wife already, but you all assumed that this is just a show?” Ang baritonong boses ni Van ang nangibabaw.
Napalunok si Belinda, hindi naman kailangan ni Van na ipagtanggol siya.
“You can't kiss her and I'm sure she won't let you. Hindi nga niya magawang magpahalik kay Danilo, sa iyo pa kaya? She's not you—”
Everyone went silent when Van pulled Belinda and claimed her lips. Gulat at halos mapakapit na si Belinda sa damit ni Van nang maramdaman pa niya ang pagparte ni Van sa kanyang nakatikom na mga labi at pagpasok ng dila. Hindi napigilan ni Belinda ang sariling mapabangon sa kakaibang pakiramdam na naramdaman niya sa unang pagkakataon.
“I'm sorry about that.” Paghingi ng paumanhin ng stepmom ni Belinda kay Van nang malaman ang ginawa ng anak niya at ng iba. Umalis kasi ito saglit kanina kaya hindi niya nasaksihan ang nangyari.
——
“Fix yourself, we're going somewhere.” Gulat na napatingin si Belinda nang pumasok si Van.
“Saan?” Takang tanong niya, pero hindi siya sinagot ni Van.
Hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos. Hindi pa nila nagagawang pag-usapan kung paano magiging buhay nila. Hindi rin alam ni Belinda kung talaga bang legal ang nangyari sa kasal dahil hindi naman basta-basta mababago ang mga dokumento sa isang gabi lang.
“Salamat kanina.” Hindi na mapigilang sabihin ni Belinda nang nasa kotse na sila.
Sinulyapan siya ni Van. “Saan? Sa halik?” Narinig ni Belinda ang kaunting pag-aasar ni Van nang sabihin niya iyon, hindi niya alam kung mahihiya ba siya nang maalala iyon o maiinis dahil sa ginawa pa niyang pang-aasar.
“Hindi. Nagpapasalamat ako kasi pinagtanggol mo ako kanina,” mahina niyang sinabi.
“You're my wife now so that's my responsibility as your husband. Hindi pwede sa akin ang inaapi ang asawa ko.”
Asawa.
Nagulat si Belinda nang marinig iyon kay Van.
“But we know what we are. Baka nga fake rin iyong—”
“Everything is legal. You're my wife now. Noong inalok kita, seryoso ako,” sabi niya at seryosong tiningnan si Belinda.
Meron pang gustong sabihin si Belinda, pero hindi na niya nagawa nang tumigil si Van sa isang pamilyar na lugar.
“You want to spend more time with your lola, right? I already talked to his doctor, kinuhanan ko na rin siya ng sarili niyang nurse na magbabantay sa kanya 24/7 para mapanatag ka.”
Napabalik balik ang tingin ni Belinda sa ospital at kay Van. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
“Bakit?” Iyon lang ang tanong na lumabas sa labi niya.
“Because you're my wife,” he simply said and ready to leave the car, but Belinda held Van's hand.
“Ano pang alam mo sa akin?” Hindi alam ni Belinda, pero pakiramdam niya marami nang alam si Van sa buhay niya.
Binasa ni Van ang labi at saka sumagot.
“Belinda Juarez, 25 years old. Your parents got divorce when you were 5 and in the same year, your dad remarried. You lived with them for a year, but you were sent to your grandmother's house when you're 6. I investigated you because we are getting married.”
“In just a short period of time?”
“Well, I already know you, we already saw each other in the company,” sambit nito at inalis ang tingin kay Belinda.
“But you didn't remember me,” mahinang dugtong nito na hindi narinig ni Belinda.
Belinda didn't pay attention to that, but right now, her mind is clear, she suddenly remembers the company where she works.
Villariva. It's the surname of the owner of the company she's working with!
“Let's go. Your lola are waiting for you.” Naunang lumabas si Van habang siya ay medyo nawawala pa sa sarili sa napagtanto.
Magtatanong sana siya kung related ba siya sa may ari ng kompanya, pero hindi niya naituloy nang mapagtanto na baka ka-apelyido lang dahil marami naman ang magkaka-apelyido sa mundo.
“Spend time with your lola, then after that, we'll go home.” Sabi ni Van. Napatingin ulit si Belinda kay Van, pero bumaba ang tingin niya sa kamay niya nang hawakan ito ni Van.
Van intertwined their hands and pulled Belinda to go inside.
CHAPTER 4Sobrang saya ni Belinda nang makita niya ang lola niya at hindi lubos alam ni Belinda kung paano papasalamat si Van. Hindi sila magkakilala nang lubusan, pero halos mula noong nagkita sila ay puro mabubuting gawa ang pinakita ni Van sa kanya.“Matutunaw ako sa titig mo,” napabalik sa sarili si Belinda nang marinig iyon mula kay Van na nanatiling nakatingin sa harap niya. Napaiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa labas, pero napatingin ulit siya kay Van.“Salamat kanina. Salamat kasi sinabi mong aalagaan mo ako. Hindi ko inaasahang sasabihin mo iyon. Mapapanatag na si Lola sa sinabi mo. Salamat talaga,” tuloy-tuloy na ani Belinda nang hindi na niya mapigilan ang sarili.Mabilis lang na tinignan ni Van si Belinda bago ito magsalita.“Hindi mo kailangang magpasalamat. Sinabi ko na, asawa kita kaya ko ito ginagawa lahat.” Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Belinda. Napatingin si Belinda sa daliri niya kung nasaan ang wedding ring nilang mag-asawa. Talagang asawa na n
CHAPTER 5Kakaibang sensasyon ang naramdaman ni Belinda nang halikan siya sa leeg ni Van. Pakiramdam niya ay may nagising sa kaloob-looban niya, dahilan kaya hindi niya magawang itulak ito.Sa isip ni Belinda ay mali na nagpapahalik at nagpapahawak siya dahil kahit kasal sila ay hindi pa rin nila gaanong kilala ang isa't isa.Masyadong mabilis ang lahat para hayaan niya si Van na hawakan at halikan siya, pero ang katawan niya ay masyadong okupado na sa bawat haplos at halik ni Van, na para bang sinasabi ng katawan niya na si Van ang nagmamay-ari nito. Hindi niya maipaliwanag. Hindi naman kasi niya naramdaman ito sa dating fiancé.Bumaba ang halik ni Van sa panga ni Belinda, na siyang nagpatingala kay Belinda kaya madaling bumaba pa ang labi ni Van para tuluyang maangkin ang leeg ng kanyang asawa.Kakaligo pa lang ni Belinda, pero pinagpapawisan na siya. Biglang sobrang init ng paligid kahit na alam niyang naka-aircon naman ang paligid.Napapikit si Belinda nang mariin nang maramdaman
Nagising si Belinda na walang tao sa tabi niya. Tinignan niya ang sarili at napansing nakasuot na siya ng t-shirt at may underwear na rin. Iniisip pa lang niya na pinalitan siya ni Van pagkatapos siyang mapagod at makatulog sa ginawa nila ay talagang nagpapamula na sa mukha ni Belinda.Hindi niya lubos akalain na naibigay niya ang sarili ng ganoong kadali. Ilang beses nang sinubukan ni Danilo na may mangyari sa kanila, pero kahit kailan ay hindi niya ito pinagbigyan. Pero ngayon, dahil lang sa haplos at paglapit sa kanya ni Van, naibigay niya ang sarili ng walang pag-aalinlangan.Dahil mag-isa na lang siya, hindi niya mapigilang ilibot ang paningin sa buong kwarto. Ngayon lang niya napansin na sobrang laki ng kwarto. May malaki ring kurtina sa gilid kaya kuryuso siyang tumayo at lumapit roon.Isang wall glass ang tinatakpan ng malaking kurtina. Pagkamangha ang namayani sa mukha niya nang makita ang napakalaking lupain sa harap niya na puno ng mga bulaklak.“Ma'am, gising na po kayo?”
Chapter 7Dumausdos ang kamay ni Van sa bewang ni Belinda pagkatapos ng tanong na iyon.“So you want to keep me a secret, hmm?” Van asked again to Belinda. Madilim ang tingin nito na animo'y hindi talaga niya nagustuhan ang narinig mula kay Belinda.Naramdaman din ni Belinda ang magaang haplos ng kanyang asawa sa bewang niya kaya hindi niya maiwasang lumunok.“Wala namang masama, hindi ba? Saka may rule sa kompanya tungkol sa prohibited office romances. Sige ka, baka matanggal ka pa sa trabaho.”“My surname is Villariva,” mariing sambit ni Van.“But it doesn't mean that you are the owner who can manipulate the rule. Kung kamag-anak ka man ng chairman, it doesn't mean that you can be an exception to that rule.”Napalunok ulit si Belinda nang maramdaman niya muli ang haplos ng kanyang asawa sa kanya. Medyo nababasa na rin ito dahil basa ang katawan niya, pero kahit na ganoon ay hindi nito inalintana iyon, hinayaan ni Belinda na nakahawak sa kanya ang asawa.Nakita ni Belinda ang pag-igt
**Chapter 8**Anong ibig sabihin ng paghihintay niya sa babaeng nanloko sa kanya? Napatawad na siya? Ganoon kabilis?“Ayos ka lang, Ma'am?” tanong ni Rose na nasa tabi ng mga vase, nagpupunas. Kanina pa siya doon at alam ni Belinda na kanina pa nagtataka si Rose sa kinikilos nito, pero masyadong okupado si Belinda para bigyan pa iyon ng pansin.“Bakit naman hindi ako magiging maayos?” nakasimangot na tanong ni Belinda saka muling tinignan ang daan patungong pool.Napatayo si Belinda nang makita ang nakangiting si Kia. Umabot ng isang oras ang pag-uusap nila, na halos hindi matanggap ni Belinda dahil hindi niya naisip na pwedeng tanggapin ni Van sa tahanan niya ang babaeng nagtaksil sa kanya.“Anong itsura iyan? Para kang na-stress ng ilang oras, ah,” sambit ni Kia at saka tumawa. “Anong pinakain mo sa kanya at napatawad ka niya agad?” Hindi mapigilang itanong iyon ni Belinda ng may pang-iinsulto.“Ang bait talaga ni James. Do you know what he promised to me? A house, a lot, and a c
“A-Ano ‘to? Bakit mo ako binibigyan ng ganito? Hindi ko ‘to matatanggap, Van.” Hindi mapigilan ni Belinda na sabihin iyon nang suotan siya ni Van ng isang mamahaling kwintas.Napatingin siya kay Van na nasa likod niya.“You're my wife and you deserve this,” Van simply said at hinalikan ang balikat ng kanyang asawa.Van had never been this addicted to a scent before, pero hindi niya mapigilang ilapit ang ilong sa leeg ng kanyang asawa dahil sa mabangong amoy nito.“Saka hindi naman ako mahilig sa alahas—”“You'll use them? Or I won't go?” Kinagat ni Belinda ang labi nang marinig iyon. Kasunod din naman ang paglahad ni Van ng kaparehas ng kwintas na hikaw.Gusto pang humindi ni Belinda, pero dahil sa gusto niyang sumama si Van sa kanya, hinayaan na lang niya iyon.Kitang-kita ang satisfaction ni Van nang tuluyang maisuot ni Belinda ang kaparehas ng kwintas na hikaw. “Oh, ghad! Finally, you're here, Iha!” Ang kanyang stepmom ang unang bumati at lumapit sa kanila. Hindi naman maiwasan ni
“Make it 30 million.” Hindi pa siya nakakabawi sa tinuran ng kanyang asawa ay halos manlumo pa siya sa sinabi ng kanyang ama.“Are you even serious, Papa?” Halos tumaas na ang boses ni Belinda sa pagtatanong. Hindi niya akalaing papayag ito sa condition ni Van.“Okay, deal,” Van simply said na tuluyang nagpapikit ng mariin kay Belinda.Sobrang bilis ng lahat. Nagpatawag agad si Van ng lawyer para sa kasulatan. Pinahanda na nga rin agad-agad ni Van ang perang kakailanganin na oara bang maliit na pera lang ang usapan.30 million.Van made everything smooth. Pagkarating ng lawyer ay pinapirma agad niya ang halos lahat ng pamilya ni Belinda. After signing all, he gave the exact 30 million at kitang-kita ang ligaya ni Mr. Juarez at ng buong pamilya niya nang tuluyan nitong mahawakan ang limpak-limpak na pera.“Simula ngayon, huwag niyo ng papakialaman ang asawa ko,” Van seriously said.“Don't worry. Maayos kaming kausap,” Mr. Juarez said without even looking at his daughter.After that, Va
“Look who's here. Belinda Juarez, or should I say, Belinda manipulator and cheater. Bakit nandito sa ganitong lugar ang taksil at manlolokong babaeng gaya mo? Hindi ba mayaman ang napangasawa mo?”Hindi makapaniwala si Belinda sa narinig. Napansin niya rin ang tingin ng mga tao sa kanila dahil narinig nila ang sinabi ni Danilo.“Anong sinasabi mo? Ikaw ang nagtaksil at nanloko kaya bakit mo nililipat sa akin ang kasalanan mo?!”Danilo laughed sarcastically.“What the hell is happening?” Gulat at walang alam na tanong ni Lia, pero wala man lang sumagot sa kanila.“Oh, stop acting like an innocent. Mukha ka lang inosente, pero alam kong hindi ka inosente. Aminin mo na that you were dating that guy while we were engaged! Huwag ka nang magka-ila! You canceled the wedding because you were really planning to marry that guy who is obviously richer than me! You fvcking planned everything!"Namula sa galit si Belinda sa mga paratang ni Danilo sa kanya.“You cheated on me and that's the reason
Mariing pumikit si Cheska at hinimas ang batok niya, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero nang marinig niya ang pag-andar ng makina, agad siyang sumakay sa front seat, hindi na nag-isip pa. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya—parang may kung anong sumasakal sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Azrael na tila ba hindi siya nakikita.Pagkaupo niya sa passenger seat, agad niyang nilingon si Azrael. Walang emosyon ang mukha nito, at tila ba tumagos ang katahimikan ng buong sasakyan sa balat niya."Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" Tanong ni Cheska at napapikit dahil sa suot nitong earbud, hindi siya sigurado kung naririnig ba siya nito o ano.Hindi na nakatiis si Cheska. Inabot niya ang kanang tainga ni Azrael at biglang inalis ang isang earbud. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang biglang pag-ikot ng mukha ng lalaki para tignan siya, puno ng iritasyon at pagkabigla.“What the fvck you fvcking think are you doing?” Inis na ani ni Azrael, masyadong diretso
Paglabas ni Cheska ng pinto ay agad siyang luminga sa magkabilang direksyon ng hallway, hinahanap ang pamilyar na porma ni Azrael. Mabilis ang pintig ng puso niya—hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, inis, o… baka pareho, ewan, pati siya ay talagang nagugulugan sa nararamdaman. Kaso sa magkabilang dereksyon iyon ay wala siyang nakitang Azrael.“Ang bilis naman niya?” bulong ni Cheska sa sarili, bitbit ang iritang hindi niya maipaliwanag.Napahawak na lang si Cheska sa sintido. Dalawa ang elevator doon at sa dalawang hallway din ang daan kaya hindi niya alam kung alin sa dalawa ang sinakyan ni Azrael o tinungo nito.“Dito na nga lang!” Inis na ani Cheska sa sarili. Bahagyang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ang pamilyar na likod nito—nakatayo, nakaharap sa elevator, at tila malapit nang sumakay. Mabilis ang lakad ni Azrael at may mga bumating nurse pa nga dito, dahil nga kilala ito doon, pero wala man lang itong pakealam o pinansin man lang. Diretso lang. Walang tingin. Walan
“Huwag ka kasi mag-alala. Kaya ko ang sarili ko, at mabait naman iyong boss kong iyon kahit medyo bugnutin. Kaya relax ka lang diyan."Ngumiti si Cheska pagkatapos sabihin iyon. Naiintindihan naman ni Cheska kung bakit nag-aalala ang kaibigan. Hindi rin naman ito ang unang beses na subra ang pag-aalala ng kaibigan dahil sa lalake.Bumuntong-hininga si Cris, halatang napapaisip.“Kaya kumain na lang tayo nito. Sayang din, at saka para kang tanga magtampo—Shit!”Napasinghap si Cheska nang maramdaman ang malamig at malagkit na icing ng yema cake sa pisngi niya. Napapikit siya sa gulat, halos hindi makapaniwalang pinahiran din siya ni Cris ng yema cake sa mukha, gaya ng ginawa niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, naglalagablab ang titig, at unti-unting inangat ang ulo papunta kay Cris.Nakita niya itong may mahinang tawa habang hawak pa ang daliring may natirang icing, kitang-kita ang kalokohan sa mukha. Parang batang nakaiskor ng kalokohan.“Cris...” seryoso ang boses niya, m
"Kamusta po ang kapatid ko, Doc? Okay lang naman po siya, hindi ba? Matagal na din po kasi kami rito at palaging na dedelay ang operasyon ng kapatid ko. Medyo nag-aalala na rin po kasi ako at ang laki na ng bill namin dito. Nagmukha na ngang hotel itong hospital para sa amin ng kapatid ko kaya gustong gusto ko na pong malaman kung bumubuti na po ang lagay ko." Tuloy tuloy na tanong ni Cheska dahil nabalitaan niyang tapos na ang panibagong test na ginawa nila sa kapatid niya.Ngumiti ang doctor bago sumagot,“Bumubuti ang lagay ng kapatid mo, so we are really happy to say that we are going to schedule the operation for him next month, first week.”Nagliwanag ang mukha ni Cheska sa narinig mula sa doctor. Hindi ito iyong tita ni Azrael dahil naka-leave daw ito—kaya’t iba ang naka-assign na doktor na sumuri at dumalo sa kapatid niya ngayon. Ngunit kahit iba ang kausap niya, dala pa rin ng balitang iyon ang matinding ginhawa at pag-asa.“And na-inform na din namin si Dr. Villariva. We su
Napasulyap si Cheska kay Azrael, and Azrael just sighed. Biglang lumambot ang tingin nito at hindi tulad kanina na halos umigting na ang panga.“I’m really happy na nandito ka ngayon para sa anak ko,” masayang ani Daviah habang hindi pa rin binibitawan si Cheska. “Nandito sana ako para pagalitan siya. Pasensya ka na sa anak ko, ha. Nalaman ko kasing puro trabaho ang inaatupag nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang siya makapaglaan ng oras para sayo. Sana hindi ka magsawa sa kanya.”Napatingin si Azrael sa ina, agad na sumabat, “Saan mo ba kasi nalaman yan, Ma? I told you, napag-usapan na namin ng girlfriend ko na kapag tungkol sa trabaho ay ayos lang kung—”“No way! Ayos lang? I told you, magsasawa siya kapag palagi kang busy sa trabaho!” Pagalit na ani ng kanyang ina kaya napahawak sa batok si Azrael.“She won’t. Hindi siya magsasawa sa akin and I am making my way para magkasama naman kami—and you don’t need to meddle in our relationship, Ma.” Mahinahong sagot ni Azrael, ngunit bu
“Get a day off today. Spend time with your girlfriend! Hindi ka naman kailangan sa kompanya kaya–”“Kailangan ako sa kompanya, Ma. I’m the boss–”“Come on! Hindi ikakabagsak ng kompanya ang isang day off ng boss!”Naalimpungatan si Cheska nang makarinig ng pag-uusap at pagtatalo sa kung saan.Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang dahan-dahan itong iminulat. Ang una niyang napansin ay ang malambot na kutson ng sofa sa ilalim ng kanyang likod. May kumot na nakabalot sa kanya, at may unan sa ilalim ng ulo niya.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya maalala kung kailan siya nahiga nang maayos doon, pero masarap ang pakiramdam ng init ng kumot—parang may sumilong na yakap sa buong katawan niya. Sinalubong din siya ng mahinang aroma ng nilulutong pagkain—bawang na piniprito, longganisang medyo nanunuyot na sa kawali, at ang pinong halimuyak ng piniritong itlog. Lahat ng iyon ay humaplos sa kanyang ilong, tila inaakay siya na bumangon na.Napaupo siya, marahang itinulak ang kumot at na
Binuka ni Cheska ang labi, handang magsalita ulit—siguro para kontrahin siya, siguro para lang mapanatili ang kaunting distansya sa pagitan nila. Pero sa huli, isang mahabang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya. Tinitigan niya si Azrael, hindi gumalaw, hindi rin siya gumawa ng anumang hakbang para paalisin ito sa pagkakahiga sa kanyang hita.Alam naman kasi talaga ni Cheska na pagod na ito, kahit sino ay mapapagod pagkatapos ng nangyari kanina. Ni hindi nga naisip ni Cheska na hanggang ngayon ay gising pa ito gayong kanina pa niya nakikita ang pagod sa mata niya at gusto ng magpahiga.Hinigit ni Cheska ang paghinga at sinubukang sumulyap na lang sa ibang direksyon, pilit pinipigilan ang anumang emosyong bumabalot sa dibdib niya. Sinisubukang huwag mag-isip at hayaan na lang ito sa pwesto nito.Pero ilang sandali, kinagat ni Cheska ang labi at hindi mapigilan ang mapatitig ulit dito. Nakapikit na, pero hindi matukoy ni Cheska kung tulog na ba ito o ano.Napatingin siya sa mukh
Tahimik si Cheska habang nagluluto. Halos hindi niya magawa ang huminga ng malalim. Ilang beses na siyang napapahawak sa pisngi niyang alam niyang namumula dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya sa mukha. Hindi niya alam kung dahil ba 'yun sa kalan o sa... nangyari kanina.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyare at lalo na sa inaasta niya mismo.Hindi niya makalimutan ang biglaan, marahas ngunit sabay rin na banayad na halik ni Azrael. Gulong-gulo pa rin siya sa sarili niya—at hindi lang dahil doon. Pati na rin sa kung paano siya tumugon, kung paano siya... napalapit at hinayaan ito na halikan siya ng ganoon kalalim. Sa isang taong hindi naman niya karelasyon dahil peke lang naman ang namamagitan sa kanila.Humigpit ang hawak ni Cheska sa sandok.Naririnig niya ang bawat tik-tak ng wall clock, parang ang lakas-lakas. Samantalang si Azrael—nakaupo lang sa gilid ng countertop, nakasandal, nakangiti, at... pinapanood siya. At dahil nga sa pinapanood siya nito,
Napatigil siya. Tahimik. Seryoso ang boses. Seryoso ang mukha. Wala na ang pilyong ngiti. Nakatitig lang si Azrael sa kanya—diretso, walang iwas. Kaya namutla bigla ang mga salitang gusto sanang ilabas ni Cheska. Parang may pumisil sa dibdib niya.“But I want to kiss you, only you this time,” mariing ani ni Azrael.Parang tumigil ang oras para kay Cheska. Lahat ng ingay sa paligid niya ay nawala. Ang naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya at ang tinig ni Azrael na tila dumiretso sa puso niya at hindi sa tenga. Napalunok siya, pero hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang dapat unahin—galit, takot, o ‘yung matagal na niyang pilit itinatanggi na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Masyado syang nagulat sa mga sinabi ni Azrael at hindi niya alam kung dapat ba niya iyong paniwalaan o ano.Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang hakbang na pwedeng burahin at itawid ng kahit sinong may lakas ng loob. At si Azrael—walang pag