CHAPTER 287Kinabukasan ay maaga naman na gumising si Reign at pati na rin ang buong pamilya nya uang ihatid sya sa airport. Kasama naman nyang aalis ang mommy Aira nya pero hindi rin naman ito magtatagal doon at hihintayin lamang nito na masanay sya sa magiging bagong tahanan nya sa ibang bansa.Kumpleto rin ang pamilya nila na naghatid kila Reign. Halos ayaw na ngang bumitaw ni Reign sa kuya Rayver habang si Dylan naman ay nakayakap na rin kay Reign dahil malambing din naman talaga si Dylan sa kanyang ate Reign."Ate mamimiss kita," umiiyak ng sabi ni Dylan kay Reign habang nakayakap sya rito. Narito na kasi sila ngayon sa airport at maya maya ng konte ay kailangan ng pumasok nila Reign sa loob ng airport dahil may mga kailangan pa silang asikasuhin sa loob."Mamimiss din kita Dylan. Magbabait ka rito ha. Ayusin mo pag aaral mo. Kay kuya Rayver ka na lamang muna magpatulong kapag may mga assignment ka na hindi mo kaya ha," sagot naman ni Reign at saka nya yinakap si Dylan at hindi
CHAPTER 288"Oo umalis na si Reign kahapon pa," tipid na sagot ni Rayver sa kaibigan ni Reign na si Shaina. Hindi naman sila lahat makapaniwala sa sinabi ni Rayver."P-pero bakit?" naguguluhang tanong ni Shaina.Samantalang si Kenneth naman ay parang naistatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi nakagalaw ni kahit magsalita ay hindi nito magawa lalo na ng marinig nya ang kasunod na sinabi ni Rayver."Gusto raw nyang mag aral sa ibang bansa. Kahit ako ay nagulat sa biglaan nyang pag alis. Nitong isang araw ko lamang din nalaman na aalis na sya at kahapon nga ay inihatid na namin sila," malungkot na sagot ni Rayver."What? I-ibang b-bansa?" kandautal pa na tanong ni Kenneth. Tumango tango naman si Rayver sa kaibigan nya."Yes ibang bansa. Nasa ibang bansa na si Reign at hindi ko alam kung kailan ang balik nya rito. Kaya kanina pa ako walang imik dahil iniisip ko ang kakambal ko. Ngayon lamang kami nagkahiwalay na dalawa at hindi ako sanay na wala sya," malungkot pa na sagot ni Rayver sa ka
CHAPTER 289Pagkarating naman nila Reign at Aira sa London ay talaga namang nanibago kaagad si Reign sa panahon doon at idagdag pa na naglilihi sya kaya halos isang linggo syang hindi lumabas ng kanyang bahay. Hindi naman sya iniwanan ni Aira roon at talaga namang inasikaso na muna nya si Reign dahil alam naman nya na mahirap talaga ang first trimester ng pagbubuntis dahil sa mga panahon na yun nagiging maselan ang isang buntis.Nang bumuti buti na ang lagay ni Reign ay nakakalabas labas na rin sya ng kanyang unit. Ikinuha kasi talaga sya ng sarili nyang condo unit doon ng kanyang ama dahil alam nito na magtatagal si Reign doon lalo na at gusto nitong mag aral doon."Anak sigurado ka ba na mag aaral ka habang buntis ka? Pwede mo naman ipagpatuliy na lamang ang pag aaral mo pagkatapos mong manganak," nag aalalang tanong ni Aira kay Reign dahil pursigido talaga ito na mag aral kahit na buntis ito."Yes mom. Sigurado na po ako. Magstop na lamang po ako kapag nanganak ako hanggang sa maka
CHAPTER 290THREE YEARS LATER......Matulin naman na lumipas ang mga araw, buwan at taon at ngayon nga ay tatlong taon ng naninirahan si Reign sa London kasama ang kanyang anak na lalake na si Kurt. Sobrang bibo ng batang ito at napakagwapo rin at kapag tinitigan mo ito ay walang duda na malalaman mo kaagad na si Kenneth ang ama nito dahil kamukhang kamukha talaga ito ni Kenneth.Sa nakalipas din na mga taon ay binibisita naman sya ng mga magulang nya pero si Rayver ay hindi makapunta sa kanya dahil busy ito sa pag aaral nito na ipinagpapasalamat naman din ni Reign habang si Dylan naman na bunsong kapatid ni Reign ay hindi na lamang din isinasama nila Aira at Dave kapag pumupunta sila ng London. Sa nakalipas din na mga taon ay walang ibang nakasama ang mag ina kundi si Shiela ang pinadala ng kanyang ina sa London bilang kasa kasama ni Reign doon. Si Shiela kasi ay apo ng dating kasambahay nila na si manang Hellen kaya malaki ang tiwala ni Aira rito. Dalaga rin si Shiela at hindi maka
CHAPTER 291Mabilis naman na lumipas ang mga araw at agad na ngang natapos ni Reign ang mga kailangan nyang gawin sa London bago sya bumalik ng Pilipinas. Minadali nya talaga lahat ng iyon dahil gusto nyang surpresahin ang kanyang kuya Rayver sa araw ng graduation nito. Isinaayos na rin nya ang mga papers ng kanyang anak para wala na silang maging problema pa. "Excited na akong umuwi ng Pinas," tuwang tuwa na sabi ni Shiela kay Reign. Narito na kasi sila ngayon sa airport at naghihintay na lamang sila ng oras ng pag alis nila."Ako rin. Excited na ako," nakangiti rin naman na sagot ni Reign dito. "Don't worry pagbabakasyunin kita sa inyo pagdating natin sa pinas dahil alam ko naman na miss na miss mo na ang pamilya mo. Tatlong taon mo rin silang hindi nakita e," dagdag pa ni Reign dahil simula ng dumating si Shiela sa London ay hindi pa ito ulit nakakauwi ng bansa kaya parehas talaga silang excited na dalawa ngayon sa pagbabalik nila ng bansa "Talaga? Naku matutuwa si nanay non. S
CHAPTER 292Pagkarating nila Reign sa kanilang mansyon ay agad na silang sinalubong ng kanilang mga kasambahay at kita pa nya ang gulat sa mukha ng mga ito ng makita na may dala syang bata. Sila na lamang kasi na mag ina ang dumiretso sa kanilang mansyon dahil si Shiela ay pinayagan na nyang umuwi at dumiretso sa pamilya nito.Naabutan pa nga ni Reign na nag aayos sa kanilang garden dahil itinawag na rinnnaman sa kanya ng mommy nya na doon lamang sila magcelebrate sa kanilang mansyon dahil ayaw pumayag ni Rayver na magcelebrate sila sa ibang lugar."Wala pa po ba sila mommy?" tanong ni Reign sa isa sa mga kasambahay nila."Wala pa po ma'm," sagot nito. "Welcome back po pala ma'm Reign," nakangiti pa na sabi nito kay Reign."Salamat," nakangiti rin naman na sagot ni Reign diyo at saka nya iginala ang paningin nya sa loob ng mansyon at napapangiti na lamang sya dahil halos wala namang pinagbago rito simula ng umalis sya tatlong taon na ang nakararaan.Agad naman na dumiretso si Reign sa
CHAPTER 293"Sorry mom. Masaya naman po ako dahil nakapagtapos na po ako at matutulungan ko na po si daddy pero namimiss ko na po kasi talaga si Reign," sagot ni Rayver. "Kelan po ba sya babalik ng bansa? Diba tapos na rin naman po syang mag aral doon? Bakit hindi pa sya bumabalik dito?" sunod sunod pa na tanong ni Rayver sa kanyang ina.Napangiti naman si Aira dahil sa mga sinabi ni Rayver dahil halata mo talaga sa mukha ni Rayver na namimiss na nito ang kanyang kakambal. Kanina pa rin talaga ito nananahimik at kahit ang mga kaibigan nito kanina ay saglit lamang nito kinausap at hindi rin ito sumama sa mga ito para mag celebrate."Miss na miss mo na ba talaga si Reign?" nakangiti pa na tanong ni Aira kay Kenneth. Napansin naman ni Aira ang pagbaba ni Reign mula sa hagdan at naglalakad na ito palabas ng garden kung nasaan sila at hindi ito nakikita ni Rayver dahil nakatalikod ito sa gawing iyon."Yes mom. Sobrang miss na miss ko na po ang kakambal ko. Nasanay po kasi ako na palagi ko
CHAPTER 294Nang maging abala na ulit ang mga bisita nila na naroon ay linapitan naman ni Reign ang kanyang kuya Rayver. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago sya tumabi sa kinuupuan nito."Kumusta ka naman kuya?" tanong ni Reign sa kanyang kakambal."Tsk. Ayos na ayos naman ako lalo na ngayon na narito na ulet ang kakambal ko," nakangiti pa na sagot ni Rayver at kita mo talaga sa mukha nito na talagang masaya nga ito sa muli nilang pagkikita."Ahm.. Kuya may isa pa pala akong surpresa sa'yo. K-kaso hindi ko alam kung matutuwa ka ba o magagalit sa surpresa kong ito," kinakabahan pa na sabi ni Reign sa kanyang kakambal. Habang si Rayver naman ay nawala ang ngiti sa labi ng mapansin nyang seryoso na si Reign sa pakikipag usap sa kanya."Ano ba yang surpresa mo? at bakit bigla ka atang naging seyoso?" hindi na makapaghintay na tanong ni Rayver sa kanyang kakambal.Lumingon naman na muna si Reign sa kanilang magulang na kanina pa nakatingin sa kanila at ng tumango
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo