CHAPTER 290THREE YEARS LATER......Matulin naman na lumipas ang mga araw, buwan at taon at ngayon nga ay tatlong taon ng naninirahan si Reign sa London kasama ang kanyang anak na lalake na si Kurt. Sobrang bibo ng batang ito at napakagwapo rin at kapag tinitigan mo ito ay walang duda na malalaman mo kaagad na si Kenneth ang ama nito dahil kamukhang kamukha talaga ito ni Kenneth.Sa nakalipas din na mga taon ay binibisita naman sya ng mga magulang nya pero si Rayver ay hindi makapunta sa kanya dahil busy ito sa pag aaral nito na ipinagpapasalamat naman din ni Reign habang si Dylan naman na bunsong kapatid ni Reign ay hindi na lamang din isinasama nila Aira at Dave kapag pumupunta sila ng London. Sa nakalipas din na mga taon ay walang ibang nakasama ang mag ina kundi si Shiela ang pinadala ng kanyang ina sa London bilang kasa kasama ni Reign doon. Si Shiela kasi ay apo ng dating kasambahay nila na si manang Hellen kaya malaki ang tiwala ni Aira rito. Dalaga rin si Shiela at hindi maka
CHAPTER 291Mabilis naman na lumipas ang mga araw at agad na ngang natapos ni Reign ang mga kailangan nyang gawin sa London bago sya bumalik ng Pilipinas. Minadali nya talaga lahat ng iyon dahil gusto nyang surpresahin ang kanyang kuya Rayver sa araw ng graduation nito. Isinaayos na rin nya ang mga papers ng kanyang anak para wala na silang maging problema pa. "Excited na akong umuwi ng Pinas," tuwang tuwa na sabi ni Shiela kay Reign. Narito na kasi sila ngayon sa airport at naghihintay na lamang sila ng oras ng pag alis nila."Ako rin. Excited na ako," nakangiti rin naman na sagot ni Reign dito. "Don't worry pagbabakasyunin kita sa inyo pagdating natin sa pinas dahil alam ko naman na miss na miss mo na ang pamilya mo. Tatlong taon mo rin silang hindi nakita e," dagdag pa ni Reign dahil simula ng dumating si Shiela sa London ay hindi pa ito ulit nakakauwi ng bansa kaya parehas talaga silang excited na dalawa ngayon sa pagbabalik nila ng bansa "Talaga? Naku matutuwa si nanay non. S
CHAPTER 292Pagkarating nila Reign sa kanilang mansyon ay agad na silang sinalubong ng kanilang mga kasambahay at kita pa nya ang gulat sa mukha ng mga ito ng makita na may dala syang bata. Sila na lamang kasi na mag ina ang dumiretso sa kanilang mansyon dahil si Shiela ay pinayagan na nyang umuwi at dumiretso sa pamilya nito.Naabutan pa nga ni Reign na nag aayos sa kanilang garden dahil itinawag na rinnnaman sa kanya ng mommy nya na doon lamang sila magcelebrate sa kanilang mansyon dahil ayaw pumayag ni Rayver na magcelebrate sila sa ibang lugar."Wala pa po ba sila mommy?" tanong ni Reign sa isa sa mga kasambahay nila."Wala pa po ma'm," sagot nito. "Welcome back po pala ma'm Reign," nakangiti pa na sabi nito kay Reign."Salamat," nakangiti rin naman na sagot ni Reign diyo at saka nya iginala ang paningin nya sa loob ng mansyon at napapangiti na lamang sya dahil halos wala namang pinagbago rito simula ng umalis sya tatlong taon na ang nakararaan.Agad naman na dumiretso si Reign sa
CHAPTER 293"Sorry mom. Masaya naman po ako dahil nakapagtapos na po ako at matutulungan ko na po si daddy pero namimiss ko na po kasi talaga si Reign," sagot ni Rayver. "Kelan po ba sya babalik ng bansa? Diba tapos na rin naman po syang mag aral doon? Bakit hindi pa sya bumabalik dito?" sunod sunod pa na tanong ni Rayver sa kanyang ina.Napangiti naman si Aira dahil sa mga sinabi ni Rayver dahil halata mo talaga sa mukha ni Rayver na namimiss na nito ang kanyang kakambal. Kanina pa rin talaga ito nananahimik at kahit ang mga kaibigan nito kanina ay saglit lamang nito kinausap at hindi rin ito sumama sa mga ito para mag celebrate."Miss na miss mo na ba talaga si Reign?" nakangiti pa na tanong ni Aira kay Kenneth. Napansin naman ni Aira ang pagbaba ni Reign mula sa hagdan at naglalakad na ito palabas ng garden kung nasaan sila at hindi ito nakikita ni Rayver dahil nakatalikod ito sa gawing iyon."Yes mom. Sobrang miss na miss ko na po ang kakambal ko. Nasanay po kasi ako na palagi ko
CHAPTER 294Nang maging abala na ulit ang mga bisita nila na naroon ay linapitan naman ni Reign ang kanyang kuya Rayver. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago sya tumabi sa kinuupuan nito."Kumusta ka naman kuya?" tanong ni Reign sa kanyang kakambal."Tsk. Ayos na ayos naman ako lalo na ngayon na narito na ulet ang kakambal ko," nakangiti pa na sagot ni Rayver at kita mo talaga sa mukha nito na talagang masaya nga ito sa muli nilang pagkikita."Ahm.. Kuya may isa pa pala akong surpresa sa'yo. K-kaso hindi ko alam kung matutuwa ka ba o magagalit sa surpresa kong ito," kinakabahan pa na sabi ni Reign sa kanyang kakambal. Habang si Rayver naman ay nawala ang ngiti sa labi ng mapansin nyang seryoso na si Reign sa pakikipag usap sa kanya."Ano ba yang surpresa mo? at bakit bigla ka atang naging seyoso?" hindi na makapaghintay na tanong ni Rayver sa kanyang kakambal.Lumingon naman na muna si Reign sa kanilang magulang na kanina pa nakatingin sa kanila at ng tumango
CHAPTER 295Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Reign bago sya nag angat ng tingin."Kuya i'm sorry kung inilihim ko ang tungkol sa anak kong si Kurt," hinging tawad ni Reign sa kanyang kuya. Hindi naman na nagsalita si Rayver at hinihintay na nya ang mga kasunod pang sasabihin ni Reign dahil ayaw nyang pairalin ang init ng ulo nya dahil alam nya na hindi sila magkakaintindihan lalo ng kanyang kakambal kaya naman agad ng ikinuwento ni Reign ang totoong nangyare tatlong taon na ang nakakaraan.Gulat na gulat naman si Rayver sa mga nalaman nya at galit na galit sya sa Xander na iyon habang hindi naman nya malaman kung dapat ba syang magpasalamat sa kaibigan nyang si Kenneth dahil hindi natuloy ni Xander ang masamang balak nito kay Reign o magagalit din sya rito dahil hindi nito nakontrol ang sarili nito."H*yop na Xander yun. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na yan. E di sana naturuan ko ng leksyon ang lalaki na yun," galit pa na sagot ni R
CHAPTER 296"Ano ng balak mo ngayon? Wala ka bang balak na sabihin kay Kenneth ang tungkol sa anak nyo?" tanong na ni Rayver kay Rwign ng mahimasmasan na silang dalawa. Bumitaw naman sa pagkakayakap nya si Reign at saka bumalik sa higaan at doon naupo."Kuya alam ko naman na hindi ko habang buhay na maitatago kay Kenneth ang tungkol sa anak namin pero kasi kuya natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nya. Baka kasi magalit at kamuhian nya ako dahil sa ginawa ko," sagot ni Reign."Bakit naman sya magagalit at mamumuhi sa'yo?" tanong na ni Rayver at saka sya tumabi ng upo kay Reign."Kasi nga kuya inilihim ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuis ko at isa pa ay umalis na lamang ako noon ng wlang paalam man lang sa kanya ni hindi ko nga man lang sya kinakausap ng mga panahon na yun," sagot ni Reign."Tsk. Hindi ka naman siguro matitiis non," sagot ni Rayver dahil alam nya na may pagtingin pa rin ang kanyang kaibigan sa kanyang kakambal."Sa tinhin mo kuya hindi sya magagalit sa akin?" ta
CHAPTER 297Ipinagpapasalamat naman ni Reign na tanggap pa rin sya ng buong pamilya nya kahit na inilihim nya ang tungkol sa anak nya. At ipinagpapasalamat din nya na tinanggap din ng mga ito ang kanyang anak dahil ang buong akala nya ay magagalit ang mga ito dahil sa paglilihim nya ng tungkol kay Kurt.Nagpaliwanag na rin si Reign sa mga naroon at naiintindihan naman sya ng nga ito kaya kahit papaano ay nakahinga hinga na rin sya ng maluwag. Ang tangi na lamang iisipin ngayon ni Reign ay kung paano nya haharapin si Kenneth.Mabilis naman na lumipas ang mga araw at nagpahinga lamang muna sa kanilang mansyon sila Reign at ang kanyang anak na si Kurt dahil talagang naninibago pa ang kanyang anak sa bagong klima rito sa bansa. Hindu na rin muna talaga sya naglalabas ng kanilang mansyon at ang mga dumalo lamang noong nagsalo salo sila ang mga nakakaalam na narito na sya sa bansa."Kuya kumusta pala si Kenneth?" tanong na ni Reign kay Rayver. Narito sila ngayon sa pool kasama ang anak ni R