CHAPTER 298"Sino ba kasi yang gumugulo sa isipan mo? Babae ba yang iniisip mo?" tanong pa ni Beth ng hindi na sumagot pa si Kenneth."Mom sa tingin nyo ay babalik pa kaya si Reign?" tanong pa ni Kenneth sa kanyang ina. Napangiti naman si Beth at saka sya tumabi sa kanyang anak."Of course anak. Narito ang buong pamilya nya kaya babalik at babalik talaga si Reign ng bansa," nakangiti na sagot ni Beth kay Kenneth. "Miss na miss mo na sya no?" tanong pa nya habang may nakakalokong ngiti sa labi nito."Sobra mom. Sobrang miss na miss ko na po talaga si Reign," sagot ni Kenneth.Napapangiti na lamang si Beth dahil talagang pinanindigan ni Kenneth ang pagmamahal nito kay Reign."Sigurado naman ako na babalik si Reign anak. Siguro ay hintay hintayin mo na lamang sya anak. Darating din ang araw na magkikita kayong muli at umaasa ako na sana kapag bumalik si Reign ay masuklian na nya ang pagmamahal mo anak," nakangiti pa na sagot ni Beth kay Kenneth."Thank you mom," nakangiti na sagot ni Ken
CHAPTER 299 Pagkababa ng tawag ay agad ng hinanap ni Rayver ang kanyang kakambal at nakita nya ito sa garden kasama ang anak nito kaya naman agad na syang lumapit sa mga ito. "Reign." "Yes kuya. May kailangan ka?" agad na sagot ni Reign ng tawagin sya ng kuya Rayver nya. "Maghanda ka. Siguro ito na ang tamang oras para harapin mo na si Kenneth. Pupunta sya rito mamaya at kailangan nyo ng mag usap na dalawa dahil ayokong makita na ganyan ang kalagayan nyong mag ina gayong pwede ka naman panindigan ng mokong na yun," sagot ni Rayver. Gulat na gulat naman si Reign dahil sa sinabi ng kanyang kakambal. Oo at hinahanda na nya ang sarili nya sa muling paghaharap nila ni Kenneth pero hindi naman nya alam na bibiglain sya ng kakambal nya at papuntahin agad si Kenneth doon. "Kuya hindi ka naman atat noh? Okay naman kami ng anak ko kung hindi kami panindigan ng ama nya ay kayang kaya ko naman syang buhayin. Saka kung ayaw ni Kenneth ay ayos lang naman at hindi ko naman ipagpipilitan ang s
CHAPTER 300Nang maiwan na sila Kenneth at Reign doon ay napatikhim naman si Kenneth dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan nya at hindi nya magawang magsalita habang si Reign naman ay hindi makatingin kay Kenneth.Totoong nagulat si Kenneth sa paglabas ni Reign kanina dahil hindi nya talaga alam na narito na pala ang babaeng matagal na nyang hinihintay na bumalik. Nagulat pa nga sya kanina ng pagdating nila ni Rayver sa garden ay bigla na lamang syang sinuntok nito dahilan para matumba sya at pumutok pa ang labi nya sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng kaibigan. Tinatanong nya naman ito kung bakit iyon ginawa ang sagot lamang nito sa kanya ay dahil gag* raw sya at hindi nito nababanggit ang tungkol kay Reign."K-kumusta ka na? Ang tagal mong nawala ah," kandautal pa na tanong ni Kenneth kahit na ang totoo ay gusto na nyang yakapin ang dalaga dahil totoong namiss nya ito."A-ayos lang naman ako," tipid na sagot ni Reign. "Ikaw kumusta ka naman? Pagpasensyahan mo na lang nga
CHAPTER 301"A-anong ibig s-sabihin nito Reign?" kandautal na tanong ni Kenneth kasabay ng pag agos ng luha sa kanyang mata habang hindi iniaalis ang pagkakatitig sa bata na mahimbing pa rin na natutulog."S-sorry Kenneth. Sorry kung inilihim ko sa'yo ang tungkol dito," umiiyak ng sabi ni Reign.Hindi naman makapaniwala si Kenneth sa sinabi ni Reign. Hilam ng luha ang mata na humarap sya sa dalaga at hinawakan pa nya ito sa magkabilang balikat."A-anak ko ba ang bata na yan? Magsabi ka sa akin ng totoo Reign. Anak ba natin ang bata na yan?" umiiyak pa rin na tanong ni Kenneth sa dalaga. Dahan dahan naman na tumango si Reign."O-oo Kenneth anak natin si Kurt. Nagbunga ang isang gabi na may nangyare sa atin noon," sagot ni Reign. Parang bigla namang nanghina ang tuhod ni Kenneth kaya naman napaupo sya sa upuan na malapit sa kanya at nasabunutan na lamang nya ang kanyang sarili.Sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at parehas mong maririnig ang mahina nilang paghi
CHAPTER 302Bumitaw naman sa pagkakayakap nya si Reign kay Kenneth at saka nya hinarap ang binata."Hindi mo na kailangan pang maghintay Kenneth," nakangiti pa na sabi ni Reign. Nagtatanong naman ang tingin ni Kenneth sa dalaga at naghihintay sya sa kasunod na sasabihin nito."Mahal din kita Kenneth noon pa. Sadyang pinangunahan lamang ako ng takot kaya inilihim ko na lamang ang totoong nararamdaman ko sa'yo. Sorry kung naging makasarili ako. Sorry kung hindi ko na inisip ang mararamdaman mo. Sadyang ayoko lamang masira ang pangarap mo dahil sa pagbubuntis ko noon kaya lumayo ako. Ayoko rin na magkasira kayo ni kuya kaya pinili ko na lamang na ilihim sa inyo ang lahat ng ito. I'm sorry," umiiyak na naman na sabi ni Reign kay Kenneth."Sshhhh. Stop saying sorry Reign. Naiintindihan kita. At kahit na nakakasama ng loob ang ginawa mo alam mo naman na hinding hindi kita kayang tiisin. Mahal na mahal kita Reign," sabi ni Kenneth at dahan dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi nito at sa
CHAPTER 303"Yes baby. I'm your daddy," umiiyak na sabi ni Kenneth sa kanyang anak."P-pwede ko ba syang mayakap?" nginig pa ang boses na tanong ni Kenneth kay Reign. Agad naman na tumango si Reign at pinalapit pa nya si Kenneth."Daddy," sabi ni Kurt. At hindi na nga napigilan pa ni Kenneth ang kanyang sarili at hilam ng luha ang kanyang mata na yinakap ng mahigpit ang kanyang anak."Oh my god. Mahal na mahal kita anak. Hindi mo alam kung gaano kasaya si daddy ngayon," umiiyak na sabi ni Kenneth habang yakap nya si Kurt.Hindi naman na napigilan pa ni Reign na hindi maiyak dahil sa nakikita nya ngayon. Masaya sya dahil tanggap sila ni Kenneth kahit na inilihum nya ng ilang taon dito ang tungkol sa kanilang anak. Habang si Rayver ay hindi na rin napansin na tumuli na pala ang kanyang luha. Luba iyon ng saya para sa kanyang kapatid at pamangkin at sa wakas ay magkakaroon na ng kumpletong pamilya ang kanyang pamangkin."Your so pogi daddy like me," sabi ni Kurt ng bumitaw na si Kennet
CHAPTER 304Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila Reign at Kenneth. Si Reign ay nag aasikaso na muna ng tungkol sa kanyang lisensya ng pagiging doktor nya habang si Kenneth naman ay nagsisimula ng magtrain sa kanilang kumpanya. Gayunpaman ay hindi naman nila parehas na pinapabayaan si Kurt dahil araw araw pa rin na pinupuntahan ni Kenneth ang kanyang anak at syempre pati na rin si Reign. Gusto nga sana ni Kenneth na sa kanila na tumira si Reign at ang kanilang anak para makasama na nya ang mga ito palagi kaso ay hindi naman pumayag si Aira at Dave dahil gusto raw ng mga iyo na maikasal na muna silang dalawa bagi sila magsama at iginagalang naman iyon ni Kenneth kaya nakuntento na lamang muna sya sa pagdalaw araw araw sa mga ito.Ngayong araw ay kaarawan nga ni Kurt at mag apat na taon na sya ngayong araw. Pinaghandaan din ito nila Kenneth at Reign at kahit na abala sila sa mga ginagawa nila ay hindi pa rin naman nila syempre kinal
CHAPTER 305 Nitong mga nakaraang araw kasi ay lihim ng kinakausap ni Kenneth ang mga magulang ni Reign tungkol sa balak nyang pagpropose sa dalaga. Alam naman nya na may mga kailangan pa silang tapusin na mga bagay bagay bago sila magpakasal pero gusto pa rin nya kasing iparanas kay Reign na magpropose sya rito kaya naman ipinilit nya na maisagawa ito at ngayong kaarawan ng kanilang anak ang napili nyang araw para magpropose kay Reign na sobrang mahal na mahal nya. "Mahal hindi man kita naligawan noon pero deserve mo naman na mahalin at maging masaya," sabi pa ni Kenneth saka sya may dinukot na maliit na kahon mula sa kanyang suot na pantalon. Ngumiti naman muna si Kenneth ng ubod ng tamis kay Reign saka nya binuksan ang maliit na kahon at iniharap kay Reign. "You know how much I love you Reign. Ikaw ang dahilan kaya ako masaya ngayon kayo ng anak natin. Palahi mo na lamang iniisip ang kapakanan namin gayong ang sarili mo hindi mo na inisip kung magihing masaya ka ba o hindi. Kaya
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo