CHAPTER 295Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Reign bago sya nag angat ng tingin."Kuya i'm sorry kung inilihim ko ang tungkol sa anak kong si Kurt," hinging tawad ni Reign sa kanyang kuya. Hindi naman na nagsalita si Rayver at hinihintay na nya ang mga kasunod pang sasabihin ni Reign dahil ayaw nyang pairalin ang init ng ulo nya dahil alam nya na hindi sila magkakaintindihan lalo ng kanyang kakambal kaya naman agad ng ikinuwento ni Reign ang totoong nangyare tatlong taon na ang nakakaraan.Gulat na gulat naman si Rayver sa mga nalaman nya at galit na galit sya sa Xander na iyon habang hindi naman nya malaman kung dapat ba syang magpasalamat sa kaibigan nyang si Kenneth dahil hindi natuloy ni Xander ang masamang balak nito kay Reign o magagalit din sya rito dahil hindi nito nakontrol ang sarili nito."H*yop na Xander yun. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na yan. E di sana naturuan ko ng leksyon ang lalaki na yun," galit pa na sagot ni R
CHAPTER 296"Ano ng balak mo ngayon? Wala ka bang balak na sabihin kay Kenneth ang tungkol sa anak nyo?" tanong na ni Rayver kay Rwign ng mahimasmasan na silang dalawa. Bumitaw naman sa pagkakayakap nya si Reign at saka bumalik sa higaan at doon naupo."Kuya alam ko naman na hindi ko habang buhay na maitatago kay Kenneth ang tungkol sa anak namin pero kasi kuya natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nya. Baka kasi magalit at kamuhian nya ako dahil sa ginawa ko," sagot ni Reign."Bakit naman sya magagalit at mamumuhi sa'yo?" tanong na ni Rayver at saka sya tumabi ng upo kay Reign."Kasi nga kuya inilihim ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuis ko at isa pa ay umalis na lamang ako noon ng wlang paalam man lang sa kanya ni hindi ko nga man lang sya kinakausap ng mga panahon na yun," sagot ni Reign."Tsk. Hindi ka naman siguro matitiis non," sagot ni Rayver dahil alam nya na may pagtingin pa rin ang kanyang kaibigan sa kanyang kakambal."Sa tinhin mo kuya hindi sya magagalit sa akin?" ta
CHAPTER 297Ipinagpapasalamat naman ni Reign na tanggap pa rin sya ng buong pamilya nya kahit na inilihim nya ang tungkol sa anak nya. At ipinagpapasalamat din nya na tinanggap din ng mga ito ang kanyang anak dahil ang buong akala nya ay magagalit ang mga ito dahil sa paglilihim nya ng tungkol kay Kurt.Nagpaliwanag na rin si Reign sa mga naroon at naiintindihan naman sya ng nga ito kaya kahit papaano ay nakahinga hinga na rin sya ng maluwag. Ang tangi na lamang iisipin ngayon ni Reign ay kung paano nya haharapin si Kenneth.Mabilis naman na lumipas ang mga araw at nagpahinga lamang muna sa kanilang mansyon sila Reign at ang kanyang anak na si Kurt dahil talagang naninibago pa ang kanyang anak sa bagong klima rito sa bansa. Hindu na rin muna talaga sya naglalabas ng kanilang mansyon at ang mga dumalo lamang noong nagsalo salo sila ang mga nakakaalam na narito na sya sa bansa."Kuya kumusta pala si Kenneth?" tanong na ni Reign kay Rayver. Narito sila ngayon sa pool kasama ang anak ni R
CHAPTER 298"Sino ba kasi yang gumugulo sa isipan mo? Babae ba yang iniisip mo?" tanong pa ni Beth ng hindi na sumagot pa si Kenneth."Mom sa tingin nyo ay babalik pa kaya si Reign?" tanong pa ni Kenneth sa kanyang ina. Napangiti naman si Beth at saka sya tumabi sa kanyang anak."Of course anak. Narito ang buong pamilya nya kaya babalik at babalik talaga si Reign ng bansa," nakangiti na sagot ni Beth kay Kenneth. "Miss na miss mo na sya no?" tanong pa nya habang may nakakalokong ngiti sa labi nito."Sobra mom. Sobrang miss na miss ko na po talaga si Reign," sagot ni Kenneth.Napapangiti na lamang si Beth dahil talagang pinanindigan ni Kenneth ang pagmamahal nito kay Reign."Sigurado naman ako na babalik si Reign anak. Siguro ay hintay hintayin mo na lamang sya anak. Darating din ang araw na magkikita kayong muli at umaasa ako na sana kapag bumalik si Reign ay masuklian na nya ang pagmamahal mo anak," nakangiti pa na sagot ni Beth kay Kenneth."Thank you mom," nakangiti na sagot ni Ken
CHAPTER 299 Pagkababa ng tawag ay agad ng hinanap ni Rayver ang kanyang kakambal at nakita nya ito sa garden kasama ang anak nito kaya naman agad na syang lumapit sa mga ito. "Reign." "Yes kuya. May kailangan ka?" agad na sagot ni Reign ng tawagin sya ng kuya Rayver nya. "Maghanda ka. Siguro ito na ang tamang oras para harapin mo na si Kenneth. Pupunta sya rito mamaya at kailangan nyo ng mag usap na dalawa dahil ayokong makita na ganyan ang kalagayan nyong mag ina gayong pwede ka naman panindigan ng mokong na yun," sagot ni Rayver. Gulat na gulat naman si Reign dahil sa sinabi ng kanyang kakambal. Oo at hinahanda na nya ang sarili nya sa muling paghaharap nila ni Kenneth pero hindi naman nya alam na bibiglain sya ng kakambal nya at papuntahin agad si Kenneth doon. "Kuya hindi ka naman atat noh? Okay naman kami ng anak ko kung hindi kami panindigan ng ama nya ay kayang kaya ko naman syang buhayin. Saka kung ayaw ni Kenneth ay ayos lang naman at hindi ko naman ipagpipilitan ang s
CHAPTER 300Nang maiwan na sila Kenneth at Reign doon ay napatikhim naman si Kenneth dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan nya at hindi nya magawang magsalita habang si Reign naman ay hindi makatingin kay Kenneth.Totoong nagulat si Kenneth sa paglabas ni Reign kanina dahil hindi nya talaga alam na narito na pala ang babaeng matagal na nyang hinihintay na bumalik. Nagulat pa nga sya kanina ng pagdating nila ni Rayver sa garden ay bigla na lamang syang sinuntok nito dahilan para matumba sya at pumutok pa ang labi nya sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng kaibigan. Tinatanong nya naman ito kung bakit iyon ginawa ang sagot lamang nito sa kanya ay dahil gag* raw sya at hindi nito nababanggit ang tungkol kay Reign."K-kumusta ka na? Ang tagal mong nawala ah," kandautal pa na tanong ni Kenneth kahit na ang totoo ay gusto na nyang yakapin ang dalaga dahil totoong namiss nya ito."A-ayos lang naman ako," tipid na sagot ni Reign. "Ikaw kumusta ka naman? Pagpasensyahan mo na lang nga
CHAPTER 301"A-anong ibig s-sabihin nito Reign?" kandautal na tanong ni Kenneth kasabay ng pag agos ng luha sa kanyang mata habang hindi iniaalis ang pagkakatitig sa bata na mahimbing pa rin na natutulog."S-sorry Kenneth. Sorry kung inilihim ko sa'yo ang tungkol dito," umiiyak ng sabi ni Reign.Hindi naman makapaniwala si Kenneth sa sinabi ni Reign. Hilam ng luha ang mata na humarap sya sa dalaga at hinawakan pa nya ito sa magkabilang balikat."A-anak ko ba ang bata na yan? Magsabi ka sa akin ng totoo Reign. Anak ba natin ang bata na yan?" umiiyak pa rin na tanong ni Kenneth sa dalaga. Dahan dahan naman na tumango si Reign."O-oo Kenneth anak natin si Kurt. Nagbunga ang isang gabi na may nangyare sa atin noon," sagot ni Reign. Parang bigla namang nanghina ang tuhod ni Kenneth kaya naman napaupo sya sa upuan na malapit sa kanya at nasabunutan na lamang nya ang kanyang sarili.Sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at parehas mong maririnig ang mahina nilang paghi
CHAPTER 302Bumitaw naman sa pagkakayakap nya si Reign kay Kenneth at saka nya hinarap ang binata."Hindi mo na kailangan pang maghintay Kenneth," nakangiti pa na sabi ni Reign. Nagtatanong naman ang tingin ni Kenneth sa dalaga at naghihintay sya sa kasunod na sasabihin nito."Mahal din kita Kenneth noon pa. Sadyang pinangunahan lamang ako ng takot kaya inilihim ko na lamang ang totoong nararamdaman ko sa'yo. Sorry kung naging makasarili ako. Sorry kung hindi ko na inisip ang mararamdaman mo. Sadyang ayoko lamang masira ang pangarap mo dahil sa pagbubuntis ko noon kaya lumayo ako. Ayoko rin na magkasira kayo ni kuya kaya pinili ko na lamang na ilihim sa inyo ang lahat ng ito. I'm sorry," umiiyak na naman na sabi ni Reign kay Kenneth."Sshhhh. Stop saying sorry Reign. Naiintindihan kita. At kahit na nakakasama ng loob ang ginawa mo alam mo naman na hinding hindi kita kayang tiisin. Mahal na mahal kita Reign," sabi ni Kenneth at dahan dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi nito at sa