CHAPTER 226Abala naman si Trina sa pagtingin tingin sa paligid nya habang naglalakad sa hallway ng condominium kung saan nakatira sila Aira ng biglang tumunog ang kanyang phone. Pagkatingin nya sa caller ay napapairap na lamang sya ng makita nya na si Edward ang tumatawag sa kanya."Napatawag ka?" pahintamad na sabi ni Trina pagkasagot nya sa tawag ni Edward."Ang sungit mo naman. May good news pa naman ako sa'yo tapos sinusungitan mo ako," sagot ni Edward mula sa kabilang linya."Ano yun? Sabihin mo na dahil may ginagawa ako," mataray pa na sagot ni Trina. "Istorbo," dagdag pa nya kasabay ng pag irap nya."Tsk. Ang sungit talaga. Ibabalita ko lang sa'yo na nagawa na ng mga tauhan ko ang pinapagawa mo. Nahanap na namin ang kotse ng ate Aira mo at gaya ng gusto mong mangyare ay tinanggalan na iyon ng preno ng mga tauhan ko," pagbabalita ni Edward kay Trina.Natigil naman sa paghakbang nya si Trina at saglit na tumingin sa paligid dahil baka may makarinig sa mga sasabihin nya. Nang map
CHAPTER 227 Pagkalabas ni Trina sa building kung saan nya hinanap ang unit nila Aira ay dumiretso na sya na sumakay sa sasakyan na hiniram nya kay Karen. Balak ni Trina na bumalik na muna sa rinentehan nya pansamanatala na bahay. Maghihintay na lang muna sya ng balita kapag naaksidente na ang ate Aira nya. "Hay naku. Mabuti pa na maghintay na lang ako ng good news kesa mahilo ako kakahanap sa unit ng magaling kong kapatid," kausap ni Trina sa kanyang sarili pagkasakay nya sa sasakyan. Agad na rin nya itong pinaandar at agad na umalis doon. ******** "Boss umalis na po ang sasakyan ni ms. Aira," pagbabalita ng tauhan ni Edward sa kanya. Hindi kasi kaagad umalis ang mga ito roon at nagmasid masid pa muna sila at hinintay talaga na makaalis ang sasakyan ni Aira para makasigurado na aalis nga ito ngayon. "Good. Sige na. Pabayaan nyo na yan. Baka mahalata pa kayo kapag dinundan nyo pa yan. Umalis na kayo r'yan," sagot ni Edward mula sa kabilang linya. "Sige po boss," sagot ng
CHAPTER 228Halos padilim na rin ng magpasya sila Aira at Dave na umuwi na sa kanilang unit. Ayaw pa sana silang paalisin ng magulang ni Dave pero kailangan nilang umuwi ngayon dahil may mga kailangan silang gawin bukas at wala na rin extrang damit pa ang mga bata. Kaya naman agad na nilang inayos ni nay Wanda ang mga dala nilang gamit ng mga bata.Halos maghapon din kasi na naglaro ang kambal at tila wala itong kapaguran sa paglalaro at hindi nauubos ang kanilang energy. Marahil ay namiss ng mga bata maglaro sa labas dahil nga sa palagi na lamang nakakulong ang mga ito sa loob ng kanilang unit at walang ibang kalaro roon kundi sila lamang magkapatid. Madalas na lamang din nga silang bigyan ng mga activity ni Janella kagaya ng pagsusulat at pagkukulay para naman malibang sila at gustong gusto rin naman ng kambal ang mga ito pero iba pa rin talaga na nakakapaglaro sila sa labas.Abalang abala si Aira sa kanyang ginagawa at hindi na nya napapansin na kanina pa pala may tumatawag sa kany
CHAPTER 229Hindi na rin naman nagtagal at inilipat na nga si Trina sa ICU kung saan sya inoobserbahang maigi doon. May mga pulis na din na nakabantay sa labas ng ospital kung saan ito naka confine ngayon dahil nga baka may mga kasabwat pa ito at gusto lamang makasiguro nila Dave na maging ligtas sila.Una ng pumasok sa loob ng ICU si Aira dahil hindi kayang makita ng kanyang ina ang kalagayan ni Trina ngayon.Pagkapasok ni Aira ay sinuot na muna nya ang lab gown na sinusuot sa loob ng ICU pinagsuot din sya ng mask bago sya makalapit kay Trina.Dahan dahan pa na lumapit si Aira sa pwesto ni Trina at naluluha naman nyang tinitigan ito na ngayon ay nakahiga na sa hospital bed at napakaraming aparato ang nakakabit sa katawan nito ngayon at napaliligiran pa ng machine ang higaan nito. Dapat nga ay lalagyan pa ito ng posas ng mga pulis pero pinigilan na lamang nila dahil wala namang malay si Trina.Nang makalapit si Aira kay Trina ay hindi na nya napigilan pa ang pagbagsak ng kanyang luha
CHAPTER 230Dalawang araw na ang mabilis na lumipas simula ng masangkot si Trina sa isang aksidente.Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Trina at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin ito ng mga doktor dahil nakakailang beses na rin na nag seizure si Trina kaya labis na nag aalala ang kanyang mga magulang pati na rin si Aira sa kanya."Dok kumusta po ang anak ko? Bakit po hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon?" sunod sunod na tanong ni Cheska sa doktor na sumusuri kay Trina.Pinapunta kasi sila ng doktor ni Trina sa opisina nito dahil gusto raw silang makausap ng masinsinan kaya naman agad na silang nagpunta roon. Kasama rin nila ngayon si Aira dahil simula ng maospital si Aira ay araw araw na rin itong pumupunta roon habang si Dave naman ay pumapasok sa opisina. Ang mga anak naman nila ay bantay sarado pa rin ng mga tauhan ni Dave sa kanilang unit. Hindj pa rin sila kampante ngayon dahil nga baka may mga kasamahan pa si Trina bago sya naaksidente."Misis tatapatin ko na
CHAPTER 231"Sigurado ba kayo na nagawa nyo ng maayos ang trabaho nyo?" tanong ni Edward sa mga tauhan nya na inutusan nyang gumawa ng pinapagawa ni Trina."Oo naman po boss. Siguradong sigurado po kami natanggalan po namin ng preno ang sasakyan ni ms. Aira," sagot ng isang tauhan nya.Nagtataka kasi si Edward dahil hindi pa rin tumatawag si Trina sa kanya at hindi rin nya makontak ito ngayon. Wala rin syang balita kung naaksidente na ba si Aira dahil sa ponagawa nya sa mga tauhan nya."Bumalik nga kayo sa condominium na yun at tingnan nyo kung nandoon pa ang sasakyan na yun. Baka naman hindi maayos ang pinapagawa ko sa inyo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Aira," inis na sagot ni Edward sa kanyang mga tauhan.Agad naman na umalis ang mga tauhan ni Edward at agad na pumunta sa condominium kung saan nga nakatira sila Aira.Pagkarating ng mga tauhan ni Edward doon ay agad na nilang tinawagan si Edward dahil hindi sila pinapayagang makapasok o makapagpark man
CHAPTER 232Pagkagaling naman nila Aira sa opisina ng doktor ni Trina ay naabutan nila ang ilang mga kapulisan na naghihintay sa labas ng ICU kaya naman linapitan na nila ito kaagad."Magandang araw po. Kayo po ba ang pamilya ni ms. Trina?" tanong ng pulis na naroon ng makalapit sila."Kami nga po. Kumusta po ang pag iimbestiga nyo sa nangyare sa kapatid ko?" tanong na ni Aira."Ahm. Nasa presinto po ngayon ang may ari ng kotse na ginamit ni ms. Trina na si ms. Karen Bismonte. Pwede po ba namin kayong maimbitahan ms. Aira sa presinto dahil ayaw pong magsalita ng kaibigan ng kapatid nyo at ang gusto po ay naroon kayo," sagot ng pulis kay Aira.Napatingin naman si Aira sa mga magulang nya at ng tumango ang mga ito ay nagpasya sya na sumama na muna sa mga pulis sa presinto.Pagkarating nila Aira sa presinto ay naabutan nya si Karen doon na umiiyak kasama ang mga magulang nito. Nang makita pa sya ni Karen ay agad na iyong lumapit sa kanya habang umiiyak."Ate Aira sorry. Kung alam ko lan
CHAPTER 233"Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?" kunot ang noo na tanong ni Aira sa pulis. May kinuha naman na mga larawan ang pulis sa kanyang lamesa saka ito iniharap kay Aira."Sa nakikita kasi namin dito ay mukhang nagkamali ang taong nagtanggal ng preno ng sasakyan na gamit ni ms. Trina. Makikita mo sa larawan na yan na magkatulad na magkatulad ang sasakyan mo ms. Aira at ang sasakyan ni ms. Karen. Maaaring napagkamalan ng taong gumawa non na sasakyan mo ang sasakyan na gamit ni ms. Trina," pagpapiwanag ng pulis.Lalo namang kinabahan si Aira dahil sa sinabi ng pulis sa kanya. Napaisip tuloy sya kung sino naman ang maaaring gumawa non sa kanya gayong wala naman syang ibang nakakaalitan. Tanging ang kapatid lamang nya naman ang may matinding galit sa kanya ngayon."Base na rin po kasi sa kuha ng cctv sa parking lot kung saan kayo tumutuloy ms. Aira ay nakita po roon ang pag alis ng sasakyan nyo at maya maya naman po ay ang pagdating naman ng sasakyan na gamit ni ms. Trina at ipina