CHAPTER 232Pagkagaling naman nila Aira sa opisina ng doktor ni Trina ay naabutan nila ang ilang mga kapulisan na naghihintay sa labas ng ICU kaya naman linapitan na nila ito kaagad."Magandang araw po. Kayo po ba ang pamilya ni ms. Trina?" tanong ng pulis na naroon ng makalapit sila."Kami nga po. Kumusta po ang pag iimbestiga nyo sa nangyare sa kapatid ko?" tanong na ni Aira."Ahm. Nasa presinto po ngayon ang may ari ng kotse na ginamit ni ms. Trina na si ms. Karen Bismonte. Pwede po ba namin kayong maimbitahan ms. Aira sa presinto dahil ayaw pong magsalita ng kaibigan ng kapatid nyo at ang gusto po ay naroon kayo," sagot ng pulis kay Aira.Napatingin naman si Aira sa mga magulang nya at ng tumango ang mga ito ay nagpasya sya na sumama na muna sa mga pulis sa presinto.Pagkarating nila Aira sa presinto ay naabutan nya si Karen doon na umiiyak kasama ang mga magulang nito. Nang makita pa sya ni Karen ay agad na iyong lumapit sa kanya habang umiiyak."Ate Aira sorry. Kung alam ko lan
CHAPTER 233"Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?" kunot ang noo na tanong ni Aira sa pulis. May kinuha naman na mga larawan ang pulis sa kanyang lamesa saka ito iniharap kay Aira."Sa nakikita kasi namin dito ay mukhang nagkamali ang taong nagtanggal ng preno ng sasakyan na gamit ni ms. Trina. Makikita mo sa larawan na yan na magkatulad na magkatulad ang sasakyan mo ms. Aira at ang sasakyan ni ms. Karen. Maaaring napagkamalan ng taong gumawa non na sasakyan mo ang sasakyan na gamit ni ms. Trina," pagpapiwanag ng pulis.Lalo namang kinabahan si Aira dahil sa sinabi ng pulis sa kanya. Napaisip tuloy sya kung sino naman ang maaaring gumawa non sa kanya gayong wala naman syang ibang nakakaalitan. Tanging ang kapatid lamang nya naman ang may matinding galit sa kanya ngayon."Base na rin po kasi sa kuha ng cctv sa parking lot kung saan kayo tumutuloy ms. Aira ay nakita po roon ang pag alis ng sasakyan nyo at maya maya naman po ay ang pagdating naman ng sasakyan na gamit ni ms. Trina at ipina
CHAPTER 234Tahimik naman na naghihintay sila Aira sa labas ng ICU. Dumating na rin si Karen kasama ang mga magulang nya.Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumukas ang pinto ng ICU at lumabas doon ang doktor ni Trina."Dok kumusta po ang anak ko? Ayos na po ba sya?" agad na tanong ni Cheska sa doktor. Malungkot naman na tiningnan ng doktor sila Aira at mga magulang nya at inimbitahan na muna sila nito sa opisina nito para makausap ng maayos.Agad na rin naman na sumunod sila Aira at ang mga magulang nya sa opisina ng doktor habang sila Karen ay iniwanan na muna nila sa labas ng ICU kung nasaan si Trina. Pagkarating nila sa opisina ng doktor ni Trina ay agad na silang naupo at hinintay na magsalita ito.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng doktor bago nito hinarap sila Aira."Sa totoo lang po ay hindi po talaga maganda ang lagay ngayon ng pasyente dahil nga po sa pamamaga ng utak nya dahil sa nangyareng aksidente. Napapadalas na rin po ang pagseizure nya na talaga po
CHAPTER 235Agad naman na lumapit ang nurse sa pwesto ni Trina at dali dali na nitong pinindot ang kung anong bagay na nasa may uluhan ng hospital bed ni Trina.Hindi naman nakagalaw si Aira sa pwesto nya ng makita nya na flatline na talaga ang machine na nasa tabi ni Trina at alam nya na ang ibig sabihin non ay tumigil na sa pagtibok ang puso ng pasyente."Code blue. Code blue," sabi ng nurse na naroon sa parang mic na nasa table nito.Maya maya ay agad ng nagdatingan ang mga doktor at nurse sa loob ng ICU habang si Aira ay nakatulala pa rin sa kanyang kapatid na rinerevive na ng mga doktor na dumating "Miss sa labas na po muna tayo," sabi ng isang nurse kay Aira ng mapandin sya nito na nakatulala na lamang at hindi na guamagalaw sa kanyang pwesto. Inalalayan pa sya ng nurse na makalabas ng ICU dahil ni hindi man lang sya sumagot dito. Pagkahatid ng nurse kay Aira sa labas ng ICU ay agad na itong bumalik sa loob at isinara ang pinto."Anong nangyare? Bakit sila nagkakagulo na naman
CHAPTER 236 Bigla namang napabalikwas ng bangon si Aira mula sa kanyang pagkakatulog. Parang hapong hapo pa sya at pinagpapawisan pa sya ng malamig dahil sa isang masamang panaginip na iyon. "Anong nangyare sa'yo?" tanong ni Dave ng maramdaman nya na biglang bumalikwas ng bangon si Aira. "N-nanaginip ako. Isang masamang panaginip," sagot ni Aira. Agad naman na tumayo si Dave para ikuha ng tubig si Aira dahil parang hapong hapo pa rin ito. "Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Dave sabay abot kay Aira ng isang baso ng tubig. Agad naman iyong tinanggap ni Aira at uminom. "Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Dave kay Aira matapos nitong uminom. "Isang masamang panaginip. N-namatay daw si T-Trina," tila nahihirapan pang bigkas ni Aira. Napabuntong hininga naman si Dave dahil sa sinabi ni Aira. "Aira hindi naman din natin hawak ang buhay ni Trina. Alam ko naman kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Pero sinabi na rin naman ng doktor ang kalagayan ni Trina diba kaya dapat
CHAPTER 237"Mom mas mabuti po na umuwi na po muna kayo para makatulog at makapagpahinga po kayo ng maayos ni dad. Ilang araw na rin po kayong maayos na tulog. Wag po kayong mag alala rito kami na po muna ni Dave ang magbabantay kay Trina rito," sabi ni Aira sa kanyang ina na halata mong wala pa ring maayos na tulog. Simula kasi ng maospital si Trina ay palagi na itong naroon at ayaw umalis. Uuwi lamang ito upang magpalit ng damit at pagkatapos ay babalik na rin kaagad sa ospital para magbantay sa labas ng ICU kung nasaan si Trina."Mamaya na lamang ako uuwi anak. Nakatulog naman ako kagabe rito kaya ayos lamang naman ako," sagot ni Cheska kay Aira.Napabuntong hininga naman si Aira dahil hirap talaga sila na pauwiin ang kanyang ina at pati tuloy ang ama nya ay hindi makaalis doon dahil ayaw naman nitong iwan ang kanyang ina."Sige na po mom. Baka po magkasakit lamang po kayo nyan dahil sa ginagawa nyo. Wala pa po kayong maayos na tulog simula ng maospital si Trina," pangungumbinsi p
CHAPTER 238Naiwan naman na sila Dave at Aira sa labas ng ICU. Pinilit na kasi nila na umuwi na muna si Cheska dahil nagbago na naman ang isip nito kanina dahil sa nalaman tungkol sa pagbubuntis ni Trina."Sana naman makasurvive si Trina at ang bata," biglang sabi ni Aira habang nakatingin sa pinto ng ICU at nasa tabi nya si Dave na hawak hawak ang kamay ni Aira."Sana nga. Kahit naman kasi ganon ang kapatid mo ay wala namang kinalaman ang bata sa pinaggagawa nya" sagot ni Dave.Nasa ganoon silang pag uusap ng biglang tumunog ang phone ni Aira at nakita nya na tumatawag ang kanyang ama kaya agad na nya itong sinagot."Hello dad. Napatawag po kayo? May naiwanan po ba kayo rito?" Agad na tanong ni Aira pakasagot nya ng kanyang phone."Aira anak tumawag kasi ang mga pulis sa akin ngayon ngayon lang at ang sabi ay may balita na raw sila tungkol sa nangyareng aksidente sa kapatid mo. Pwede ba na pumunta ka na muna roon ngayon hija. Hindi kasi ako makaalis dito dahil kakatulog lang ng mommy
CHAPTER 239Saglit naman na naghintay sila Aira at Dave sa isang silid dahil sinundo pa umano ng kasama nilang pulis kanina ang suspect sa nangyare sa kanyang kapatid. Maya maya pa ay bumukas na muli ang pinto roon at pumasok na roon ang pukis na kausap nila kanina kasama ang isang lalake na hindi nila kilala."Sya po ang lalake na sinasabi ko sa inyo ms. Aira na sangkot sa nangyareng aksidente sa inyong kapatid,," sabi ng pulis kay Aira."Sya si Ms. Aira Savedra ang kapatid ni ms. Trina Savedra," pagpapakilala naman ng pulis kay Aira. Napatitig naman ang lalake kay Aira at kinikilala nya ito.Pinaupo naman na muna nila ang lalakeng kasama nito sa may harapan nila Aira at Dave."Bakit mo ito ginawa sa kapatid ko? Bakit mo tinanggalan ng preno ang sasakyan na ginagamit nya?" hindi na makapaghintay na tanong ni Aira sa lalakeng kaharap."Ma'm pasensya na po pero sumunod lamang po ako sa iniutos ng amo ko pero ang nangyare po kasi ay nagkamali ako ng natanggalan ng preno. Imbes po kasi n
CHAPTER 414"Bakit po manang?" agad na tanong ni Jenny kay manang Lina na syang kumatok sa kanyang silid."Napakaganda mo naman hija," puri kaagad ni manang Lina kay Jenny dahil gandang ganda talaga sya sa dalaga kapag ganitong simple lamang ang ayos nito."Salamat po manang," nakangiti pa na sgaot ni Jenny."Ayy. Oo nga pala nar'yan na sa baba yung bisita mo kanina hija hinihintay ka na nya at kausap sya ngayon ng iyong ama sa baba," sabi pa ni manang Lina kay Jenny."Sige po manang tapos na rin naman po ako. Bababa na rin po ako," sagot ni Jenny kay manang kaya naman agad ng bumaba si manang.Muli namang pumasok si Jenny sa loob ng kanyang silid at muli ay humarap sya sa malaking salamin na naroon at pinakatitigan nya ang kanyang sarili at napapangiti na lamang sya dahil bagay naman pala sa kanya ang simpleng ayos lamang dahil dati ay ang kapal nga nyang mag make up lalo na kapag sa mga bar ang punta nila ng mga kaibigan nya.Pagkababa ni Jenny ng kanilang hagdan ay agad nyang napan
CHAPTER 413"Anong klaseng tingin yan dad?" iiling iling na tanong ni Jenny sa kanyang ama."Sus. Ako yata ang dapat na magtanong nyan sa'yo anak. Anong klaseng ngiti yan?" balik tanong ni Joey kay Jenny habang may nakakalokong ngiti sa labi nya."Dad naman," nakanguso ng sagot ni Jenny sa kanyang ama kaya naman natawa na lamang si Joey sa kanyang anak."Bakit anak? Wala naman akong sinasabi ah," tatawa tawa na sagot ni Joey kay Jenny saka nya ito linapitan at inakbayan. "Anak matuto ka sanang buksan ang puso mo para sa iba. Anong malay mo nasa paligid mo na lang pala ang taong nagmamahal sa'yo ng totoo at pahahalagahan ka. Si Greg gusto ko sya para sa'yo anak. Alam mo ba na nanggaling sya sa aking opisina kanina at pormal syang nagpaalam sa akin na gusto ka nga raw nyang ligawan at matagal na syang nay pagtingin sa'yo," nakangiti at seryosong sabi pa ni Joey kay Jenny.Nagulat naman si Jenny sa sinabi ng kanyang ama kaya napatitig sya sa kanyang ama kung seryoso ba ang sinasabi nito
CHAPTER 412"Ayos lang naman ako. Medyo nagkaroon lang ng problema sa pamilya kaya don't worry i'm fine," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa binata. "Ikaw ano nga pala ang ginagawa mo rito? Bakit napadalaw ka yata," tanong pa ni Jenny kay Greg dahil nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot ng binata sa kanilang bahay. Nakakasama naman nya ito minsan kapag nalabas silang magkakaibigan pero ilang nga sya rito dahil umamin nga ito sa kanya noon pa na may gusto ito sa kanya."Ahm. Wala lang. Gusto lamang kitang kumustahin at bisitahin na rin dahil hindi na nga kita nakikita," sagot naman ni Greg kay Jenny.Tumango tango lang naman si Jenny sa binata at saka nya inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Greg sa kanya at napapapikit na lamang sya dahil sa mabangong amoy ng mga bulaklak.Napangiti naman si Greg ng mapansin nya na mukhang good mood ngayon si Jenny at hinahayaan lamang sya nito na mag stay sa tabi nito. Dati kasi ay umiiwas talaga ito sa kanya kaya nakuntento na lamang sya sa pasulyap
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga