CHAPTER 239Saglit naman na naghintay sila Aira at Dave sa isang silid dahil sinundo pa umano ng kasama nilang pulis kanina ang suspect sa nangyare sa kanyang kapatid. Maya maya pa ay bumukas na muli ang pinto roon at pumasok na roon ang pukis na kausap nila kanina kasama ang isang lalake na hindi nila kilala."Sya po ang lalake na sinasabi ko sa inyo ms. Aira na sangkot sa nangyareng aksidente sa inyong kapatid,," sabi ng pulis kay Aira."Sya si Ms. Aira Savedra ang kapatid ni ms. Trina Savedra," pagpapakilala naman ng pulis kay Aira. Napatitig naman ang lalake kay Aira at kinikilala nya ito.Pinaupo naman na muna nila ang lalakeng kasama nito sa may harapan nila Aira at Dave."Bakit mo ito ginawa sa kapatid ko? Bakit mo tinanggalan ng preno ang sasakyan na ginagamit nya?" hindi na makapaghintay na tanong ni Aira sa lalakeng kaharap."Ma'm pasensya na po pero sumunod lamang po ako sa iniutos ng amo ko pero ang nangyare po kasi ay nagkamali ako ng natanggalan ng preno. Imbes po kasi n
CHAPTER 240Saglit lang naman na naghintay sila Aira at Dave bago dumating si Paulo. Mayroon pang dalawang pulis ang nakabantay dito.Agad namam na naupo si Paulo sa kaharap na upuan nila Aira."K-kumusta si Trina? Ang balita ko ay naaksidente raw ito. Kumusta sya?" agad na tanong ni Paulo kila Aira.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave saka tumango si Dave rito."Ahm. W-wala pa ring malay si Trina hanggang ngayon at pinagtapat na rin sa amin ng doktor na mababa na rin ang tsanda na mabuhay pa sya. At kailangan na rin na ipaputol ang mga binti ni Trina dahil napuruhan din ito noong naaksidente sya," pagkukwento ni Aira kay Paulo.Napabuntong hininga naman si Paulo saka ito dahan dahang tumango tango kila Aira."Kung alam ko lang na mangyayare ito. Sana pala ay pinigilan ko na lamang sya noong umalis sya at pinilit ko na lamang sana sya na sumuko sa mga pulis. Hindi na sana yan nangyare pa sa kanya," malungkot na sagot ni Paulo kay Aira. Kahit naman kasi ilang beses ng hinindian ni Tr
CHAPTER 241Ilang oras rin na nagbantay sila Aira, Dave at Karen sa labas ng ICU at maya maya nga ay dumating na ang maraming pulis at kasama nga ng mga ito si Paulo."Sige na. Pumasok ka na sa loob," sabi ni Aira kay Paulo. "Salamat," sagot ni Paulo rito saka kumatok sa pintuan ng ICU ang isang pulis at saka ito pumasok sa loob kasama si Paulo. Pinapasok na rin nila sa loob si Aira pero hindi pwedeng lumapit kay Trina dahil isa isa lamang ang maaaring lumapit dito.Nasabi na rin kasi nila sa doktor ni Trina na darating nga si Paulo na galing sa kulungan. Agad din naman na pumayag ang doktor ni Trina lalo na ng malaman nito na ito ang ama ng batang dinadala ni Trina. Pero nasabi nga ng doktor na hindi rin ito maaaring magtagal sa loob dahil masyadong maselan ang kundisyon ngayon ni Trina.Pagkapasok ni Paulo sa loob ay pinagsuot na muna sya ng mga dapat isuot kapag lalapit sa pasyente at saka ito nag alcohol na maigi ng kanyang kamay at braso. Nanatili lamang naman ang isang pulis na
CHAPTER 242Lumipas pa ang isang araw at ganoon pa rin ang kalagayan ni Trina nanatili pa rin itong walang malay at mas lalong napapadalas ang pag seizure nito. Ang bata naman sa sinapupunan nito ay mas lalong naaapektuhan dahil sa kalagayan ni Trina ngayon.Sinabi na rin ng doktor na kailangan muna nilang unahin na putulin ang mga binti ni Trina para hindi na malason pa ang buong katawan nito. Medyo natagalan din talaga sila na isagawa ito dahil sa maaari talagang maapektuhan ang bata sa sinapupunan ni Trina dahil sa maraming gamot ang kailangang iturok sa katawan ni Trina gayumpaman ay hindi pa rin sila nakakasigurado kung makakasurvive pa rin ang bata pero kailangan na talaga nilang isagawa ang operasyon. Ang pamamaga naman ng utak ni Trina ay pinag aaralan pa nila kung ano ang mas mainam na gawin pero kagaya nga ng nasabi na ng doktor kila Aira at sa mga magulang nya na maliit na lamang ang tsansa na makasurvive pa si Trina.Ngayong araw nga ay nakatakda ng operahan si Trina sa
CHAPTER 243"Bilang narito naman na po kayo ay sa inyo ko na po ito sasabihin. Comatose na po ang pasyente. At mas lalo pong naging kritikal ang kundisyon nya ngayon dahil sa napapadalas na nga po ang pag seizure nya," pagpapaliwanag ng doktor kay Aira sa kalagayan ngayon ni Trina. " Kaya rin po pinamadali na po namin na maisagawa ang pagputol sa binti ng pasyente ay dahil na rin po para maiwasan na rin ang pagkalat pa lalo ng lason sa katawan nya dahil mas lalo pong magiging kritikal ang lagay nya kapag po nangyare yun. Pasensya na rin po kayo kung hindi na po namin naisalba pa ang bata dahil ito na rin po talaga ang kusang bumigay," dagdag pa ng doktor."W-wala na po bang iba pang paraan para po gumaling ang kapatid ko?" naluluha ng tanong ni Aira sa doktor."Sa ngayon po ay ginagawa naman po namin ang lahat ng aming makakaya. Kanina nga lang po ay habang inooperahan namin sya ay nagseizure na naman sya at mabuti na lamang po talaga ay hindi naapektuhan ang operasyon," sagot pa ng d
CHAPTER 244Hindi naman na umalis pa roon si Cheska at kahit pilitin nila Aira na umuwi na muna ito para makapagpahinga ay ayaw na nitong umalis pa roon sa labas ng ICU. Pumasok na rin ito sa loob ng ICU pero saglit lamang ito roon dahil hindi raw nito kayang makita si Trina sa ganoong kalagayan na wala na ngang mga binti.Sila Aira at Dave naman ay umuwi na rin dahil gabing gabi na at tumawag si nay Wanda sa kanila na hinihintay daw sila ng kambal kaya naman nagpaalam na muna sila sa mga magulang ni Aira. Kinabukasan naman ay bago pumunta ng ospital sila Aira at Dave ay naisipan ni Aira na puntahan na muna si Paulo sa kulungan upang sabihin dito ang kalagayan ngayon ni Trina at ibabalita na rin nya rito ang tungkol sa nangyare sa baby na nasa sinapupunan pa ni Trina.Pagakarating nila roon ay saglit lamang din sila naghintay at agad na ring lumabas si Paulo at agad ng naupo sa kaharap na upuan nila. Bakas pa sa mukha ni Paulo ang pagkasabik na makibalita sa kalagayan nila Trina nga
CHAPTER 245Napatakip na lamang ng bibig nya si Cheska dahil sa nakikita nyang pagrevive kay Trina ng mga doktor."Jusko ang anak ko," umiiyak na sabi ni Cheska.Nagmamadali rin naman si Aira na lumapit sa pwesto ng kanyang ina kaya naman nakita rin nya kung ano ang ginagawa kay Trina ngayon ng mga doktor."Trina please lumaban ka," umiiyak na sambit ni Aira.Agad naman silang napansin ng isang nurse na nasa loob ng ICU kaya sinarhan na nito ang pintuan.Napayakap naman si Cheska kay Ramon saka ito nag iiyak. Hindi na rin naman napigilan pa ni Ramon ang maiyak din dahil kahit sya ay kitang kita nya ang ginagawa kay Trina sa loob ng ICU.Si Dave naman ay yinakap na lamang si Aira na hindi na rin talaga napigilan ang mapahagulhol.Ilang minuto rin silang naghintay bago lumabas ang doktor ni Trina at umaasa sila na sana ay may himalang mangyare at maganda ang ibabalita sa kanila ng doktor.Nagulat pa ang doktor dahil pagbukas nya ng pinto ay naroon na kaagad sila Aira at naghihintay sa k
CHAPTER 246Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at nailibing na nga nila si Trina. Tatlong araw lang nila itong ibinurol sa bahay ng kanilang mga magulang.Hiniling naman ni Paulo na makita nya si Trina kahit sa huling pagkakataon man lang at pinayagan naman siya ng mga pulis dahil pumayag din naman ang pamilya ni Aira at sa mismong araw ng libing na lamang ng libing ni Trina sya pinayagan na pumunta roon. Napakarami ring mga pulis na nakabantay kay Paulo nung nakipaglibing sya kay Trina. Grabe ang sakit na nararamdaman ni Paulo sa pagkakataon na yun dahil parehas pang nawala ang dalawang importanteng tao sa kanya si Trina at ang baby nila na hindi man lang nasilayan ang mundong ito.Sa mismong araw din ng libing ni Trina ay nahuli naman si Edward ng mga pulis. Napansin kasi nila na may nagkukubli sa isa sa mga puno roon kaya minanmanan nila iyon at nakita nga nila si Edward na nagkukubli roon kaya nahuli nila ito at agad na dinala sa presinto.Sila Aira at Dave naman ay sa cond