CHAPTER 229Hindi na rin naman nagtagal at inilipat na nga si Trina sa ICU kung saan sya inoobserbahang maigi doon. May mga pulis na din na nakabantay sa labas ng ospital kung saan ito naka confine ngayon dahil nga baka may mga kasabwat pa ito at gusto lamang makasiguro nila Dave na maging ligtas sila.Una ng pumasok sa loob ng ICU si Aira dahil hindi kayang makita ng kanyang ina ang kalagayan ni Trina ngayon.Pagkapasok ni Aira ay sinuot na muna nya ang lab gown na sinusuot sa loob ng ICU pinagsuot din sya ng mask bago sya makalapit kay Trina.Dahan dahan pa na lumapit si Aira sa pwesto ni Trina at naluluha naman nyang tinitigan ito na ngayon ay nakahiga na sa hospital bed at napakaraming aparato ang nakakabit sa katawan nito ngayon at napaliligiran pa ng machine ang higaan nito. Dapat nga ay lalagyan pa ito ng posas ng mga pulis pero pinigilan na lamang nila dahil wala namang malay si Trina.Nang makalapit si Aira kay Trina ay hindi na nya napigilan pa ang pagbagsak ng kanyang luha
CHAPTER 230Dalawang araw na ang mabilis na lumipas simula ng masangkot si Trina sa isang aksidente.Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Trina at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin ito ng mga doktor dahil nakakailang beses na rin na nag seizure si Trina kaya labis na nag aalala ang kanyang mga magulang pati na rin si Aira sa kanya."Dok kumusta po ang anak ko? Bakit po hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon?" sunod sunod na tanong ni Cheska sa doktor na sumusuri kay Trina.Pinapunta kasi sila ng doktor ni Trina sa opisina nito dahil gusto raw silang makausap ng masinsinan kaya naman agad na silang nagpunta roon. Kasama rin nila ngayon si Aira dahil simula ng maospital si Aira ay araw araw na rin itong pumupunta roon habang si Dave naman ay pumapasok sa opisina. Ang mga anak naman nila ay bantay sarado pa rin ng mga tauhan ni Dave sa kanilang unit. Hindj pa rin sila kampante ngayon dahil nga baka may mga kasamahan pa si Trina bago sya naaksidente."Misis tatapatin ko na
CHAPTER 231"Sigurado ba kayo na nagawa nyo ng maayos ang trabaho nyo?" tanong ni Edward sa mga tauhan nya na inutusan nyang gumawa ng pinapagawa ni Trina."Oo naman po boss. Siguradong sigurado po kami natanggalan po namin ng preno ang sasakyan ni ms. Aira," sagot ng isang tauhan nya.Nagtataka kasi si Edward dahil hindi pa rin tumatawag si Trina sa kanya at hindi rin nya makontak ito ngayon. Wala rin syang balita kung naaksidente na ba si Aira dahil sa ponagawa nya sa mga tauhan nya."Bumalik nga kayo sa condominium na yun at tingnan nyo kung nandoon pa ang sasakyan na yun. Baka naman hindi maayos ang pinapagawa ko sa inyo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Aira," inis na sagot ni Edward sa kanyang mga tauhan.Agad naman na umalis ang mga tauhan ni Edward at agad na pumunta sa condominium kung saan nga nakatira sila Aira.Pagkarating ng mga tauhan ni Edward doon ay agad na nilang tinawagan si Edward dahil hindi sila pinapayagang makapasok o makapagpark man
CHAPTER 232Pagkagaling naman nila Aira sa opisina ng doktor ni Trina ay naabutan nila ang ilang mga kapulisan na naghihintay sa labas ng ICU kaya naman linapitan na nila ito kaagad."Magandang araw po. Kayo po ba ang pamilya ni ms. Trina?" tanong ng pulis na naroon ng makalapit sila."Kami nga po. Kumusta po ang pag iimbestiga nyo sa nangyare sa kapatid ko?" tanong na ni Aira."Ahm. Nasa presinto po ngayon ang may ari ng kotse na ginamit ni ms. Trina na si ms. Karen Bismonte. Pwede po ba namin kayong maimbitahan ms. Aira sa presinto dahil ayaw pong magsalita ng kaibigan ng kapatid nyo at ang gusto po ay naroon kayo," sagot ng pulis kay Aira.Napatingin naman si Aira sa mga magulang nya at ng tumango ang mga ito ay nagpasya sya na sumama na muna sa mga pulis sa presinto.Pagkarating nila Aira sa presinto ay naabutan nya si Karen doon na umiiyak kasama ang mga magulang nito. Nang makita pa sya ni Karen ay agad na iyong lumapit sa kanya habang umiiyak."Ate Aira sorry. Kung alam ko lan
CHAPTER 233"Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?" kunot ang noo na tanong ni Aira sa pulis. May kinuha naman na mga larawan ang pulis sa kanyang lamesa saka ito iniharap kay Aira."Sa nakikita kasi namin dito ay mukhang nagkamali ang taong nagtanggal ng preno ng sasakyan na gamit ni ms. Trina. Makikita mo sa larawan na yan na magkatulad na magkatulad ang sasakyan mo ms. Aira at ang sasakyan ni ms. Karen. Maaaring napagkamalan ng taong gumawa non na sasakyan mo ang sasakyan na gamit ni ms. Trina," pagpapiwanag ng pulis.Lalo namang kinabahan si Aira dahil sa sinabi ng pulis sa kanya. Napaisip tuloy sya kung sino naman ang maaaring gumawa non sa kanya gayong wala naman syang ibang nakakaalitan. Tanging ang kapatid lamang nya naman ang may matinding galit sa kanya ngayon."Base na rin po kasi sa kuha ng cctv sa parking lot kung saan kayo tumutuloy ms. Aira ay nakita po roon ang pag alis ng sasakyan nyo at maya maya naman po ay ang pagdating naman ng sasakyan na gamit ni ms. Trina at ipina
CHAPTER 234Tahimik naman na naghihintay sila Aira sa labas ng ICU. Dumating na rin si Karen kasama ang mga magulang nya.Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumukas ang pinto ng ICU at lumabas doon ang doktor ni Trina."Dok kumusta po ang anak ko? Ayos na po ba sya?" agad na tanong ni Cheska sa doktor. Malungkot naman na tiningnan ng doktor sila Aira at mga magulang nya at inimbitahan na muna sila nito sa opisina nito para makausap ng maayos.Agad na rin naman na sumunod sila Aira at ang mga magulang nya sa opisina ng doktor habang sila Karen ay iniwanan na muna nila sa labas ng ICU kung nasaan si Trina. Pagkarating nila sa opisina ng doktor ni Trina ay agad na silang naupo at hinintay na magsalita ito.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng doktor bago nito hinarap sila Aira."Sa totoo lang po ay hindi po talaga maganda ang lagay ngayon ng pasyente dahil nga po sa pamamaga ng utak nya dahil sa nangyareng aksidente. Napapadalas na rin po ang pagseizure nya na talaga po
CHAPTER 235Agad naman na lumapit ang nurse sa pwesto ni Trina at dali dali na nitong pinindot ang kung anong bagay na nasa may uluhan ng hospital bed ni Trina.Hindi naman nakagalaw si Aira sa pwesto nya ng makita nya na flatline na talaga ang machine na nasa tabi ni Trina at alam nya na ang ibig sabihin non ay tumigil na sa pagtibok ang puso ng pasyente."Code blue. Code blue," sabi ng nurse na naroon sa parang mic na nasa table nito.Maya maya ay agad ng nagdatingan ang mga doktor at nurse sa loob ng ICU habang si Aira ay nakatulala pa rin sa kanyang kapatid na rinerevive na ng mga doktor na dumating "Miss sa labas na po muna tayo," sabi ng isang nurse kay Aira ng mapandin sya nito na nakatulala na lamang at hindi na guamagalaw sa kanyang pwesto. Inalalayan pa sya ng nurse na makalabas ng ICU dahil ni hindi man lang sya sumagot dito. Pagkahatid ng nurse kay Aira sa labas ng ICU ay agad na itong bumalik sa loob at isinara ang pinto."Anong nangyare? Bakit sila nagkakagulo na naman
CHAPTER 236 Bigla namang napabalikwas ng bangon si Aira mula sa kanyang pagkakatulog. Parang hapong hapo pa sya at pinagpapawisan pa sya ng malamig dahil sa isang masamang panaginip na iyon. "Anong nangyare sa'yo?" tanong ni Dave ng maramdaman nya na biglang bumalikwas ng bangon si Aira. "N-nanaginip ako. Isang masamang panaginip," sagot ni Aira. Agad naman na tumayo si Dave para ikuha ng tubig si Aira dahil parang hapong hapo pa rin ito. "Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Dave sabay abot kay Aira ng isang baso ng tubig. Agad naman iyong tinanggap ni Aira at uminom. "Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Dave kay Aira matapos nitong uminom. "Isang masamang panaginip. N-namatay daw si T-Trina," tila nahihirapan pang bigkas ni Aira. Napabuntong hininga naman si Dave dahil sa sinabi ni Aira. "Aira hindi naman din natin hawak ang buhay ni Trina. Alam ko naman kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Pero sinabi na rin naman ng doktor ang kalagayan ni Trina diba kaya dapat