Share

Chapter 2

Author: PoisonIvy
last update Huling Na-update: 2024-06-23 08:13:08

“Magpapagamot ako sa ibang bansa,” nanghihinang sabi ni ate Olivia habang hawak niya ang kamay ko. “At…walang kasiguraduhan na makakabalik ako ng buhay dito, Carmela... Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako."

“Ate…” Umiling ako sa kanya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Huwag kang sumuko. Magpapakasal pa kayo Jared, hindi ba?"

Tumango siya sa akin. Pareho kaming umiiyak pero ang sa kanya ay walang tunog.

“Mahal na mahal ko si Jared, Carmela," sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya.”

“Ate…”

“Alam ko na hinahangaan mo siya."

Umawang ang labi ko. Paano niya iyon nalaman? Walang ibang nakakaalam na may gusto ako kay Jared... maliban sa diary ko kung saan doon ko isinusulat ang lahat.

“At hindi ako galit…” Ngumiti siya kahit hinang-hina na. Hindi ko siya magawang tingnan ng deristo sa kanyang mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nararamdaman ko. “Mas maganda nga iyon kasi mapapanatag ako dahil kapag nawala ako, may magmamahal pa rin kay Jared."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin, pero nang maproseso ko na iyon ay bumitaw ako sa kapit ko sa kanya. Wala pa man siyang sinasabi ay parang alam ko na ang gusto niyang mangyari.

“Ate—”

“Pakasalan mo si Jared, Carmela..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. “Ikaw ang magpatuloy ng kasunduan ng mga pamilya natin... Pakasalan mo si Jared...” Umubo siya nang may kasamang dugo kaya nataranta ako at hinawakan siya balikat.

"Ate, please huwag mo na muna pilitin magsalita," pakiusap ko sa kanya at pinunasan ang labi niyang may dugo.

Ngumiti siya sa akin, pero hindi ako pinakinggan. "Mahalin mo siya na mas higit sa pagmamahal ko, Carmela—"

“Nababaliw ka na ba, ate?" kunwari ay inis kong tanong. “Gagaling ka at babalik ka dahil pakakasalan mo si Jared! Huwag kang mawalan ng pag-asa!"

Muli siyang umiling. "N-No... listen to me, Carmela. I'm begging you. Please, pakasalan mo si Jared."

Napatalon ako sa gulat at napabalik sa wisyo nang may tumapik sa balikat ko. Mabilis kong inanggulo ang ulo ko at tiningnan kung sino iyon.

"Joy, bakit ka naman nanggugulat?" tanong ko sa kanya, isa siya sa mga kasambahay na magaan ang loob ko. Isa rin siya sa sumalubong sa akin nang dumating ako rito sa mansyon.

"Ma'am, kanina pa ako kasi kumakatok dito hindi ka naman sumasagot," sagot niya napakamot naman sa ulo ko. "Pagpasok ko tinawag din kita, pero nakatulala ka naman dito. Baka mamaya napasukan na ng hangin ang mata mo, kami pa mapagalitan ni Sir."

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Pero ang mapagalitan sila dahil sa akin ay mukhang malabong mangyari. Wala naman pakialam si Jared kung anong gawin ko. Ang mahalaga lang sa kanya ay mahanap si ate at huwag niya ako makita dahil kusa siyang sumasabog sa galit.

Isang linggo simula nang ikinasal ako kay Jare. Bumisita ang pamilya niya at si Daddy, pero puro business lang naman ang pinag-uusapan nila kaya hindi rin ako interesado. Ni wala man lang nagtanong kung kumusta kaming dalawa.

Gusto ko sanang tanungin si Daddy kung ano na ang balita kay ate, pero magsasalita pa lang ako at ibubuka ang bibig ay pinanlalakihan na niya ako ng mga mata. Alam ko na ang ibig non sabihin. Ayaw niya pag-usapan at huwag ko na isipin pa.

“Dad, Mom, and Tito. Can you explain this to me?” biglang singit ni Jared sa seryosong kwentuhan ng matatanda.

"Jared, don't interrupt us—"

"I need to know the truth, Dad!" Lahat sila ay natahimik. Napasiksik naman ako sa dulo ng upuan at iniwas ang tingin sa kanya. "Where the hell is Olivia? Siya ang pakakasalan ko, hindi ba? Bakit si Carmela ang dumating doon?!"

Maarteng napairap si Tita Geraldine, ang ina ni Jared. “Magkamukha naman sila ni Olivia. Well, except nga lang sa buhok. So anong problema roon?"

Inis na napahilamos ng mukhang si Jared, halatang nagpipigil na lang para huwag magalit sa ina. "Mom, si Olivia ang mahal ko! Alin ba roon ang hindi niyo maintindihan?!"

"Dad..." bulong ko kay Daddy, nasa tono ko ang pakikiusap. Kung hindi namin sasabihin kay Jared ang totoo ay patuloy lang siya sa ganito, paulit-ulit lang magtatanong kahit iisa lang ang isagot namin sa kanya.

“Nagback-out si Olivia sa kasunduan,” wika ni Daddy at hinawakan ang braso ko para patahimikin. “She doesnʼt want to marry you anymore kaya si Carmela ang ipinakasal sa iyo.”

“No!” hindi makapaniwalang sambit ni Jared. “You are lying, Tito! Mahal ako ni Olivia at mahal ko rin siya! Kaya lang naman ako sumang-ayon sa gusto niyong lahat na arrange marriage na ito dahil si Olivia ang sinabi niyong pakakasalan ko!"

“Son..." Ang maotoridad na boses ni Tito Jomar ang nagpatigil kay Jared.

Kung nakakatakot si Jared ay mas nakakatakot ang Daddy niya. Sa tingin pa lang, para ka na niyang pinatay.

“Dad—”

“Whether you like it or not, kasal ka na... at si Carmela ang asawa mo. You should treat her better dahil habang buhay mo na siyang makakasama." Tumalikod na si Jared at akmang magwa-walk out, pero bago pa siya makahakbang ay muling nagsalita ang daddy niya. "Your beloved Olivia chose to run away. Isa lang ang ibig sabihin noʼn—Hindi ka niya mahal. Now, set aside your feelings dahil hindi kayo pinagkasundo para magmahalan. This is business, hijo. Kapag ikaw na ang nasa posisyon ko, maiintindihan mo rin ang lahat—"

Hindi na pinatapos pa ni Jared ang daddy niya at naglakad na ito. Iniwan niya kaming lahat sa living room at lumabas siya ng mansyon. Mula sa glass wall ay natanaw ko siya naglakad papunta sa garahe at pinagsisipa ang gulong ng mga sasakyan doon.

Lumapit naman Tita Geralndine sa akin at saka hinawakan ang mahaba at kulay ginger ko na buhok. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumingin dito si Jared sa loob.

“Kung gusto mong makuha ang puso ni Jared, act like your sister, Carmela. Change your hair color nang magmukha kang si Olivia..."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Binitiwan na niya ang buhok ko at saka lumapit na sa asawa niya. Natulala ako saglit at nang nag-sink in sa akin ang ibig niyang sabihin, sumikip ang dibdib ko.

Kailan ba titigil ang mga tao sa pagkokompara sa amin ni ate Olivia?

Pagkatapos ng lunch ay umalis na sina Daddy. Hindi ko na alam kung saan na nagpunta si Jared. Pagkatapos ko kumain ay pumanhik na ako sa kwarto at doon nagpahinga sa terrace.

Bandang also dos ng hapon nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Jared. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin, pero mabilis din ako tinalikuran.

Tinungo niya ang closet at may hinahungkat doon. Maya-maya pa ay nakita ko na ang hawak niya ang polo shirt niya.

"Aalis ka?" hindi ko maiwasan ang hindi magtanong.

Lumingon siya sa akin at seryoso akong tinitigan. "Obviously," sarkastiko niyang sagot. "Hahanapin ko si Olivia dahil ni isa sa inyo ay walang balak sabihin sa akin kung saan siya nagpunta."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nilapitan siya. "Jared, lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko na. Hindi ko talaga alam kung nasaan si ate."

Humakbang si Jared palapit sa akin at dahan-dahang pinagapang ang kamay niya mula sa mukha niya. Sunod-sunod naman ang naging paglunok ko. Napasinghap ako nang hawakan niya ang panga ko at diinan ang pagkakahawak doon.

"Liar," angil niya sa mukha ko. "Nagsisinungaling ka, Carmela. Alam ko na alam mo kung nasaan ang ate mo."

"Hindi ko alam, Jared," iling ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya pero malakas niya iyong tinabig.

"Alam mo," pilit niya. "Sabihin mo nga, ginagawa mo ba ito dahil umaasa ka na mababaling sayo ang atensyon ko?"

Hindi ako nakasagot. Kung gusto ko makuha ang atensyon niya ay sana noon ko pa ginawa. Pero hindi ko magagawang saktan ang ate ko.

"Carmela, kahit anong gawin mo... si Olivia ang mahal ko," deristong sabi niya. Hindi man lang nagdalawang isip. "At hinding-hindi magbabago yun kahit anong gawin mo. Kung hindi mo talaga sasabihin kung nasaan siya..." Malakas na kumalabog ang puso ako at kinabahan sa mga susunod niyang sasabihin. "Ay araw-araw kang magdudusa rito... Araw-araw mong mararamdaman ang galit ko."

Kaugnay na kabanata

  • My Sister's Fiancé   Chapter 3

    “Ate... kumusta ka na?”Isang buwan ang nakalipas simula nang ikinasal ako kay Jared at ngayon ko lang na-contact muli si Ate Olivia. At gaya ng sinabi ni Jared, kung hindi ko sasabihin kung nasaan si ate ay araw-araw kong mararamdaman ang galit niya.Sa isang buwan kong pananatili rito sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi ako umiiyak. Kung sigawan niya ako ay parang hindi ako kapatid ng babaeng mahal niya. He treated me like nobody. Mas mabait pa siya sa mga kasambahay kaysa sa akin.“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Carmela... Nanghihina pa rin ako. Minsan ay nagigising na lang ako tatlong araw pagkatapos kong mawalan ng malay," sagot ni Ate Olivia sa kabilang linya. “Ikaw, kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Jared. Ayos lang ba siya? Ayos ka lang ba?”Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw ko dumagdag pa sa iisipin niya kapag sinabi ko ang totoong estado ng pagsasama namin ni Jared.Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si ate.“G

    Huling Na-update : 2024-06-23
  • My Sister's Fiancé   Chapter 4

    ”I fired him," parang wala lang na sabi ni Jared nang tanungin ko siya kung nasaan ang unang driver.Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. "Bakit mo naman yun ginawa?""Dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya," sagot niya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Trabaho niya ang ihatid ka sa pupuntahan mo at iuwi pagkatapos dito, Carmela."Inis ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. "Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi niya ako naihatid pauwi, Jared. Ang sabi ko ay tatawagan ko na lang siya. Hindi ko siya tinagawagan kaya hindi niya ako sinundo."Marahan niya akong tinabig, bitbit ang dalawang Plato at inilapag iyon sa lamesa. "Umupo ka na.""Jared...""Umupo ka na. Pababalikin ko siya bukas ng umaga."Agad akong sumunod sa utos niya at naupo nga sa upuan na hinila niya para sa akin. Kanina pa kami nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo niya.Hindi ko tuloy maiwasan na magduda kung totoo b

    Huling Na-update : 2024-06-23
  • My Sister's Fiancé   Chapter 1

    “Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniy

    Huling Na-update : 2024-06-22

Pinakabagong kabanata

  • My Sister's Fiancé   Chapter 2

    “Magpapagamot ako sa ibang bansa,” nanghihinang sabi ni ate Olivia habang hawak niya ang kamay ko. “At…walang kasiguraduhan na makakabalik ako ng buhay dito, Carmela... Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako."“Ate…” Umiling ako sa kanya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Huwag kang sumuko. Magpapakasal pa kayo Jared, hindi ba?"Tumango siya sa akin. Pareho kaming umiiyak pero ang sa kanya ay walang tunog.“Mahal na mahal ko si Jared, Carmela," sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya.”“Ate…”“Alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ko. Paano niya iyon nalaman? Walang ibang nakakaalam na may gusto ako kay Jared... maliban sa diary ko kung saan doon ko isinusulat ang lahat.“At hindi ako galit…” Ngumiti siya kahit hinang-hina na. Hindi ko siya magawang tingnan ng deristo sa kanyang mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nararamdaman ko. “Mas maganda

  • My Sister's Fiancé   Chapter 1

    “Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniy

DMCA.com Protection Status