Share

Chapter 3

Author: PoisonIvy
last update Huling Na-update: 2024-06-23 11:04:15

 “Ate... kumusta ka na?”

Isang buwan ang nakalipas simula nang ikinasal ako kay Jared at ngayon ko lang na-contact muli si Ate Olivia. At gaya ng sinabi ni Jared, kung hindi ko sasabihin kung nasaan si ate ay araw-araw kong mararamdaman ang galit niya.

Sa isang buwan kong pananatili rito sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi ako umiiyak. Kung sigawan niya ako ay parang hindi ako kapatid ng babaeng mahal niya. He treated me like nobody. Mas mabait pa siya sa mga kasambahay kaysa sa akin.

“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Carmela... Nanghihina pa rin ako. Minsan ay nagigising na lang ako tatlong araw pagkatapos kong mawalan ng malay," sagot ni Ate Olivia sa kabilang linya. “Ikaw, kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Jared. Ayos lang ba siya? Ayos ka lang ba?”

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw ko dumagdag pa sa iisipin niya kapag sinabi ko ang totoong estado ng pagsasama namin ni Jared.

Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si ate.

“Galit ba siya...?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig. Narito ako ngayon sa loob ng banyo at nakababad ang katawan sa bathtub. Ayaw kasi ni ate na narinig ni Jared ang kahit ano sa pag-uusap namin.

“Ate, sana ay gumaling ka na,” umaasa na sambit ko. “Ikaw ang kailangan ni Jared dito... hindi ako.”

Parang sumikip ang dibdib ko matapos sabihin iyon. Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang gumaan ang pakiramdam ko at huwag mahalata ni ate.

“Carmela…” malambing na tawag ni ate. Hindi ako sumagot at nakinig lang sa mga sinasabi niya. "Iʼm sorry. Iʼm sorry dahil inilagay kita sa ganyang sitwasyon.”

“Ayos lang naman, ate,” sabi ko at pilit na ngumiti. “Ginagawa ko ito para sayo—dahil kapatid kita, ate kita... at mahal kita."

“Alam ko, Carmela. Alam ko na mahirap para sayo. Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo ngayon, pero hiling ko pa rin na sana, tumibok ang puso ni Jared sa iyo.”

“Ate…”

Napakalabong mangyari ng sinasabi niya. Kay Jared na mismong nanggaling na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan.

“Dahil wala na akong balak… wala na akong balak balikan siya ulit, Carmela..."

Napatayo ako mula sa pagkaupo sa inidoro sa gulat at napatakip sa bibig ko.

“Ate?”

“He is not for me, Carmela. Hindi siya ang nakatadhana sa akin."

Hanggang matapos ang tawag at pag-uusap naming dalawa ni ate ay nakatulala ako sa kawalan. Ang ibig bang sabihin non ay kahit gumaling pa siya, hindi pa rin siya babalik kay Jared?

Pero bakit? Hindi ko maintindihan. Kung gumaling siya sa sakit niya at bumalik sa amin, bumalik kay Jared ay magiging mas maayos ang lahat dito. Bakit ngayon ay ayaw na niya?

"Ano ba, Carmela! Kanina pa sa loob, ah?!" Napatalon ako sa gulat nang malakas na kumalabog ang pintuan ng banyo at marinig ang sigaw ni Jared sa labas. "Bilisan mo dahil maliligo rin ako!"

"T-Tapos na ako!" Tarantang sigaw ko pabalik at dali-daling kinuha ang tuwalya. "Magbibihis... Magbibihis lang ako... A-Ano, sandali lang!"

Mas mabilis pa sa alas kwarto akong nagbihis at tiniyak na maayos ang itsura ko. Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko ang iretableng mukha ni Jared na handa na akong sakmalin anumang sandali.

"P-Pasensya na..." sabi ko at napayuko.

"Sa susunod, bago kamagbabad sa loob ay tanungin mo muna ako kung gagamitin ko ang banyo."

Nilagpasan niya ako. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan at napapikit naman ako.

Bakit ba hindi pa ako nasasanay eh araw-araw naman siya ganito sa akin.

Tinungo ko ang vanity at nag-ayos ng buhok. Magkikita kami ngayon ng mga kaibigan ko. I think kailangan ko rin huminga at malayo rito sa mansyon kahit papaano para makapag-relax naman ang isip ko. Pakiramdam ko ay araw-araw akong pagod. It's so tiring to deal with Jared everyday. Isama mo pa ang pressure ng mga magulang niya at ni Daddy para sa pagkakaroon ng anak. They want me to get pregnant before the end of the year.

Napahilot ako sa sintido ko. Paano naman ako mabubuntis eh ni tingnan nga ni Jared ay parang ikamamatay niya? Ang hawak pa kaya?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa non si Jared na nagpupunas ng buhay. He's just wearing towel on his waist.

"Magkikita kami ng mga kaibigan ko," sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan sumalubong ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin. “Wala akong pakialam, Carmela. Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi ako interesado."

Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako sa mga salita niya. Gusto kong umakto kung paano siya maging walang pakialam sa akin kahit mahirap iyon.

Iniwan ko na siya doon, pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pintuan ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

“At kung puwede lang, huwag ka na rin bumalik."

Buong biyahe papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko ay natahimik lang ako at nakatingin sa labas. Pakiramdam ko ay namanhid ako sa mga sandaling iyon. Kung hindi pa ako tinawag ng driver ay hindi ko malalaman na nakahinto na pala kami kanina pa.

"Ma'am, anong kita susundin?" tanong ng driver.

Ayaw na ni Jared na bumalik pa ako. Kung iyon talaga ang gusto niya ay gagawin ko na lang. Hindi na ako babalik pa ng mansyon.

"Tatawagan na lang kita," pagsisinungaling ko.

Pumasok na ako sa restaurant. Nakita ko ang mga kaibigan ko sa dulo at nagtatawanan. Huminga ako nang malalim at gumawa ng malaking ngiti, bago tuluyan silang nilapitan.

"Hi!" kunwari ay masiglang bati ko sa kanila.

"Carmela!" Tili ni Beth at niyakap ako nang mahigpit. "Gaga ka, ano, kumusta ka na?"

"I'm doing great," sagot ko at nagbeso naman kay Marian.

"Alam mo, kung hindi ka talaga sumipot ngayon ay magtatampo na kami sayo." Pabirong umirap si Jaira. "Hindi mo na nga kami sinabihan na ikakasal ka, palarati ka lang nagtatago sa amin."

Humila ako ng upuan sa tabi ni Beth at kumuha ng french fries sa plato ni Marian.

"Alam mo naman na hindi talaga ako Yung ikakasal. Biglaan nga, diba?"

Isa sa dream wedding ko ang maglakad ang mga kaibigan ko bilang mga bride's maid. Pero kahit iyon ay hindi man lang natuloy. Bukod kay Daddy ay wala na akong ibang kakilala na dumalo sa kasal. Halos lahat sila ay kaibigan ng pamilya ni Jared, o kaya naman ay kaibigan ni ate Olivia.

Apat na oras din kaming nagkwentuhan. Bukambibig nila si Jared kung gaano ito kagwapo at kung gaano sila naiingit na ako ang naging asawa. Kung alam lang nila ang totoong kalagayan namin ay hindi nila gugustuhin sa posisyon ko. At kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na makipagpalit ng sitwasyon sa kahit sino ay hindi ko iyon hihindian, kahit pa sa isang pilay. 

Napakahirap mahalin ni Jared...

Bandang alas kwarto ng hapon nang nagpaalam kami sa isa't-isa. Hindi ko na tinawagan ang driver. Buo na ang desisyon ko na aalis na ako at hindi na babalik pa ng mansyon.

Hindi ko rin alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Napansin ko na lang na lumubog ang araw, pero hindi pa rin ako huminto sa paglalakad. Sumasakit na ang paa ko sa heels, pero ayaw makinig ng utak ko na huminto at magpahinga.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ako pwede umuwi kay Daddy dahil alam kong pababalikin niya lang ako kay Jared. Hindi rin ako pwede sumama sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko kaawaan nila ang kalagayan ko.

Wala akong mapupuntahan...

“Miss, mag-isa ka lang?”

Napahinto ako sa paglalakakad at binalingan ang isang lalaki na sakay ng kanyang motor. Hinubad niya ang kanyang helmet at saka tiningnan ako.

“Oo. Bakit mo natanong?"

“Saan ba ang punta mo? Uuwi ka na sa inyo?”

Napatitig ako sa kanya. Maamo ang mukha niya at may itsura naman. Pero kahit ganoʼn, nakaramdam pa rin ako ng kaba lalo naʼt gabi na at hindi ko siya kilala.

“Hindi pa.” Napalunok ako at umiling sa kanya.

Natawa siya nang napansin niya ang ekspresyon kong mukhang kinakabahan.

“Hindi naman ako masamang tao. Nag-aalala lang ako dahil mag-isa kang naglalakad at gabi na. Wala akong masamang intensyon. Gusto lang kitang ihatid para mapanatag ako.”

“Salamat—”

“Hindi na kailangan.”

Natigil ako sa pagsasalita at gulat na nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Umawang ang labi ko nang makita ko si Jared na kalalabas lang ng kanyang kotse. Lumapit siya sa amin at napasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko.

“Uuwi na tayo.”

“Ha?”

“Kilala mo ba siya, Miss?” tanong ng lalaki na ngayon ay wala na ang ngiti sa labi.

Bago pa man ako maunahan ni Jared, sinagot ko na ang tanong ng lalaki.

“Kilala ko siya.”

Hinila ako ni Jared papasok ng kotse at inis na napahilamos ng kanyang mukha. "Tama bang nasa labas pa kahit ganitong oras na?!" singhal niya sa akin.

Pero sa halip na matakot ay kumunot ang noo ko. Hindi ba't ayaw na niya ako bumalik sa mansyon?

"At tama bang umuwi ng gabi ang may asawa na?"

Asawa...

Hindi ba't hindi asawa ang turing niya sa akin? Naguguluhan ako sa inaasal niya ngayon. Parang... Parang nag-iba siya ngayon? indi na siya galit sa akin? Tanggap na ba niyang hindi na babalik si ate Olivia?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawang ibukas ang bibig ko.

"Sa susunod, kapag gagabihin ka ng uwi tawagan mo ako. Naiintindihan mo?"

Kumurap ako, bago tumango kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

Kaugnay na kabanata

  • My Sister's Fiancé   Chapter 4

    ”I fired him," parang wala lang na sabi ni Jared nang tanungin ko siya kung nasaan ang unang driver.Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. "Bakit mo naman yun ginawa?""Dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya," sagot niya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Trabaho niya ang ihatid ka sa pupuntahan mo at iuwi pagkatapos dito, Carmela."Inis ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. "Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi niya ako naihatid pauwi, Jared. Ang sabi ko ay tatawagan ko na lang siya. Hindi ko siya tinagawagan kaya hindi niya ako sinundo."Marahan niya akong tinabig, bitbit ang dalawang Plato at inilapag iyon sa lamesa. "Umupo ka na.""Jared...""Umupo ka na. Pababalikin ko siya bukas ng umaga."Agad akong sumunod sa utos niya at naupo nga sa upuan na hinila niya para sa akin. Kanina pa kami nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo niya.Hindi ko tuloy maiwasan na magduda kung totoo b

    Huling Na-update : 2024-06-23
  • My Sister's Fiancé   Chapter 1

    “Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniy

    Huling Na-update : 2024-06-22
  • My Sister's Fiancé   Chapter 2

    “Magpapagamot ako sa ibang bansa,” nanghihinang sabi ni ate Olivia habang hawak niya ang kamay ko. “At…walang kasiguraduhan na makakabalik ako ng buhay dito, Carmela... Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako."“Ate…” Umiling ako sa kanya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Huwag kang sumuko. Magpapakasal pa kayo Jared, hindi ba?"Tumango siya sa akin. Pareho kaming umiiyak pero ang sa kanya ay walang tunog.“Mahal na mahal ko si Jared, Carmela," sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya.”“Ate…”“Alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ko. Paano niya iyon nalaman? Walang ibang nakakaalam na may gusto ako kay Jared... maliban sa diary ko kung saan doon ko isinusulat ang lahat.“At hindi ako galit…” Ngumiti siya kahit hinang-hina na. Hindi ko siya magawang tingnan ng deristo sa kanyang mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nararamdaman ko. “Mas maganda

    Huling Na-update : 2024-06-23

Pinakabagong kabanata

  • My Sister's Fiancé   Chapter 4

    ”I fired him," parang wala lang na sabi ni Jared nang tanungin ko siya kung nasaan ang unang driver.Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. "Bakit mo naman yun ginawa?""Dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya," sagot niya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Trabaho niya ang ihatid ka sa pupuntahan mo at iuwi pagkatapos dito, Carmela."Inis ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. "Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi niya ako naihatid pauwi, Jared. Ang sabi ko ay tatawagan ko na lang siya. Hindi ko siya tinagawagan kaya hindi niya ako sinundo."Marahan niya akong tinabig, bitbit ang dalawang Plato at inilapag iyon sa lamesa. "Umupo ka na.""Jared...""Umupo ka na. Pababalikin ko siya bukas ng umaga."Agad akong sumunod sa utos niya at naupo nga sa upuan na hinila niya para sa akin. Kanina pa kami nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo niya.Hindi ko tuloy maiwasan na magduda kung totoo b

  • My Sister's Fiancé   Chapter 3

    “Ate... kumusta ka na?”Isang buwan ang nakalipas simula nang ikinasal ako kay Jared at ngayon ko lang na-contact muli si Ate Olivia. At gaya ng sinabi ni Jared, kung hindi ko sasabihin kung nasaan si ate ay araw-araw kong mararamdaman ang galit niya.Sa isang buwan kong pananatili rito sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi ako umiiyak. Kung sigawan niya ako ay parang hindi ako kapatid ng babaeng mahal niya. He treated me like nobody. Mas mabait pa siya sa mga kasambahay kaysa sa akin.“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Carmela... Nanghihina pa rin ako. Minsan ay nagigising na lang ako tatlong araw pagkatapos kong mawalan ng malay," sagot ni Ate Olivia sa kabilang linya. “Ikaw, kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Jared. Ayos lang ba siya? Ayos ka lang ba?”Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw ko dumagdag pa sa iisipin niya kapag sinabi ko ang totoong estado ng pagsasama namin ni Jared.Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si ate.“G

  • My Sister's Fiancé   Chapter 2

    “Magpapagamot ako sa ibang bansa,” nanghihinang sabi ni ate Olivia habang hawak niya ang kamay ko. “At…walang kasiguraduhan na makakabalik ako ng buhay dito, Carmela... Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako."“Ate…” Umiling ako sa kanya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Huwag kang sumuko. Magpapakasal pa kayo Jared, hindi ba?"Tumango siya sa akin. Pareho kaming umiiyak pero ang sa kanya ay walang tunog.“Mahal na mahal ko si Jared, Carmela," sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya.”“Ate…”“Alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ko. Paano niya iyon nalaman? Walang ibang nakakaalam na may gusto ako kay Jared... maliban sa diary ko kung saan doon ko isinusulat ang lahat.“At hindi ako galit…” Ngumiti siya kahit hinang-hina na. Hindi ko siya magawang tingnan ng deristo sa kanyang mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nararamdaman ko. “Mas maganda

  • My Sister's Fiancé   Chapter 1

    “Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniy

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status