Share

My Sister's Fiancé
My Sister's Fiancé
Author: PoisonIvy

Chapter 1

Author: PoisonIvy
last update Last Updated: 2024-06-22 22:26:39

“Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.

Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.

“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.

Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.

Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.

“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniya at nagtagis ang kanyang bagang. “Bakit ikaw ang sumipot?! What is the meaning of this?! Nasaan ang ate mo!"

Sunod-sunod akong umiling at nagsimula na umiyak ng may tunog. Dapat talaga ay hindi ako pumayag sa gusto ni ate. Dapat ay hindi ko siya hinayaan na iwan na lang ng basta ganito si Jared.

“Carmela, nasaan ang ate Olivia mo?!” sigaw niya, mas malakas sa una. Tiyak ako na nagtataka na ang ibang bista kung nasaan kami kaya anumang sandali ay may maghahanap na sa amin.

“A-Ayaw... Ayaw ka niyang pakasalan," hirap kong sambit. Ramdam ko ang dahan-dahang pagluwag ng kapit niya sa braso ko dahil sa gulat mula sa narinig sa akin. “Ayaw na... niya sa iyo, Jared..."

Tulala siyang napatitig sa akin at unti-umatras. Umiling siya at dinuro ako.

“Hindi ako naniniwala—Olivia loves me, Carmela! Hindi niya gagawin ang iwan ako!" Nagsimula na may mamuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Tuminga siya para pigilan ang pagbagsak at pumikit. Ilang sandali siyang ganon, bago muling iminulat ang mga mata at matalim na tumitig sa akin.

“M-Maniwala ka sa akin—”

“Sabihin mo nga, pinilit mo ba ang daddy mo na ikaw ang ipakasal sa akin?" akusa niya na para bang siguradong-sigurado “May gusto ka sa akin, hindi ba?”

Napasinghap ako sa sinabi niya. Paano niyang alam iyon? Kailan pa niya alam?

“At dahil sobrang mabait ang ate mo, baka pinagbigyan ka sa gusto niya! Kaya wala siya ngayon dahil baka nagmakaawa ka na ikaw ang ikakasal sa akin, Carmela!"

Parang punyal na itinusok ang mga sinabi niya sa akin. Totoong gusto ko siya pero ni kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magmakaawa kay Daddy na ako na Lang ang ipakasal sa kanya. I respect my sister, and I respect him as I respect their relationship.

“Hindi totoo ang sinabi mo!" dependa ko sa kanya. Lumakas na rin ang boses ko sa galit. Wala siyang karapatan na akusahan ako dahil hindi lang siya ang sasaktan dito.

“Shut up! Shut up!" sigaw niya at muli akong dinuro. “Kapag nalaman ko na kagagawan mo ang lahat ng ito, magiging miserable ang buhay mo sa kamay ko..." Halos tumindig ang mga balahibo ko sa braso sa banta niya. Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa tanang buhay ko.

Iniwan niya na ako at hinarap ang mga bisita. Kabilaan naman ang tanong ng mga bisita kung saan si Olivia, pero iisa lang ang naging sagot Nina Daddy, ang umalis si ate Olivia at ni isa sa amin ay walang balita. Wala na ring sumunod pang mga tanong. Ang importante lang naman ay ma-merge ang dalawang kompanya sa pamamagitan ng kasal. Wala na ring pakialam ang mga magulang ni Jared kung kanino sa amin ni ate Olivia ikasal si Jared dahil pareho lang naman daw iyon. At the end of the day, ang goal ay mapag-isa ang dalawang kompanya para mas lumakas pa.

Pero parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa mga oras na iyon dahil ipinamukha ni Jared sa akin na hindi talaga ako ang gusto niya. Hindi ganito ang pinangarap kong kasal. Dapat ay masaya ako ngayon pero halos durog na durog ang puso ko.

“This is just temporary, Carmela. Donʼt tell Jared about your sister's whereabouts. Huwag mo ring sabihin ang dinadala niyang sakit,” mahinang sabi ni Daddy sa akin habang isinasayaw niya ako at ang mga mata ay nasa amin.

“Kailan ba talaga natin sasabihin sa kanya ang totoo, dad?" tanong ko. Sinulyapan ko si Jared mula roon sa upuan namin at nakitang hindi pa rin nagbabago ang matalim niyang tingin.

Kung nakamamatay lang siguro ang tingin ay kanina pa ako pinaglalamayan.

"Kapag nalaman ng mga Watson ang kalagayan ni Olivia ay puputulin nila ang kasunduan sa pamilya natin, Carmela."

“H-Hindi naman... siguro iyon mangyayari lalo naʼt nagmamahalan naman po sila ate Olivia at Jared, Dad...”

Umiling si Dad sa akin. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko bilang di pagsang-ayon sa sinabi ko. “Hindi mo alam ang patakaran ng pamilya nila. Hindi welcome sa kanila ang babaeng sakitin. Kahit mahal pa ni Jared ang ate mo. Wala silang pakialam."

Hindi ako nakaimik. At some point ay naiintindihan ko na si ate Olivia. Sana ay maging maayos siya para makabalik pa siya kay Jared...

Iyak lang ako nang iyak matapos ang reception ng kasal. Iniwan ako ni Jared sa hotel room namin at hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Halo-halong sakit ang nararamdaman ko ng gabing iyon. Kung pwede lang ako ang pumalit sa kinalalagyan ni ate ngayon ay gagawin ko iyon. Dahil kung sa akin naman iyon nangyari ay wala namang mawawala. Ayos pa sana ang lahat kung ako ang nagkasakit.

Nagising ako kinabukasan na wala pa rin si Jared. Tinawagan ko ang cellphone niya pero tunog lang iyon nang tunog at mukhang walang balak sagutin.

Nagbuntong-hininga ako at naligo. Sakto namang pagkatapos ko ay may room attendant na nagdala ng breakfast sa akin. Matapos ko iyon kainin ay bumaba na ako sa lobby, nagbabakasakali na naroon si Jared. Pero nakarating na ako sa parking lot ay hindi ko pa rin siya makita.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman na parang naiiyak na naman ako. Nakatulog na ako sa kakaiyak kaya ayaw ko na umiyak pa kaya bago pa ako pagtinginan ng mga tao roon ay bumalik na ako sa kwarto namin at naghintay kay Jared.

Bandang alas onse y media nang katukin ako ng driver ni Jared para sabihing naroon na si Jared sa magiging bahay namin at doon natulog kagabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kung awa ba para sa sarili ko o galit para sa kanya.

How could he do this to me?

Pilit akong ngumiti sa driver at binitbit ang handbag ko at sumunod sa driver.

It took 45 minutes from the room before we arrived. Bumungad sa akin ang napakalaking automatic gate. Sa gilid pagpasok ay punong-puno ng mga pine trees. Halos limang minuto pa bago marating ang pinaka mansyon mula sa gate. Masasabi mo talagang pinaghandaan ang pagtatayo ng mansyon.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng driver. Mula naman sa pintuan ng mansyon ay may naghihintay na dalawang babae sa akin, nakangiti ang mga ito at yumuko nang bumaba ako ng sasakyan.

Walang Jared na sumalubong sa akin. Ang sabi ng isa sa mga kasambahay ay naroon daw si Jared sa opisina niya sa pangatlong palapag ay ayaw paistorbo. Sa loob ng dalawang kong pagiging asawa niya ay hindi pa ulit kami nagkikita. Ako lang ang kumakain sa mahabang lamesa at siya naman ay dinadalhan lang ng pagkain.

Nang ikatlong araw ko sa mansyon ay nagulat ako nang maabutan niya ako sa kusina. Mabilis akong napatayo at naghila ng upuan para sa kanya.

“J-Jared... sabay na tayong kumain—”

“Tapusin mo na ang kinain mo dahil ako ang susunod," malamig niyang sabi.

“J-Jared…” Napalunok ako. “H-Hindi... mo naman kailangang tumingin sa mukha ko o kausapin ako kung ayaw mo—"

“Then umalis ka sa hapagkainan. Ayaw kitang makita o makasabay." Naghila siya ng upuan sa kabilang dulo at hindi pinansin ang upuan na hinila ko para sa kanya.

Nakatayo lang ako roon at nakatingin sa kanya. Nang mapansin niyang hindi pa rin ako gumagalaw ay sinamaan niya ako ng tingin at napatayo na rin.

“Ano pa ang hinihintay mo? Umalis ka sa harapan ko!"

Nagitla ako sa sigaw niya. Pati ang kasambahay na naglalagay ng kanin sa plato niya ay nagulat din at yumuko na lang, iniiwasan tumingin sa amin.

Kusang tumulo ang mga luha ko. Nakakainis. Bakit ba ang iyakin ko. Kunting singhal lang ay naiiyak na ako.

“A-Aalis na... Hindi mo naman kailangang magalit..." ani ko at kahit masakit na ay nagawa ko pang ngumiti na siyang ikinatigil niya. “Kumain ka na—Tatapusin ko na lang ang kinakain ko mamaya..."

Tumalikod ako sa kanya at mabilis na naglakad paakyat sa hagdan. Pumasok ako sa kwarto namin na napaupo sa sahig, tuloy-tuloy na bumabagsak ang mga luha.

Related chapters

  • My Sister's Fiancé   Chapter 2

    “Magpapagamot ako sa ibang bansa,” nanghihinang sabi ni ate Olivia habang hawak niya ang kamay ko. “At…walang kasiguraduhan na makakabalik ako ng buhay dito, Carmela... Malala na ang sakit ko at tanging Diyos na lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako."“Ate…” Umiling ako sa kanya habang humahagulhol ng iyak. “Alam ko na gagaling ka. Huwag kang sumuko. Magpapakasal pa kayo Jared, hindi ba?"Tumango siya sa akin. Pareho kaming umiiyak pero ang sa kanya ay walang tunog.“Mahal na mahal ko si Jared, Carmela," sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pero sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya.”“Ate…”“Alam ko na hinahangaan mo siya."Umawang ang labi ko. Paano niya iyon nalaman? Walang ibang nakakaalam na may gusto ako kay Jared... maliban sa diary ko kung saan doon ko isinusulat ang lahat.“At hindi ako galit…” Ngumiti siya kahit hinang-hina na. Hindi ko siya magawang tingnan ng deristo sa kanyang mga mata. Magkahalong awa at hiya ang nararamdaman ko. “Mas maganda

    Last Updated : 2024-06-23
  • My Sister's Fiancé   Chapter 3

    “Ate... kumusta ka na?”Isang buwan ang nakalipas simula nang ikinasal ako kay Jared at ngayon ko lang na-contact muli si Ate Olivia. At gaya ng sinabi ni Jared, kung hindi ko sasabihin kung nasaan si ate ay araw-araw kong mararamdaman ang galit niya.Sa isang buwan kong pananatili rito sa mansyon ay walang gabi at araw na hindi ako umiiyak. Kung sigawan niya ako ay parang hindi ako kapatid ng babaeng mahal niya. He treated me like nobody. Mas mabait pa siya sa mga kasambahay kaysa sa akin.“G-Ganon pa rin ang lagay ko, Carmela... Nanghihina pa rin ako. Minsan ay nagigising na lang ako tatlong araw pagkatapos kong mawalan ng malay," sagot ni Ate Olivia sa kabilang linya. “Ikaw, kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Jared. Ayos lang ba siya? Ayos ka lang ba?”Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw ko dumagdag pa sa iisipin niya kapag sinabi ko ang totoong estado ng pagsasama namin ni Jared.Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si ate.“G

    Last Updated : 2024-06-23
  • My Sister's Fiancé   Chapter 4

    ”I fired him," parang wala lang na sabi ni Jared nang tanungin ko siya kung nasaan ang unang driver.Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. "Bakit mo naman yun ginawa?""Dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya," sagot niya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Trabaho niya ang ihatid ka sa pupuntahan mo at iuwi pagkatapos dito, Carmela."Inis ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. "Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi niya ako naihatid pauwi, Jared. Ang sabi ko ay tatawagan ko na lang siya. Hindi ko siya tinagawagan kaya hindi niya ako sinundo."Marahan niya akong tinabig, bitbit ang dalawang Plato at inilapag iyon sa lamesa. "Umupo ka na.""Jared...""Umupo ka na. Pababalikin ko siya bukas ng umaga."Agad akong sumunod sa utos niya at naupo nga sa upuan na hinila niya para sa akin. Kanina pa kami nakauwi sa mansyon, pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit sa isang inggap, nagbago ang pakikitungo niya.Hindi ko tuloy maiwasan na magduda kung totoo b

    Last Updated : 2024-06-23

Latest chapter

  • My Sister's Fiancé   Chapter 1

    “Ang sabi ko, nasaan si Olivia?! Bakit ikaw ang kinasal sa akin?!" nag-aapoy sa galit na tanong ni Jared habang mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.Hindi ko siya sinagot at nagsimula na lang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung saan ako magsisimula at kung paano niya maintindihan ang lahat.“J-Jared... nasasaktan ako...” sabi ko habang pilit hablutin ang palapulsuhan ko mula sa kanya.Kadadating pa lang namin sa venue ng kasal pero agad na niya akong hinila rito sa gilid, kung saan walang tao at kami lang dalawa at pinagsisigawan sa galit. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung hindi lang siguro ako babae ay kanina pa niya ako nasapak. Alam kong litong-lito rin siya, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.Hindi niya matanggap na ako ang ikinasal sa kanya. Hindi niya matanggap na bigla na lang umatras si ate Olivia sa mismong araw ng kasal nilang dalawa.“Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang ate mo!” aniy

DMCA.com Protection Status