Chapter 53Zane Pov“Anak? Come to daddy.”Ngumiti lamang ang anak kong si Ace.Napabalikwas ako ng magising.“Anak,” I murmured. Palagi ko na lang napapanaginipan ang anak ko.Kumusta na kaya siya? Ipinapakilala kaya ni Isabelle na ako ang ama niya?Napabuntong hininga na lang ako.I miss Ace so badly.Hindi ko namalayang pumapatak na ang luha sa aking mga mata.Sana magkita tayo ulit anak.Sana sumang-ayon ang panahon.Bumaba ako sa sala at ini-on ang tv.Nakakuha ng aking pansin ang isang interview ni Dr. Albert.Ang doctor na nag-alaga kay Isabelle no’ng nabaril ito ni Maria.“Magreretiro ka na raw po ba Dr. Albert?” tanong ng interviewer.“Mga next year na siguro pagka graduate ng misis ko,” masaya nitong saad.“Isa ka sa mga napakagaling na doctor, ngunit batid ng marami na sobrang layo ng agwat ng edad niyo ng misis niyo. Okay lang po ba sa inyo ‘yon?”“Nasanay na kami ng asawa ko sa mga panlalait na ‘yan. I and Isabelle have strong relationship.”“Totoo po ba ang naging balit
Chapter 54Zane PovBumalik na kami sa bahay.“Okay ka lang?” saad ko.“Yeah, I’ll be okay,” tipid niyang sagot.Nang makapasok na kami sa bahay. Nagpahanda na rin ako ka agad ng meryenda namin.Habang naghihintay biglang tumunog ang door bell, ako na ang nagprisintang pumunta sa gate para tingnan kung sino ang nasa labas. Bumungad sa akin ang isang lalaki at may kasama itong mag-asawa na may edad na.“Yes? Kilala ko po ba kayo?” saad ko sa kanila.“Magandang araw po sir – ah Dr. Zane.”“Hindi na ako doctor. You can call me what you want.”“Ah Sir Zane magandang araw po. Ako po si Rico.”“Rico?”“Opo, yung kaibigan ni Pening? Ni Isabelle.”“Rico,” mahina kong sambit habang inaalala ang kanyang pangalan, “Rico, oo tama nakikilala na kita. Kumusta? Napadaan ka? Sino ba ‘tong mga kasama mo?“Sila po yung mga magulang ni Isabelle. Yung mga nakapulot sa kanya ng sanggol pa lamang sya.”Nabigla ako sa sinabi ni Rico, “wag ka ngang magbibiro ng ganyan Rico. Hindi nakakatawa okay?”“Hindi na
CHAPTER 1PENING’S POINT OF VIEWJackpot ‘to ngayon ang daming tapon sa fast food chain.“Nanay! Bilis may hamburger at spaghetti pati na rin fried chicken.” Binuhat ko ka-agad ang isang trashbag ng basura na naglalaman ng mga pagkain, bago pa ito makuha ng truck ng basura.“ ‘nay, tayo na po may pang haponan na tayo.” “Sige anak tayo na.”Ako nga pala si Pening ‘yon ang tawag nila sa akin. Hindi ko kinahihiya na sa basura lang ang hanap buhay namin. Hanggang High School lang ang natapos ko. Sina Nanay Pena at Tatay Berting ang nakalakihan kong mga magulang kaya Pening ang tawag nila sa akin. Napulot lang nila ako sa basurahan, hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at wala akong balak na kilalanin sila o hanapin. Kung buhay pa ba ang totoo kong magulang o baka wala na. Basta ang alam ko kung buhay man sila nakatatak na sa isip ko na wala silang pagmamahal sa akin kasi kung meron man, sana naging sapat na akong dahilan para magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Kaya kung a
Chapter 2ISABELLE LUCA “PENING” POINT OF VIEWUmaga ngayon at nandito na ako sa Parke. Hinihintay ko si Madam Viona na dumating dahil tatanggapin ko ang inalok n'ya sa akin na trabaho.Nagdadalamhati man ako pero susubukan ko ‘yong sinabing trabaho ni Madam Viona baka sakaling makatulong ‘yon sa akin.Panay pa rin ang iyak ko sa tuwing maalala ko silang dalawa. Sobrang hirap ang mabuhay mag-isa hindi ako sanay na wala sila. “Oh hello, mabuti at dumating ka ano nga ulit 'yong pangalan mo?” tanong ni Madam Viona sa akin pagdating n'ya.“Pening po.”“Okay Pening mukhang desidido kang makapagtrabaho ah.”“Opo Madam gustong-gusto ko po talagang makapagtrabaho, ano po ba ‘yong magiging trabaho ko?”“Basta maganda ang trabaho mo at kikita ka rito ng malaki. Pero bago ang lahat mukhang kailangan mo ng matinding transformation.” “Ano po ‘yong transformation?”“Naku! Napaka-inosente mo talaga halika na at sumama ka na sa akin. Binigyan kita kahapon ng pera para makabili ka ng damit pero hin
Chapter 3Doctor Zane Cuanco Point of View“No dad! It can’t be, panahon pa ni lolo ‘yang arrange marriage na ‘yan. Ayoko!”Pinatay ko agad ang cellphone ko at binato ko sa manibela.Nang biglang may malakas na tunog ang narinig ko. Ano 'yon? Putcha! Nakasagasa yata ako. Tinapakan ko ang preno at agad na lumabas at tiningnan ko ang nabangga ko. Isang magandang babae na punit-punit ang damit ang tumambad sa aking mga mata. Maraming tao ang nakakita at lumapit.“Naku! Tumawag na tayo ng ambulansya walang malay ‘yong babae oh,” sabi ng isang Ale.“Huwag po kayong mag-alala I’m a Doctor ako na po bahala sa kanya.”Tiningnan ko muna kung may na tamo bang injury ang babae. Hindi ko muna s’ya ginalaw.“Miss?” tawag ko sa kanya.Hindi s’ya nag-response, so I tap her shoulder.“Miss? Do you hear me? I’m Doctor Cuanco.”Wala pa rin s'yang response. Sinubukan ko munang ilapat ang tenga ko sa bibig n'ya para malaman kung humuhinga pa ba ang babae.“Shocks! She’s not breathing.”Kaya agad kong sin
Chapter 4Isabelle Luca “Pening” Point of ViewTapos na kaming kumain ni Dr. Zane gusto n'yang maglakad-lakad kami sa tabi ng dagat.Sumunod naman ako sa gusto nito.“Pening may gusto sana akong itanong sayo.”“Ano po ‘yon doc?”“Napansin ko lang 'yang kwentas mo may nakalagay kasing Isabelle.”“Ah ito po ba doc? Sabi nila Nanay Pena suot ko raw 'to no’ng tinapon ako ng mga magulang ko.”“ 'Yan siguro ang tunay mong pangalan.”“Siguro.”“Alam mo bagay sayo, Isabelle.”“Mas gusto ko pa rin po 'yong Pening doc.”“Mas maganda ang Belle.”“Ginawa nyo naman po akong tiyan niyan doc.”“Huh? Bakit?”“Kasi Belle! Belle Belle sa tyan.”“Ikaw talaga palabiro ka pala, pero seryoso maganda ang pangalan mo kasing ganda mo.”“Wala namang basurerang maganda.”“Meron, ikaw.”Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Doc Cuanco.“Kaya simula ngayon Belle na ang itatawag ko sayo. By the way about pala sa i-aalok ko saiyo. I decided to hire you para makapagtrabaho ka dito,dito mismo sa Resort, naawa kasi ak
Chapter 5Isabelle Luca “Pening” Point of View“Doc saan po tayo pupunta?” tanong ko kay Doctor Zane.“Sa bahay may emergency kasi.”“Bakit n’yo pa po ako isasama?”“Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nagawa ni lolo sa’yo ‘yon, kaya isasama nalang kita para na rin sa kaligtasan mo.”Hindi na ako umimik pero laking pasasalamat ko sa kabaitang ipinapakita ni Dr. Zane sa akin.Iniwanan ko na ang trabaho ko at agad na nagbihis.Mabilis kaming nagtungo sa bahay nila ni Dr. Zane Cuanco. Bakas sa mukha n’ya ang pag-alala kung ano bang emergency ang tinutukoy ng kanyang ama.Nang dumating na kami namangha ako sa sobrang laki at lawak ng kanilang bahay.“Halika na Isabelle pasok ka,” sumunod naman ako kaagad.Third Person Point of ViewSinalubong sina Dr. Zane at Isabelle ni Zack Cuanco ang ama ni Dr. Zane Cuanco.“Mabuti naman iho at nakarating ka,” saad ni Zack sa kanyang anak.“Ano bang emergency ang nangyari dad?”Hindi pa nakasagot ang ama nito pero biglang sumingit sa usapan si Mrs.
Chapter 6Isabelle PovMakulimlim na ng makarating kami sa sinasabing bahay ni Doctor Zane Cuanco. Sa Inaasahan ko malaki at malawak din ito katulad ng bahay nila, na na una naming na puntahan.“Doc wala bang nakatira rito?”“Meron naman, mga multo,”“Totoo?”Tumawa s’ya sa akin, “Joke lang. May nakatira naman dito mga caretakers ko. Halika do’n tayo sa loob.” Sumunod naman ako kay Dr. Zane.Sobra akong namangha pagpasok ko ng kanyang bahay. Para itong palasyo sa ganda at laki. Pati ang mga disenyo sa loob ng bahay ay mala-palasyo ang dating para ka talagang nasa isang palabas ng tv. “Wow! Doc ang ganda pala ng bahay mo, para akong nasa totoong palasyo.”Napatawa s’ya sa sinabi ko.“Yup, pinadisensyo ko talaga ‘to na parang palasyo. Gusto ko kasing itira dito ang aking Reyna at aming magiging mga anak. Pangarap ko ‘yon, pero mukhang hindi na matutupad ang pangarap kong ‘yon kasi wala na akong kawala sa arrange marriage na ‘yan. Hindi ko na mahahanap ang aking magiging Reyna sa bahay