CHAPTER 1
PENING’S POINT OF VIEWJackpot ‘to ngayon ang daming tapon sa fast food chain.
“Nanay! Bilis may hamburger at spaghetti pati na rin fried chicken.” Binuhat ko ka-agad ang isang trashbag ng basura na naglalaman ng mga pagkain, bago pa ito makuha ng truck ng basura.“ ‘nay, tayo na po may pang haponan na tayo.” “Sige anak tayo na.”Ako nga pala si Pening ‘yon ang tawag nila sa akin. Hindi ko kinahihiya na sa basura lang ang hanap buhay namin. Hanggang High School lang ang natapos ko. Sina Nanay Pena at Tatay Berting ang nakalakihan kong mga magulang kaya Pening ang tawag nila sa akin.
Napulot lang nila ako sa basurahan, hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at wala akong balak na kilalanin sila o hanapin. Kung buhay pa ba ang totoo kong magulang o baka wala na. Basta ang alam ko kung buhay man sila nakatatak na sa isip ko na wala silang pagmamahal sa akin kasi kung meron man, sana naging sapat na akong dahilan para magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Kaya kung ayaw nila sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanila. Busog naman ako sa pagmamahal ni Nanay Pena at Tatay Berting.“Hi Pening, kailan mo ba ako sasagutin?”
Hay naku nandito na naman si Rico kapwa ko basurero, alangan namang isang hari ang manliligaw ko di ba? Daig ko pa si Cinderella no’n kung nagkataon.“Ano ba Rico, sinabi ko na sayo na wala kang pag-asa sa akin.”“Aray! Sobrang sakit naman no’n mahal kong Pening. Bakit ba ayaw mo sa akin? Eh maganda ka ‘tsaka maputi at ako naman matangkad guwapo, o di ba bagay na bagay tayo? Amoy basura nga lang.”“Alam mo Rico, wala pa sa ‘kin ‘yang pagmamahal na ‘yan ang gusto ko bahay ‘yon ang matagal ko ng pangarap Rico.”“Pening, sagutin mo lang ako ngayon at ako na bahalang maghahanap ng matutulogan mo araw-araw.”“Bahala ka na nga riyan. Maghanap ka ng matulogan mo.”Iniwan ko na si Rico at pumunta na ako kung saan nando’n si Nanay at Tatay.“Na riyan ka na pala anak, halika na’t kakain na tayo,” saad ni Nanay Pena.“Sige po ‘Nay.”Walang anak sina Tatay Berting at Nanay Pena kaya lahat ng pagmamahal ng mga magulang binuhos nila sa akin, kaya sobrang mahal na mahal ko rin sila.Pangarap ko talaga na makatira kami kahit man lang sa isang munting bahay ‘yong kahit nagbabasura lang kami araw-araw pero may inuuwian kaming bahay. Nakakapagod din kasing makipaghabolan ng matutulogan gabi-gabi, kung minsan nga’y sinisita pa kami ng mga tanod o kaya mga may-ari ng tindahan kasi nando’n kami sa harapan ng kanilang tindahan nakahiga tuwing sasapit ang gabi.Kagaya ng kalagayan namin ngayon, gabi-gabi maghahanap kami ng pwestong matutulogan. Marami rin kasing mga basurero na gaya namin na nasa lansangan pa laboy-laboy walang permanenting nauuwian. Ito ang nakalakihan kong buhay. Madungis, mabaho at palaging gutom.Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming humiga sa hinandang tulugan ni Tatay Berting.
“Wow ‘Tay! Bakit may pa kama po tayo ngayon?” “Malaki-laki kasi ang kinita ko kanina sa pangangalakal anak, kaya naisipan kong magrenta ng kama. Trenta lang naman ang dalawang kama na ‘to ‘tsaka di ba birthday mo na bukas anak? At bukas ay hindi tayo kakain ng basura ibibili kita ng pansit do’n sa karenderyang may masungit na tindera. May two hundred pa naman akong naitabi pagkakasyahin natin ‘to bukas,” saad ni Tatay Berting.“ ‘tay naman doon pa talaga sa may masungit na tindera ‘Tay? Naalala ko nga no’n may customer sila na kumain do’n sa kanila tapos sabi ng customer, Miss libre ba ang sabaw? Agad naman n'yang binigyan ‘Tay. Nangangalakal ako ng panahong ‘yon kaya lumapit ako sa babaeng 'yon nanghingi rin ako ng sabaw kasi libre, pero alam mo ‘Tay? Pinaalis ako kasi ang baho ko raw at nakakamalas sa paninda n’ya.”“Kawawa naman ang anak ko. 'Wag kang mag-alala anak bukas bibili tayo ng pansit at sabaw maghahanap tayo ng ibang karenderya.”“Salamat po sa pa kama ngayong gabi ‘Tay pero 'wag n'yo na po 'yang gastusin bukas ang pera mo 'Tay. Iponin na lang natin ‘yang pera 'Tay.”“Okay lang naman anak, kaya nga sinisikapan ko talaga kanina ang paghahanap ng mga kalakal, plastik at kung anu-ano pang pwedeng mabinta para may mahanda kami ng Nanay mo sayo bukas.”“Tay, alam ko naman po na mahal na mahal n'yo po ako ni Nanay at araw-araw ko po 'yong pinagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pagmamahal n'yo. Gusto ko lang naman 'Tay makaipon tayo para may pang araw-araw tayo. At saka hindi ko naman talaga birthday bukas 'Tay.”“Anak ika-dalawampu’t lima mo na bukas, ‘yan ang buwan at araw na dumating ka sa buhay namin ni Pena at simula sa araw na ‘yon mas naging masaya kami ni Pena dahil binigay ka sa amin ng Panginoon. Nagkaroon na kami ng isang prinsesa.”Naiyak ako sa mga sinabi ni Tatay Berting kasi kahit tinapon ako ng sarili kong mga magulang pero tinuring naman akong prinsesa ng mga nakapulot sa akin. Niyakap ko si Nanay Pena at Tatay Berting.Sana lahat ng mga tinatapon na bata may makakapulot na katulad nina Nanay at Tatay na kahit salat man sa buhay, mayaman naman sa pagmamahal.“S’ya nga pala Pening panahon na para ibigay ko ito sa'yo,” saad ni Nanay.“Ano po ‘yan ‘Nay?”“Ang kwentas mo.”“Kwentas po? May kwentas po ako 'Nay?”“Oo anak, suot-suot mo ‘yan no’ng araw na napulot ka namin. Tinago ko lang muna kasi bata ka pa at saka baka manakaw. Marami pa namang magnanakaw rito sa kalsada.”May naka lagay na Isabelle sa kwentas siguro ito talaga ang tunay na pangalan ko.“Huwag mo na pong ibigay sa akin ‘yan 'Nay ibenta mo na lang ‘yan o kaya isangla mo tapos bili tayo ng maraming-maraming pagkain 'Nay.”“Anak ano bang nakasulat dito sa kwentas? Hindi kasi kami marunong magbasa ng Tatay mo.”“Isabelle po, Isabelle po ang nakalagay.”“Ito siguro ang totoo mong pangalan anak. Isabelle ang gandang pakinggan anak bagay na bagay sayo. Gusto mo ba ito ang itatawag namin sayo?”“Ayoko ‘Nay, mas maganda po ang Pening ibenta n’yo na lang ‘yan ‘Nay, para hindi manakaw at makakabili pa tayo ng mga pagkain.”“Anak kunin mo ito, alam kong galit na galit ka sa kung sino man ang mga magulang mo pero alam ko rin anak na dadating din ang araw hahanapin mo rin sila. Aalamin mo pa rin ang tunay na pagkatao mo at isa ito sa magiging susi upang makilala ka nila.”“ ‘nay, ayoko na po silang makilala kaya hindi ko po ‘yan tatanggapin.”“Anak kunin mo na 'yan, isipin mo nalang na regalo namin sayo ‘yan ‘wag mo na lang isipin na galing ‘yan sa mga tunay mong magulang para hindi sumama ang loob mo,” saad sa akin ni Tatay Berting.Kinuha ko na lang ang kwentas kasi hindi talaga sila titigil dalawa. Ayoko sa kwentas na ‘to. Ayoko sa kung sino man ang magulang ko pero sinuot ko pa rin kasi ‘yon ang gusto ng mga kinikilala kong mga magulang.
Kinabukasan…
Maaga akong naghanap ng mga kalakal sa mga basurahan at sa daan para may ma-ibenta.Nilibot ko ang buong parke at mga daan pinupulot ko 'yong mga binabasura ng iba. Ang lahat na pwedeng ibenta pinupulot ko. Gusto kong makaipon para maibigay ko sa kanila ni Tatay, kasi uubusin talaga ni Tatay ang two hundred pesos n'yang kinita kahapon para lang makabili ng pansit at sabaw sa birthday ko.Nakapuno na ako ng tatlong sako ng mga basura. Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo muna ako rito sa Parke. Tinitingnan ko ang mga taong masayang gumagala rito kasama ang pamilya nila habang kumakain sa mga klase-klaseng pagkain na binebenta malapit dito sa parke.“ Hi! I’m Madam Viona, you look beautiful, maganda ka iha.” Biglang may isang babaeng lumapit sa akin at kina-usap ako.“Hindi naman po ako maganda ang dungis-dungis ko nga po eh,” sagot ko naman sa kanya.“Madungis ka nga pero tingnan mo ang mukha mo ang ganda at ang puti mo. Kunting ligo lang at magbihis ka ng damit na bagay sayo tiyak kahit ikaw sa sarili mo hindi mo makikilala.”“Wala naman po akong damit na maisusuot, wala akong pera pambili no’n.”“Walang problema ‘yan may e-aalok ako sa'yong trabaho, tiyak na magugustohan mo ito. Magkakaroon ka pa ng maraming-maraming pera at ng mga bagong damit, makakakain ka pa ng kahit anong gusto mong pagkain. Mabibili mo na ang mga gusto mo.”“Talaga po? Ano pong trabaho?”“Bukas bumalik ka rito sa Parke ganitong oras din sasama ka sa akin ituturo ko sayo kung anong trabaho.”“Si-sige po.” “O s’ya mauna na ako. Ito nga pa lang isang libo. Bibilhin ko na ‘yang mga basurang kinuha mo iwan mo na lang ‘yan diyan.”“Naku po! Sobra-sobra na po ito.”“Sige na kunin mo na ‘to, bumili ka ng presentableng damit ‘yong babagay sayo at bumalik ka rito bukas.”“Sige po ang bait n'yo naman. Maraming salamat po talaga nito.”Naglakad na paalis si Madam Viona grabe ngayon pa lang ako nakakahawak ng isang libo. Bibili ako ngayon ng maraming pagkain at ibibigay ko kay Nanay Pena ang perang matitira. Magandang balita ‘to magkakaroon ako ng trabaho at kapag mangyari iyon iiponin ko ang sweldo ko at sisikaping magkaroon kami ng bahay kahit maliit lang para hindi na kami maghahanap pa ng basura. Ang saya-saya ko sa isiping iyon.Nang hindi ko na nakikita sa Madam Viona napagdesisyonan kong ibenta pa rin ang tatlong sakong napuno ko baka kunin ng ibang namamasura. Inisa-isa kong binuhat at ibeninta sa malapit na Junkshop, sobrang bigat pero nakakaya ko. Maraming salamat talaga sa biyaya ko ngayon Lord.Hapon na ng makarating ako sa pinu-pwestuhan naming higaan dala ko ang isang supot ng pansit na sobrang dami at isang supot din ng kanin. Sabik na sabik akong ibalita kina Nanay at Tatay na may magiging trabaho na ako. Bumili rin ako ng tatlong t-shirt para sa amin.“Oh, Rico? Andito ka na naman?”Nadatnan ko si Rico na mukhang may hinihintay.“Pening!!!” nanginginig si Rico habang nagsasalita kaya kinabahan na ako at nag-aalala sa kanya.“Hoy Rico, okay ka lang ba?”“Pening kasi- ano ah ‘wag kang mabibigla ha?”“Bakit? Ano bang nangyayari sayo?”Ngayon ko lang nakita si Rico na ganito ka putla.“Si- si Manong Berting at si Manang Pena kasama sa natabunan ng lupa kanina sa dam site ng mga basura!”“Ha?! Ano?! Rico ‘wag kang magbibiro ng ganyan hindi nakakatawa ha?”“Pening! Totoo, totoo ang mga sinasabi ko. Biglang bumigay ang lupa kanina kaya nagka-landslide, habang si Manang Pena at Manong Berting ay nasa baba namamasura. Kitang-kita ko ang nangyari Pening.”“Hindi!!! Hindi!!! Hindi!!! Hindi pwede Rico! Hindi pwede! Hindi totoo ‘yan!”Humagulhol na ako sa kakaiyak hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.“ ‘nay!!! ‘Tay!!! Bakit n’yo ako iniwan?”Iniyak ko lang nang iniyak ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Niyakap ako ni Rico ng mahigpit ng mga sandaling iyon. Kung bangongot man ‘to gusto ko ng magising.“Pening 'wag kang mag-alala nandito lang ako para sa'yo. Dadamayan kita bilang kaibigan mo,” saad ni Rico“Salamat Rico, Alam mo, ito ‘yong pinakamasakit na araw na nangyari sa buong buhay ko. Ito ang pinaka pangit na birthday. Rico hindi ko alam, hindi ko alam paano magsisimula ng buhay na wala sila. Hindi ko kaya Rico gusto kong sumunod na sa kanila. Sana hindi ako namasura sa ibang direksyon. Sana sumama nalang ako sa kanila kanina para sama-sama kaming tatlo. Sana nakasama nila ako. Hindi sana ako ngayon nag-iisa.”“Tahan na Pening ‘wag kang magsasalita ng ganyan. Kailangan mong maging matatag andito lang ako palagi para sayo.”“Salamat Rico.”Chapter 2ISABELLE LUCA “PENING” POINT OF VIEWUmaga ngayon at nandito na ako sa Parke. Hinihintay ko si Madam Viona na dumating dahil tatanggapin ko ang inalok n'ya sa akin na trabaho.Nagdadalamhati man ako pero susubukan ko ‘yong sinabing trabaho ni Madam Viona baka sakaling makatulong ‘yon sa akin.Panay pa rin ang iyak ko sa tuwing maalala ko silang dalawa. Sobrang hirap ang mabuhay mag-isa hindi ako sanay na wala sila. “Oh hello, mabuti at dumating ka ano nga ulit 'yong pangalan mo?” tanong ni Madam Viona sa akin pagdating n'ya.“Pening po.”“Okay Pening mukhang desidido kang makapagtrabaho ah.”“Opo Madam gustong-gusto ko po talagang makapagtrabaho, ano po ba ‘yong magiging trabaho ko?”“Basta maganda ang trabaho mo at kikita ka rito ng malaki. Pero bago ang lahat mukhang kailangan mo ng matinding transformation.” “Ano po ‘yong transformation?”“Naku! Napaka-inosente mo talaga halika na at sumama ka na sa akin. Binigyan kita kahapon ng pera para makabili ka ng damit pero hin
Chapter 3Doctor Zane Cuanco Point of View“No dad! It can’t be, panahon pa ni lolo ‘yang arrange marriage na ‘yan. Ayoko!”Pinatay ko agad ang cellphone ko at binato ko sa manibela.Nang biglang may malakas na tunog ang narinig ko. Ano 'yon? Putcha! Nakasagasa yata ako. Tinapakan ko ang preno at agad na lumabas at tiningnan ko ang nabangga ko. Isang magandang babae na punit-punit ang damit ang tumambad sa aking mga mata. Maraming tao ang nakakita at lumapit.“Naku! Tumawag na tayo ng ambulansya walang malay ‘yong babae oh,” sabi ng isang Ale.“Huwag po kayong mag-alala I’m a Doctor ako na po bahala sa kanya.”Tiningnan ko muna kung may na tamo bang injury ang babae. Hindi ko muna s’ya ginalaw.“Miss?” tawag ko sa kanya.Hindi s’ya nag-response, so I tap her shoulder.“Miss? Do you hear me? I’m Doctor Cuanco.”Wala pa rin s'yang response. Sinubukan ko munang ilapat ang tenga ko sa bibig n'ya para malaman kung humuhinga pa ba ang babae.“Shocks! She’s not breathing.”Kaya agad kong sin
Chapter 4Isabelle Luca “Pening” Point of ViewTapos na kaming kumain ni Dr. Zane gusto n'yang maglakad-lakad kami sa tabi ng dagat.Sumunod naman ako sa gusto nito.“Pening may gusto sana akong itanong sayo.”“Ano po ‘yon doc?”“Napansin ko lang 'yang kwentas mo may nakalagay kasing Isabelle.”“Ah ito po ba doc? Sabi nila Nanay Pena suot ko raw 'to no’ng tinapon ako ng mga magulang ko.”“ 'Yan siguro ang tunay mong pangalan.”“Siguro.”“Alam mo bagay sayo, Isabelle.”“Mas gusto ko pa rin po 'yong Pening doc.”“Mas maganda ang Belle.”“Ginawa nyo naman po akong tiyan niyan doc.”“Huh? Bakit?”“Kasi Belle! Belle Belle sa tyan.”“Ikaw talaga palabiro ka pala, pero seryoso maganda ang pangalan mo kasing ganda mo.”“Wala namang basurerang maganda.”“Meron, ikaw.”Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Doc Cuanco.“Kaya simula ngayon Belle na ang itatawag ko sayo. By the way about pala sa i-aalok ko saiyo. I decided to hire you para makapagtrabaho ka dito,dito mismo sa Resort, naawa kasi ak
Chapter 5Isabelle Luca “Pening” Point of View“Doc saan po tayo pupunta?” tanong ko kay Doctor Zane.“Sa bahay may emergency kasi.”“Bakit n’yo pa po ako isasama?”“Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nagawa ni lolo sa’yo ‘yon, kaya isasama nalang kita para na rin sa kaligtasan mo.”Hindi na ako umimik pero laking pasasalamat ko sa kabaitang ipinapakita ni Dr. Zane sa akin.Iniwanan ko na ang trabaho ko at agad na nagbihis.Mabilis kaming nagtungo sa bahay nila ni Dr. Zane Cuanco. Bakas sa mukha n’ya ang pag-alala kung ano bang emergency ang tinutukoy ng kanyang ama.Nang dumating na kami namangha ako sa sobrang laki at lawak ng kanilang bahay.“Halika na Isabelle pasok ka,” sumunod naman ako kaagad.Third Person Point of ViewSinalubong sina Dr. Zane at Isabelle ni Zack Cuanco ang ama ni Dr. Zane Cuanco.“Mabuti naman iho at nakarating ka,” saad ni Zack sa kanyang anak.“Ano bang emergency ang nangyari dad?”Hindi pa nakasagot ang ama nito pero biglang sumingit sa usapan si Mrs.
Chapter 6Isabelle PovMakulimlim na ng makarating kami sa sinasabing bahay ni Doctor Zane Cuanco. Sa Inaasahan ko malaki at malawak din ito katulad ng bahay nila, na na una naming na puntahan.“Doc wala bang nakatira rito?”“Meron naman, mga multo,”“Totoo?”Tumawa s’ya sa akin, “Joke lang. May nakatira naman dito mga caretakers ko. Halika do’n tayo sa loob.” Sumunod naman ako kay Dr. Zane.Sobra akong namangha pagpasok ko ng kanyang bahay. Para itong palasyo sa ganda at laki. Pati ang mga disenyo sa loob ng bahay ay mala-palasyo ang dating para ka talagang nasa isang palabas ng tv. “Wow! Doc ang ganda pala ng bahay mo, para akong nasa totoong palasyo.”Napatawa s’ya sa sinabi ko.“Yup, pinadisensyo ko talaga ‘to na parang palasyo. Gusto ko kasing itira dito ang aking Reyna at aming magiging mga anak. Pangarap ko ‘yon, pero mukhang hindi na matutupad ang pangarap kong ‘yon kasi wala na akong kawala sa arrange marriage na ‘yan. Hindi ko na mahahanap ang aking magiging Reyna sa bahay
Chapter 7Dr. Zane Cuanco Pov10 minutes later…Tapos na akong maligo at nakabihis na rin. Binuksan ko na ang pinto at bababa na ako ng kuwarto para pumunta na sa kitchen.“Sino ka? Magnanankaw! May nakapasok na magnanankaw! Pablo, Jeric bilis may babae sa kusina!” rinig na rinig ko ang tili ni Nanay Belin.Tumakbo na ako patungo sa kusina.“Sandali! Sandali! Nanay Belin si Isabelle po ‘yan kaibigan ko.”Biglang kumalma si Nanay Belin at napahawak sa kanyang dibdib.“Gano’n ba? Pasensya ka na iho, pasensya na rin Isabelle ngayon lang kasi kita nakita,” saad ni Nanay Belin.“Okay lang po Nanay Belin.”Bakas sa mukha ni Isabelle na natatakot kay Nanay Belin. Pawis na pawis ito at halatang na pagod sa kakaluto.“Belle magbihis ka na muna, basang-basa ka ng pawis.”“Zane wala kasi akong dalang damit. Nando’n lahat sa Resort.”“Ay, oo nga pala. Do’n ka na lang sa kwarto ko, magshower ka do’n tapos pumili ka ng damit ko ‘yon muna suotin mo may kakasya naman sa’yo siguro. Tsaka may mga damit
Chapter 8Scarlette Smith Pov“Bwisit talaga, bwisit!” galit kong bulalas.“Uy best ano bang nangyari sa’yo?” saad naman ng kaibigan kong si Clarisse sa akin.“Sabi ni Tito Zack ako lang daw ang bahala sa mga kailangan ng kasal. They just support me financially. Pero Clarisse alam mo naman 'di ba? Hindi ang pera ang kailanagan ko, marami akong pera. Si Zane ang kailangan ko, s’ya lang.”“Wala kang magagawa d’yan kung ayaw ni Zane, hayaan mo na nga lang ‘yon ang importante wala s’yang choice kundi ang ikasal sa’yo.”Napangiti ako sa sinabi ni Clarisse.“Well, what Scarlette wants? Scarlette gets.”Pumasok na kami sa isang wedding store.“Good morning ma’am!” bati ng isang staff nila rito.“Good morning, ikakasal kasi ako I’m looking for a wedding coordinator.”“Great! I am Bry Alvarez at your service. Upo muna kayo ma’am.”“Oh thanks.”“First ano bang gusto n’yong motif?”“Motif?”“Yeah the color theme of your wedding.”“Ah okay, I want red.”“Wow it’s great color ma’am.”“Yeah I know.
Chapter 9Isabelle PovTatlong araw na ang nakalilipas. Mula no’ng nangyaring nahawakan ni Zane ang dibdib ko, pero hindi pa rin ako mapakali.Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kamay n’ya sa dibdib ko.Umaga ngayon mas pinili kong mamasyal sa labas ng kanyang bahay. Hanggang nakarating ako sa lugar na napapalibutan ng mga bulaklak.“Puwede kayang mamitas rito?” bulalas ko sa mahinang tono.“Pwede naman.”“Ay kabayong, walang paa!” nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likoran ko.“Ikaw pala Zane, ginulat mo naman ako.”Tumawa s’ya saglit at sinabing, “Sorry, hinahanap kasi kita pagkagising ko.”“Huh? Bakit naman.”“Wala lang, nababagot na kasi ako rito. And I’m sure nababagot ka na rin.”“Okay lang naman ako Zane.”“May na isip kasi ako, ano tara?”“Huh? Sa’n?”“Basta.”Biglang hinawakan ni Zane ang kamay ko at hinila ako.Nagulat ako sa ginawa n’ya pero sumunod pa rin ako sa kanya.Medyo malayo ng kunti ang nilakad namin.Hanggang sa nakarating kami sa sobrang lawak na damuhan.
Chapter 54Zane PovBumalik na kami sa bahay.“Okay ka lang?” saad ko.“Yeah, I’ll be okay,” tipid niyang sagot.Nang makapasok na kami sa bahay. Nagpahanda na rin ako ka agad ng meryenda namin.Habang naghihintay biglang tumunog ang door bell, ako na ang nagprisintang pumunta sa gate para tingnan kung sino ang nasa labas. Bumungad sa akin ang isang lalaki at may kasama itong mag-asawa na may edad na.“Yes? Kilala ko po ba kayo?” saad ko sa kanila.“Magandang araw po sir – ah Dr. Zane.”“Hindi na ako doctor. You can call me what you want.”“Ah Sir Zane magandang araw po. Ako po si Rico.”“Rico?”“Opo, yung kaibigan ni Pening? Ni Isabelle.”“Rico,” mahina kong sambit habang inaalala ang kanyang pangalan, “Rico, oo tama nakikilala na kita. Kumusta? Napadaan ka? Sino ba ‘tong mga kasama mo?“Sila po yung mga magulang ni Isabelle. Yung mga nakapulot sa kanya ng sanggol pa lamang sya.”Nabigla ako sa sinabi ni Rico, “wag ka ngang magbibiro ng ganyan Rico. Hindi nakakatawa okay?”“Hindi na
Chapter 53Zane Pov“Anak? Come to daddy.”Ngumiti lamang ang anak kong si Ace.Napabalikwas ako ng magising.“Anak,” I murmured. Palagi ko na lang napapanaginipan ang anak ko.Kumusta na kaya siya? Ipinapakilala kaya ni Isabelle na ako ang ama niya?Napabuntong hininga na lang ako.I miss Ace so badly.Hindi ko namalayang pumapatak na ang luha sa aking mga mata.Sana magkita tayo ulit anak.Sana sumang-ayon ang panahon.Bumaba ako sa sala at ini-on ang tv.Nakakuha ng aking pansin ang isang interview ni Dr. Albert.Ang doctor na nag-alaga kay Isabelle no’ng nabaril ito ni Maria.“Magreretiro ka na raw po ba Dr. Albert?” tanong ng interviewer.“Mga next year na siguro pagka graduate ng misis ko,” masaya nitong saad.“Isa ka sa mga napakagaling na doctor, ngunit batid ng marami na sobrang layo ng agwat ng edad niyo ng misis niyo. Okay lang po ba sa inyo ‘yon?”“Nasanay na kami ng asawa ko sa mga panlalait na ‘yan. I and Isabelle have strong relationship.”“Totoo po ba ang naging balit
Chapter 52Scarlette PovI won’t waste any chances to win Zane back, grabi sobrang gulo na talaga ng nangyayari sa buhay ko kahit ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganito.Pero atleast this time alam kong may laban na ako, kaya lang ang tanga ko kasi nakipag annuled ako kay Zane.Pero okay na din kahit nang yari yun kasi naramdaman ni Zane na may lugar pa rin ako sa puso niya kahit pa nasa sulok lang.Biglang tumunog ang cellphone ko.Sino bang tatawag sa ganitong oras? Maghahating gabi na.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong unregistered contact ang tumatawag sa akin.“Hello? Sino ‘to?” saad ko.“Si Mrs. Cuanco po ba ito? Mrs. Scarlette Cuanco?”“Noon Mrs. Cuanco, hindi na ngayon,” sagot ko naman sa kabilang linya.“Ah gano’n po ba ma’am? Kayo kasi ang nakalagay sa emergency contact sa i.d ni sir.”Hindi pa pala nagpa change status ang ex ko.“Okay so bakit ka napatawag? Ano bang nangyari kay Zane? At tsaka sino ba ‘to?”“Ano kasi ma’am nagwawala po kasi ang a
Chapter 512 years later…Isabelle PovMasaya ako kasi sa hinaba-haba ng proseso, finally annuled na rin si Zane at Scarlette.Hindi na ako matatawag na kabit.Nandito kami ni Zane ngayon sa isang restaurant just to celebrate.When I stared at him para siyang lutang at malalim ang iniisip.“Hey love what’s wrong?” I asked him.“Huh? Ah wala.”“Kanina ka pa kasi nakatitig lang sa pagkain.”“I’m sorry sobrang stress lang talaga sa ospital.”“Okay,” tipid kong sagot.Pero hindi ko maiwasang isipin na baka nagsisi s’ya sa annulment nila.Napabuntong hininga na lang ako sa isiping yun.Mabilis ang takbo ng oras, naka-uwi na kami ngayon ni Zane sa bahay.Tahimik pa rin siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, “Zane ano ba? Para ka namang hindi masaya! We are supposed to celebrate pero sa iinaasta mo para kang namatayan!”“Belle naman pagtatalunan ba natin ‘to? Busy lang talaga ako sa work. Masaya ako ngayon okay? May mga bagay lang na gumugulo sa isip ko.”“Bagay? O ang ex-wife mo! Ta
Chapter 50Dr. Zane PovSobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.Finally I can be with the girl I want, to the girl I loved.Palabas na kami ngayon ni Isabelle sa coffee shop dito sa mall.“Love, I feel pity to Scarlette,” saad niya habang naglalakad kami.“Ako rin naman naaawa rin ako sa kanya pero mas mabuti na rin natinanggap na niya ang lahat, mahal na mahal kita Isabelle.”“Mahal na mahal din kita Zane.”Papunta na kami ngayon sa bahay nila isabelle. Kinakabahan ako sa mga sandaling ito, sari-saring emotion, pero bahala na.Gusto ko na talagang makita ang anak ko at mayakap ulit.Ilang minuto na ang lumipas.“We’re her!” saad ni Isabelle.Bumaba na kami sa kanyang sasakyan at nagtuloy-tuloy na ang lakad papasok sa kanilang bahay.Pagbukas ng pinto ay nagulat ang mga magulang ni Isabelle dahil nandito ako ngayon.“Anak anong ibig sabihin nito?” tanong ni Mrs. Luca, mommy ni Isabelle.“Mom?Dad, kami na ulit ni Zane. Scarlette gave up and they both agreed to file an an
Chapter 49Dr. Zane Cuanco PovNandito na ako ngayon sa hotel na kinuha ni Scarlette.Agad na akong pumasok, tumambad sa akin ang mapang-akit nitong katawan.As always, palagi siyang may pa sorpresa sa akin.“Hi babe, I miss you.”Agad itong lumapit at humalik sa akin.Tinugonan ko lang ito ng saglit.“What’s the matter babe? Hindi mo ba ako na miss?” padabog nitong tanong sa akin.“Pagod lang ako,” pagsisinungaling ko sa kanya.Sa oras na ‘to gusto kong magalit sa kanya, gusto kong sabihin ang lahat ng alam ko. Pero nangako ako kay Isabelle na hindi ko ipapaalam kay Scarlette ang tungkol sa anak namin ni Isabelle.“Hello? Ako lang yata ang nakakamiss sa’yo. You act like parang nagkita na naman kayo ng ex mo. Ganyan ka kasi wala sa sarili pag may bumabagabag sa’yo. Tell me, bakit ganyan ang mood mo? Hindi mo na ba ako mahal? Nawala na ang lugar ko sa puso mo? Ex mo ba o may nakilala ka ng magandang foreigner na doctora rito.”“Scarlette stop it, pagod lang ako.”“Ah- I’m
Chapter 48Dr. Zane PovWhat if hindi pinalaglag ni Isabelle ang anak namin?Sari-sari ang mga pumasok sa isip ko, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kaya inisip kong mabuti at inalala kung kailan namin nalaman na buntis s’ya hanggang sa nakulong kami at hanggang ngayon.Bumilis ang tibok ng puso ko ng magtugma ang lahat ng computation ko sa buwan ng pagbubuntis ni Isabelle.Nasa labas ako ngayon ng clinic at hindi na ako mapakali, kaya na-isip kong kausapin si Isabelle para malaman ko na ang totoo at masagot ang lahat ng mga katanungang nabuo sa isip ko.I knock the door then open it. Bumungad sa aking paningin si Isabelle habang karga-karga niya ang baby.“Ha-hi Belle.”Pasimple lang itong ngumiti.“Can I talk you?”She nodded.“May gusto sana akong itanong.”“Tungkol saan?”“Tungkol sa anak mo Belle.”I take a deep breath, “Anak ko ba s’ya? Anak ba natin s’ya?”Halata sa mukha ni Isabelle ang pagkabigla sa tanong ko.“Please Belle I want a truth
Chapter 47Dr. Zane Pov Nandito na ako ngayon sa States it’s my first day dito.My phone beep. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at binasa ito.“Hi babe nasa States ka na ba?”After I read the message, i click the video call button to update my wife.“Hi babe,” saad ko ng masagot na nya ito.“Hello babe, buti tumawag ka.”“Para hindi na mag-alala ang asawa ko.”“Hayst! How I wish I can be with you right now.”“Madali lang ang three months babe, kakayanin mo yan, kakayanin ko rin.”“Kakayanin ko babe, basta pag-uwi mo magbabakasyon tayo ha?”“Yes babe, anything for my wife.”“Ah so sweet.”“Babe can I take some rest? Napagod kasi ako sa biyahi.”“Sure babe take your time, I love you.”“I love you too.” Binaba ko na ang aking cellphone at humiga na ako sa kama.Hanggang sa naka-idlip na ako.Scarlette PovSobrang tamis ng mga ngiti ko ngayon, dahil alam kong akin na ang asawa ko, akin lang.(door bell rings)“Sino kaya yun?” Agad na akong lumabas at tiningnan ku
Chapter 46Third Person Pov6 months later….“Mr. Tan, eto na po lahat ang files tungkol sa pagkatao ni Isabelle Luca mula ng pagkabata niya,” saad ng Private Investigator ni Mr. Tan, sabay lahad ng isang malaking envelope. Binasa niyang lahat ang mga ito at nakita ang mga litrato na buntis ito.“Kompermado buntis nga si Isabelle!” saad ni Mr. Tan.“Yes po Mr. Tan at ang apo niyo po ang ang ama.”“Totoo ba yang pinagsasabi mo?”“Yes po Mr. Tan buong pagkatao ni Isabelle ang ni research ko, kaya alam ko ang lahat.”“ Alam mo ba kung nasa’n siya? O kaya ang kumpletong address niya?”"Nasa America na po siya nakatira Mr. Tan at ang kanyang mga magulang labas masok nalang dito sa Pilipinas."“Book me a flight pupunta tayo bukas kay Isabelle,” saad ko.“Yes po sir.”Dr. Zane PovConference namin ngayon ng mga doctor, dahil may mahalagang pag-uusapan.“As the head doctor kailangan kong pumili kung sino ang ipapadala sa States for the summit, "Sino ba sa tiningin niyo ang pwede nati