Chapter 3
Doctor Zane Cuanco Point of View
“No dad! It can’t be, panahon pa ni lolo ‘yang arrange marriage na ‘yan. Ayoko!”Pinatay ko agad ang cellphone ko at binato ko sa manibela.
Nang biglang may malakas na tunog ang narinig ko. Ano 'yon? Putcha! Nakasagasa yata ako. Tinapakan ko ang preno at agad na lumabas at tiningnan ko ang nabangga ko. Isang magandang babae na punit-punit ang damit ang tumambad sa aking mga mata. Maraming tao ang nakakita at lumapit.“Naku! Tumawag na tayo ng ambulansya walang malay ‘yong babae oh,” sabi ng isang Ale.“Huwag po kayong mag-alala I’m a Doctor ako na po bahala sa kanya.”Tiningnan ko muna kung may na tamo bang injury ang babae. Hindi ko muna s’ya ginalaw.“Miss?” tawag ko sa kanya.Hindi s’ya nag-response, so I tap her shoulder.“Miss? Do you hear me? I’m Doctor Cuanco.”Wala pa rin s'yang response. Sinubukan ko munang ilapat ang tenga ko sa bibig n'ya para malaman kung humuhinga pa ba ang babae.“Shocks! She’s not breathing.”Kaya agad kong sinimulan ang Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR.“Please! Please wake up.”Pinagpatuloy ko lang ang pag CPR sa kanya.“Hmmmm,” she moaned
Sa wakas may response na rin, at nagkamalay na s’ya.“Sino ka?” tanong n’ya sa mahinang boses.“I’m Doctor Cuanco at sorry na bangga kita.”“Aalis na ako.”“Teka! Teka! Huwag ka munang masyadong gumalaw hindi ka pa totally okay.”“Hindi Doc, okay na ako. Alis na ako salamat.”Hinawakan ko s'ya para pigilan.“Sa’n ka ba pupunta? At parang nagmamadali ka? Ihahatid na lang kita.”Hindi s'ya sumagot.“Ganito na lang sumama ka sa akin. Gagamutin muna natin ‘yang mga sugat mo at ng makapagbihis ka ng maayos. Pagkatapos ihahatid kita kung saan ka pupunta.”Nag-isip mo na s'ya, nagulat ako dahil bigla s'yang umiyak.“Oh, bakit Miss? May masakit ba sayo?”“Wala naman pero natatakot ako, ibebenta n'ya ako. Ayoko sa Mr.Tanda na 'yon ilayo mo ako dito sir please.”“Halika muna miss, sumama ka na lang muna sa akin, mukhang may trauma ka pa.”“Hindi mo ba ako ibebenta?”“No, hindi, hindi naman ako masamang tao. Gagamutin ko 'yang sugat mo.”Pumayag na ito, kaya inalalayan ko s'ya papasok sa loob ng sasakyan. Dinala ko s’ya sa Resort na pinagmamay-ari ko. Tahimik lang s’ya na sumasakay na tila malalim ang iniisip.“Miss? Okay ka lang?” tumango naman ito.“Ano bang pangalan mo Miss?”“Pening,” tipid nitong sagot.Natawa talaga ako sa pangalan n’ya pero hindi ko ipinahalata. Hindi kasi bagay ang pangalan nito sa kanyang mukha. I can’t deny na maganda talaga s'ya at sobrang sexy, lalo na sa suot nito.“Pening, sorry talaga ha? Hindi ko talaga sinasadya na banggain ka.”“Okay lang po Doc.”Ilang sandali lang ang lumipas. Nandito na kami sa Resort.“Magandang gabi sir!”Bati ng mga empleyado ko. Nginitian ko lang sila at dumeretso na ako sa pribadong bahagi ng Resort.Isa itong Beach Resort na may malawak na karagatan at sa kabilang bahagi naman may mga swimming pool. May bar, meron ring camping site, picnic site at mga Restaurants and Café. Meron ding spot dito kung saan gusto mo lang mag-unwind at mag-meditate.Bumaba na kami ni Pening sa sasakyan.“Halika Pening pasok ka.”“Ayoko po. Dito nalang po ako.”“Huwag kang mag-alala Pening wala akong masamang gagawin sa'yo.”Bakas sa kanyang mukha ang pagdadalawang isip ngunit napapayag ko naman itong pumasok. Kumuha muna ako ng damit ko sa kwarto para maipasuot sa kanya.“Suotin mo ‘to Pening para matakpan ‘yang katawan mo. Ayan ang banyo pumasok ka lang d’yan para makapagbihis.”Sumunod naman si Pening. My phone rings a call from my dad. Heto na naman s’ya pinipilit na naman akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. Gusto n’yang matulad ako sa kanya, sa kanila ni mom pero hindi rin naman nag work ang relasyon nila dahil kagustohan lang ‘yon ni lolo na e-arrange marriage silang dalawa kaya lumaki akong broken family dahil nagkahiwalay rin sila daddy at mommy. Tila tradition na ng pamilya namin ang ganitong set-up at ayokong mangyari sa akin iyon.“Dad? Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo? Ayoko sa Scarlette na ‘yan.”“Hindi tungkol d’yan ang tinawag ko Zane! Your lolo is in the hospital, you need to go there ikaw dapat ang doctor n’ya.”“Dad, may pasyente ako ngayon dito sa Resort wala ako sa hospital don’t worry may maraming doctor naman do’n.”“And you chose that patient over your lolo?”“It’s not what you think dad, nakabangga ako ng isang babae a while ago no’ng kinausap mo ako sa phone about that stupid idea of arrange marriage. The girl almost died at kargo konsensya ko ‘yon kung namatay kaya I did everything para magamot s’ya dad. I know lolo will understand.”Hindi na sumagot ang ama ko binabaan na n'ya ako.“Dr. Cuanco?” tawag ni Pening sa akin.“Kanina ka pa?”she nodded.“Salamat nga pala sa damit na ‘to.”“Walang ano man, halika gagamutin pa natin ‘yang sugat mo.”“Huwag na mawawala rin ‘to.”“Nope kailangan natin ‘yang gamutin para mabilis na gumaling.”Hindi na s’ya nag protesta pa at umupo na sa harap ko.Habang ginagamot at nililinis ko ang mga sugat n’ya, tinanong ko muna s’ya.“Pening, saan ka ba galing kanina at parang na punit-punit ang suot mong damit?”Biglang tumulo ang mga luha n’ya.“Kasi—kasi—”Hindi s’ya nakapag salita umiyak lang s’ya ng umiyak.“Okay lang ‘yan iiyak mo lang.”Hindi ko napigilang yakapin s'ya dahil sa awa ko sa kanya. Mukhang matindi ang pinagdadaanan niya.“Ganito na lang Pening, sabihin mo na lang kung saan ka uuwi, para maihatid kita. Saan ka ba nakatira?”Natigil sya sa pag-iyak.“Pasensya na Doc, na istorbo pa kita .”“Hindi, okay lang kasalanan ko naman.”“Doc, wala na po akong mga magulang. Isa po akong basurera gano'n din ang nakapulot sa akin na naging mga magulang ko.”“Tinapon ka lang ng mga magulang mo? Alam mo ba nasaan sila ngayon?”
“Hindi po Doc. Wala rin akong balak na kilalanin sila.”“Eh ‘yong mga kinikilala mong mga magulang? Nasa’n sila ngayon?”Umiyak na naman sya ulit.“Wala na po sila. Namatay po sila kahapon na tabunan po sila ng lupa. Nagka-landslide kasi habang namamasura sila sa dam site ng mga basura.”Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Pening.“I’m sorry to hear that. So wala ka ng mauuwian?”“Dalawampu’t limang taon na po akong walang inuuwian Doc, Wala naman po kaming bahay pa laboy-laboy lang kami sa daan naghahanap kung saan puwedeng makatulog. Hindi ko rin alam Doc paano makakabalik do’n sa lugar namin.”“Kung gano’n paano ka nakarating dito?”Bumuntong hininga muna s’ya.“Kahapon kasi, habang nangunguha ako ng mga basura may nakilala ako si Madam Viona, inalok n’ya ako ng trabaho tapos binigyan pa nga n’ya ako ng isang libo sakto birthday ko kahapon kaya sobrang saya ko. Sabi nga ng Viona na ‘yon pag nagawa ko raw ng maayos ang trabaho ko magkakaroon ako ng maraming pera at mabibili ko na ang gusto ko kaya tinanggap ko ang alok n’ya pumayag akong magkita muli kami kaninang umaga. Sobrang saya ko kahapon Doc sabik akong ibalita ‘yon kina Nanay at Tatay kaso hindi ko na sila naabutan.”Humagulhol na talaga si Pening sa pag-iyak. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero mas pinili ko na lang na 'wag na lang munang magsalita.Kinabukasan…Umaga na bumangon na ako at tiningnan ko kung gising na ba si Pening sa sala lang kasi s’ya natulog tapos sa sahig pa kasi hindi raw s’ya sanay sa malambot matulog.“Pening? Pening?”Nakailang ulit na akong tumawag sa kanya ngunit walang sumasagot. Walang Pening ang naabutan ko sa sala. Saan kaya nagpunta ‘yon?Isabelle “Pening” Point of View
Maaga akong umalis kanina nahihiya na ako sa doctor na ‘yon. Nandito ako sa tabi ng daan namamasura ulit. Ito naman ang nakasanayan kong buhay, habang namumulot ng basura kumakanta ako, pampa-good vibes lang naman.“Hoy baliw!” nagtawanan ang dalawang babae na na sa likuran ko. Akala ko pa naman walang tao nakakahiya.“Look at her Cassie kawawang pulubi, maganda sana kaso namamasura. Tinutupak pa nga ‘ata kinaka-usap sarili,” nagtawanan sila ulit.
“Yeah tama ka d’yan girl.”“Hoy pulubi! Linisin mo nga sapatos namin bago kami papasok sa mall.”Saad ng isang chinitang babae. Maganda sana ito pero ang gaspang ng ugali.“Bingi ka ba? Linisin mo raw ang sapatos namin,” saad ng nag ngangalang Cassie.“May pamunas po ba kayo? Wala akong pamunas eh.”“Girl pamunas daw,” saad ulit ng Cassie na ‘yon.“Eh, kung ‘yang nakaw na damit kaya ang ipamunas mo total basurera ka naman,” saad ng babaeng chinita.Sobrang sakit talaga nilang mag salita.“Hindi ko naman po ninakaw ang damit na ‘to ma’am binigay po ‘to sa akin.”“Ah binigay naman pala ‘kala ko ninakaw mukhang branded kasi eh, well bigay man ‘yan o nakaw. Gamitin mo na ‘yan sa pagpunas ng mga sapatos namin.”Sinunod ko naman ‘yong inutos ng babaeng ‘to sa akin. Pinunasan ko rin ‘yong sa kasama n’ya.“Oh heto isang daan para sayo, baka sabihin mong ang sasama ng mga ugali namin.”“Ang laki naman po nito ma’am.”“Ah gano'n ba, malaki? Edi ‘wag akin na lang ‘yan, tara Cassie baka mahawa pa tayo sa baho nito.”Hinablot n'ya ang isang daan at tuluyan na silang umalis.
Biglang may bumusina na sasakyan sa tapat ko.“Pening!!! Pening!!!”Lumingon ako para tingnan kung sinong tumatawag sa akin.“Pening!”Si Doctor Cuanco pala ano kayang kailangan nito? Humakbang na ako papalapit sa kanya.“Bakit po Doc?”“Ba’t ka umalis? Hindi ka man lang nagpaalam.”“Eh kasi doc—ano—”“Buti na lang at agad kitang hinanap at tama talaga ang hinala ko na baka maaabutan pa kita sa daan.”“Nag-abala ka pa Doc, salamat nga pala sa pag mamagandang loob mo sa akin Doc, pero hindi mo naman po ako kailangang alalahanin isa pa ayoko pong maging pabigat sa iba.”“Look Pening, I will help you.”“Po?”“Tutulungan kita, pumasok ka muna sa loob ng sasakyan at may pag-uusapan tayo.”“Ayoko po baka ibenta mo ako sa matandang ‘yon, baka kilala mo si Madam Viona.”Tumawa si Dr. Cuanco sa mga sinasabi ko.“Alam mo Pening, kung may masamang balak ako sa'yo kagabi ko pa ginawa. Kung kasabwat man ako sa kung sino ‘yang mga nakilala mo lang sasabihin ko sa'yo hindi ko sila kilala. Doctor ako tumutulong ako sa mga tao lalo na ‘yong mga may karamdaman, kaya ang i-aalok ko sa'yo legal at hindi ka mapapahamak. By the way I’m Doctor Zane Cuanco, 28 at hindi kailanman na sangkot sa ano mang mga krimen, so okay na?”“Okay po Doc. Pasensya na po.”“Kaya halika ka na, may magandang balita na naghihintay sa'yo.”“Sige po.”“Ah, Pening ewan mo na lang ‘yang mga basurang dala mo.”“Ay, Hala! Pasensya na po.”Pinaandar na n’ya ang sasakyan. Pabalik kami ngayon sa Resort. Habang tuloy-tuloy sa pagmamaneho si Doctor Cuanco biglang tumunog ang tiyan ko senyales na nagugutom na.“I guess your hungry.”
“A-ano po?”“Sabi ko mukhang gutom ka na.”“Narinig mo po ‘yon?”“Yeah rinig na rinig.”Tumawa ito kaya napahiya na talaga ako nito.“Good morning sir! Good morning maam!”Bati ng kanyang mga empleyado. Unang beses na may tumawag sa akin na ma’am ang sarap pala sa pakiramdam. Siguro hindi nila ako nakita kagabi hindi ako binati eh.“Good morning!” sagot ni Doctor Cuanco.Dumeretso kami sa kainan na nandito sa loob ng kanyang Resort. Grabi ang ganda ng mga tanawin dito. Kumakalam na talaga ang tiyan ko sa bango ng pagkain ng pumasok na kami sa kainan. Wow! Sobrang linis, hinawakan ko ‘yong sahig kasi ang kintab.“Pening! Pening no, stop that marumi ‘yan.”“Ang kintab kasi Doc,” masaya kong saad sa kanya.Bigla s'yang lumapit sa akin at may ibinulong.“Pening, tingnan mo lang ang paligid at ‘wag mong hawakan. Tapos please tahimik ka lang.”“Sige po Doc sorry.”Grabi ang ganda talaga rito. Tiningnan ko ‘yong mga ilaw grabi sobrang dami. May mga inorder si Doctor na hindi ko masyadong na iintindihan. Hindi ko na lang inalam kung ano ‘yong mga ‘yon.“Doc grabi sa'yo ba ‘to lahat?”“Ah oo.”“Grabe Doc ang yaman mo naman!” “ Malaki kasi ang ni regalo ni Lolo sa akin grumaduate ako sobrang proud s’ya dahil may Doctor na sa aming pamilya. Kaya ‘yong binigay n’ya sa akin dito ko inenvest, dito ko ipinatayo maging ang mga sweldo ko binuhos ko talaga lahat dito hanggang sa lumago ang Resort na ito at ini-upgrade ko nilagyan ko pa ng maraming rason para maraming pupunta rito.”“Mahal na mahal ka talaga ng Lolo mo Doc.”“Yeah I am so lucky to be his grandchild. Mula kasi no’ng bata pa ako sa kanya na talaga ako lumaki kasi bata pa lang ako hindi na nagkakaintindihan ‘yong mga magulang ko dahil sa arrange marriage na naging tradition na ng pamilya namin.”“Ano po ‘yong arrange marriage Doc?”“Ang mga magulang ng lalaki at mga magulang ng babae ay s’yang magdedesisyon na dapat silang dalawa ay ikasal.”“Kahit hindi nila mahal ang isa’t-isa?”“Yes, walang magagawa ang kanilang mga anak, kundi sundin ang mga magulang nila, pero sa kanila ni Dad nakasal nga sila ni Mama pero wala kay daddy ang puso ni Mama kaya nagkahiwalay rin sila at ayokong magaya sa kanila.”“Excuse me sir, nandito na po ‘yong mga orders n’yo.”Nilapag na ng lalaking ito ang mga inorder ni Doctor Cuanco. Grabi sobrang dami nakakatakam tingnan mukhang masasarap talaga lahat.“Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Lord salamat sa napakaraming pagkain na na sa harap namin at sa mga biyayang binibigay mo Amen.”Natulala si Doctor Cuanco sa ginawa ko.“Sige na kain ka na Pening.”“Eh kayo po Doc?”“Sige na sasabayan kita.”Kinuha ko ang pagkain gamit ang kamay ko at pinasok ko talaga isa-isa ang mga pagkain sa bibig ko.“Ah Pening?”“Yoos po doc?”Hindi ako lubos makapag salita dahil punong-puno ang aking bibig.“Huwag kang ma-offend o masaktan sa ituturo ko sayo ha?” Huminto muna ako sa pagkain.“Ano po ‘yon Doc?”“Nakikita mo ba ‘to? Ang tawag dito kutsara at tinidor ‘wag mo na pansinin ‘yang iba ito lang dalawa. Itong kutsara ito ‘yong pansandok ng pagkain para ipasok sa bibig mo, ito namang tinidor pangkuha mo ng ulam or ibang pagkain saka mo ipasok sa bibig mo. Sige subukan mo.”“Sige po.”Andali lang pa lang gamitin ng kutsara at tinidor. Tinusok ko ng tinidor 'yong may karne steak yata tawag do’n, masyadong malaki ang karne kaya hiniwa ko gamit ang kutsara, kaso hindi ako sanay kaya lumipad at nahulog sa sahig. Namumula na talaga si Dr. Cuanco alam kong nahihiya na s'ya ng sobra ng dahil sa akin.“Ganito lang ‘yan Pening akin na, ito ‘yong gagamitin panghiwa itong maliit na kutsilyo,hindi ‘yong kutsara.”“Ay, ok po pasensya na po doc. Ngayon lang kasi ako naka gamit ng ganito.”“Okay lang, tapos pagkakain ka ‘wag mong punuin ang bibig mo, pagkasubo mo ng isa o dalawa nguyain mo muna para hindi ka mabilaukan at kapag ngunguya ka kailangan naka takip ang bibig mo kasi kung bukas ‘yan ‘yong ibang kakain na nakakita sa pagnguya mo, mawawalan na ng ganang kumain kasi nandidiri. Heto may salamin subukan mong kumain ng nakabuka ang bibig mo at tingnan mo sa salamin kung bakit mandidiri ang tao kapag bukas ang bibig habang ngumunguya.”Ginawa ko naman ang sinabi ni Doc Cuanco.“Ang pangit nga Doc. Pasensya na.”“Sige lang, naiintindihan ko naman, tuturuan pa kita ng maraming dapat gawin. Sa ngayon kakain na tayo, magpaka busog ka at mamaya sasabihin ko sa'yo kung ano ang i-aalok ko saiyo.”Chapter 4Isabelle Luca “Pening” Point of ViewTapos na kaming kumain ni Dr. Zane gusto n'yang maglakad-lakad kami sa tabi ng dagat.Sumunod naman ako sa gusto nito.“Pening may gusto sana akong itanong sayo.”“Ano po ‘yon doc?”“Napansin ko lang 'yang kwentas mo may nakalagay kasing Isabelle.”“Ah ito po ba doc? Sabi nila Nanay Pena suot ko raw 'to no’ng tinapon ako ng mga magulang ko.”“ 'Yan siguro ang tunay mong pangalan.”“Siguro.”“Alam mo bagay sayo, Isabelle.”“Mas gusto ko pa rin po 'yong Pening doc.”“Mas maganda ang Belle.”“Ginawa nyo naman po akong tiyan niyan doc.”“Huh? Bakit?”“Kasi Belle! Belle Belle sa tyan.”“Ikaw talaga palabiro ka pala, pero seryoso maganda ang pangalan mo kasing ganda mo.”“Wala namang basurerang maganda.”“Meron, ikaw.”Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Doc Cuanco.“Kaya simula ngayon Belle na ang itatawag ko sayo. By the way about pala sa i-aalok ko saiyo. I decided to hire you para makapagtrabaho ka dito,dito mismo sa Resort, naawa kasi ak
Chapter 5Isabelle Luca “Pening” Point of View“Doc saan po tayo pupunta?” tanong ko kay Doctor Zane.“Sa bahay may emergency kasi.”“Bakit n’yo pa po ako isasama?”“Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nagawa ni lolo sa’yo ‘yon, kaya isasama nalang kita para na rin sa kaligtasan mo.”Hindi na ako umimik pero laking pasasalamat ko sa kabaitang ipinapakita ni Dr. Zane sa akin.Iniwanan ko na ang trabaho ko at agad na nagbihis.Mabilis kaming nagtungo sa bahay nila ni Dr. Zane Cuanco. Bakas sa mukha n’ya ang pag-alala kung ano bang emergency ang tinutukoy ng kanyang ama.Nang dumating na kami namangha ako sa sobrang laki at lawak ng kanilang bahay.“Halika na Isabelle pasok ka,” sumunod naman ako kaagad.Third Person Point of ViewSinalubong sina Dr. Zane at Isabelle ni Zack Cuanco ang ama ni Dr. Zane Cuanco.“Mabuti naman iho at nakarating ka,” saad ni Zack sa kanyang anak.“Ano bang emergency ang nangyari dad?”Hindi pa nakasagot ang ama nito pero biglang sumingit sa usapan si Mrs.
Chapter 6Isabelle PovMakulimlim na ng makarating kami sa sinasabing bahay ni Doctor Zane Cuanco. Sa Inaasahan ko malaki at malawak din ito katulad ng bahay nila, na na una naming na puntahan.“Doc wala bang nakatira rito?”“Meron naman, mga multo,”“Totoo?”Tumawa s’ya sa akin, “Joke lang. May nakatira naman dito mga caretakers ko. Halika do’n tayo sa loob.” Sumunod naman ako kay Dr. Zane.Sobra akong namangha pagpasok ko ng kanyang bahay. Para itong palasyo sa ganda at laki. Pati ang mga disenyo sa loob ng bahay ay mala-palasyo ang dating para ka talagang nasa isang palabas ng tv. “Wow! Doc ang ganda pala ng bahay mo, para akong nasa totoong palasyo.”Napatawa s’ya sa sinabi ko.“Yup, pinadisensyo ko talaga ‘to na parang palasyo. Gusto ko kasing itira dito ang aking Reyna at aming magiging mga anak. Pangarap ko ‘yon, pero mukhang hindi na matutupad ang pangarap kong ‘yon kasi wala na akong kawala sa arrange marriage na ‘yan. Hindi ko na mahahanap ang aking magiging Reyna sa bahay
Chapter 7Dr. Zane Cuanco Pov10 minutes later…Tapos na akong maligo at nakabihis na rin. Binuksan ko na ang pinto at bababa na ako ng kuwarto para pumunta na sa kitchen.“Sino ka? Magnanankaw! May nakapasok na magnanankaw! Pablo, Jeric bilis may babae sa kusina!” rinig na rinig ko ang tili ni Nanay Belin.Tumakbo na ako patungo sa kusina.“Sandali! Sandali! Nanay Belin si Isabelle po ‘yan kaibigan ko.”Biglang kumalma si Nanay Belin at napahawak sa kanyang dibdib.“Gano’n ba? Pasensya ka na iho, pasensya na rin Isabelle ngayon lang kasi kita nakita,” saad ni Nanay Belin.“Okay lang po Nanay Belin.”Bakas sa mukha ni Isabelle na natatakot kay Nanay Belin. Pawis na pawis ito at halatang na pagod sa kakaluto.“Belle magbihis ka na muna, basang-basa ka ng pawis.”“Zane wala kasi akong dalang damit. Nando’n lahat sa Resort.”“Ay, oo nga pala. Do’n ka na lang sa kwarto ko, magshower ka do’n tapos pumili ka ng damit ko ‘yon muna suotin mo may kakasya naman sa’yo siguro. Tsaka may mga damit
Chapter 8Scarlette Smith Pov“Bwisit talaga, bwisit!” galit kong bulalas.“Uy best ano bang nangyari sa’yo?” saad naman ng kaibigan kong si Clarisse sa akin.“Sabi ni Tito Zack ako lang daw ang bahala sa mga kailangan ng kasal. They just support me financially. Pero Clarisse alam mo naman 'di ba? Hindi ang pera ang kailanagan ko, marami akong pera. Si Zane ang kailangan ko, s’ya lang.”“Wala kang magagawa d’yan kung ayaw ni Zane, hayaan mo na nga lang ‘yon ang importante wala s’yang choice kundi ang ikasal sa’yo.”Napangiti ako sa sinabi ni Clarisse.“Well, what Scarlette wants? Scarlette gets.”Pumasok na kami sa isang wedding store.“Good morning ma’am!” bati ng isang staff nila rito.“Good morning, ikakasal kasi ako I’m looking for a wedding coordinator.”“Great! I am Bry Alvarez at your service. Upo muna kayo ma’am.”“Oh thanks.”“First ano bang gusto n’yong motif?”“Motif?”“Yeah the color theme of your wedding.”“Ah okay, I want red.”“Wow it’s great color ma’am.”“Yeah I know.
Chapter 9Isabelle PovTatlong araw na ang nakalilipas. Mula no’ng nangyaring nahawakan ni Zane ang dibdib ko, pero hindi pa rin ako mapakali.Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kamay n’ya sa dibdib ko.Umaga ngayon mas pinili kong mamasyal sa labas ng kanyang bahay. Hanggang nakarating ako sa lugar na napapalibutan ng mga bulaklak.“Puwede kayang mamitas rito?” bulalas ko sa mahinang tono.“Pwede naman.”“Ay kabayong, walang paa!” nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likoran ko.“Ikaw pala Zane, ginulat mo naman ako.”Tumawa s’ya saglit at sinabing, “Sorry, hinahanap kasi kita pagkagising ko.”“Huh? Bakit naman.”“Wala lang, nababagot na kasi ako rito. And I’m sure nababagot ka na rin.”“Okay lang naman ako Zane.”“May na isip kasi ako, ano tara?”“Huh? Sa’n?”“Basta.”Biglang hinawakan ni Zane ang kamay ko at hinila ako.Nagulat ako sa ginawa n’ya pero sumunod pa rin ako sa kanya.Medyo malayo ng kunti ang nilakad namin.Hanggang sa nakarating kami sa sobrang lawak na damuhan.
Chapter 10Dr. Zane Cuanco PovNa wala saglit ang iniisip kong problema ng namasyal kami kanina ni Isabelle.Tapos na kaming kumain ngayon. Na isipan kong ibili ng mga gamit si Isabelle. Pinangako ko ‘yon sa kanya.Tatlong araw na rin kasing mga damit ko lang ang isinusuot n’ya.“Belle? Tara?” saad ko sa kanya habang nagliligpit s’ya ng mga pinagkainan.“Sa’n na naman tayo pupunta?”“Bibilhan kita ng mga gamit.”“Talaga?” masayang sabi n’ya.“Oo tara na iwanan mo na ‘yan d’yan.”Sumunod naman s’ya sa sinabi ko.Pumunta na kaming dalawa sa loob ng sasakyan.“Fasten your seat belt Belle.”“Done.”Pinatakbo ko na ang sasakyan.Sa pinakamalapit lang na shopping mall kami pupunta.“Na busog ka ba Belle?”“Yup.”“Good.”I look at her quickly. Pa simple akong napatawa ng hindi n’ya alam.Mukha kasi s’yang tumboy sa suot nitong damit. She’s wearing my t-shirt and short. Pero hindi ko maikakaila na maganda pa rin s’ya kahit ganyan ang sout niya.15 minutes later.“We’re here!” saad ko sa kany
Chapter 11Dr. Zane Cuanco PovBalak ko pa sanang ipasyal si Isabelle kaso sinira ni Scarlette ang araw na ‘to.Nakauwi na kami ngayon dito sa aking bahay.“Okay ka lang ba Belle? Kanina ka pa hindi umiimik,” tanong ko sa kanya.“Oo, okay lang ako.”“Pasensya ka na kanina Belle ha?”“Wala ‘yon.”Hahawakan ko na sana ang baywang n’ya ngunit inalis n’ya ang kamay ko.“What’s the matter Belle?” saad ko.“Baka kung sino na naman ang makakita mapagkamalan pa tayo na magsyota. Tsaka sana ‘wag ka na magbiro na girlfriend mo ako.”Casual lang s’yang ngumiti saka na unang naglakad pa akyat sa kanyang kwarto, sa guest room.Naiwan ako rito na nagulat sa sinabi niya. Hindi ko rin naman alam na hindi pala s’ya komportable sa gano’n. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko ‘yon sa kanya.Napa buntong hininga ako saka na umakyat sa aking kuwarto.Pagpasok ko sa aking kuwarto, kumuha muna ako ng isang can ng beer at ininom ito. Saka naglakad papuntang terrace ng aking kuwarto.Habang n
Zane Pov 1 week laterAng pag contact ko kay Dr. Albert ang unang sumagi sa isip ko upang matulungan kong magkita ulit si Isabelle at ang kanyang mga magulang. I get my phone at tinawagan ko si Dr. Albert. Sana ito pa rin ang gamit niyang mobile number. Ring lang ito ng ring ngunit walang sumasagot. Siguro ayaw ni Dr. Albert na may kumunikasyon pa kami.Natapos na ang pag ring ng cellphone.Napabuntong hininga na lang ako, “Last na ‘to kung ayaw pa ring sagutin, didiritso na ako sa kanyang opisina,”bulalas ko.Nang magsimula na itong mag ring ulit isang magandang boses ang sumagot sa kabilang linya. Kinabahan ako at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. “He-hello? This is Zane, Zane Cuanco,” saad ko.“Hello doc, this is Tanya. Dr. Albert’s secretary. How may I help you po?”“Nawala lahat ng tensyong naramdaman ko at sobrang kabog ng malamang hindi pala ito ang babaeng hinahanap ng puso ko.“Hello?” saad ng kabilang linya.“Ah—I’ m sorry. By the way can I get an appointment
Chapter 54Zane PovBumalik na kami sa bahay.“Okay ka lang?” saad ko.“Yeah, I’ll be okay,” tipid niyang sagot.Nang makapasok na kami sa bahay. Nagpahanda na rin ako ka agad ng meryenda namin.Habang naghihintay biglang tumunog ang door bell, ako na ang nagprisintang pumunta sa gate para tingnan kung sino ang nasa labas. Bumungad sa akin ang isang lalaki at may kasama itong mag-asawa na may edad na.“Yes? Kilala ko po ba kayo?” saad ko sa kanila.“Magandang araw po sir – ah Dr. Zane.”“Hindi na ako doctor. You can call me what you want.”“Ah Sir Zane magandang araw po. Ako po si Rico.”“Rico?”“Opo, yung kaibigan ni Pening? Ni Isabelle.”“Rico,” mahina kong sambit habang inaalala ang kanyang pangalan, “Rico, oo tama nakikilala na kita. Kumusta? Napadaan ka? Sino ba ‘tong mga kasama mo?“Sila po yung mga magulang ni Isabelle. Yung mga nakapulot sa kanya ng sanggol pa lamang sya.”Nabigla ako sa sinabi ni Rico, “wag ka ngang magbibiro ng ganyan Rico. Hindi nakakatawa okay?”“Hindi na
Chapter 53Zane Pov“Anak? Come to daddy.”Ngumiti lamang ang anak kong si Ace.Napabalikwas ako ng magising.“Anak,” I murmured. Palagi ko na lang napapanaginipan ang anak ko.Kumusta na kaya siya? Ipinapakilala kaya ni Isabelle na ako ang ama niya?Napabuntong hininga na lang ako.I miss Ace so badly.Hindi ko namalayang pumapatak na ang luha sa aking mga mata.Sana magkita tayo ulit anak.Sana sumang-ayon ang panahon.Bumaba ako sa sala at ini-on ang tv.Nakakuha ng aking pansin ang isang interview ni Dr. Albert.Ang doctor na nag-alaga kay Isabelle no’ng nabaril ito ni Maria.“Magreretiro ka na raw po ba Dr. Albert?” tanong ng interviewer.“Mga next year na siguro pagka graduate ng misis ko,” masaya nitong saad.“Isa ka sa mga napakagaling na doctor, ngunit batid ng marami na sobrang layo ng agwat ng edad niyo ng misis niyo. Okay lang po ba sa inyo ‘yon?”“Nasanay na kami ng asawa ko sa mga panlalait na ‘yan. I and Isabelle have strong relationship.”“Totoo po ba ang naging balit
Chapter 52Scarlette PovI won’t waste any chances to win Zane back, grabi sobrang gulo na talaga ng nangyayari sa buhay ko kahit ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganito.Pero atleast this time alam kong may laban na ako, kaya lang ang tanga ko kasi nakipag annuled ako kay Zane.Pero okay na din kahit nang yari yun kasi naramdaman ni Zane na may lugar pa rin ako sa puso niya kahit pa nasa sulok lang.Biglang tumunog ang cellphone ko.Sino bang tatawag sa ganitong oras? Maghahating gabi na.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong unregistered contact ang tumatawag sa akin.“Hello? Sino ‘to?” saad ko.“Si Mrs. Cuanco po ba ito? Mrs. Scarlette Cuanco?”“Noon Mrs. Cuanco, hindi na ngayon,” sagot ko naman sa kabilang linya.“Ah gano’n po ba ma’am? Kayo kasi ang nakalagay sa emergency contact sa i.d ni sir.”Hindi pa pala nagpa change status ang ex ko.“Okay so bakit ka napatawag? Ano bang nangyari kay Zane? At tsaka sino ba ‘to?”“Ano kasi ma’am nagwawala po kasi ang a
Chapter 512 years later…Isabelle PovMasaya ako kasi sa hinaba-haba ng proseso, finally annuled na rin si Zane at Scarlette.Hindi na ako matatawag na kabit.Nandito kami ni Zane ngayon sa isang restaurant just to celebrate.When I stared at him para siyang lutang at malalim ang iniisip.“Hey love what’s wrong?” I asked him.“Huh? Ah wala.”“Kanina ka pa kasi nakatitig lang sa pagkain.”“I’m sorry sobrang stress lang talaga sa ospital.”“Okay,” tipid kong sagot.Pero hindi ko maiwasang isipin na baka nagsisi s’ya sa annulment nila.Napabuntong hininga na lang ako sa isiping yun.Mabilis ang takbo ng oras, naka-uwi na kami ngayon ni Zane sa bahay.Tahimik pa rin siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, “Zane ano ba? Para ka namang hindi masaya! We are supposed to celebrate pero sa iinaasta mo para kang namatayan!”“Belle naman pagtatalunan ba natin ‘to? Busy lang talaga ako sa work. Masaya ako ngayon okay? May mga bagay lang na gumugulo sa isip ko.”“Bagay? O ang ex-wife mo! Ta
Chapter 50Dr. Zane PovSobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.Finally I can be with the girl I want, to the girl I loved.Palabas na kami ngayon ni Isabelle sa coffee shop dito sa mall.“Love, I feel pity to Scarlette,” saad niya habang naglalakad kami.“Ako rin naman naaawa rin ako sa kanya pero mas mabuti na rin natinanggap na niya ang lahat, mahal na mahal kita Isabelle.”“Mahal na mahal din kita Zane.”Papunta na kami ngayon sa bahay nila isabelle. Kinakabahan ako sa mga sandaling ito, sari-saring emotion, pero bahala na.Gusto ko na talagang makita ang anak ko at mayakap ulit.Ilang minuto na ang lumipas.“We’re her!” saad ni Isabelle.Bumaba na kami sa kanyang sasakyan at nagtuloy-tuloy na ang lakad papasok sa kanilang bahay.Pagbukas ng pinto ay nagulat ang mga magulang ni Isabelle dahil nandito ako ngayon.“Anak anong ibig sabihin nito?” tanong ni Mrs. Luca, mommy ni Isabelle.“Mom?Dad, kami na ulit ni Zane. Scarlette gave up and they both agreed to file an an
Chapter 49Dr. Zane Cuanco PovNandito na ako ngayon sa hotel na kinuha ni Scarlette.Agad na akong pumasok, tumambad sa akin ang mapang-akit nitong katawan.As always, palagi siyang may pa sorpresa sa akin.“Hi babe, I miss you.”Agad itong lumapit at humalik sa akin.Tinugonan ko lang ito ng saglit.“What’s the matter babe? Hindi mo ba ako na miss?” padabog nitong tanong sa akin.“Pagod lang ako,” pagsisinungaling ko sa kanya.Sa oras na ‘to gusto kong magalit sa kanya, gusto kong sabihin ang lahat ng alam ko. Pero nangako ako kay Isabelle na hindi ko ipapaalam kay Scarlette ang tungkol sa anak namin ni Isabelle.“Hello? Ako lang yata ang nakakamiss sa’yo. You act like parang nagkita na naman kayo ng ex mo. Ganyan ka kasi wala sa sarili pag may bumabagabag sa’yo. Tell me, bakit ganyan ang mood mo? Hindi mo na ba ako mahal? Nawala na ang lugar ko sa puso mo? Ex mo ba o may nakilala ka ng magandang foreigner na doctora rito.”“Scarlette stop it, pagod lang ako.”“Ah- I’m
Chapter 48Dr. Zane PovWhat if hindi pinalaglag ni Isabelle ang anak namin?Sari-sari ang mga pumasok sa isip ko, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kaya inisip kong mabuti at inalala kung kailan namin nalaman na buntis s’ya hanggang sa nakulong kami at hanggang ngayon.Bumilis ang tibok ng puso ko ng magtugma ang lahat ng computation ko sa buwan ng pagbubuntis ni Isabelle.Nasa labas ako ngayon ng clinic at hindi na ako mapakali, kaya na-isip kong kausapin si Isabelle para malaman ko na ang totoo at masagot ang lahat ng mga katanungang nabuo sa isip ko.I knock the door then open it. Bumungad sa aking paningin si Isabelle habang karga-karga niya ang baby.“Ha-hi Belle.”Pasimple lang itong ngumiti.“Can I talk you?”She nodded.“May gusto sana akong itanong.”“Tungkol saan?”“Tungkol sa anak mo Belle.”I take a deep breath, “Anak ko ba s’ya? Anak ba natin s’ya?”Halata sa mukha ni Isabelle ang pagkabigla sa tanong ko.“Please Belle I want a truth
Chapter 47Dr. Zane Pov Nandito na ako ngayon sa States it’s my first day dito.My phone beep. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at binasa ito.“Hi babe nasa States ka na ba?”After I read the message, i click the video call button to update my wife.“Hi babe,” saad ko ng masagot na nya ito.“Hello babe, buti tumawag ka.”“Para hindi na mag-alala ang asawa ko.”“Hayst! How I wish I can be with you right now.”“Madali lang ang three months babe, kakayanin mo yan, kakayanin ko rin.”“Kakayanin ko babe, basta pag-uwi mo magbabakasyon tayo ha?”“Yes babe, anything for my wife.”“Ah so sweet.”“Babe can I take some rest? Napagod kasi ako sa biyahi.”“Sure babe take your time, I love you.”“I love you too.” Binaba ko na ang aking cellphone at humiga na ako sa kama.Hanggang sa naka-idlip na ako.Scarlette PovSobrang tamis ng mga ngiti ko ngayon, dahil alam kong akin na ang asawa ko, akin lang.(door bell rings)“Sino kaya yun?” Agad na akong lumabas at tiningnan ku