Share

Special chapter

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2022-11-21 11:11:23

NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote.

"Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito."

"Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka."

"'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."

Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."

Napasapo siya sa bibig.

"Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?"

"I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (40)
goodnovel comment avatar
Michelle D Durana
ganda ng story na ito
goodnovel comment avatar
Herms Torres Baja
thanks author sa magandang story
goodnovel comment avatar
Erlinda Pacardo
gustong gusto ko ko story mo more more love stories author thank you
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 1

    INIS NA INILAPAG ni Kendra ang sling bag sa mesa. Alas-onse na kasi ng gabi nang matapos ang mga gawain sa office dahil sa panibagong mangyayari sa kompanya nila. Ika nga, bagong administration na, magre-retire na kasi ang matandang boss niyang si Generoso Hernandez, ang kasalukuyang CEO ng Hernandez Group of Companies. Siya naman si Kendra Buenavidez, ang kasalukuyang sekretarya nito. Kahit na magre-resign na ito ay ’di pa rin siya nito tinanggal sa pwesto. Halos alas-dose na nang marating niya ang apartment, hindi tuloy niya nasipot ang ka-blind date. Magtetrenta na siya sa katapusan ng buwan. Isang taon na lang at mawawala na siya sa kalendaryo, tapos ay miyembro pa siya ng NBSB, as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH and take note, virgin pa siya sa edad niyang ’yan. Ngayon na nga lang siya nagkainteres makipag-blind date tapos ay hindi pa natuloy. Humingi siya n

    Huling Na-update : 2021-05-12
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 2

    NAPAPITLAG SI KENDRA nang tumunog ang telepono. ’Di pa rin yata siya maka-get over sa bagong boss. Agad na sinagot niya iyon dahil alam niyang sa loob ng opisina ng boss galing ang tawag na ’yon. Tanging, “Yes, Sir!” lang ang sagot niya sa dating boss, kay Sir Gener. Pinapapasok na siya nito sa conference room. Tatlo lang naman silang mag-uusap tungkol sa mga habilin ng dating amo at siya naman ay magdi-discuss ng ibang detalye tungkol sa pamamalakad sa buong kompanya. Halos lahat kasi ng pasikot-sikot sa kompanya ay alam na niya. Panay-panay lang ang tango ng bagong amo niya, at panaka-naka’y kinikindatan siya ’pag hindi nakatingin ang ama nito sa kanya na kinapupula ng mukha niya. Natapos naman agad ang tren

    Huling Na-update : 2021-05-12
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 3

    NAGULAT SIYA NANG biglang may humampas sa braso niya. “Shit!” sabi niya nang lingunin ang humampas! Si Zyqe! Bwisit! Pinanlakihan lang naman niya ito ng mata. “Hey, you’re cursing me! Tulala ka kasi, mylabs! Daydreaming, gano’n?” saad nito. “Sino ’yan, si Blake o si Kent ba?” dugtong pa nito sabay halakhak. “Shut up, p’wede? At hindi si boss ang dine-daydream ko!” pagsisinungaling niya. “Okay, fine! Then, who?” nakangiting tanong nito. “Si Kim Soo-Hyun!” sabi na lang niya! “Koreano na naman! Nilamon na kayo ng Koreano, even Diane hindi mo na makausap nang matino. Dapat n’yan i-ban ’yang mga palabas na ’yan, eh!” mahabang litanya nito.

    Huling Na-update : 2021-05-12
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 4

    SAKTONG ALAS-SAIS NANG dumating siya sa bahay ng mga Hernandez. Si Manang Belen, ang mayordoma, ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Napangiti siya nang niyakap siya nito. Lagi niya itong kausap kapag dumadalaw siya rito kaya napalapit sila sa isa’t isa. “Na-miss kita, anak!” anito at iginiya siya papasok ng bahay. “Na-miss din kita, Manang Belen! Tapos na po ba kayo magluto ni Tita Ann? Tulungan ko na po kayo,” nakangiting sabi niya. “Naku, ’wag na, hija! Katatapos lang namin,” nakangiting sabi nito. Dumeretso sila sa dining room. Pagpasok nila roon ay nakatalikod si Tita Ann. Sinenyasan niya si Manang Belen na magdahan-dahan. Agad naman na niyakap niya si Tita Ann mula sa likod, sabay sabing, “I missed you!”

    Huling Na-update : 2021-05-30
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 5

    PAGLABAS NG LADIES’ room ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa para i-check ang oras. Muntik pa iyong mahulog nang mabangga siya ng lalaking nakasalubong sa hallway. Buti na lang at nasalo niya agad. Nakalagpas na ito sa kanya. “Hey, careful!” nagulat siya nang magsalita ito. Napalingon siya dahil pamilyar ang boses nito, pero nakapasok na ito sa men’s room. Napailing naman siya. Imposible naman kung ang boss niya ’yon. Siguradong ang sarap na ng tulog no’n kasama ang nobya! Nainis tuloy siya nang maisip ang lalaking naging dahilan para makalimot siya kahit saglit. Pagdating sa counter ay humingi ulit siya ng maiinom kay Dave.

    Huling Na-update : 2021-05-30
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 6

    NAGULAT SIYA SA binitiwang salita sa binata. Yes, umamin siya. Ang tanga niya, ’di ba? Marupok talaga. Simula nang umamin ang boss niya kaninang umaga ay ’di na siya natahimik. Oo, kinikilig siya, pero nanaig pa rin sa kanya ang katotohanang hindi p’wedeng maging sila dahil may nobya na ito. Pero kung wala lang itong nobya, why not! Boto rin naman sa kanya ang pamilya nito! Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang maging kabit. Napatingin siya sa cellphone nang may nag-text. Si Dave. Sinave na niya ang numero nito nang mag-text din kaninang 10 ng umaga, nagpakilala ito. Binasa niya ang mensahe. Niyayaya siya nitong mag-dinner.&n

    Huling Na-update : 2021-05-31
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 7

    KITANG-KITA NI KENT sa mga mata ng dalaga ang pagnanasa. Kung alam lang nito, mas lalo lang tumitindi ang pagnanasa niya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang naumpisahan niya. Bumaon ang mukha niya sa leeg nito at pinupog iyon ng halik. Nakikiliti naman ito sa ginagawa niya, kaya panaka-naka ang pagsambit nito sa pangalan niya. “Oh, Kent . . .” Pilit din niyang dinidiin dito ang kanina pang naninigas na alaga. Si Kendra lang ang nakakagawa no’n sa kanya. Dampi pa lang ng kamay nito sa katawan niya ay para na iyong kuryente at biglang tigas ng alaga niya. Gustong-gusto niya rin ang ungol ng dalaga. Siya lang dapat ang makarinig no’n, wala ng iba. Siya lang. Kinagat-kagat niya ang ta

    Huling Na-update : 2021-06-01
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 8

    PALABAS NA SANA si Kendra ng opisina nang makatanggap ng tawag sa Guard. Ipinaalam nito na may sundo siya. Si Dave. Nakangiting hinalikan siya sa pisngi ni Dave nang makita siya nito, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Napakunot-noo ito pagkatapos siyang halikan sa noo. Tiningnan siya nito sa mata. “I knew it! Masama pa rin ang pakiramdam mo. Let’s go! Para makapagpahinga ka na,” seryoso nitong sabi at inakay na siya. Pagpasok sa sasakyan ay agad na hiningi nito ang address niya sa Valenzuela at agad naman niyang ibinigay iyon. Pinatulog muna siya nito para makapagpahinga. Naging sunod-sunuran lang siya sa binata. Wala siyang lakas na kumontra o umayaw. Sa katunayan, kanina pa niya gustong matulog.

    Huling Na-update : 2021-06-01

Pinakabagong kabanata

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Special chapter

    NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Wakas

    ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo. Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya. “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 31

    “BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!” Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas. Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito. “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya. “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 30

    KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 29

    “’MA, WHERE ARE we going?” excited na tanong ng anak niya nang makasakay na sila sa chopper. “We’re going to Metro Manila, baby!” Si Kent ang sumagot dito habang nakangiti. Guwapong-guwapo siya sa binata sa suot nito. Kahit ano yata ang isuot nito ay litaw na litaw ang angking kaguwapuhan. “Yehey! Can I meet my granny there?” “Of course, baby. Actually, doon tayo mag-i-stay,” masayang sabi niya sa anak na hindi na naalis ang ngiti. Tumingin siya sa ama nito na matamis ang ngiti. Pagkuwa’y ngumuso ito sa dibdib niya. Napatingin siya sa dibdib na kitang-kita pala ang cleavage niya. Pasimpleng kinurot niya ito. “Ouch!” “What happened, Papa?” tanong

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 28

    PAGKALAPIT NG BINATA sa kanila ay agad na kinabig siya nito para halikan sa labi. Halatang nagulat si Mayor Miller sa ginawa ng binata. “Where did you go?” anito nang bitiwan ang labi niya at nginitian siya. Kakaiba ang mga ngiti nito. “Hi, I’m Blake Kent Hernandez! Astin’s father and Kendra’s fiancé,” baling nito sa kausap niya at inilahad ang kamay. Nabigla siya sa huling sinabi ni Kent sa kaharap. Kailan pa? Kanina lang ay may kasama siyang iba. “I’m Lorence Miller!” nakangiting pakilala naman nito. Bumaling ito sa kanya at nagpaalam na. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang bata. Kasama ng mga ito ang yaya. Pagtingin niya sa binata ay titig na titig ito sa kanya.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 27

    BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 26

    “’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pal

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 25

    HINDI PA MAN siya nakakapasok ay nakasalubong niya na ang yaya ng anak niya. “Ate, p’wede po bang umuwi na po ako? May sakit kasi ang isang anak ko. Bibili pa po kasi ako ng gamot. Kung okay lang po.” “Yes, Yaya, you can go now. Hindi naman na ako aalis. Magpahatid ka kay Manoy Jerry. Pero teka, may pambili ka pa ba ng gamot?” Biglang napakamot naman ito ng ulo. Parang nahihiya. “P’wede po ba ako maka-advance, Ate? Naubos na kasi iyong sinahod ko noong nakaraan sa gastusin din sa bahay,” nahihiya namang sabi nito. “Wait here, Yaya. Okay?” Saglit na iniwan niya ito at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet. Pero pagbaba niya ay wala na ito. Tinawag niya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status