NAGULAT SIYA NANG biglang may humampas sa braso niya.
“Shit!” sabi niya nang lingunin ang humampas! Si Zyqe! Bwisit! Pinanlakihan lang naman niya ito ng mata.
“Hey, you’re cursing me! Tulala ka kasi, mylabs! Daydreaming, gano’n?” saad nito. “Sino ’yan, si Blake o si Kent ba?” dugtong pa nito sabay halakhak.
“Shut up, p’wede? At hindi si boss ang dine-daydream ko!” pagsisinungaling niya.
“Okay, fine! Then, who?” nakangiting tanong nito.
“Si Kim Soo-Hyun!” sabi na lang niya!
“Koreano na naman! Nilamon na kayo ng Koreano, even Diane hindi mo na makausap nang matino. Dapat n’yan i-ban ’yang mga palabas na ’yan, eh!” mahabang litanya nito.
“Eh, kung ikaw kaya ang i-ban ko sa department namin!” balik niya rito.
“Joke lang naman! Yayayain lang naman kitang mag-lunch mamaya!” pagkuwa’y sabi nito.
“Treat mo?” pabirong sabi niya.
“Yes! Ililibre kita, mylabs!” Kumindat pa ang mokong.
“Okay, makakatipid na naman ako!” nakangiting sabi niya.
“Kendra!”
Napatingin siya sa pintuan nang biglang may nagsalita mula roon.
Si boss pala! Agad na tumalima siya papasok ng opisina nito nang sinenyasan siya nito.
“Possessive naman ng future boyfriend mo!” nakangiting biro ni Zyqe sa kanya.
“Tumigil ka nga r’yan! Mamaya n’yan itsismis nila ako rito!” natatawang sabi niya sabay hampas sa braso nito at mabilis na tinungo ang pinto ng opisina ng boss niya. Nilingon niya si Zyqe at sinenyasan na umalis na. Pinanlakihan niya pa ito ng mata nang kumindat ito. Lakas ng sapak talaga nito sa ulo.
Gaya ng nakaugalian niya ay kumatok muna siya saka binuksan ang pinto. Naabutan niyang nakasubsob ito sa table nito.
Malaya na naman ang mga mata niya sa pagtitig dito. Lalo lamang lumalalim ang pagtingin niya sa binatang boss. Bigla namang nagtama ang kanilang tingin.
“Are you done checking me out?”
Shit! Mabilis niyang iniwas ang matang nakatitig dito at mabilis na naglakad palapit ng mesa nito.
“May kailangan po ba kayo, Sir?” Naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito.
Hindi ito sumagot, bagkus ay tumayo patungong pintuan at narinig na lang niya ang mahinang click ng pag-lock ng pinto. Kabado na siya.
Kinabahan lalo siya nang marinig ang pagbaba ng blinds ng glass window.
Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdamang papalapit na ito sa gawi niya.
May nagawa ba siyang kasalanan dito? Gusto niyang tanungin ito pero kinakabahan talaga siya. Napapitlag siya nang magsalita ito.
“Tell me Kendra, everyday ba ganyan kayo kalapit ni Zek? Naglalandian?” Palapit nang palapit ito sa kinaroroonan niya.
“Jealous? Ay, ang possessive nga!” aniya sa sarili.
Gusto tuloy niyang matawa rito. Pero ’di siya nagpahalata.
“’Di naman po kami naglalandian, Sir! Nag-uusap lang,” pagkuwa’y sabi niya at tinitigan ito.
Deretso lang itong nakatingin sa kanya. ’Di naman siya natinag sa paraan ng pagtitig nito, pero napaatras siya nang isang dangkal na lang ang pagitan nila. Napahawak siya sa dibdib nang maramdamang ’di na normal ang tibok nito dahil sa sobrang lapit ng binata sa kanya.
Lalo pa itong lumapit sa kanya kaya napaatras ulit siya, at dahil mesa na ang kasunod ay napaupo siya. Napasinghap siya nang nilapit nito ang mukha sa mukha niya para magpantay sila at saka nito tinukod ang kamay sa kabilaan niya.
“What have you done to me, Kendra?” nalilitong tanong nito at ’di inaalis ang titig sa kanya.
Napalunok naman siya. Naguguluhan siya sa tanong nito, napakagat-labi tuloy siya, pero mali yata ang ginawa niyang pagkagat-labi. Napatingin kasi ito sa labi niya. Iba ang emosyong nilalabas ng mga mata nito. Parang may pagnanasa.
“Don’t do that again or else pagsisisihan mo,” paos na sabi nito at titig na titig sa kanya.
Lalo naman siyang naguguluhan.
“P-po?” aniya.
“Don’t bite your lip, babe! Fuck, I’m turning on!”
“S-Sir!” Hindi sinasadya ay napakagat-labi ulit siya.
“Fuck!” he cursed again.
Walang sere-seremonyang hinawakan nito ang batok niya at sinunggaban ang labi niya. Nagulat pa siya sa una. Mapusok ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Hindi na niya namalayang tinugon na pala niya ang mapupusok na halik nito. Napaungol pa siya. Ang sarap ng sensasyong dala ng halik nito. Ganito pala ang pakiramdam ng may kahalikan.
S******p nito ang dila niya na lalong kinaungol naman niya. Hingal na hingal sila nang maghiwalay ang mga labi nila.
Tumitig ito sa kanya pero agad ding binalikan ang labi niya. Mas lalong lumalim ang tagpong iyon.
Malikot na ang kamay ng binata, ’di na niya namalayang napasok na ng kamay nito ang pang-itaas niya. Napasinghap siya nang lumapat ang kamay nito sa dibdib niya. Napakapit siya sa batok nito. Ang init-init na ng pakiramdam niya. Akmang ia-unhook na nito ang bra niya nang biglang may kumatok.
“Fuck!” Tiningnan siya nito nang may pagnanasa. Wrong timing naman ang kumatok na ’yon. Halatang nainis ito.
Para namang binuhusan siya ng tubig sa pagkabigla, naitulak ang boss at agad na inayos ang sarili at mabilis na tinungo ang pinto. Nilingon niya muna ang binata, nakaupo na ito sa swivel chair nito. Tinitigan muna siya nito at maya-maya ay tumango ito.
Agad na binuksan niya ang pintuan. Niluwa naman nito ang VP ng kompanya nila. Si Sir Mikael De Leon. Yumuko siya at pinadaan niya muna ito para makapasok saka mabilis na lumabas at isinara ang pinto. ’Di na niya inabalang tingnan ang binata.
Imbes na sa desk dumeretso ay tinungo niya ang comfort room. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya.
“Shit! I can’t resist your charm!” naisatinig niya tuloy at mabilis na naghilamos ng mukha. Pulang-pula ’yon, ’di pa rin nawala. Pati ang init ng katawan niya. Ano na lang ang sasabihin nila Tita Ann kapag nalaman ang kagagahan niya.
Pero napangiti siya nang hawakan niya ang kanyang ang mga labi. Gano’n pala ang pakiramdam ng hinahalikan. Lalo na ng taong gusto mo.
Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin at kinapa ang mga labi. Napatigil siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng ladies’ room at narinig ang boses ng mga kababaihan. Mabilis siyang lumabas at nginitian ang mga ito.
Pasalampak na umupo siya sa sariling upuan at tumingin kung nasaan ang opisina ng lalaking kahalikan niya kanina. First kiss, sa first man na hinangaan niya kahit sa maikling panahon lang. Saan kaya sila aabot kung walang kumatok? Napangiti ulit siya sa isiping iyon, ngunit bigla niya ring binawi iyon nang marinig ang pagbukas ng pintuan nito at iniluwa ang lalaking pinagpapantasyahan niya kasunod ang VP nila. Napatuwid siya ng upo at nagkunyaring busy.
Narinig niyang nagpaalam si VP. Napatingin siya sa kinaroroonan nito ngunit biglang bawi dahil nakatingin din ito sa kanya. Nakita niyang tumalikod na ito papasok ng opisina nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang pagsara ng pinto. Maghapon niyang gustong iwasan ang binata. Kaya pagdating ng lunchtime ay sinundo na niya si Zyqe sa opisina nito para lang makaiwas sa boss niya. Gusto man niyang iwasan nang tuluyan ay ’di niya magawa dahil boss niya ito at secretary lang siya. Pero dalawang beses lang yata siyang pumasok sa opisina nitong hapon.
’Di niya namalayan ang oras. Mag-aalas-singko na! Napatingin siya cellphone nang mag-vibrate ito.
Si Tita Ann! Shit, nakalimutan niyang doon siya magdi-dinner! Ibig sabihin ay makakasama niya ang boss niya! Binasa niya ang text nito, at napangiti sa mensahe nito.
‘See you later, baby!’
Sarap lang sa pakiramdam nang may nanay. Bigla niya tuloy na-miss ang kanyang ina. Napahawak siya sa dibdib, masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala nito. Naramdaman niyang may tumulong mga luha mula sa mata niya. Niligpit at nilinis niya muna ang mesa. Mabilis na pinunasan ito ng pamunas na may alcohol at naghanda na para umalis.
Ayaw niyang sumabay sa boss niya kaya nagpatiuna na siyang lumabas. Bahala na si Batman ’pag pinagalitan siya. Mukhang nagtaka naman ang mga kasamahan niya. Nginitian niya ang mga ito at niyaya na ring umuwi.
Nag-book na rin siya sa Grab app niya para may masakyan agad habang nasa elevator. Saktong paglabas ng building ay nakaabang na rin ang sasakyang sasakyan niya.
Napatigil siya sa paglalakad nang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya nang makitang unregistered ang numerong tumatawag.
Hindi na niya pinansin at mabilis na sumakay sa Vios na nakaparada.
Nag-ring ulit ang hawak niyang cellphone. ’Di pa rin niya sinagot. ’Di talaga niya ugaling sagutin ang mga unknown number. Sa inis niya ay na-silent niya ito.
***
INIS NAMAN NA ibinato ni Kent sa couch ang cellphone na hawak. “Damn!” Nakaraming missed call na siya pero hindi pa rin sinasagot ni Kendra ang tawag niya.
Tinungo niya ang nakasabit na coat pati cellphone at mabilis na nilisan ang opisina.
Hindi nagpaalam ang dalaga sa kanya. Dati naman ay nagpapaalam ito. Dahil siguro sa nangyari kanina sa opisina niya. Maghapon din siya nitong iniwasan at hindi ito tumitingin sa kanya nang deretso. Nakokonsensya siya, pero hindi niya pinagsisisihan ang paghalik dito. Dahil sa isiping iyon ay nag-init na naman ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puson niya.
Napalingon siya sa cellphone nang nag-ring ito. Ang mama niya! Sinagot niya at pinindot ang loudspeaker button.
“Ma, I’m coming—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pinutol ito ng kanyang ina.
“Son, kasama mo ba anak si Kendra?” tanong nito. Lagot.
“She’s not here, ’Ma, baka nauna na,” sabi na lang niya.
“What! I told her na sumabay sa ’yo!” ’Yon lang at ibinaba na nito ang tawag.
“Seriously, mukhang mas mahal pa nila si Kendra kaysa sa ’kin!” naiiling na sabi niya sa sarili nang nawala ang ina sa kabilang linya.
Habang nasa biyahe ay panay pa rin ang tawag niya sa dalaga. Inis na hinampas niya ang manibela. Hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya.
Napalingon siya sa kanyang phone nang may nagpop-up na notification. It was Darlene, she’s calling via F******k Messenger!
Oh, he almost forgot that he has a girlfriend! Mabilis na sinagot niya ang tawag nito.
“Hon, I’ve been trying to reach you but your phone is always busy. Pick me at the airport, I’m here hon, I missed you!” malambing na sabi nito.
Oh, she’s here! Hindi niya in-expect na uuwi ang nobya niya! Napangiti siya. Bigla niyang na-miss ang nobya. Excited na nag U-turn siya at binaybay ang daan patungo sa airport.
“I missed you, too, hon! Wait for me there, I’m on my way!” masayang sabi niya at pinatay ang linya.
Pasalamat siya at hindi masyadong traffic, mahigit forty-five minutes lang din ang biyahe papuntang airport. Tinext niya muna ang nobya na pababa na siya ng sasakyan.
Pababa na sana siya ng sasakyan nang nag-text ang mama niya. Nandoon na raw si Kendra. Bigla na naman siyang naguluhan sa nararamdaman. Nandito siya ngayon sa airport para sunduin ang nobya, pero bakit parang nawala bigla ang excitement sa pagitan nila ng nobya niya.
Nagtipa muna siya ng mensahe sa ina, saying na nasa airport siya para sunduin ang nobya at tuluyan nang bumaba at pumasok na sa loob.
Ilang saglit lang ay natanaw na niya ang nobya. Kumaway siya nang ngumiti ito. Patakbo namang niyakap siya nito at hinalikan sa labi.
Bakit gano’n, Darlene’s kiss is different from Kendra’s kiss.
Napatitig ito sa kanya nang mapansing natigilan siya nang halikan siya nito.
“Is there something wrong, hon?” pagkuwa’y tanong nito.
“Nothing, hon! Pagod lang siguro sa work.” Iyon lang at hinapit na niya ito para halikan.
SAKTONG ALAS-SAIS NANG dumating siya sa bahay ng mga Hernandez. Si Manang Belen, ang mayordoma, ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Napangiti siya nang niyakap siya nito. Lagi niya itong kausap kapag dumadalaw siya rito kaya napalapit sila sa isa’t isa. “Na-miss kita, anak!” anito at iginiya siya papasok ng bahay. “Na-miss din kita, Manang Belen! Tapos na po ba kayo magluto ni Tita Ann? Tulungan ko na po kayo,” nakangiting sabi niya. “Naku, ’wag na, hija! Katatapos lang namin,” nakangiting sabi nito. Dumeretso sila sa dining room. Pagpasok nila roon ay nakatalikod si Tita Ann. Sinenyasan niya si Manang Belen na magdahan-dahan. Agad naman na niyakap niya si Tita Ann mula sa likod, sabay sabing, “I missed you!”
PAGLABAS NG LADIES’ room ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa para i-check ang oras. Muntik pa iyong mahulog nang mabangga siya ng lalaking nakasalubong sa hallway. Buti na lang at nasalo niya agad. Nakalagpas na ito sa kanya. “Hey, careful!” nagulat siya nang magsalita ito. Napalingon siya dahil pamilyar ang boses nito, pero nakapasok na ito sa men’s room. Napailing naman siya. Imposible naman kung ang boss niya ’yon. Siguradong ang sarap na ng tulog no’n kasama ang nobya! Nainis tuloy siya nang maisip ang lalaking naging dahilan para makalimot siya kahit saglit. Pagdating sa counter ay humingi ulit siya ng maiinom kay Dave.
NAGULAT SIYA SA binitiwang salita sa binata. Yes, umamin siya. Ang tanga niya, ’di ba? Marupok talaga. Simula nang umamin ang boss niya kaninang umaga ay ’di na siya natahimik. Oo, kinikilig siya, pero nanaig pa rin sa kanya ang katotohanang hindi p’wedeng maging sila dahil may nobya na ito. Pero kung wala lang itong nobya, why not! Boto rin naman sa kanya ang pamilya nito! Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang maging kabit. Napatingin siya sa cellphone nang may nag-text. Si Dave. Sinave na niya ang numero nito nang mag-text din kaninang 10 ng umaga, nagpakilala ito. Binasa niya ang mensahe. Niyayaya siya nitong mag-dinner.&n
KITANG-KITA NI KENT sa mga mata ng dalaga ang pagnanasa. Kung alam lang nito, mas lalo lang tumitindi ang pagnanasa niya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang naumpisahan niya. Bumaon ang mukha niya sa leeg nito at pinupog iyon ng halik. Nakikiliti naman ito sa ginagawa niya, kaya panaka-naka ang pagsambit nito sa pangalan niya. “Oh, Kent . . .” Pilit din niyang dinidiin dito ang kanina pang naninigas na alaga. Si Kendra lang ang nakakagawa no’n sa kanya. Dampi pa lang ng kamay nito sa katawan niya ay para na iyong kuryente at biglang tigas ng alaga niya. Gustong-gusto niya rin ang ungol ng dalaga. Siya lang dapat ang makarinig no’n, wala ng iba. Siya lang. Kinagat-kagat niya ang ta
PALABAS NA SANA si Kendra ng opisina nang makatanggap ng tawag sa Guard. Ipinaalam nito na may sundo siya. Si Dave. Nakangiting hinalikan siya sa pisngi ni Dave nang makita siya nito, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Napakunot-noo ito pagkatapos siyang halikan sa noo. Tiningnan siya nito sa mata. “I knew it! Masama pa rin ang pakiramdam mo. Let’s go! Para makapagpahinga ka na,” seryoso nitong sabi at inakay na siya. Pagpasok sa sasakyan ay agad na hiningi nito ang address niya sa Valenzuela at agad naman niyang ibinigay iyon. Pinatulog muna siya nito para makapagpahinga. Naging sunod-sunuran lang siya sa binata. Wala siyang lakas na kumontra o umayaw. Sa katunayan, kanina pa niya gustong matulog.
WALANG NAGAWA SI Kendra kundi sagutin ang mga tanong ni Nikki. Maya-maya ay naging komportable na siyang magsabi ng tunay na nararamdaman ng buong katawan niya. “Kung ’di ka lang gusto ni Keith, baka nasabi ko na kay Tita ang nangyari sa inyo ni Blake.” Nakangiti ito. Nagulat siya sa sinabi ni Nikki. “N-Nikki! Don’t . . . Nakakahiya, baka sabihin nila nilandi ko si Kent kahit alam kong may nobya na! Baka mamaya anong sabihin din ni Keith sa akin. Kaibigan ko siya,” nagmamakaawa niyang sabi. “I know! Don’t worry, nag-usap na kami ni Blake. Pero alam mo, mas gusto kita para kay Blake kaysa sa nobya niyang pa-demure! God! Pinagselosan pa ako!” papalatak nitong sabi. “N-Nikki!” ’Yan lang ang nasabi niya sa dal
HINDI PA RIN sinasagot ni Diane ang tawag ni Kendra. Nag-aalala na talaga siya sa pinsan. Naisipan niyang dumaan sa ZL Lounge, baka nando’n ito. Mabilis na pinarada niya ang kotse at nagmamadaling pumasok. Inilinga niya ang mata at hinanap kung nandito ang sadya. Tiningnan niya ang lalaking nasa counter. Wala nga pala si Dave ngayon. Nilapitan niya ito at tinanong kung nandito ba si Diane. “Ilang araw na pong hindi pumapasok Ma’am, eh. Wala rin naman pong nasabi si Sir Ezekiel kung nasaan po.” Mukhang mabigat din ang dinadala ng pinsan niyang iyon. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit hindi ito pumasok. Hindi man lang siya nito tinawagan. “Gano’n ba, sige salamat, huh!” ’Yun lang at
“WOW! KUNG NAGING lalaki ako. Mai-in love na talaga ako sa ’yo,” pabirong sabi ni Kristen pagkatapos mag-perform ni Kendra sa stage. “Loko ka. Eh di parehas na kayo ng kuya mo na dalawa ang katauhan! Kinikilabutan ako sa ’yo,” biro ni Kendra dito. Nakita niyang palapit ang kapatid nito. Nakangiti. Nakangiting panalo. “Hello, dear! Hindi ko in-expect na gano’n ka pala kagaling! Kaya nakuha mo agad ang boss ko, eh! He wants you to sign a contract with us,” masayang sabi ni Jana sa kanya na ikinagulat niya. “Talaga? Gusto ng boss mo na kumanta ako rito?” masayang tanong niya sa kapatid ni Kristen nang lapitan siya nito. Gusto tuloy niyang makilala ang boss nito. Gusto niya rin ang pagkanta, ngayon parang nagkaroon siy
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang
ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo. Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya. “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p
“BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!” Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas. Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito. “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya. “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti
KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel.
“’MA, WHERE ARE we going?” excited na tanong ng anak niya nang makasakay na sila sa chopper. “We’re going to Metro Manila, baby!” Si Kent ang sumagot dito habang nakangiti. Guwapong-guwapo siya sa binata sa suot nito. Kahit ano yata ang isuot nito ay litaw na litaw ang angking kaguwapuhan. “Yehey! Can I meet my granny there?” “Of course, baby. Actually, doon tayo mag-i-stay,” masayang sabi niya sa anak na hindi na naalis ang ngiti. Tumingin siya sa ama nito na matamis ang ngiti. Pagkuwa’y ngumuso ito sa dibdib niya. Napatingin siya sa dibdib na kitang-kita pala ang cleavage niya. Pasimpleng kinurot niya ito. “Ouch!” “What happened, Papa?” tanong
PAGKALAPIT NG BINATA sa kanila ay agad na kinabig siya nito para halikan sa labi. Halatang nagulat si Mayor Miller sa ginawa ng binata. “Where did you go?” anito nang bitiwan ang labi niya at nginitian siya. Kakaiba ang mga ngiti nito. “Hi, I’m Blake Kent Hernandez! Astin’s father and Kendra’s fiancé,” baling nito sa kausap niya at inilahad ang kamay. Nabigla siya sa huling sinabi ni Kent sa kaharap. Kailan pa? Kanina lang ay may kasama siyang iba. “I’m Lorence Miller!” nakangiting pakilala naman nito. Bumaling ito sa kanya at nagpaalam na. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang bata. Kasama ng mga ito ang yaya. Pagtingin niya sa binata ay titig na titig ito sa kanya.
BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan.
“’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pal
HINDI PA MAN siya nakakapasok ay nakasalubong niya na ang yaya ng anak niya. “Ate, p’wede po bang umuwi na po ako? May sakit kasi ang isang anak ko. Bibili pa po kasi ako ng gamot. Kung okay lang po.” “Yes, Yaya, you can go now. Hindi naman na ako aalis. Magpahatid ka kay Manoy Jerry. Pero teka, may pambili ka pa ba ng gamot?” Biglang napakamot naman ito ng ulo. Parang nahihiya. “P’wede po ba ako maka-advance, Ate? Naubos na kasi iyong sinahod ko noong nakaraan sa gastusin din sa bahay,” nahihiya namang sabi nito. “Wait here, Yaya. Okay?” Saglit na iniwan niya ito at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet. Pero pagbaba niya ay wala na ito. Tinawag niya