SAKTONG ALAS-SAIS NANG dumating siya sa bahay ng mga Hernandez. Si Manang Belen, ang mayordoma, ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Napangiti siya nang niyakap siya nito. Lagi niya itong kausap kapag dumadalaw siya rito kaya napalapit sila sa isa’t isa.
“Na-miss kita, anak!” anito at iginiya siya papasok ng bahay.
“Na-miss din kita, Manang Belen! Tapos na po ba kayo magluto ni Tita Ann? Tulungan ko na po kayo,” nakangiting sabi niya.
“Naku, ’wag na, hija! Katatapos lang namin,” nakangiting sabi nito.
Dumeretso sila sa dining room. Pagpasok nila roon ay nakatalikod si Tita Ann. Sinenyasan niya si Manang Belen na magdahan-dahan. Agad naman na niyakap niya si Tita Ann mula sa likod, sabay sabing, “I missed you!”
“Hmpp. Buti naisipan mo pa akong dalawin dito. Kung ’di pa ako naglambing, ’di ka pupunta,” sabi nitong parang nagtatampo.
Napahagikhik siya sa narinig at sinilip ang mukha nitong nagtatampu-tampuhan. Napangiti naman ito sa ginawa niya, kaya inulit niya ang sinabi niya. “I missed you, Tita Ann!” aniya.
Nilingon na siya nito at niyakap.
“Hmm, you’re forgiven,” nakangiting sabi nito. “Hay, magpaampon ka na kasi sa amin. Para may prinsesa na kami rito,” pagkuwa’y sabi nito.
Napangiti si Manang Belen nang lingunin niya ito. Alam kasi nito na matagal na siyang kinukulit ni Tita Ann.
“Tita, hindi naman sa ayaw ko—” ’Di na niya natuloy ang sasabihin nang biglang pinutol nito. “Fine, then marry my son!”
Nagulat siya sa sinabi nito. ’Yung totoo, pinamimigay na nito ang anak? Pero sino? Si Keith o Kent? Kung si Keith, kaibigan lang ang tingin niya rito. Yes, guwapo rin ito, hindi rin mahirap mahalin, pero malakas ang dating sa kanya ng boss na si Kent! She’s attracted to Kent. Kahit wala pang dalawang linggo niya itong nakakasama sa opisina, iba na ang nararamdaman niya para sa binata.
“P-po?”
“Pakasalan mo si Keith, Kendra! Matututunan mo rin namang mahalin ang batang ’yon,” anitong parang nakikiusap.
Napakamot siya ng ulo sa sinabi nito. Nginitian niya ito at dinampot ang mga kutsara para tulungan ito sa pag-aayos ng mesa.
“Hmp, I know that face. Eh, kung si Kent?” bigla namang sabi nito.
Napatigil siya sa pag-aayos ng kutsara nang marinig ang pangalan ng binata. ’Di na niya ito sinagot pero nginitian niya pa rin ito.
“Kaso may girlfriend na siya, anak! Sa katunayan n’yan kaka-text niya lang na susunduin niya si Darlene sa airport.”
How sad!
So may girlfriend na pala ito, eh, bakit pa siya nito hinalikan kanina! Bigla tuloy siyang nalungkot. Pero hindi na niya pinahalata sa dalawang matanda. Pinipilit niya pa ring ngumiti.
Hihintayin daw nila ang pagdating ng dalawa, kaya nagbihis muna siya sa kuwartong laging inuukupa niya. Sabik sa babaeng anak ang mag-asawa kaya may kuwarto silang pambabae ang design. Sayang at hindi pinagkalooban ng babaeng anak ang mga ito. Nang dumating siya sa buhay ng mga ito ay siya na ang gumagamit ng kuwarto kapag nandito siya. May mga damit din siya roon na binili sa kanya ni Tita Ann.
Pagkatapos ay nagpaalam siya kay Tita Ann na papasok sa music room ng mga ito. ’Pag gantong nalulungkot siya, nakikinig siya ng music o ’di kaya’y nagpe-play ng piano o ng gitara.
Tatawagin na lang daw siya kapag dumating na ang mga ito. Madami na rin naman silang pinag-usapan ng Tita Ann niya kaya naisipan na lang niyang magkulong sa music room.
Kay Keith lahat ang mga instrumento na nandito sa loob. Isa kasi itong miyembro ng isang sikat na banda. Minsan ay napagkakasunduan ng banda nito na mag-practice dito, kaya kumpleto ang gamit. Pero wala ito ngayon sa Pilipinas dahil sunod-sunod ang concerts nito abroad.
Hindi rin siya nito nakakalimutang tawagan kapag may free time ito. Na-miss niya bigla ang makulit na kaibigan nang makapasok sa loob.
Mas pinili niya ang piano na gamitin. Napalingon siya nang pumasok si Manang Belen. May dala itong juice. Makikinig din daw ito sa kanya. Tutal wala pa naman daw na gagawin. Naupo ito sa couch na naroon.
Una niyang tinugtog at kinanta ay ang paboritong Everytime ni Britney Spears.
Pumalakpak naman si Manang Belen. Nag-request din ito na kung p’wede raw ay kay Imelda Papin naman. Napangiti siya at sabay na nagtipa sa piano saka tinugtog at sinabayan ng kanta ang Isang Linggong Pag-ibig.
As usual, bilib na bilib na naman ito sa kanya. Pagkatapos nitong pakinggan ang ni-request ay nagpaalam na ito.
Hallelujah ni Leonard Cohen naman ang sinunod niya pero version ni Lucy Thomas. Always Remember Us This Way ni Lady Gaga, Jar of Hearts, You Are The Reason, All of Me, No Matter What, Dusk Till Dawn, ’yan ang ilan sa kinanta niya at ang panghuli ay ang pinakapaborito talaga niya, ang I’ll Never Love Again.
Nagulat pa siya nang may narinig na nagpalakpakan sa likod niya. Paglingon niya ay nandoon sina Tita Ann, Tito Gener, ang dalawang katulong, at si Manang Belen ulit, mga nakangiti ito.
“Kanina pa po kayo r’yan?” Napangiti siya sa mga audience niya.
“Wala pa ring kupas, hija! Napakagaling mo pa ring kumanta! Kaya na-in love sa ’yo ang bunso namin!” ani Tito Gener. Nakangiting lumapit ito sa kinaroroonan niya at niyakap siya.
Gumanti naman siya ng yakap dito.
Napansin niyang nagsialisan na ang mga katulong na nasa pinto nang nginitian niya ito, kaya nakita niyang may nakasandal sa labas ng pintuan at tanging braso lang nito ang tanaw niya. Mukhang nakapamulsa ito, pero maya-maya ay umalis din agad. Alam niyang si Kent ito. Narinig kaya siya nitong kumanta?
Binalingan niya si Tita Ann na nakangiti rin at nilapitan siya nito.
Dumating na raw ang dalawang hinihintay. Si Kent at ang nobya nito. Sumunod siya sa mag-asawa nang yayain na siya ng mga nito.
Pagpasok nila ng dining room ay sakto namang pinaghihila ng upuan ng boss niya ang nobya nito. Napatingin ito sa gawi niya.
Nginitian niya si Manang Belen nang pinaghila siya nito ng upuan.
How she wish na si Kent ang maghila no’n.
“Poor, Kendra!” aniya sa sarili at pinakalma ang brokenhearted na puso.
Nagpasalamat siya rito.
Maya-maya ay ipinakilala siya ng binata sa nobya. Matamis naman niyang nginitian ang nobya nito.
Malambing masyado ito magsalita and it sounds pabebe for her or maybe she’s jealous!
Panay naman ang ngiti niya kina Tita Ann at kay Tito Gener habang pinagmamalaki siya nito sa nobya ng binata. Halata namang walang interes sa kanya ang babae na ikinangiti niya nang maganda.
Bored ka na, ’te? Nais niya iyong isatinig. Wala na naman sa sarili na napangiti siya nang maganda.
Pero napawi ang ngiti niya nang mahuling nakatitig ang boss niya sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa pagkain.
Narinig niyang napa-“Oh” ito nang sinabi ni Tita Ann na puro paborito niya ang nakahain sa mesa.
Maya-maya ay parang bata siyang napa-“Wow!” nang ihain ni Manang Belen ang paborito niya. Ube Halaya!
“You will like it, hija! Taste it. I prepared it for you!” Binalingan niya si Tita Ann na nakangiti.
“Thanks, Tita! I love you!” Mabilis na kumuha siya at tinikman ito. “Oh, god! How I missed this, Tita! Ang sarap nito!” Napapikit siya at ninamnam ito. Pagmulat niya ay natigilan siya nang mapansing titig na titig sa kanya si Kent. Pagkuwa’y napangiti ito sa kanya.
She pouted her lip.
Napansin niyang napataas ng kilay ang nobya nito at tiningnan ang boss niya. Nagulat siya nang magsalita ang babae.
“Mukhang close po kayo masyado, Tita, sa secretary ni Kent,” anito.
“Yes, super! Parang anak ko na iyang batang ’yan! Ah, soon-to-be my daughter,” masaya namang naisatinig nito.
Nakangiti naman si Tito Gener na sumang-ayon.
Napakunot-noo naman ang boss niya.
“Oh, I see,” sabi lang ng nobya ng boss niya na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Pagbalik ng bunso ko na si Keith, pipilitin ko na mag-propose kay Kendra,” ani Tita Ann.
Alam na niya ito pero hindi lang kasi niya na-expect na sasabihin ito sa harapan ng dalawa. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Darlene.
“Tita, hindi pa naman namin napag-usapan ’yan ni Keith and alam n’yo naman pong—” Hindi na naman siya nito pinatapos.
“He loves you, hija! Kaya matutuwa ’yon ’pag sinabi ko.”
Nginitian na lang niya ito. Ayaw niya lang mapahiya ito kaya hindi na siya nagsalita.
Natapos ang hapunan nang hindi na siya tinitingnan ng binata.
Narinig niyang nagpaalam naman ang dalawa na pupunta sa condo ng binata. Doon daw muna ito maglalagi nang isang buwan.
Lalo naman siyang nilukuban ng lungkot sa isiping magsasama ang dalawa sa condo nito. Nagpaalam na rin siya pagkaalis ng dalawa. Ipinahatid siya ng mag-asawa sa driver. No’ng una ay tumanggi siya pero mapilit talaga ang mga ito kaya napilitan na naman siyang magpahatid.
Maaga pa naman. 8:30 pa lang. Tinext niya si Zyqe. Agad namang nag-reply ito. Niyaya niya ito na mag-bar hopping. Nagtaka pa ito no’ng una dahil hindi naman siya masyadong nagpupunta sa mga gano’ng lugar.
Bumaba siya sa fast food na malapit sa lugar na napagkasunduan nila ni Zyqe. Ayaw niyang magpahatid sa mismong bar dahil alam niyang magtatanong ang dalawang matanda rito. Nagpasalamat muna siya bago bumaba.
Pagdating niya sa ZL Lounge ay sakto namang dating ng kaibigan niya.
Napangiti naman ito sa kanya at niyaya na siya sa loob.
Parami nang parami ang mga taong nagdadatingan sa ZL Lounge.
Nalaman din niyang pag-aari ni Zyqe ang bar.
Pumasok muna sila sa opisina nito.
Napasalampak siya sa sofa na naroon.
“Problem mo, mylabs?” Tumabi ito sa kanya.
’Yan na naman siya. Pero this time, parang concerned ang tono ng tanong nito sa kanya.
“Nothing, gusto ko lang maglibang?” aniya.
“Hey, maglibang? Question mark? It seems you have!” Pagkuwa’y tumayo ito at hindi na siya nito pinilit na magsalita. Nanibago yata sa kanya.
Naglagi sila roon nang sampung minuto dahil may pinirmahan muna ito sa table. Matapos iyon ay tumayo na ito at niyaya siyang lumabas.
Lumapit sila sa counter. May nagmi-mix ng inumin doon. Lady’s drink ang in-order nito sa kanya. Mabilis na hinanda ng lalaki ang in-order ni Zyqe para sa kanya.
Niyaya siya ni Zyqe na sumayaw, pero tumanggi siya kaya naiwan siya sa bar counter.
Matamis na ngumiti ang lalaking nasa counter. Ginantihan niya naman ito ng ngiti.
“Bago ka lang dito? I’m Dave!” pakilala nito sa kanya habang malaki ang ngiti. Guwapo pala nito ’pag nakangiti. Hinawi nito ang buhok na nakalaylay. Naka-ponytail pala ito. Saka lang niya napansin. Hindi naman gaano kahaba ang buhok nito.
Lumiwanag ang mukha nito nang hinawi ang buhok. Ang ganda ng pares ng mata nito. Blue eyes. Mukhang may lahing banyaga.
“Kendra!” pakilala naman niya.
“Boyfriend mo si boss?” Nginuso nito si Zyqe.
“No, we’re just friends!” mabilis na sabi niya.
“Mabilis pa sa alas-kuwatro kung makatanggi, ah!” natatawang sabi nito.
Natawa na rin siya sa sinabi nito.
Habang lumalalim ang gabi ay padami na nang padami ang naiinom niya, Sinubukan niya ang brandy na pinagmamalaki ni Dave kanina. Marami na rin silang napapagkwentuhan ng binata.
Para bang matagal na silang close. Nakagaanan niya agad ito ng loob.
Hanggang ngayon ay wala pa si Zyqe. Dumating kasi bigla si Diane kaya mas pinili ng dalawa ang mag-moment sa opisina ni Zyqe.
Maya-maya ay nagpaalam muna siya kay Dave na pumunta sa ladies’ room. Medyo tipsy na rin kasi siya dahil sa nainom.
Tiningnan niya ang dance floor. ’Yung iba ay nakatayo lang, may mga todo hataw, at may mga naglalandian din. Lalong umingay ang kapaligiran nang mga oras na ’yun dahil sa mga taong nagsidatingan. Parang ngayon pa lang yata nagsisimula ang gabi.
PAGLABAS NG LADIES’ room ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa para i-check ang oras. Muntik pa iyong mahulog nang mabangga siya ng lalaking nakasalubong sa hallway. Buti na lang at nasalo niya agad. Nakalagpas na ito sa kanya. “Hey, careful!” nagulat siya nang magsalita ito. Napalingon siya dahil pamilyar ang boses nito, pero nakapasok na ito sa men’s room. Napailing naman siya. Imposible naman kung ang boss niya ’yon. Siguradong ang sarap na ng tulog no’n kasama ang nobya! Nainis tuloy siya nang maisip ang lalaking naging dahilan para makalimot siya kahit saglit. Pagdating sa counter ay humingi ulit siya ng maiinom kay Dave.
NAGULAT SIYA SA binitiwang salita sa binata. Yes, umamin siya. Ang tanga niya, ’di ba? Marupok talaga. Simula nang umamin ang boss niya kaninang umaga ay ’di na siya natahimik. Oo, kinikilig siya, pero nanaig pa rin sa kanya ang katotohanang hindi p’wedeng maging sila dahil may nobya na ito. Pero kung wala lang itong nobya, why not! Boto rin naman sa kanya ang pamilya nito! Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang maging kabit. Napatingin siya sa cellphone nang may nag-text. Si Dave. Sinave na niya ang numero nito nang mag-text din kaninang 10 ng umaga, nagpakilala ito. Binasa niya ang mensahe. Niyayaya siya nitong mag-dinner.&n
KITANG-KITA NI KENT sa mga mata ng dalaga ang pagnanasa. Kung alam lang nito, mas lalo lang tumitindi ang pagnanasa niya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang naumpisahan niya. Bumaon ang mukha niya sa leeg nito at pinupog iyon ng halik. Nakikiliti naman ito sa ginagawa niya, kaya panaka-naka ang pagsambit nito sa pangalan niya. “Oh, Kent . . .” Pilit din niyang dinidiin dito ang kanina pang naninigas na alaga. Si Kendra lang ang nakakagawa no’n sa kanya. Dampi pa lang ng kamay nito sa katawan niya ay para na iyong kuryente at biglang tigas ng alaga niya. Gustong-gusto niya rin ang ungol ng dalaga. Siya lang dapat ang makarinig no’n, wala ng iba. Siya lang. Kinagat-kagat niya ang ta
PALABAS NA SANA si Kendra ng opisina nang makatanggap ng tawag sa Guard. Ipinaalam nito na may sundo siya. Si Dave. Nakangiting hinalikan siya sa pisngi ni Dave nang makita siya nito, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Napakunot-noo ito pagkatapos siyang halikan sa noo. Tiningnan siya nito sa mata. “I knew it! Masama pa rin ang pakiramdam mo. Let’s go! Para makapagpahinga ka na,” seryoso nitong sabi at inakay na siya. Pagpasok sa sasakyan ay agad na hiningi nito ang address niya sa Valenzuela at agad naman niyang ibinigay iyon. Pinatulog muna siya nito para makapagpahinga. Naging sunod-sunuran lang siya sa binata. Wala siyang lakas na kumontra o umayaw. Sa katunayan, kanina pa niya gustong matulog.
WALANG NAGAWA SI Kendra kundi sagutin ang mga tanong ni Nikki. Maya-maya ay naging komportable na siyang magsabi ng tunay na nararamdaman ng buong katawan niya. “Kung ’di ka lang gusto ni Keith, baka nasabi ko na kay Tita ang nangyari sa inyo ni Blake.” Nakangiti ito. Nagulat siya sa sinabi ni Nikki. “N-Nikki! Don’t . . . Nakakahiya, baka sabihin nila nilandi ko si Kent kahit alam kong may nobya na! Baka mamaya anong sabihin din ni Keith sa akin. Kaibigan ko siya,” nagmamakaawa niyang sabi. “I know! Don’t worry, nag-usap na kami ni Blake. Pero alam mo, mas gusto kita para kay Blake kaysa sa nobya niyang pa-demure! God! Pinagselosan pa ako!” papalatak nitong sabi. “N-Nikki!” ’Yan lang ang nasabi niya sa dal
HINDI PA RIN sinasagot ni Diane ang tawag ni Kendra. Nag-aalala na talaga siya sa pinsan. Naisipan niyang dumaan sa ZL Lounge, baka nando’n ito. Mabilis na pinarada niya ang kotse at nagmamadaling pumasok. Inilinga niya ang mata at hinanap kung nandito ang sadya. Tiningnan niya ang lalaking nasa counter. Wala nga pala si Dave ngayon. Nilapitan niya ito at tinanong kung nandito ba si Diane. “Ilang araw na pong hindi pumapasok Ma’am, eh. Wala rin naman pong nasabi si Sir Ezekiel kung nasaan po.” Mukhang mabigat din ang dinadala ng pinsan niyang iyon. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit hindi ito pumasok. Hindi man lang siya nito tinawagan. “Gano’n ba, sige salamat, huh!” ’Yun lang at
“WOW! KUNG NAGING lalaki ako. Mai-in love na talaga ako sa ’yo,” pabirong sabi ni Kristen pagkatapos mag-perform ni Kendra sa stage. “Loko ka. Eh di parehas na kayo ng kuya mo na dalawa ang katauhan! Kinikilabutan ako sa ’yo,” biro ni Kendra dito. Nakita niyang palapit ang kapatid nito. Nakangiti. Nakangiting panalo. “Hello, dear! Hindi ko in-expect na gano’n ka pala kagaling! Kaya nakuha mo agad ang boss ko, eh! He wants you to sign a contract with us,” masayang sabi ni Jana sa kanya na ikinagulat niya. “Talaga? Gusto ng boss mo na kumanta ako rito?” masayang tanong niya sa kapatid ni Kristen nang lapitan siya nito. Gusto tuloy niyang makilala ang boss nito. Gusto niya rin ang pagkanta, ngayon parang nagkaroon siy
ISANG MATAMIS NA ngiti ang iginawad ni Kendra sa guard nang papasok na siya. “Good morning po, Ma’am Kendra! Ang ganda ng gising natin, ah!” nakangiting sabi nito. “Good morning din, manong! Sakto lang naman,” pabirong sagot niya. Napatingin siya sa kaliwa niya nang may biglang tumabi. Si Kristen pala. Matamis na nginitian niya ito. “Hoy, babae, ano ba talagang meron sa inyo ni Sir?” bulong nito. “W-what?” nagmaang-maangang sabi niya rito. “Sus, I saw you two kiss—” Hindi na nito iyon natapos dahil tinakpan na niya ang bibig nito. Nakita ba sila nito kagabi? Bigla siyang pinamulahan ng mukha.
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang
ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo. Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya. “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p
“BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!” Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas. Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito. “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya. “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti
KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel.
“’MA, WHERE ARE we going?” excited na tanong ng anak niya nang makasakay na sila sa chopper. “We’re going to Metro Manila, baby!” Si Kent ang sumagot dito habang nakangiti. Guwapong-guwapo siya sa binata sa suot nito. Kahit ano yata ang isuot nito ay litaw na litaw ang angking kaguwapuhan. “Yehey! Can I meet my granny there?” “Of course, baby. Actually, doon tayo mag-i-stay,” masayang sabi niya sa anak na hindi na naalis ang ngiti. Tumingin siya sa ama nito na matamis ang ngiti. Pagkuwa’y ngumuso ito sa dibdib niya. Napatingin siya sa dibdib na kitang-kita pala ang cleavage niya. Pasimpleng kinurot niya ito. “Ouch!” “What happened, Papa?” tanong
PAGKALAPIT NG BINATA sa kanila ay agad na kinabig siya nito para halikan sa labi. Halatang nagulat si Mayor Miller sa ginawa ng binata. “Where did you go?” anito nang bitiwan ang labi niya at nginitian siya. Kakaiba ang mga ngiti nito. “Hi, I’m Blake Kent Hernandez! Astin’s father and Kendra’s fiancé,” baling nito sa kausap niya at inilahad ang kamay. Nabigla siya sa huling sinabi ni Kent sa kaharap. Kailan pa? Kanina lang ay may kasama siyang iba. “I’m Lorence Miller!” nakangiting pakilala naman nito. Bumaling ito sa kanya at nagpaalam na. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang bata. Kasama ng mga ito ang yaya. Pagtingin niya sa binata ay titig na titig ito sa kanya.
BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan.
“’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pal
HINDI PA MAN siya nakakapasok ay nakasalubong niya na ang yaya ng anak niya. “Ate, p’wede po bang umuwi na po ako? May sakit kasi ang isang anak ko. Bibili pa po kasi ako ng gamot. Kung okay lang po.” “Yes, Yaya, you can go now. Hindi naman na ako aalis. Magpahatid ka kay Manoy Jerry. Pero teka, may pambili ka pa ba ng gamot?” Biglang napakamot naman ito ng ulo. Parang nahihiya. “P’wede po ba ako maka-advance, Ate? Naubos na kasi iyong sinahod ko noong nakaraan sa gastusin din sa bahay,” nahihiya namang sabi nito. “Wait here, Yaya. Okay?” Saglit na iniwan niya ito at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet. Pero pagbaba niya ay wala na ito. Tinawag niya