INIS NA INILAPAG ni Kendra ang sling bag sa mesa. Alas-onse na kasi ng gabi nang matapos ang mga gawain sa office dahil sa panibagong mangyayari sa kompanya nila. Ika nga, bagong administration na, magre-retire na kasi ang matandang boss niyang si Generoso Hernandez, ang kasalukuyang CEO ng Hernandez Group of Companies.
Siya naman si Kendra Buenavidez, ang kasalukuyang sekretarya nito. Kahit na magre-resign na ito ay ’di pa rin siya nito tinanggal sa pwesto.
Halos alas-dose na nang marating niya ang apartment, hindi tuloy niya nasipot ang ka-blind date. Magtetrenta na siya sa katapusan ng buwan. Isang taon na lang at mawawala na siya sa kalendaryo, tapos ay miyembro pa siya ng NBSB, as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH and take note, virgin pa siya sa edad niyang ’yan. Ngayon na nga lang siya nagkainteres makipag-blind date tapos ay hindi pa natuloy. Humingi siya ng pasensya sa pinsan niyang may pakana nito at ipinaliwanag naman nito sa dapat na ka-blind date niya kung bakit hindi siya nakarating.
Napatigil siya sa paghuhubad ng damit para magbihis nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Ang boss niya, tumatawag.
“Oh my god! Anong oras pa lang, Tito!” sabi niya pero hindi pa sinasagot ang tawag nito.
Tito na kasi ang tawag niya sa kanyang boss kapag tapos na ang trabaho. Naging malapit na kasi siya sa mag-asawang Hernandez pagkatapos ng nangyari kay Ma’am Anastacia sa Caramoan.
“Hello, Kendra?” anito at nagpatuloy nang marinig ang pagsabi niya ng ‘Yes, Sir.’
“Tito, Kendra! ’Di ka pa ba sanay?” pagkuwa’y tanong nito.
“Meet me at my office tomorrow, 10 a.m. and don’t be late!” dugtong pa nito.
Never siyang humindi sa kanyang boss. Malaki rin kasi ang utang na loob niya sa mag-asawa sa kung ano man ang tinatamasa niya ngayon. Masyado siyang close sa mag-asawa pati na rin sa bunsong anak ng mga ito na si Keith.
Malaki ang bonus niya tuwing December at may gift din siyang natatanggap tuwing kaarawan niya. They treat her like a family. Kaya lalo naman niyang sinisipagang magtrabaho. Kahit anong araw at oras siya nitong ipatawag ay mabilis pa sa bullet train kung kumilos siya para lang makarating agad.
Araw ng Linggo bukas at kung tutuusin, dapat ay araw ng pahinga niya, pero para sa mga katulad niya, hindi uso ’yon at bawal din mapagod.
Kinabukasan, bigla siyang napatayo nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarm clock at ng cellphone niya. Para siyang robot na nagmartsa papuntang banyo.
Naalala niyang nag-set din pala siya ng alarm sa cellphone niya.
Alas-otso na. Dapat, mga 8:30 ay nakaalis na siya dahil Valenzuela pa ang panggagalingan niya at sa Makati pa banda ang opisina nila.
Kapag weekdays, maaga siyang umaalis, pero ’pag Linggo, hindi naman gano’n kaaga kasi hindi naman traffic ang EDSA.
May condo naman siya sa Makati na malapit sa opisina nila, ’yon ang regalo sa kanya noong ikatlong taon niya sa kompanya at kasabay pa ng kaarawan niya. Ayaw niya lang mag-stay sa condo dahil mas gusto niyang kasama ang mga kapatid. Nah, magkapitbahay pala sila ng kapatid niya. Family oriented kasi siya. Sabi niya sa sarili na aalis lang siya sa tabi ng kapatid kapag nag-asawa na siya.
Eksaktong 9:30 no’ng dumating siya sa tapat ng building at mabilis na pumasok. Nilapag lang niya ang sling bag sa desk at dumeretso na siya sa opisina ng boss para punasan ang table nito. Siguradong paparating na ito.
Pero napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan ng private room ng boss niya.
“May tao!” aniya sa sarili.
Nanlaki ang mga magagandang mata niya nang iniluwa nito ang isang mala-adonis, este guwapong lalaki. Matipuno at mukhang hot. Kitang-kita ang six packs abs nito. Walang pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot.
“Holy Shit!” sabi pa niya sa sarili.
Bigla namang nagtama ang kanilang paningin.
Oh my . . .
’Di niya namalayang nakanganga na pala siya. Lumapit ito at tumitig sa kanya na ikinanginig ng buong katawan niya.
“You must be, Kendra?” bungad nito.
Shit! Hot at husky rin ang boses nito! Mukang anghel din ang mukha sa malapitan. ’Di kaya anghel ito? Napaigtad siya nang bigla pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.
“Aren’t you?” Nagsalita ulit ito. Oo nga pala, may tinatanong pala ito.
“Y-yes! I am Kendra, and you are?” nauutal niyang saad.
“Kent,” anitong nakangiti at lalong inilapit ang mukha sa kanya, pero agad din siyang umiwas ng tingin sa binata.
OMG!
So siya pala ang susunod na boss niya. Ang panganay nila Tito. Hmm, mukhang masasarapan siya, este gaganahan siyang magtrabaho lalo.
Shit! Ramdam na niya ang paghinga nito. Biglang nag-init ang buong katawan niya. Iba rin ang dating. Hininga pa lamang ay nag-iinit na siya, halik pa kaya nito?
Napatigil siya sa pag-iisip nang tumaas ang isang kilay nito.
Binaling niya ang tingin sa pintuan ng opisina. Gusto niyang lumabas dahil parang hindi siya makahinga sa sobrang lapit nito. Naiilang siya. Akma siyang aalis sa harapan nito nang biglang hinarangan ng kamay nito ang daraanan sana niya.
“Where do you think you’re going?” mahina pero matigas na tanong nito.
“A-ah . . . sa labas po, Sir, may kukunin lang po ako,” palusot niyang sabi at dere-deretso siyang nagmartsa palabas ng office nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang nakalabas na ng opisina nito. Mahigit dalawang minuto lang yata ang tinagal niya sa upuan para pakalmahin ang nag-iinit na puso niya.
Maya-maya ay binuhat na niya ang files na kailangan nitong aralin.
Akala niya, si Sir Gener ang makakasama niya ngayon. Wala rin kasi itong nabanggit kagabi sa kanya.
Kumatok muna siya nang tatlong beses bago niya binuksan ang pinto. Sa tingin naman niya ay nakapasok na ito sa CR dahil wala ngang sumasagot at mukha kasing papunta sa direksyon ng banyo ang tungo nito kanina.
Wala talaga siyang narinig na nagsalita kaya tumuloy na siya. Pero nanlaki ang mga mata niya at napasigaw siya nang makita ang bagong boss na nakatapis lang. Halatang nagulat din ito pero agad ding umaliwalas ang mukha nito nang makita siya. Nakatingin pa rin ito sa kanya at ngumiti kaya bigla siyang tumalikod.
Mukhang maliligo pa lang ang bagong boss niya.
“Sabayan ko na kaya?” pilyang tanong niya sa sarili.
Hihintayin niya sanang pumasok ito sa banyo, pero lalo lang siyang nataranta nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya. ’Di niya alam kung aalis siya sa kinatatayuan niya o lilingon.
Kung lingunin kaya niya ito? Napangiti siya sa isiping ’yon.
Napasinghap naman siya nang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya. Halatang sinadya siya nitong bugahan ng hininga. Bigla siyang kinilabutan, pero ibang klaseng kilabot at hindi nakakatakot, bagkus ay nakakakilig at para siyang hihimatayin nang magsalita ito. Ang lakas ng tibok ng puso niya.
“I will take my shower first. Do you want to join me?” anito na parang nang-aakit—na lalong idinikit ang mukha sa balikat niya. Napasinghap siya rito. “Yes!” sabi ng isip niya. Shit, ang rupok niya!
“Hmm,” wala sa huwisyong sabi niya.
“Hmm, means yes?” anitong natatawa.
Nawala sa isip niyang nakatapis lang ito ng tuwalya kaya napasinghap siya nang lingunin ito para magpaliwanag.
Lalo lang siyang natigilan sa ginawa niya, biglang ibinaba niya ang tingin at napalunok nang titigan ang nasa pagitan ng mga hita nito na animo’y natatakpang ahas at parang gumalaw ’yon.
Alive na alive. Parang naghahanap ng matutuklaw.
“Mukhang malaki!” sabi niya sa sarili na ikinailing niya at biglang tiningnan niya ito sa mukha.
“Are you done checking me out?” tanong ni Kent.
Lalo naman siyang nataranta sa ibig ipahiwatig nito.
“N-no, no! I mean, hmm, lalabas muna ulit ako, Sir! ’Yon, tama, lalabas muna ako!” aniyang ikinukumpas pa ang kamay. Akma siyang tatalikod nang hilahin siya nito paharap at napatingin na naman siya sa baba nito.
“Hmmn, are you enjoying the view talaga, down there?” Pagkuwa’y ngumuso ito sa baba nito. Napalunok naman siya sa tinuran nito.
“Silly girl. Fuck! But I like it! I like the way you look at me, especially at my best friend!” nakangiti nitong sabi at tumalikod palakad papuntang banyo.
Akma nitong pipihitin ang doorknob ng CR nang lingunin siya nito.
“Just knock if you change your mind,” pilyong sabi nito at tuluyang pumasok.
“Pervert!” sigaw ng isip niya. Pero gustong-gusto niya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Ibang-iba sa mga lalaking nakakahalubilo niya.
Wala na si Kent sa harap niya pero nakatulala pa rin siya.
Nahimasmasan lang siya nang naramdamang nangangalay na ang kamay niya sa hawak na files. Mabilis na tinungo niya ang mesa nito at mabilis din na lumabas ng opisina.
Ayaw na niyang maabutan pa siya nito paglabas.
Agad na tinungo niya ang ladies’ room at naghilamos doon para mawala ang kiliti at kilig na dala ng binata sa kanya.
Pero panay-panay ang ngiti niya nang maalala ang engkwentro nilang dalawa sa opisina nito. Kung ’di lang niya ito boss, oo na agad ang sagot niya no’ng tinatanong siya nito kung gusto ba niyang sumabay at ibigay na ang perlas ng silangan dito sa CR mismo.
Charot! Landi pa!
Mabilis na naglagay siya ng makeup at matte lipstick. ’Yon kasi ang uso ngayon. Light lang siya talaga mag-makeup, ayaw niya ’yong parang sinampal nang kabilaan. Simplicity is beauty, ika nga.
***
SAMANTALA, AGAD NA binuksan ni Kent ang shower. Bigla siyang nag-init sa ginawang panti-trip sa sekretarya ng ama, na ngayo’y magiging sekretarya na niya. Natuwa lang kasi siya sa mga kwento ng kapatid niya at lagi rin pinupuri ito ng ama niya, kaya naisipan niyang pag-trip-an ang dalaga.
Ayon kasi sa ama niya, lagi itong maaga at never pang na-late simula’t sapul. Every year ay may award din ito, at lagi itong nano-nominate na best employee of the year at siyempre ang dalaga ang laging nanalo, ayon naman sa kapatid niya.
Napangiti siya nang maalala kung paano nito titigan ang alaga niya. Namumula rin ang mukha ng dalaga. ’Di naman niya kasi akalaing hot ito sa personal kahit na maliit. Sa tantiya niya ay nasa 5’3” lang ang height nito. Ang cute niya nga, eh.
Sa bagay, three years ago pa yata ’yong picture na nasa database nila.
’Di pa ba nag-a-update ang HR?
Narinig niyang sumara ang pintuan ng opisina at sa tingin niya ay lumabas na siguro ito.
“Parang ang sarap niyang tikman,” wala sa sariling sambit niya habang ini-imagine ang babaeng gumugulo sa isipan niya ngayon ngayon lang. Bakit ba kasi sa office pa agad siya dumeretso pagkagaling ng airport? Nagkakasala tuloy siya sa nobya na naiwan sa Italy.
Yes, may nobya na siya! Si Darlene. Isa itong modelo. Maganda, sexy, at matalino. Isa itong half-Filipino at half-Italyana. Halos tatlong taon na rin sila nito. No’ng nakaraang taon lang ay niyaya na niya itong magpakasal, pero tinanggihan siya sa kadahilanang ’di pa ito nagsasawa sa pagkadalaga at ayaw iwanan ang career nito. Inintindi niya ang dalaga dahil mahal na mahal niya ito. Kaya niyang maghintay para dito. Gano’n niya ito kamahal.
Maya-maya ay may narinig siyang nag-uusap. Sa tingin niya ay dumating na ang papa niya. Si Kendra lang ang nagsasalita at mukhang nakikinig lang ang papa niya. Narinig niyang nabanggit nito na nasa CR siya.
Binilisan niyang maligo dahil 10:30 ay may lakad daw ang papa niya.
Paglabas niya, ang ama niya lang ang kanyang nabungaran.
Sayang, ’di siya nakita ng sekretarya. Nanghinayang pa siya sa lagay na ’yan. Marahil ay pinalabas muna ito ng kanyang ama.
Siguradong tititigan na naman nito ang alaga niya at gustong-gusto naman niya iyon. Sa isiping ’yon ay bigla na naman siyang nag-init.
Fuck!
“Pa, how are you?” aniyang lumapit at akmang hahalik sa pisngi nito.
“You!” anito at akma siyang hahampasin ng newspaper. Buti na lang at mabilis siyang nakaiwas.
“Pa, what’s wrong? Don’t you miss me?” aniyang natatawa.
“Nagtatampo ang mama mo, bakit ’di ka raw dumeretso sa bahay! Call her, now!” sigaw nito at akmang ibabato na ang newspaper na hawak.
“Yeah, I will, Pa. Don’t worry. Nagpapa-miss lang ako lalo!” ani Kent.
“Damn you! Lagot ka sa akin ’pag inatake ang mama mo!” galit pa ring sabi nito. “What do you think of Kendra?” pagkuwa’y tanong nito at nginuso ang sekretarya na nasa labas.
“Hmm, she’s cute, and hot!” nakangiting sabi niya.
“Blake Kent!” Parang babatuhin na talaga siya ng ama. ’Pag gantong buong pangalan na niya ang binabanggit nito ay siguradong galit na ito. Umaandar na naman kasi ang pagkapilyo niya.
“’Di ko pa masasabi ang performance niya as an employee, but I think she’s good in . . .” pambibitin niya. “You know what I mean, Pa,” aniyang pagbibitin sa sasabihin habang nakangiti, at mukha namang na-gets ng ama iyon nang walang ano-ano’y binato na nga nito sa kanya ang binabasa nito.
“Ouch!” natatawang sabi niya.
“Be good to her, Kent. I like her, huh! She’s good at everything here. ’Di ka mahihirapan, maasahan pa!” papuri nito sa sekretarya. “Bilisan mo nang magbihis at papapasukin ko na si Kendra,” pagkuwa’y sabi nito.
NAPAPITLAG SI KENDRA nang tumunog ang telepono. ’Di pa rin yata siya maka-get over sa bagong boss. Agad na sinagot niya iyon dahil alam niyang sa loob ng opisina ng boss galing ang tawag na ’yon. Tanging, “Yes, Sir!” lang ang sagot niya sa dating boss, kay Sir Gener. Pinapapasok na siya nito sa conference room. Tatlo lang naman silang mag-uusap tungkol sa mga habilin ng dating amo at siya naman ay magdi-discuss ng ibang detalye tungkol sa pamamalakad sa buong kompanya. Halos lahat kasi ng pasikot-sikot sa kompanya ay alam na niya. Panay-panay lang ang tango ng bagong amo niya, at panaka-naka’y kinikindatan siya ’pag hindi nakatingin ang ama nito sa kanya na kinapupula ng mukha niya. Natapos naman agad ang tren
NAGULAT SIYA NANG biglang may humampas sa braso niya. “Shit!” sabi niya nang lingunin ang humampas! Si Zyqe! Bwisit! Pinanlakihan lang naman niya ito ng mata. “Hey, you’re cursing me! Tulala ka kasi, mylabs! Daydreaming, gano’n?” saad nito. “Sino ’yan, si Blake o si Kent ba?” dugtong pa nito sabay halakhak. “Shut up, p’wede? At hindi si boss ang dine-daydream ko!” pagsisinungaling niya. “Okay, fine! Then, who?” nakangiting tanong nito. “Si Kim Soo-Hyun!” sabi na lang niya! “Koreano na naman! Nilamon na kayo ng Koreano, even Diane hindi mo na makausap nang matino. Dapat n’yan i-ban ’yang mga palabas na ’yan, eh!” mahabang litanya nito.
SAKTONG ALAS-SAIS NANG dumating siya sa bahay ng mga Hernandez. Si Manang Belen, ang mayordoma, ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Napangiti siya nang niyakap siya nito. Lagi niya itong kausap kapag dumadalaw siya rito kaya napalapit sila sa isa’t isa. “Na-miss kita, anak!” anito at iginiya siya papasok ng bahay. “Na-miss din kita, Manang Belen! Tapos na po ba kayo magluto ni Tita Ann? Tulungan ko na po kayo,” nakangiting sabi niya. “Naku, ’wag na, hija! Katatapos lang namin,” nakangiting sabi nito. Dumeretso sila sa dining room. Pagpasok nila roon ay nakatalikod si Tita Ann. Sinenyasan niya si Manang Belen na magdahan-dahan. Agad naman na niyakap niya si Tita Ann mula sa likod, sabay sabing, “I missed you!”
PAGLABAS NG LADIES’ room ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa para i-check ang oras. Muntik pa iyong mahulog nang mabangga siya ng lalaking nakasalubong sa hallway. Buti na lang at nasalo niya agad. Nakalagpas na ito sa kanya. “Hey, careful!” nagulat siya nang magsalita ito. Napalingon siya dahil pamilyar ang boses nito, pero nakapasok na ito sa men’s room. Napailing naman siya. Imposible naman kung ang boss niya ’yon. Siguradong ang sarap na ng tulog no’n kasama ang nobya! Nainis tuloy siya nang maisip ang lalaking naging dahilan para makalimot siya kahit saglit. Pagdating sa counter ay humingi ulit siya ng maiinom kay Dave.
NAGULAT SIYA SA binitiwang salita sa binata. Yes, umamin siya. Ang tanga niya, ’di ba? Marupok talaga. Simula nang umamin ang boss niya kaninang umaga ay ’di na siya natahimik. Oo, kinikilig siya, pero nanaig pa rin sa kanya ang katotohanang hindi p’wedeng maging sila dahil may nobya na ito. Pero kung wala lang itong nobya, why not! Boto rin naman sa kanya ang pamilya nito! Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang maging kabit. Napatingin siya sa cellphone nang may nag-text. Si Dave. Sinave na niya ang numero nito nang mag-text din kaninang 10 ng umaga, nagpakilala ito. Binasa niya ang mensahe. Niyayaya siya nitong mag-dinner.&n
KITANG-KITA NI KENT sa mga mata ng dalaga ang pagnanasa. Kung alam lang nito, mas lalo lang tumitindi ang pagnanasa niya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang naumpisahan niya. Bumaon ang mukha niya sa leeg nito at pinupog iyon ng halik. Nakikiliti naman ito sa ginagawa niya, kaya panaka-naka ang pagsambit nito sa pangalan niya. “Oh, Kent . . .” Pilit din niyang dinidiin dito ang kanina pang naninigas na alaga. Si Kendra lang ang nakakagawa no’n sa kanya. Dampi pa lang ng kamay nito sa katawan niya ay para na iyong kuryente at biglang tigas ng alaga niya. Gustong-gusto niya rin ang ungol ng dalaga. Siya lang dapat ang makarinig no’n, wala ng iba. Siya lang. Kinagat-kagat niya ang ta
PALABAS NA SANA si Kendra ng opisina nang makatanggap ng tawag sa Guard. Ipinaalam nito na may sundo siya. Si Dave. Nakangiting hinalikan siya sa pisngi ni Dave nang makita siya nito, pero wala siyang maramdamang kakaiba. Napakunot-noo ito pagkatapos siyang halikan sa noo. Tiningnan siya nito sa mata. “I knew it! Masama pa rin ang pakiramdam mo. Let’s go! Para makapagpahinga ka na,” seryoso nitong sabi at inakay na siya. Pagpasok sa sasakyan ay agad na hiningi nito ang address niya sa Valenzuela at agad naman niyang ibinigay iyon. Pinatulog muna siya nito para makapagpahinga. Naging sunod-sunuran lang siya sa binata. Wala siyang lakas na kumontra o umayaw. Sa katunayan, kanina pa niya gustong matulog.
WALANG NAGAWA SI Kendra kundi sagutin ang mga tanong ni Nikki. Maya-maya ay naging komportable na siyang magsabi ng tunay na nararamdaman ng buong katawan niya. “Kung ’di ka lang gusto ni Keith, baka nasabi ko na kay Tita ang nangyari sa inyo ni Blake.” Nakangiti ito. Nagulat siya sa sinabi ni Nikki. “N-Nikki! Don’t . . . Nakakahiya, baka sabihin nila nilandi ko si Kent kahit alam kong may nobya na! Baka mamaya anong sabihin din ni Keith sa akin. Kaibigan ko siya,” nagmamakaawa niyang sabi. “I know! Don’t worry, nag-usap na kami ni Blake. Pero alam mo, mas gusto kita para kay Blake kaysa sa nobya niyang pa-demure! God! Pinagselosan pa ako!” papalatak nitong sabi. “N-Nikki!” ’Yan lang ang nasabi niya sa dal
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang
ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo. Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya. “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p
“BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!” Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas. Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito. “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya. “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti
KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel.
“’MA, WHERE ARE we going?” excited na tanong ng anak niya nang makasakay na sila sa chopper. “We’re going to Metro Manila, baby!” Si Kent ang sumagot dito habang nakangiti. Guwapong-guwapo siya sa binata sa suot nito. Kahit ano yata ang isuot nito ay litaw na litaw ang angking kaguwapuhan. “Yehey! Can I meet my granny there?” “Of course, baby. Actually, doon tayo mag-i-stay,” masayang sabi niya sa anak na hindi na naalis ang ngiti. Tumingin siya sa ama nito na matamis ang ngiti. Pagkuwa’y ngumuso ito sa dibdib niya. Napatingin siya sa dibdib na kitang-kita pala ang cleavage niya. Pasimpleng kinurot niya ito. “Ouch!” “What happened, Papa?” tanong
PAGKALAPIT NG BINATA sa kanila ay agad na kinabig siya nito para halikan sa labi. Halatang nagulat si Mayor Miller sa ginawa ng binata. “Where did you go?” anito nang bitiwan ang labi niya at nginitian siya. Kakaiba ang mga ngiti nito. “Hi, I’m Blake Kent Hernandez! Astin’s father and Kendra’s fiancé,” baling nito sa kausap niya at inilahad ang kamay. Nabigla siya sa huling sinabi ni Kent sa kaharap. Kailan pa? Kanina lang ay may kasama siyang iba. “I’m Lorence Miller!” nakangiting pakilala naman nito. Bumaling ito sa kanya at nagpaalam na. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang bata. Kasama ng mga ito ang yaya. Pagtingin niya sa binata ay titig na titig ito sa kanya.
BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan.
“’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pal
HINDI PA MAN siya nakakapasok ay nakasalubong niya na ang yaya ng anak niya. “Ate, p’wede po bang umuwi na po ako? May sakit kasi ang isang anak ko. Bibili pa po kasi ako ng gamot. Kung okay lang po.” “Yes, Yaya, you can go now. Hindi naman na ako aalis. Magpahatid ka kay Manoy Jerry. Pero teka, may pambili ka pa ba ng gamot?” Biglang napakamot naman ito ng ulo. Parang nahihiya. “P’wede po ba ako maka-advance, Ate? Naubos na kasi iyong sinahod ko noong nakaraan sa gastusin din sa bahay,” nahihiya namang sabi nito. “Wait here, Yaya. Okay?” Saglit na iniwan niya ito at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet. Pero pagbaba niya ay wala na ito. Tinawag niya