MARIA POV"Hello Natalie! please paki open ang TV mo, nasa balita na ngayon ang pagkakahuli kay Andrew, tignan mo din si Kim, Nababaliw na ata. " sabi ko kay Natalie Agad naman binuksan ni Natalie ang kanyang TV at nanuod ng balita sa flash break. "MY GOSH anong nangyari kay Kim, parang nababaliw na yata yan."sabi ko naman sa kanya "Naku Natalie pano nag welga ang mga tauhan niya, lumabas din ang totoo na siya ang babae ni Andrew, nag histerikal siya ng malamang hinuli ng mga pulis si Andrew, ito ang good news. Isasara na daw niya ang Sta.Barbara nag declare na siya ngayon. Dahil hindi na daw nito kayang magpasahod at lahat ng kanyang share holders ay nag-pull-outan na dahil sa iskandalong ito" sabi ko sa kanya. Natawa naman si Natlaie " Maria, tawagan mo ang sekretarya niya. Offeran mong bilhin natin ang Sta. Barbara, kasama ang mga tauhan niya sa ating bibilhin upang walang mawalan ng trabaho. Naghihiganti ako sa mga taong nagkasala sakin, at walang kasalanan ang kanyang mga t
NATALIE POV Nang makatulog na ang kambal ay nag-set naman ng kaunting maiinom namin si Colton, pinapunta ko din si Maria para makisalo samin, may mga bagay din kaming dapat pag-usapan tungkol sa mga ibibilin ko sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa aking negosyo sa pagbalik nila ng Amerika. May mga email din kasi akong natanggap mula kay Charles na may mga clients kaming gustong mag-dagdag ng kanilang mga ipapagawa sa ilalim ng The Ligthen-Er Corporation. Nagkaniya-kaniya na kami ng upo s bar counter sa bahay. Bago namin simulan ang tungkol sa negosyo ay nagkwentuhan na muna kami ng mga kaganapan sa burol ni mommy, seryoso akong nakikinig sa mga kinukwento nila tungkol sa mga sinasabi ni Daddy at nila Manang Luming tungkol sa akin. Aniya nila bago daw pumanaw ang mommy ay wala itong bukang bibig kundi ang pagnanais nitong makita ako. “Alam mo Natalie ang sabi pa ni tito sabi daw ni tita, proud na proud sila sa lahat ng naging achievements mo sa buhay. “Sabi ni Colton sakin
"Please Natalie pakiusap ko sayo, wag ka munang gumawa ng eksena dito, kung haharap ka man sa pamilya mo hindi yung ganitong nakainom ka, alam kong maayos na ang lahat at pwede ka ng magpakita pero wag ngayong araw na ganito ang kondisyon mo " sabi ni Maria sa akin. "Huhuhu! bakit ba kasi ngayon ito nangyari kay mommy! hindi man lang ako nahintay ng ilang araw na lang, (napapahampas ako sa inis sa aking manibela) pwede na akong magpakita sa kanilang lahat ngayon! huhuhu" pagsusumamo ko kay Maria. Napatingin ako sa kanya. Gustuhin ko mang magpakita pero tama si Maria, sa tagal kong nawala sa buhay ng aking pamilya hindi naman ako maaring magpakita sa kanila ng ganito ang aking itsura. Lalo na para maka-agaw ng atensyon sa burol ng aking ina. Nirerespeto ko ang aking mommy, kaya naman napapasandal ako sa aking upuan at napapabuntong hininga ng malalim, tumingala ako para pigilan ko ang aking mga luha pero kahit anong gawin ko ay tuloy ang pag-agas nito sa aking mga mata."naiintindihan
Niyaya na ako ni Sebastian sumakay sa kanyang sasakyan. Sumama naman ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan dahil asawa ko naman ito at malaki ang pagkakasala ko sa kanya. Nang kami ay makasampa na sa kanyang Lexus Car ay hindi kami kaagad umalis. Ilang minuto muna kaming nagtitigan at nagkamustahan. Puno ng kaligayahan ang aming mga mata. Kapit din ni Sebastian ang aking kamay. Nakaharap kaming nakaupo sa isa’t isa. “Natalie, Hon hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito ka na sa aking harapan, di ko inaasahan na dito pa tayo magkikita sa ganitong pagkakataon , pasensya na Hon, nalulungkot lang talaga ako kaya ako nandito ngayon. Simula ng nawala ka parang nawalan na din ng saysay ang buhay ko pero pangako hinding hindi ako tumingin sa iba kahit na wala ka sa aking tabi. Kung san san kita hinanap, madami ding tao ang aking binayaran para lang magkaroon ng lead sa kinaroroonan mo, kahit pa sa media ay humingi na din ako ng tulong, ultimo mga kaibigan ko ay kumilos din
"Kasi Hon, natakot pa akong iharap sayo ang kambal. Simula ng maliit pa sila ay kilala ka na nila pati na sila Kuya. Hindi lang kami nagpapakita sa inyo pero may detective akong binayaran para sundan kayo. Lagi siyang nag-se-send ng update sa akin ng mga ngyayari at mga larawan niyo. Lagi kong sinasabi sa kambal na ikaw ang ama nila, katunayan sa silid nila ay may larawan mo na nakalagay , galit lang ako Sebastian pero hindi ko tatanggalan ng karapatan ang kambal na malaman nila ang totoo sa kanilang pagkatao." sagot ko naman sa kanya. Napaluha naman si Sebastian sa aking sinabi. " Hon salamat, dahil sa kabila ng galit mo sa akin ay nagawa mo pa rin akong ipakita sa mga anak natin." sabi niya sa akin. "mabuti pa siguro magpunta na muna tayo sa silid natin. Para makaligo ka at ng mapuntahan na natin ang kambal." dugtong pa niya. Sumama naman ako sa kanya at maghawak ang aming kamay ng kami ay magtungo sa aming kwarto. Sumusunod lang ako sa kanya kahit saan niya ako dalhin dahil hindi
Nahiga na kami sa kama at nagkuwentuhan, hindi kami parehas makatulog kaagad dahil sa pagkamiss namin sa isa't-isa. Nakasandal kami ni Sebastian parahas sa headboard ng aming kama ng kuhain niya ang aking katawan at isandal ito sa kanyang dibdib. Madami kaming bagay na dapat pag-usapan ni Sebastian at marami rin akong gustong sabihin sa kanya . Kung ang dating Natalie ang bangka sa aming relasyon ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. Tila umurong ang aking dila dahil sa mga nangyari o dahil sa involve ang pamilya niya kung bakit kami ngkagulo-gulo. Nirerespeto ko din ang mararamdaman ng aking asawa kaya ayokong magsabi ng mga salitang makakasakit sa kanya. Nang mapansin iyon ni Sebastian ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang hinihimas niya ang aking braso ay biglang nagtanong si Sebastian sa akin "Hon gusto ko lang sanang malaman kung bakit ka nagtago sa akin? Ilang beses akong tumatawag sayo noon pero hindi mo ako sinasagot pati mga messages k
“Anong sakit Hon?! Bakit hindi mo kagad sinabi sakin?! Kamusta ka na ngayon? At sino naman si Charles?” dire-diretsong tanong sakin ni Sebastian. Napapakunot pa ang kanyang noo samantalang napapangiti naman ako ng maramdaman kong nagseselos ito ng banggitin ko si Charles. “Hon okay na ako ngayon kaya nga ako hindi nakapagpakita ng mahigit na anim na taon sa inyong lahat dahil din sa nagpapagaling ako sa sakit na namana ko pa kay Mommy, isa rin ito sa mga naging dahilan ko kung bakit hindi ako nakapagpakita kaagad sa inyo. Nag trigged itong lahat ng magbuntis ako . Akala ko dala lang ng matinding stress kaya ako laging nahihilo at kakaiba ang aking nararamdaman, Bago pa man ako manganak ay nakita na ng mga doctor na nag-alaga sakin sa rest house ni Charles na mayroon akong cancer. Kagaya ng naging sakit ni Mommy, pinilit nila akong magpa-chemo pero hindi ako pumayag dahil nakita naman ng OB-GYNE na tumingin sakin na healthy ang kambal at hindi nakaka-apekto sa bata ang aking naging
Kaya naman di-nial ko na kaagad ang kanyang Cellphone at nagpaalam dito. Binilinan ko na din siyang maaga akong uuwi mamaya at ayusan niya ang mga kambal dahil ipapakilala ko na sa kanila ang daddy nila, pero sinabi ko kay Editha na wag munang sasabihin sa kambal ang mangyayari ngayon, gusto ko silang sorpresahin. Naramdaman ko na lang ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina sa aming kwarto. Napapapikit ang isa kong mata ng kapain ko sa aking gilid si Sebastian. Napabalikwas ako ng gising ng hindi ko ito makapa. Wala na siya sa aking tabi ng magising ako. Natakot akong baka panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, pero mabilis namang nawala iyon sa aking isipan ng libutin ng aking mata ang palagid ng loob ng silid na iyon. Nakita ko ang larawan namin ni Sebastian sa aming kasal na nasa wall sa aking ulunan. Sinuot ko na muna ang robe na hinanda niya sa gilid ng aming kama bago ako Lumabas ng kwartong iyon, naglakad na ako pababa ng aming