Nahiga na kami sa kama at nagkuwentuhan, hindi kami parehas makatulog kaagad dahil sa pagkamiss namin sa isa't-isa. Nakasandal kami ni Sebastian parahas sa headboard ng aming kama ng kuhain niya ang aking katawan at isandal ito sa kanyang dibdib. Madami kaming bagay na dapat pag-usapan ni Sebastian at marami rin akong gustong sabihin sa kanya . Kung ang dating Natalie ang bangka sa aming relasyon ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. Tila umurong ang aking dila dahil sa mga nangyari o dahil sa involve ang pamilya niya kung bakit kami ngkagulo-gulo. Nirerespeto ko din ang mararamdaman ng aking asawa kaya ayokong magsabi ng mga salitang makakasakit sa kanya. Nang mapansin iyon ni Sebastian ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang hinihimas niya ang aking braso ay biglang nagtanong si Sebastian sa akin "Hon gusto ko lang sanang malaman kung bakit ka nagtago sa akin? Ilang beses akong tumatawag sayo noon pero hindi mo ako sinasagot pati mga messages k
“Anong sakit Hon?! Bakit hindi mo kagad sinabi sakin?! Kamusta ka na ngayon? At sino naman si Charles?” dire-diretsong tanong sakin ni Sebastian. Napapakunot pa ang kanyang noo samantalang napapangiti naman ako ng maramdaman kong nagseselos ito ng banggitin ko si Charles. “Hon okay na ako ngayon kaya nga ako hindi nakapagpakita ng mahigit na anim na taon sa inyong lahat dahil din sa nagpapagaling ako sa sakit na namana ko pa kay Mommy, isa rin ito sa mga naging dahilan ko kung bakit hindi ako nakapagpakita kaagad sa inyo. Nag trigged itong lahat ng magbuntis ako . Akala ko dala lang ng matinding stress kaya ako laging nahihilo at kakaiba ang aking nararamdaman, Bago pa man ako manganak ay nakita na ng mga doctor na nag-alaga sakin sa rest house ni Charles na mayroon akong cancer. Kagaya ng naging sakit ni Mommy, pinilit nila akong magpa-chemo pero hindi ako pumayag dahil nakita naman ng OB-GYNE na tumingin sakin na healthy ang kambal at hindi nakaka-apekto sa bata ang aking naging
Kaya naman di-nial ko na kaagad ang kanyang Cellphone at nagpaalam dito. Binilinan ko na din siyang maaga akong uuwi mamaya at ayusan niya ang mga kambal dahil ipapakilala ko na sa kanila ang daddy nila, pero sinabi ko kay Editha na wag munang sasabihin sa kambal ang mangyayari ngayon, gusto ko silang sorpresahin. Naramdaman ko na lang ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina sa aming kwarto. Napapapikit ang isa kong mata ng kapain ko sa aking gilid si Sebastian. Napabalikwas ako ng gising ng hindi ko ito makapa. Wala na siya sa aking tabi ng magising ako. Natakot akong baka panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, pero mabilis namang nawala iyon sa aking isipan ng libutin ng aking mata ang palagid ng loob ng silid na iyon. Nakita ko ang larawan namin ni Sebastian sa aming kasal na nasa wall sa aking ulunan. Sinuot ko na muna ang robe na hinanda niya sa gilid ng aming kama bago ako Lumabas ng kwartong iyon, naglakad na ako pababa ng aming
Maingat ang bawat pag hakbang namin ni Sebastian sa pag-akyat sa hagdan patungo sa silid laruan ng kambal. Nakasunod naman sa aming likuran si Editha dahil kalaro din ng kambal ang kanyang mga anak. Magmula ng manirahan na kami sa Pinas ay madalas ko ng pinapatulog dito sa bahay si Editha kasama ang kanyang mga anak dahil sa tuwing nadedestino ang kanyang asawa sa ibang lugar ay wala silang kasama sa liblib na bayan na kanilang tinitirhan.Pinasadyaan ko na sila ng sarili nilang kwarto para komportable siya at ang mga anak niya sa tuwing sa bahay sila natutulog. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan kung nasan sila Lindsay at Joshua. Nakita kong abala ang dalawa sa kanilang paglalaro kasama ang mga anak ni Editha, ng tignan ko si Sebastian ay nakita kong napapaluha siya ng makita niya ang silid ng kambal dahil sa malalaking mga larawan namin na nasa loob ng silid na yun. Napatingin siya sakin ng may luha sa kanyang mga mata. Napabulong na lang siya sa akin sa hangin. "THANK YOU HON!"
“Oo nga Mommy, naiinip nga kami ni Joshua dun sa big house ni Uncle Charles saka wala kaming kalaro sila Ninang Colton lang palagi pati si Nurse Michelle pati na din si Tita Editha eh hindi naman sila mga bata buti nga ngayon Mommy ang saya po namin kasi lagi namin kasama mga anak ni Tita Editha saka po yung mga classmates namin mababait silang lahat samin.” Sabi ni Lindsay“Sorry mga baby kung kailangan iyong gawin ni mommy sa inyo dati, pero anong sabi ni Mommy sa inyo? Hindi na tayo muling magtatago sa isang malayong lugar. Lagi na din nating kasama si Daddy Sebastian kahit saan tayo magpunta” Sabi ko naman sa kanilang dalawa.“Yeheeeeey! “ sabay na nagsi-lundag ang dalawa.“Gusto niyo na bang pumunta sa bago ninyong bahay? Lindsay? Joshua?” Tanong ni Sebastian sa aming mga anak.“Opo Daddy!” Sabay na tugon ng kambal.Nag-gayak na nga kami ng aming mga gamit, hindi na kami ngdala ng madami dahil may mga gamit na din kasi ang mga kambal sa bago naming bahay, kahit na noon pa ay may
Sa unang gabi namin sa bago naming bahay, ay sobrang saya ng kambal sa kanilang bagong mundong gagalawan, lahat ng gusto nila ay nakita nila sa kanilang silid. Pinahatid ko na din muna sa driver ko si Editha at ang mga anak nito pabalik sa dati kong bahay magmula kasi ngayong araw ay doon na sila maninirahan kasama ang kanyang asawa.Habang abala si Sebastian sa pakikipaglaro sa aming mga anak ay napagdesisyunan kong maligo ng una dito dahil sa magtutuyo pa ako ng aking buhok pagkatapos. Kinabukasan kasi ay maaga kaming pupunta sa bahay na tinutuluyan nila Kuya Timothy. Hindi pa alam ni Manang Luming ang tungkol sa amin ng mga bata. Sinabihan ko muna si Kuya na wag ipaalam, gusto ko itong sorpresahin.Nakahalik na ako sa kambal ng makatulog na ito sa tindi ng pagod sa kanilang pakikipaglaro. Nang sa aking pagbalik sa aming silid ay nakita ko ang aking asawa na katatapos lang din maligo, gamit niya ang puting tuwalya na pantuyo sa kanyang katawan, napapangiti ako sa nakikita ko sa aki
Kinabukasan ay dumating na ang takdang oras para harapin ko naman sila Kuya Timothy, hindi kagaya ng pagkikita namin ni Sebastian na biglaan, ngayon ay doble ang kabang nararamdaman ko sa magiging pagtatagpo namin ng aking pamilya. Una dahil sa hinanda talaga namin ang sandaling ito para sa aming pagkikita-kita. Pangalawa ay dahil sa makakaharap ko ulit sila Kuya at Manang Luming sa mahabang panahon na ako ay nagtago sa kanila , hindi ko maintindihan kung paano ko sisimulang magpaliwanag sa kanila at Pangatlo dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nameet na nila Lindsay at Joshua ang kanilang kambal na pinsan gayundin ang ibang miyembro ng aking pamilya na noon ay sa larawan lang nila nakikita. "Hon! relax ka lang, hindi naman galit sayo sila Kuya Timothy (kapit ni Sebastian ang aking mga kamay habang nagmamaneho ito, nasa likuran naman namin ang kambal na nagbubulungan sa kilig dahil sa pagkakahawak kamay namin ng kanilang Daddy.) maiintindihan ka naman nila." sabi s
Ilang minuto palang kaming nag-iiyakan at nagkakamustahan ng aking pamilya ng maramdaman kong yumayapos ang kambal sa aking binti. "Mga bad kayo, inaaway niyo ang mommy ko! bakit pinapaiyak niyo siya? Huhuhu” nagmamaktol na sabi ni Lindsay. Sumasabay ito sa pag iyakan namin. Natigilan naman ako sa aking pag iyak at bumaba ng upo para aluhin ang aking mga anak."Mommy, uwi na tayo pinapaiyak ka lang nila dito. (nagagalit ang mga ito dahil ito lang ang unang beses na nakita nila akong panay ang hagulgol) ayoko sa kanila hindi ko sila bati Mommy,(biglang baling naman ni Joshua sa kanyang Daddy Sebastian) Daddy oh tignan mo ang ba-bad nila !" galit na sabi ni Joshua. Nagkatinginan naman kami ni Sebastian. Nakakataba ng puso na malamang may malilit na anghel na handang magtanggol sa akin sa oras na may mang-api sa kanilang Mommy. Napapangiti na lang kaming lahat ng dahil sa kambal. Nakatingala ang mga itong nakatingin sakin na animo'y naghahanap ng kakampi.“Baby! Hindi nila ako inaaway.