AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
ANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
Lumalagabog na tugtugin ang sumalubong sa magkakaibigang Natalie, Colton, Nicholai, Bella and Kim. Nagka-ayaan ang mga ito na mag chill out sa isang Disco Bar ng aksidenteng maabutan ni Natalie ang kanyang long time boyfriend na si Greyson na kasamang nag-eenjoy ang kaniyang ex-girlfriend na si Anastacia sa Condo na pag-aari nito. Binili nila ito bilang love nest nila. Kaya laking gulat niya sa nagawa ng kanyang boyfriend. Kulang na lang sa kanila ay kasal para masabing sila ay mag-asawa. Kaya naman may sariling card itong si Natalie sa nasabing condo na anytime ay pede siyang makapasok. Hindi sila nagsasama pa dahil naniniwala sila parehas na magbigay ng personal space sa isa't isa upang ma-enjoy pa nila ang kani-kanilang life as single. "bessy! sinabi ko naman kasi sayo nuon pa iwan mo na yang boyfriend mong yan. Nakita mo na ginawa sayo?!" pagsisimula ni Nicholai, sa tono nito halatang concern siya sa kaibigan at the same time inis na inis ito sa ex boyfriend nitong si Gresyon.
Kinabukasan...Panay-panay ang ring ng cellphone ni Natalie. Ng tignan niya ang kanyang phone ay meron na itong 54 missed calls and 89 messages mula kay Greyson. Hindi naman ito pinansin ng dalaga at mabilis itong nagtungo sa cr. Mabilis siyang naligo at nagbihis dahil malapit na siyang ma late sa kaniyang business meeting. Pagkadating sa kanyang office ay andun na din ang kanyang kaibigan na si Bella naghihintay sa kanya. "sis nagpa-move daw last minute yung client natin! they move it to 1pm" bungad ni Bella sa kanya. "hmmm its ok so lets go first to the coffee shop on the BGC meron pa rin naman tayong oras sakto din masakit pa ulo ko sis. Hang over na din siguro!" pag-aaya nito sa kabigan. Umalis na nga muna ang magkaibigan sa kanilang office. Tutal wala naman silang next meeting. Ito lang ang sinadya nila ng araw na iyon dahil special ang client na ito para sa kanila. Big project ito kung tutuusin dahil ang ipapatayo ng kanilang client ay isang building sa isang famous area
One after another after another ang naging sitwasyon ng pakikipag date ni Natalie ng dahil sa kaniyang mga kaibigan. Kanya-kanya silang contact sa mga mutual friend nila na alam naman nilang mapapagkatiwalaan at matagal na ding may pagkagusto kay Natalie. "ano na friend?! maloloka na talaga kami sayo?!" panimula ni Kim"sis! lahat na ng pato namin pina meet na namin sayo?! pero wa epek" naiinis na natatawang asar ni Colton sa kaibigan" kaya nga friend. Lahat naman ng pinapa date namin sayo puro yummy naman. actually mas yummy pa dyan sa ex mo unless , mmmm ! dont tell me hindi ka pa rin nakaka-move on hanggang ngayon?!" curious na tanong ni Nicholai sa kaibigan."hindi naman sa ganon friend!. alam niyo naman na nabubusy na din kami ni Bella sa pag-aasikaso sa building na i-coconstruct lalo at paalis na din itong si Bella pag bumalik na naman siya sa Canada wala na naman akong makakasama, aside syempre sa ibang Engineer's namin sa Office. Iba yung andyan si Bella." pag-papaliwanag n
Lumipas ang tatlong buwan lumalim na ng lumalim na ang pag-uusap ni Angel (Natalie) at Amigo (Sebastian). Kaya napag-desisyunan nila parehas na mag-meet up na. Nagdecide silang mag-date sa hindi naman gaanong mamahaling restaurant. Si Sebastian a.k.a Amigo ang namili ng place ng kanilang unang meet-up dahil ayaw niyang i-reveal sa dalaga ang kanyang true identity dahil natatakot siya kung malalaman nito kung sino siya. Naunang dumating si Sebastian sa Restaurant na kaniyang pina-reserve. Napakagwapo nitong tignan sa kanyang itim na pants na nakatiklop sa ilalim na tinernuhan niya ng black polo shirt . Lumabas ang matikas na katawan ng binata na bumabakat sa suot nitong Polo Shirt halatang alaga nito ang katawan sa pag-gym. Ngunit kahit gaano nito itago ang kanyang true identity makikita pa rin sa kutis, kilos at gamit ng binata na may sinasabi ito sa buhay. Hindi din nagtagal dumating na din si Natalie. Nakasuot lang ito ng riped black jeans na tinernuhan nia ng white sleeveless to