“Oo nga Mommy, naiinip nga kami ni Joshua dun sa big house ni Uncle Charles saka wala kaming kalaro sila Ninang Colton lang palagi pati si Nurse Michelle pati na din si Tita Editha eh hindi naman sila mga bata buti nga ngayon Mommy ang saya po namin kasi lagi namin kasama mga anak ni Tita Editha saka po yung mga classmates namin mababait silang lahat samin.” Sabi ni Lindsay“Sorry mga baby kung kailangan iyong gawin ni mommy sa inyo dati, pero anong sabi ni Mommy sa inyo? Hindi na tayo muling magtatago sa isang malayong lugar. Lagi na din nating kasama si Daddy Sebastian kahit saan tayo magpunta” Sabi ko naman sa kanilang dalawa.“Yeheeeeey! “ sabay na nagsi-lundag ang dalawa.“Gusto niyo na bang pumunta sa bago ninyong bahay? Lindsay? Joshua?” Tanong ni Sebastian sa aming mga anak.“Opo Daddy!” Sabay na tugon ng kambal.Nag-gayak na nga kami ng aming mga gamit, hindi na kami ngdala ng madami dahil may mga gamit na din kasi ang mga kambal sa bago naming bahay, kahit na noon pa ay may
Sa unang gabi namin sa bago naming bahay, ay sobrang saya ng kambal sa kanilang bagong mundong gagalawan, lahat ng gusto nila ay nakita nila sa kanilang silid. Pinahatid ko na din muna sa driver ko si Editha at ang mga anak nito pabalik sa dati kong bahay magmula kasi ngayong araw ay doon na sila maninirahan kasama ang kanyang asawa.Habang abala si Sebastian sa pakikipaglaro sa aming mga anak ay napagdesisyunan kong maligo ng una dito dahil sa magtutuyo pa ako ng aking buhok pagkatapos. Kinabukasan kasi ay maaga kaming pupunta sa bahay na tinutuluyan nila Kuya Timothy. Hindi pa alam ni Manang Luming ang tungkol sa amin ng mga bata. Sinabihan ko muna si Kuya na wag ipaalam, gusto ko itong sorpresahin.Nakahalik na ako sa kambal ng makatulog na ito sa tindi ng pagod sa kanilang pakikipaglaro. Nang sa aking pagbalik sa aming silid ay nakita ko ang aking asawa na katatapos lang din maligo, gamit niya ang puting tuwalya na pantuyo sa kanyang katawan, napapangiti ako sa nakikita ko sa aki
Kinabukasan ay dumating na ang takdang oras para harapin ko naman sila Kuya Timothy, hindi kagaya ng pagkikita namin ni Sebastian na biglaan, ngayon ay doble ang kabang nararamdaman ko sa magiging pagtatagpo namin ng aking pamilya. Una dahil sa hinanda talaga namin ang sandaling ito para sa aming pagkikita-kita. Pangalawa ay dahil sa makakaharap ko ulit sila Kuya at Manang Luming sa mahabang panahon na ako ay nagtago sa kanila , hindi ko maintindihan kung paano ko sisimulang magpaliwanag sa kanila at Pangatlo dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nameet na nila Lindsay at Joshua ang kanilang kambal na pinsan gayundin ang ibang miyembro ng aking pamilya na noon ay sa larawan lang nila nakikita. "Hon! relax ka lang, hindi naman galit sayo sila Kuya Timothy (kapit ni Sebastian ang aking mga kamay habang nagmamaneho ito, nasa likuran naman namin ang kambal na nagbubulungan sa kilig dahil sa pagkakahawak kamay namin ng kanilang Daddy.) maiintindihan ka naman nila." sabi s
Ilang minuto palang kaming nag-iiyakan at nagkakamustahan ng aking pamilya ng maramdaman kong yumayapos ang kambal sa aking binti. "Mga bad kayo, inaaway niyo ang mommy ko! bakit pinapaiyak niyo siya? Huhuhu” nagmamaktol na sabi ni Lindsay. Sumasabay ito sa pag iyakan namin. Natigilan naman ako sa aking pag iyak at bumaba ng upo para aluhin ang aking mga anak."Mommy, uwi na tayo pinapaiyak ka lang nila dito. (nagagalit ang mga ito dahil ito lang ang unang beses na nakita nila akong panay ang hagulgol) ayoko sa kanila hindi ko sila bati Mommy,(biglang baling naman ni Joshua sa kanyang Daddy Sebastian) Daddy oh tignan mo ang ba-bad nila !" galit na sabi ni Joshua. Nagkatinginan naman kami ni Sebastian. Nakakataba ng puso na malamang may malilit na anghel na handang magtanggol sa akin sa oras na may mang-api sa kanilang Mommy. Napapangiti na lang kaming lahat ng dahil sa kambal. Nakatingala ang mga itong nakatingin sakin na animo'y naghahanap ng kakampi.“Baby! Hindi nila ako inaaway.
“Tama na muna kayong magkapatid, Tara na nga muna sa loob, pumasok na tayo at lalamig na ang pagkaing hinanda ko para sa ating lahat.” Sabi pa ni Manang Luming. "Hinanda ko ang lahat ng paborito mo Natalie at siyempre nagtanong na din ako ng mga paboritong kainin ng kambal. " pagmamayabang na sabi pa ni Manang Luming.Kinandong naman ni Daddy ang kambal sa kaniyang hita kahit na hirap siya, tinulak naman ni Sebastian ang wheelchair na sinasakyan ni Daddy habang papasok kami sa loob ng bahay nila Kuya Timothy. Tawanan ng tawanan sila Lindsay at Joshua, yakap sila ng yakap sa kanilang Lolo Patrick unang beses nilang nakita ito pero sobrang pagkagiliw ng kambal dahil ngayon ay hindi na lang puro kwento ang kanilang nalalaman tungkol sa aking pamilya, panay din ang pagkukwento ng kalokohan ni daddy sa dawalang bata kaya panay ang hagikgikan ng mga ito na akala mo’y nakasakay sila sa rides.Kapit ko naman sa braso sila Penelope at Aurora. Kung dati ay napaka-daldal ng mga ito lalo na si Pe
KIM POV Gulo-gulo ang aking condo unit. Wala akong ganang kumilos, ilang araw ng ganito ang sitwasyon ko magmula ng hulihin ng mga pulis si Andrew. Nawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay, nakahiga lamang ako sa aking sofa, nilulunod ko ang aking sarili sa pag inom ng alak, pag ma-marijuana at madalas na nag-se-session. At kapag high na ako ay kakaiba na ang trip ko. Gusto ko laging may lalaking gagalaw sa akin. Ganyan ang naging buhay ko araw-araw. Nagulat ako ng biglang mag ring ang aking cellphone nagising ako sa himbing ng aking pagkakatulog dahil sa napadami na naman ako ng inom. Pinatay ko ang tawag at hindi ko ito sinagot ngunit ilang beses itong paulit ulit na tumatawag kahit pa ilang beses ko na itong pinapatay. Napabalikwas ako sa inis dahil sa walang tigil na pagtawag ng nasa kabilang linya. Tatayo na sana ako pero nakita kong may lalaking nakapatong sa akin, Inalis ko muna ito sa kanyang pagkakahiga sa aking dibdib, kinuha ko ang tshirt na hinubad ko sa aming pagtatal
MICHELLE POV Abala akong nag-aayos ng mga dokumento na ipapadala ko sa bahay nila Natalie upang kanyang pirmahan, ng makatanggap ako ng tawag mula sa di inaasahang tao. Akala namin ay wala ng pag-asang ibenta ni Kim ang Sta. Barbara. Kalat na kasi ang balita tungkol dito na nalulong na din ito sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Napangiti ako ng marinig ko ang inilatag na offer ni Sylvia mababa pa ito sa inaasahan naming ibibigay nila. Kaya naman agad ko itong pinagsend ng proposal bago ko ito ibalita kay Natalie. Lumipas ang isang oras mula ng matapos ang pag uusap namin ni Sylvia ay dumating na ang proposal sa email na sinend ng kampo nila Kim. Kaya naman tinawagan ko na kaagad si Natalie para ipaalam dito ang napag usapan namin ni Sylvia tungkol sa proposal mula sa dati niyang kumapanya. “Hello Natalie, pasensya ka na sa istorbo alam kong busy ka pero gusto lang kitang i-update tungkol sa proposal na sinend nila Kim para sa pagbili natin ng Sta.Barbara. Na forward ko lahat ng
NATALIE POVNaghanda na nga ako ng hapunan, katuwang ko ang aming kasambahay na si Yaya Pen dahil parating ang aking mga tapat na tauhan at tinuring ko ng kapamilya na sila Maria at Michelle. Hindi pa kasi kami nakakapagkwentuhan muli ni Maria magmula ng mag-krus ang landas namin ni Sebastian, naging abala ako sa pag-aasikaso at pag-intindi ng mga bagay sa aking buhay sa nakaraan, hindi pa din dumadating ang aking asawa mula sa kanyang trabaho. Gayunpaman inabisuhan ko na siya sa pagdating ng bahay nila Maria. Wala namang problema kay Sebastian malaki ang tiwala niya sa akin pagdating sa mga taong pagkakatiwalaan kong pumasok sa aming bahay. Hindi sa nagtatago kami o natatakot kundi nag-iingat lamang kami na maantala lahat ng pinaplano namin para sa ikabubuti ng mga taong naglaan ng kanilang oras at effort para sa ikakaunlad ng aming buhay. Sa ngayon ay mas pinili namin ang pribadong pamumuhay hanggang dumating na ang tamang oras para lumabas at magpakita sa lahat.Nagluto kami ni Ya