"Please Natalie pakiusap ko sayo, wag ka munang gumawa ng eksena dito, kung haharap ka man sa pamilya mo hindi yung ganitong nakainom ka, alam kong maayos na ang lahat at pwede ka ng magpakita pero wag ngayong araw na ganito ang kondisyon mo " sabi ni Maria sa akin. "Huhuhu! bakit ba kasi ngayon ito nangyari kay mommy! hindi man lang ako nahintay ng ilang araw na lang, (napapahampas ako sa inis sa aking manibela) pwede na akong magpakita sa kanilang lahat ngayon! huhuhu" pagsusumamo ko kay Maria. Napatingin ako sa kanya. Gustuhin ko mang magpakita pero tama si Maria, sa tagal kong nawala sa buhay ng aking pamilya hindi naman ako maaring magpakita sa kanila ng ganito ang aking itsura. Lalo na para maka-agaw ng atensyon sa burol ng aking ina. Nirerespeto ko ang aking mommy, kaya naman napapasandal ako sa aking upuan at napapabuntong hininga ng malalim, tumingala ako para pigilan ko ang aking mga luha pero kahit anong gawin ko ay tuloy ang pag-agas nito sa aking mga mata."naiintindihan
Niyaya na ako ni Sebastian sumakay sa kanyang sasakyan. Sumama naman ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan dahil asawa ko naman ito at malaki ang pagkakasala ko sa kanya. Nang kami ay makasampa na sa kanyang Lexus Car ay hindi kami kaagad umalis. Ilang minuto muna kaming nagtitigan at nagkamustahan. Puno ng kaligayahan ang aming mga mata. Kapit din ni Sebastian ang aking kamay. Nakaharap kaming nakaupo sa isa’t isa. “Natalie, Hon hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito ka na sa aking harapan, di ko inaasahan na dito pa tayo magkikita sa ganitong pagkakataon , pasensya na Hon, nalulungkot lang talaga ako kaya ako nandito ngayon. Simula ng nawala ka parang nawalan na din ng saysay ang buhay ko pero pangako hinding hindi ako tumingin sa iba kahit na wala ka sa aking tabi. Kung san san kita hinanap, madami ding tao ang aking binayaran para lang magkaroon ng lead sa kinaroroonan mo, kahit pa sa media ay humingi na din ako ng tulong, ultimo mga kaibigan ko ay kumilos din
"Kasi Hon, natakot pa akong iharap sayo ang kambal. Simula ng maliit pa sila ay kilala ka na nila pati na sila Kuya. Hindi lang kami nagpapakita sa inyo pero may detective akong binayaran para sundan kayo. Lagi siyang nag-se-send ng update sa akin ng mga ngyayari at mga larawan niyo. Lagi kong sinasabi sa kambal na ikaw ang ama nila, katunayan sa silid nila ay may larawan mo na nakalagay , galit lang ako Sebastian pero hindi ko tatanggalan ng karapatan ang kambal na malaman nila ang totoo sa kanilang pagkatao." sagot ko naman sa kanya. Napaluha naman si Sebastian sa aking sinabi. " Hon salamat, dahil sa kabila ng galit mo sa akin ay nagawa mo pa rin akong ipakita sa mga anak natin." sabi niya sa akin. "mabuti pa siguro magpunta na muna tayo sa silid natin. Para makaligo ka at ng mapuntahan na natin ang kambal." dugtong pa niya. Sumama naman ako sa kanya at maghawak ang aming kamay ng kami ay magtungo sa aming kwarto. Sumusunod lang ako sa kanya kahit saan niya ako dalhin dahil hindi
Nahiga na kami sa kama at nagkuwentuhan, hindi kami parehas makatulog kaagad dahil sa pagkamiss namin sa isa't-isa. Nakasandal kami ni Sebastian parahas sa headboard ng aming kama ng kuhain niya ang aking katawan at isandal ito sa kanyang dibdib. Madami kaming bagay na dapat pag-usapan ni Sebastian at marami rin akong gustong sabihin sa kanya . Kung ang dating Natalie ang bangka sa aming relasyon ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. Tila umurong ang aking dila dahil sa mga nangyari o dahil sa involve ang pamilya niya kung bakit kami ngkagulo-gulo. Nirerespeto ko din ang mararamdaman ng aking asawa kaya ayokong magsabi ng mga salitang makakasakit sa kanya. Nang mapansin iyon ni Sebastian ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang hinihimas niya ang aking braso ay biglang nagtanong si Sebastian sa akin "Hon gusto ko lang sanang malaman kung bakit ka nagtago sa akin? Ilang beses akong tumatawag sayo noon pero hindi mo ako sinasagot pati mga messages k
“Anong sakit Hon?! Bakit hindi mo kagad sinabi sakin?! Kamusta ka na ngayon? At sino naman si Charles?” dire-diretsong tanong sakin ni Sebastian. Napapakunot pa ang kanyang noo samantalang napapangiti naman ako ng maramdaman kong nagseselos ito ng banggitin ko si Charles. “Hon okay na ako ngayon kaya nga ako hindi nakapagpakita ng mahigit na anim na taon sa inyong lahat dahil din sa nagpapagaling ako sa sakit na namana ko pa kay Mommy, isa rin ito sa mga naging dahilan ko kung bakit hindi ako nakapagpakita kaagad sa inyo. Nag trigged itong lahat ng magbuntis ako . Akala ko dala lang ng matinding stress kaya ako laging nahihilo at kakaiba ang aking nararamdaman, Bago pa man ako manganak ay nakita na ng mga doctor na nag-alaga sakin sa rest house ni Charles na mayroon akong cancer. Kagaya ng naging sakit ni Mommy, pinilit nila akong magpa-chemo pero hindi ako pumayag dahil nakita naman ng OB-GYNE na tumingin sakin na healthy ang kambal at hindi nakaka-apekto sa bata ang aking naging
Kaya naman di-nial ko na kaagad ang kanyang Cellphone at nagpaalam dito. Binilinan ko na din siyang maaga akong uuwi mamaya at ayusan niya ang mga kambal dahil ipapakilala ko na sa kanila ang daddy nila, pero sinabi ko kay Editha na wag munang sasabihin sa kambal ang mangyayari ngayon, gusto ko silang sorpresahin. Naramdaman ko na lang ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina sa aming kwarto. Napapapikit ang isa kong mata ng kapain ko sa aking gilid si Sebastian. Napabalikwas ako ng gising ng hindi ko ito makapa. Wala na siya sa aking tabi ng magising ako. Natakot akong baka panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, pero mabilis namang nawala iyon sa aking isipan ng libutin ng aking mata ang palagid ng loob ng silid na iyon. Nakita ko ang larawan namin ni Sebastian sa aming kasal na nasa wall sa aking ulunan. Sinuot ko na muna ang robe na hinanda niya sa gilid ng aming kama bago ako Lumabas ng kwartong iyon, naglakad na ako pababa ng aming
Maingat ang bawat pag hakbang namin ni Sebastian sa pag-akyat sa hagdan patungo sa silid laruan ng kambal. Nakasunod naman sa aming likuran si Editha dahil kalaro din ng kambal ang kanyang mga anak. Magmula ng manirahan na kami sa Pinas ay madalas ko ng pinapatulog dito sa bahay si Editha kasama ang kanyang mga anak dahil sa tuwing nadedestino ang kanyang asawa sa ibang lugar ay wala silang kasama sa liblib na bayan na kanilang tinitirhan.Pinasadyaan ko na sila ng sarili nilang kwarto para komportable siya at ang mga anak niya sa tuwing sa bahay sila natutulog. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan kung nasan sila Lindsay at Joshua. Nakita kong abala ang dalawa sa kanilang paglalaro kasama ang mga anak ni Editha, ng tignan ko si Sebastian ay nakita kong napapaluha siya ng makita niya ang silid ng kambal dahil sa malalaking mga larawan namin na nasa loob ng silid na yun. Napatingin siya sakin ng may luha sa kanyang mga mata. Napabulong na lang siya sa akin sa hangin. "THANK YOU HON!"
“Oo nga Mommy, naiinip nga kami ni Joshua dun sa big house ni Uncle Charles saka wala kaming kalaro sila Ninang Colton lang palagi pati si Nurse Michelle pati na din si Tita Editha eh hindi naman sila mga bata buti nga ngayon Mommy ang saya po namin kasi lagi namin kasama mga anak ni Tita Editha saka po yung mga classmates namin mababait silang lahat samin.” Sabi ni Lindsay“Sorry mga baby kung kailangan iyong gawin ni mommy sa inyo dati, pero anong sabi ni Mommy sa inyo? Hindi na tayo muling magtatago sa isang malayong lugar. Lagi na din nating kasama si Daddy Sebastian kahit saan tayo magpunta” Sabi ko naman sa kanilang dalawa.“Yeheeeeey! “ sabay na nagsi-lundag ang dalawa.“Gusto niyo na bang pumunta sa bago ninyong bahay? Lindsay? Joshua?” Tanong ni Sebastian sa aming mga anak.“Opo Daddy!” Sabay na tugon ng kambal.Nag-gayak na nga kami ng aming mga gamit, hindi na kami ngdala ng madami dahil may mga gamit na din kasi ang mga kambal sa bago naming bahay, kahit na noon pa ay may
ANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo
JOSHUA POV Mabilis na lumipas ang panahon. 4 na taon na kaagad ang nagdaan magmula ng lumipad ako patungo dito sa Amerika para mag-aral. Ilang buwan na lang at mag-gagraduation na kami. Magmula ng huling insidenteng ngayari kay Julie ay hindi ko na siya hinayaang magbyahe papasok at pauwi mula sa eskwelahan, nakiusap ako sa kaniya na pumayag siyang araw-araw ko siyang dadaanan papasok at ihahatid ko siyang pauwi. Nagpapasalamat naman ako at pumayag siya sa aking kahilingan. Binakuran ko na din si Julie, wala ng makapangulit pa sa kaniya dahil araw-araw na nakikita kami ng lahat na magkasama sa tuwing puampasok kami sa eskwelahan. Wala na ding kababaihang lumalapit sa akin ngunit madami pa din ang laging nakatingin at kinikilig ng pasimple sa tuwing dumadating kami sa campus. Pumayag din siyang ligawan ko siya. Kahit na hindi niya ako pinapakilala sa Mommy niya ay naiitnidihan ko siya. Matiyaga kong hinintay na matapos ang practice ni Julie, nakaupo lang ako sa bench ng gymnasium sa
Binaba naman ni Kevin at mayabang na pinuntahan ang sasakyang humarang sa aming harapan. Kinatok niya ang salamin ng sasakyang iyon. Laking gulat niya ng lumabas mula sa driver seat si Joshua. Maski ako ay nagulat sa kanyang pagsulpot. Hindi ko inaasahang darating ito sa oras na kakailanganin ko siya. "anong ginagawa mo dito Joshua?" natatarantang tanong ni Kevin. Kita sa mukha nito ang takot ng makita si Joshua. Hindi niya maintindihan kung babalik ba siya ng sasakyan o mananakbo papalayo. "Hindi pa ba kayo nadadala?! Ibaba niyo na si Julie ng hindi na tayo magkagulo!" matapang pero mahinahon na pagkakasabi ni Joshua kay Kevin. Agad naman napabalik sa sasakyan si Kevin. Gusto pa sana nitong patakbuhin ang sasakyan pero humarang si Joshua sa harapan nito. Walang nagawa sila Kevin kundi ang pababain ako at humarurot papalayo kay Joshua. Kilala niya si Joshua, kaya siyang patumbahin nito at alam na alam niya iyon dahil naranasan na niyang makasuntukan itong si Joshua noon sa campus.
JULIE POV Kasabay ng pag-alis nila Joshua mula sa party na hinanda ni Jameson ay sya din naming pag-alis.. Napagdesisyunan naming umuwi na din dahil sa sobrang kalasingan nila Jameson ay nagiging makulit na ang mga ito. Dumagsa na din ang mga bisita niyang gumagamit ng weeds , naging mapilit din si Joshua na sumabay na kaming umuwi sa kanila kaya naman sabay sabay na din kaming nagpaalam kila Jameson. Pilit man kaming awatin ni Jameson ay nagmatigas si Joshua sa kaniyang uuwi na kaming magkakasabay dahil sa takot din siya sa kayang gawin ni Joshua ay hindi na siya nagpumilit pa. Napapatitig naman ako kay Joshua sa lahat ng pinapakita niyang kabaitan sa akin. Sumabay naman ako sa sasakyan kila Nicole. Kahit na nag insist si Joshua na ihatid ako sa aming bahay ay hindi ako pumayag sa kadahilanang ayokong makita siya ni Mommy. Sinabihan ko siyang kila Nicole na lang ako sasabay. Pagdating sa aming subdivision, hindi naman na ako nagpahatid kay Nicole hanggang sa tapat ng aming bahay p
JULIE POVBalitang balita sa buong campus ang nangyari kila Mizzy, hindi ko inaasahan na ganoon pala kayaman itong si Joshua. Ganun pa man ay hindi iyon ang dahilan kung bakit nais kong magpasalamat sa kaniya. Dahil sa humigit kumulang 2 taon na pagtitiis mula sa pambu-bully nila Mizzy sa akin sa wakas ay magkakaruon na ako ng katahimikan. Ito na ang huling araw nila Mizzy sa campus, kasabay ng kanilang pag-alis ang pag-iimpake ng kaniyang Daddy dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho ng dahil sa pangyayari sa pagitan nila Kevin at Joshua.Mabilis na lumipas ang isang taon. Nagtapos na naman ang aming klase, naging mapayapa na ang eskwelahan sa pagkakaalis nila Mizzy, naging magaan para sa lahat ng estudyanteng tapusin ang school year ng walang iniiwasan. "Julie mamaya yung party sa bahay wag kayong mawawala aah! asahan ko kayo?" sabi ni Jameson sa akin, nagpupumilit ito na papuntahin ako sa kanilang bahay"naku Jameson hindi ako sure, madami pa kasi akong gagawin bukas!" pagdadahila
"Sino ka para ganyanin ang anak ko! lapastangan!" Nakatiim bagang na sabi ni Daddy. "Im sorry Mr. Eduardo pero hindi niyo ata naturuan ng maayos ang anak ninyo, kaya dahil sa pagiging bastos niya ay kailangan na namin siyang i -kick out sa eskwelahang ito. Hindi siya nababagay dito" mayabang na sagot ni Mr. Suarez kay Daddy. Hindi naman sumagot si Daddy bagkus ay humarap siya sa amin at tinanong ang aking kaibigan"Jake ano bang nangyari dito?" "Naku tito ,sila Kevin naman po talaga ang nangunguna, unang beses na sinuntok nila si Joshua hinayaan na nga sila pero hindi pa rin tumigil talagang hinabol pa nila si Joshua kaya nakipag rambulan na po kami. Napaka-bully naman talaga ng grupo niyan pati yan ding si Mizzy" nakakapit si Jake sa kaniyang panga habang nagkukwento kay Daddy. "Have you heard what this student say Mr. Suarez?" seryosong tanong ni Daddy kay Mr. Suarez, kilala ko ang Daddy ko hindi siya mahilig sumuong sa kahit na anong away namin ni Lindsay pero iba na kasi ang si